Wakas?

Payong, Silong, at Ulan
Please log in to read the full chapter

Isang taon na ang nakakalipas simula nung magkakilala kami ni Jimin. Parehas na kaming nagt-trabaho pero mas maluwag yung schedule ko dahil 50% ay work from home ako. Sila ate Seulgi naman at ate Irene, nag click agad. As in, simula nung pumunta sila sa bahay namin. Akala siguro ni ate Irene makulit na siya sa lagay na ‘yon. Ang hindi niya alam, may mas makulit sa kanya. Ang cute lang nila magbangayan, first day na first day palang sila nagkita pero ang ingay na nila.

 

Pero anyway, naalala ko rin bigla yung tanong ni tita kung ako raw ba ‘yung batang kasama during HMO meeting, yep ako nga ‘yon. Most of the time, kasama ako sa mga lakad ni mommy at doon ay marami akong nakikilala. Nag-iikot kami noon minsan sa bahay-bahay kapag nagha-handout kami ng invitations kapag may upcoming occasions.

 

2 years ago, first time na establish ang HMO at si mommy ang nahalal na president. Paano ba naman, months before, nakisali si mommy sa small gathering ng mga nanay dahil may Mother’s Day celebration. Inarrage ito ng mga tatay ng respective phases. The event was divided into 3 separate days; phases 1&5 for day 1, phases 2&3 for day 2, then phases 4&6 for day 3. I can’t forget that day, kasi sobrang lasing si mommy and almost 100 meters before ako makarating sa clubhouse ay naririnig ko na boses niya. Grabe, sobrang nakakahiya pero tuwang-tuwa ata sa kanya yung mga nanay kasi ang galing bumirit ni mommy. Jusko. Ang kinalabasan? Ang daming bumoto kay mommy. Singer ata hanap nila, hindi president.

 

And so, ayon nga. During meetings, nandon ako kasi hindi naman talaga kaya ni mommy mag-ayos ng documents kapag soft copies na ang usapan. So, even if I’m busy with my studies that time ay ako na nga ang natulong sa pag a-arrange ng files regarding sa HMO. We also handed out invitation cards and freebies noon. Sa span ng isang taon, my mom did great with her duties. Pero hindi kasi pwedeng magtagal sa pwesto, that’s why after ng term niya ay hindi na siya tumakbo ulit. Dahil nga ang ganda ng performance ni mommy during her term, nakilala siya sa subdivision and they even asked her to run again kahit VP, but ayaw niya kasi masyado raw matrabaho. As for me, nakabisado ko nga yung buong phase 2 and 3 dahil sa activities noon. Yung 2&3 kasi ang usually magka partner sa events. Easy lang sa akin ang pag j-jogging dahil kabisado ko bawat sulok nung dalawang phases.

 

Grabe, parang kalian lang. Sa totoo lang, mahiyain talaga ako at hindi ako basta-bastang nakikipagusap kung kani-kanino. Kapag may meeting or activity kami, lagi lang naman akong nasa gilid. Ayaw ko lang ng mapapansin ako masyado. Pero yung araw na nakita kong paiyak na si Jimin habang maraming bitbit, ayon din ang araw na naglakas loob akong lapitan siya.

 

Napapansin ko na siya dati pa. Pinapagmasdan paminsan minsan kapag nakikita ko siya sa subdivision or sa clubhouse. Ako rin ang naging photographer noon during Christmas party. Per family yung picture taking at napansin ko na siya noon, nag standout kasi yung kagandahan niya sa lahat ng tao nung gabi na ‘yon.

 

So ayon nga. Yung araw na nilapitan ko siya ay naulan, tapos basa ang kalsada, nasira pa yung payong niya. Actually, nakita ko siyang naka silong sa terminal ng mga tricycle noon. Nasa 7/11 ako at pinapanood lang siya, hanggang sa umalis na siya sa terminal at naglakad muli. Ilang minuto palang ang lumilipas, napansin ko kasing lumalakas yung buhos ng ulan tapos naalala ko na ang dami niyang dala. Nagbakasakali lang ako na baka nahihirapan siya sa bitbit niya. Kaya napagpasyahan kong umalis na sa 7/11 at tignan kung kumusta na siya. Kaso, sakto… ayon. Nasira bigla yung payong niya. Para siyang batang paiyak na, kaya tumakbo ako papalapit sa kanya.

