fake

paghinga/winrina
Please Subscribe to read the full chapter

"Hoy Winter lunes na lunes wala ka bang pasok?!" malakas na sigaw at katok sa pinto ng kwarto ko ang narinig ko.

 

Nagising akong gulat na gulat sa sigaw ni ate Taeyeon agad akong napahanap sa phone kong nasa ilalim ng unan ko at tinignan ang oras ! 9:35am na hindi na ako nakapasok sa unang subject ko at mukhang malalate pa ako sa pangalawa. Napansin ko rin na marami na akong messages at ilang missed calls, hindi ko na muna ito binuksan at dumiretso na sa banyo para maligo. 

 

Hindi ko na kasi namalayan kung anong oras na ako nakatulog kagabi, ang dami lang pumapasok sa isip ko. Buong araw akong nagoverthink kahapon sa nangyari noong saturday buong araw din kasing hindi nagparamdam si Karina sakin kadalasan naman kasi nagmemessage or chat yon pag walang pasok lagi siyang nagsasabi kung anong ginagawa niya lalo na pag kasama niya yung tita niya. Pero buong araw siyang hindi nagmessage hindi rin siya nagstory sa IG na lagi niya namang ginagawa rin. Hinintay ko rin yung message niya hanggang gabi baka kasi sobrang busy lang siya kaya hindi nagparamdam, kaya rin nga ako hindi nakatulog agad kakahintay. Parang nahiya rin kasi akong magmessage ng una pero bumati naman ako ng good morning pero hindi niya manlang sineen kaya hindi na ulit ako nagmessage pa ulit sa kanya.

 

Pagkatapos kong maligo at magbihis mabilis na rin akong bumaba at kinausap si ate, magpapahatid nalang ako tinatamad kasi akong magcommute ngayon tapos hindi nalang rin ako papasok ng second subject hihintayin ko nalang sila para sa third subject. Sa buong buhay ko ata ngayon palang nangyari sakin ang malate at hindi pumasok kasi nga grade concious ako ayoko sa lahat yung nadudungisan ang aking school record. Hindi naman sa sobrang higpit ni mama or ni ate sa grades ko wala lang din naman sa kanila kung hindi matataas yung grades ko. Ako lang talaga tong nasanay dahil yung lola ko may pagkastrict sa pag-aaral, lumaki akong dapat nasa honors ako lagi noong buhay pa siya. Pero nag-eenjoy rin naman kasi talaga ako mag-aral kaya kahit wala na si lola gusto ko nasa honors padin ako ayun lang ata ang nakuha ko sa kanya.

 

"Ate hatid mo ako please." pakiusap ko sa kaniya nakita ko naman siyang nagkakape habang nasa tapat ng laptop niya.

 

Wala kasi siyang pasok ngayon nagfile siya ng 3 days leave kasi daw may pinapa-asikaso sa kanya si mama about sa tax. Mamaya pa rin naman siya aalis tsaka malapit lang naman yung campus kaya hindi naman siya mahahassle. Kadalasan din naman pag andito siya nagpapahatid talaga ako.

.

"Sige wait lang ubusin ko lang to" taas niya ng tasa ng kape niya.

 

Habang hinihintay ko naman siya naisipan ko ng buksan yung mga messages sa phone ko.

 

Puro sila Ning at Ryujin lang naman tsaka isang text galing kay Mark nagtatanong lang kung papasok pa daw ba ako, nagreply naman akong papasok nalang ako sa entrep namin kasi nalate akong nagising nagreply rin naman agad si Ning na buti nalang daw wala naman silang ginawang importante kaya swerte ako. Hindi na rin ako nagreply sa kanya.

 

Nadisappoint naman ako ng wala manlang message kahit isa si Karina, kadalasan naman nagtatanong yon pag gantong malalate ako lalo na ngayon hindi ako nakapasok.

 

"Ang agang pagsimangot naman nyan, tara na baka malate ka pa." biglang sabi ni ate kaya napatingin ako sa kanya. Hindi na siya nagpalit ng damit idodrop off niya lang naman ako.