 

“Ah, kailangan mo po ng tulong?” pinakaunang usapan namin. Gusto ko na siyang payungan kasi mababasa siya masyado. Kaya pagkasabi niya palang ng oo, pinayungan ko na agad siya.

 

“Nababasa ka po, baka magkasakit ka.” sabi ko pa noon. Ang cringey ko ata kapag naaalala ko na naman ‘to.

 

Pagkatapos nung araw na ‘yon, akala ko ay hindi ko na siya ulit makakausap. Napapatingin ako sa bahay nila kapag nag j-jogging ako. Gusto ko sana mag doorbell pero alam kong matatameme lang ako. Hanggang sa lumipas ang tatlong araw, kinatok ako ni manang at sinabing bumangon ako at ipinapatawag ako ni mommy.

 

“Minmin, tawag ka ng mama mo. Gumising ka na raw.”

 

Hindi ko sana papansinin kasi halos kakatulog ko lang noon, kaso blinackmail ako.

 

“Kapag hindi ka raw tumayo diyan, isusumbong ka raw niya sa papa mo na nagpupuyat ka na naman.”

 

Ang KJ, no? Gusto ko lang naman matulong.

 

“Sige po, manang. Baba na po ako maya-maya.” syempre, wala naman akong magagawa.

 

Kung aalalahanin ko nga yung nangyari, nakakapagtaka kung bakit hindi sinabi ni mommy na may bisita pala. Kasi pagkababa ko, nakita ko si Jimin at si ate Irene. Pucha, hindi pa ako nakakapagsuklay. Hindi pa rin ako nakakapag toothbrush. Nakakahiya talaga ‘yon. Pero sabi ni mommy, gusto niya lang ako isurprise kasi first time kong magkabisita sa bahay. Bas2s. 

 

“A-ah, kanina p-pa kayo?” self! Bakit ka naman pag-utal ka pa noon? Nakakahiya naman. Gusto ko nalang i-disown sarili ko.

 

“Hindi naman.” sabi ni Jimin. Sa pagsabi niya non, sa totoo lang… namiss ko boses niya.

 

Nakaka miss naman balikan yung nakaraan. Kung siya lang din ang laman ng ala-ala ko, kahit iloop ko pa every day yung nangyari. Kahit nakakahiya.

 

“Minjeong!” sigaw ni mommy.

 

Tumayo ako sa kama ko at nag-unat. Ano ba ‘yan. Nagiimagine pa ako eh. Magbibihis muna ako bago ako lumabas ng kwarto, naka sando lang kasi ako tsaka shorts. Day-off ko ngayon, no work from home or work sa office. Inuna kong magpatong ng jogging pants. Ipapatong ko lang kasi tatanggalin ko rin naman ulit pag nasa kwarto ulit ako. Minsan kasi ay tatawagin lang ako ni mommy para maglagay ng tubig sa pitchel. Galing diba?

 

Biglang may kumatok. Ang kulit naman ni mommy eh, “Ma, ang kulit. Nagbibihis lang po ako.”

 

Binuksan ko ang pinto… tapos. Puta. Pinagbagsakan ko si Jimin ng pinto. Anong ginagawa niya rito?

 

“Jimin, sorry. Wait lang.”

 

“Ayaw ko,” sabi niya. Binuksan niya yung pinto. Teka, hindi pala nakalock.

 

“W-wait!”

“Nahiya ka pa sa akin. Ano pake ko sa dibdib mo, Min? Meron naman ako niyan.”

“Edi wow. Labas ka nga. Conservative ako no?”

“Lolo mo, conservative.”

“Susumbong kita kay lolo. Sana dalawin ka.”

“Edi dalawin ako. Pakilala ko siya kay lola, baka type niya si lola.”

“Alam mo, napaka sira ulo mo talaga. Manang mana ka kay ate Irene.”

 

Tumawa naman siya. Anong nakakatawa? Gusto ko lang naman magbihis.

 

“Bilisan mo magbihis. Kakain tayo sa baba.”

“Ano ba meron?”