 

"Late naman na talaga hindi na ako nakapasok ng dalawang subject." Sabi ko sa kanya na natatawa hindi na rin naman kasi ako pinapakialaman ni ate pag tungkol sa pag-aaral ko sabi niya kasi malaki na ako alam ko na ang tama at mali.

 

"Bago yan ah.. eto na ba ang bulakbol era mo?" tumawa lang din siya  "Tara na dadaanan ko pa si Sunny sa kanya nalang ako magpapasama hindi daw pwede si Yuri ngayon" 

 

 

 

Pagkahatid sa akin ni ate sa tapat ng gate nakita ko agad si ateng lady guard na nagsasaway sa mga studyante na hindi suot and ID. Hahabulin ka pa niyan kasi pag tinakasan mo siya minsan yung ibang studyante din kasi tinatakbuhan talaga siya kasi sobrang higpit niya sa ID. Noong  first year ako lagi akong pinapagalitan niyan tuwing papasok ako kasi lagi kong nakakalimutan isuot yung ID ko hindi ko kasi trip yung lanyard na gamit namin tapos bawal naman magpalit kailangan daw kasi kung anong lanyard ng course mo ayun lang yung pwedeng gagamitin.Hanggang sa nakasanayan ko nalang din na suotin yung ID ko kesa magtagal pa ako sa gate kakasermon sakin niyan ni ate guard kilalang-kilala na nga niya ako tawag niya na sakin si ate kalimot. Yamot lang talaga tuwing umaga kasi kahit suot ko naman na yung ID ko tatawagin niya parin ako.

 

Pagkapasok ko ng camous napatingin naman ako sa relo ko sa kamay, 10am na rin pala may kalahating oras pa bago matapos yung second subject  namin maghihintay nalang siguro ako sa library. Tinext ko na rin si Ning na nasa library lang ako at i-text nalang niya ako pag nadismiss na sila kasi may 30 mins break pa ulit bago yung entrep namin. Panigurado mag-aaya silang maglunch niyan sasama nalang rin ako dahil hindi pa rin naman ako kumakain. Pagtapos naman ng entrep namin may isa pa kaming subject bago kami magsi-uwian pero dahil mga gala yung mga friends ko feeling ko mag-aaya pa silang magkape niyan. Every monday kasi talaga hanggang 2:30pm lang kami. Pag tuesday, thursday at friday naman yung punuan naming subject kasi hanggang 5pm kami nun pero minsan naman hindi kami umuuwi agad pag monday and wednesday kasi gagawa kaming papers sa library or magkakape. Hindi rin kasi namin kinuha yung NSTP2 namin ngayon kaya bawas din siya sa unit ngayong sem sabi kasi nila next sem na namin kunin siyempre si G ang pasimuno niyan siya kasi yung paladesisyon sa tropa char.

 

Nagpunta nalang akong library magbabasa basa nalang siguro ako habang naghihintay sa kanila.

 

 

-

Hindi ako nakapag-basa, nakatulog ako. Nagising nalang ako nung naramdaman kong nagvibrate yung phone kong nakapatong sa table. Nagtext na kasi si Ning na tapos na daw yung klase nila at hintayin nalang nila ako sa harap gate. Nag-aaya daw magmcdo si G okay lang din naman yung mcdo kaso hindi ako nabubusog dun gutom pa mandin din ako gusto ko sana sa BM or hollywood pero okay lang wag lang sa canteen sa loob ng campus hindi kasi masarap yung pagkain dun wala kasi talagang lasa para kang kumakain sa hospital.

 

Pagkalabas ko naman sa gate nakita ko na silang naghihintay sakin, binati ako ni Ning at Ryujin si Giselle tumango lang habang si Karina hindi tumitingin sa akin tinanong ko na din kung bakit wala si Mark sabi nila susunod nalang daw kasi may kinausap na prof.

Naglakad naman na kami papuntang mcdo sa tapat lang naman yun kaya nakarating agad kami, hindi talaga ako pinansin ni Karina hanggang makapasok kaming mcdo tinabihan ko pa mandin siya maglakad pero busy lang siyang nakikipag-usap kay G kaya nung nakapasok kaming mcdo tumabi nalang ako kay Ning tapos hindi na rin nagsalita nawala na kasi ako sa mood. Tinanong din nila bakit ako nalate sabi ko nalang nalate ako ng gising, tapos hindi na nila ako kinausap napansin rin ata nilang wala ako sa mood.

 

Natapos kaming kumain na sila G at Ryujin at Ning lang yung mga naguusap sumasagot lang si Karina pag kinakausap siya ako naman ginawang busy ang sarili sa pagkain ng chicken ko. Hindi ko nalang inisip kung bakit hindi namamansin si Karina baka panget lang yung gising niya kadalasan kasi ganyan talaga siya, pag wala siya sa mood hindi siya namamansin.

 

Nandito na kami sa room namin sa entrep pero hindi parin kami nagpapansinan ni Karina hindi nga rin siya tumabi sakin na dapat magkatabi kami pero nakipagpalit siya ng upuan dun sa isa naming kablock na katabi ni G. Nakahalata nga ata sila Ryujin na hindi kami naguusap kasi tinanong niya si Karina bakit hindi siya tatabi sakin dinahilan niya lang na may pinaguusapan daw kasi sila ni G, siyempre ang dalawa kong chismosang friends tumabi sakin at nagtanong kung bakit hindi kami nagpapansinan. Sabi ko nalang inaantok ako tapos si karina busy makipagusap, siyempre hindi sila naniwala pero hindi na sila nagtanong ulit kasi dumating na yung prof namin.

 

Simula pa talaga pagdating ko kanina hindi niya talaga ako tinignan kahit isang beses hindi ko rin talaga alam kung bakit pero kung tungkol to sa nangyari noong saturday hindi ba dapat ako ang hindi mamansin sa kanya, siya kaya itong biglang nanghahalik tapos siya tong iiwas parang hindi fair. Hindi ko tuloy siya matanong kung bakit niya ginawa yun dapat pag-uusapan namin yun dahil naguguluhan talaga ako pero mukhang hindi mangyayari dahil umiiwas siya. 

 

Uwian na namin..

 

Kanina ko pa siya tinititigan hindi na nga ako nakinig dun sa prof namin para lang mahuli manlang yung tingin niya pero kahit isang beses hindi siya tumingin sakin or kahit kila Ning na katabi ko tutok lang siyang nakikinig sa lesson tapos nagsusulat ng notes. Sana all nakakapagfocus ako kasi gulong gulo na sa inaasta niya sa pagkakaalam ko wala akong ginawang masama sa kanya para hindi niya ako pansinin.

 

Noong nagsilabasan na yung mga kablock namin tinry ko siyang lapitan pero hinila niya lang si G tapos sumigaw na magrerestroom lang daw sila pero hindi parin nakatingin sa akin kila Ning siya tumingin.

 

Nagkatingina

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
A4_chae
Sorry for madalang na update this week medyo sabaw lang po bawi ako this week tadtarin ko kayo ng updates labyu ol <3

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 5: yieeee, mag-uusap na silaaa 😭
iamriou_
1170 streak #2
Upvoted and subscribed. <3
yukimin
#3
Chapter 5: usap for real na ha may nag imissyou na eh nako bff g pabulong naman
yooji_____ #4
Chapter 5: mag first move is the key everyone hahahaha
dork_seulgi_k
872 streak #5
Chapter 5: yiieee gagi baka alam ni giselle na may gusto talaga si jimin kay winter hehe char
kwonjess13 #6
Chapter 5: ayan na mga bakla mag uusap na ung magbff in person!!! ang sus na ni g tas ang sus pa ni ning. ung totoo anumeron bakit ang sus ng mga tao. fishing ba si gi ng info about sa feelings ni winter kay karina? bakit biglang bait sya ha. at sino namang kalandian ni ning at blooming sya lately.....kilig malala sa dulo hmpf miss nyo na pala isat isa e di magpansinan na kayo!
yurielle
#7
ito na, babasahin ko na tlga...🥲 nakalimutan ko basahin noong nakaraang araw huhu
yukimin
#8
Chapter 4: ay hmm binakudan na pala dati?baka naman may effect ang kiss kaya umiwas👀
oofiee 1055 streak #9
Chapter 4: hala winter dapat matutunan mo ring magtext first-
renebae_joohyun #10
Chapter 4: jelly ace