“Wala lang, nagdala kami ni ate ng palabok tsaka cake. Birthday ng kapitbahay namin eh.”

“Dinamay mo pa talaga kapitbahay niyo, ano? Sabihin mo, miss lang ni ate Irene si ate Seul.”

“Eh paano ‘yon? Miss na rin kita.”

“Ewan ko sa’yo.”

 

Hindi ko alam kung ano bang nagustuhan ko rito. Lahat nalang ata sa kanya ay joke lang. Baka mamaya kapag niligawan ko ‘to, baka akala niya eh joke lang eh.

 

Nagbihis na ako, at dahil nandito si Jimin sa kwarto ay hindi ko na matatanggal yung sando ko kaya nagpatong nalang ako ng light blue shirt. Hindi bagay sa jogging pants ko, ang baduy. Ito kasing si Jimin, hindi makapag hintay.

 

Pagkababa namin, agad ko naman nakita si ate Irene at ate Seul sa sofa. Ang sweet nilang dalawa, pero pustahan ang ingay na naman dito mamaya kasi mag-aaway sila. Hindi ko kasi maintindihan yung dalawa kung sino ba yung mas nag dodominate. Si ate Irene kasi, asar-talo kay ate Seul pero shut up naman si ate Seul kapag nagseryoso si ate Irene. Tapos itong si ate Seul, kapag magkasama sila eh parang gusto laging makipag bardagulan. Kapag wala naman si ate Irene, akala mo pinagsakluban ng langit at lupa. Tapos ang effort din kapag nasa mood siya. Sa totoo lang, nanibago ako kay ate Seul kasi hindi naman siya ganyan dati.

 

Oo, makulit. Pero kasi iba ngayon. Mukha siyang hindi seryoso pero matino na siya sa lagay na ‘yan. Si ate Irene lang nagpatino sa kan’ya. Loko-loko kasi ‘yan. Pa-fall, palibhasa alam kung paano kumuwa ng damdamin ng iba. Umabot nga raw sa time na may nangsugod sa bahay nila kasi hinahabol siya nung babae. Cliché, pero it happened. Iba talaga ngayon, parang si ate Seul yung naghahabol. Iba kamandag ni ate Irene. Sila na ba?

 

“Hoi, Min. Ang baduy ng suot mo,” sabi ni ate Seul. Ito naman, bakit pinansin pa?

 

“Minjeong, jeje era. Ayan ba tinuturo ng kapatid ko sa’yo? Baduy niyo naman,” sabi naman ni ate Irene.

 

Bakit ba kami nalang lagi inaaway nitong dalawa kapag sa simula? Kami pa talaga ang ginagawa nilang warm up sa debate nila soon.

 

“Hoi ate, daming nagsasabi na nagmana ako sa’yo. Edi baduy ka rin,” banat ni Jimin. Aba, lakas din talaga bumanat. Hindi ko kayang sumabay sa tatlong ‘to.

 

“Oh, ano babe? Mana pala sa’yo eh.”

 

Babe?! So, sila na nga talaga?

 

“Naol, babe. Baduy niyo naman,” sabat ni Jimin. HIndi siya nagulat? Hala, bakit hindi ako informed?

 

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hi? 👀

Comments

You must be logged in to comment
SkyeButterfly
#1
Chapter 2: Ahhh ang cute talaga 🥺
TakuyaKen
#2
Chapter 1: cute
kang_ddeul
#3
ang LT nilaaaa HAHA w/ matching kilig 🤩
molar091 #4
ito naman irereread ko kasi namiss ko bardagulan ni karina at irene 😂😂
Myoui_Son324
#5
Chapter 2: Ang funny nila eh WHAHAHA basta alam ko naging sila WHAAHAH
Myoui_Son324
#6
Chapter 1: Ang harot nilang magkapatid i kennat WAHHAHAHAH lt runner pala ang magpinsan eh WHAHAAHAHA
Lia_aff #7
rereading kasi ang cute 😂😂
caeserola #8
Chapter 1: Ang cuteeeeeeee hahahahah
Topkangseul
#9
Chapter 2: Nainggit shene el
Polandi #10
Chapter 2: bakit may question mark yung title? complete na ba talaga otor?