Panimula

Payong, Silong, at Ulan
Please log in to read the full chapter

“Grabe ang lakas ng ulan!” sambit ko pagkababa ko ng jeep. Ang aga-aga pa pero ang bigat na agad ng bagsak ng ulan. Bakit kasi ako pa pinagpalengke ni mommy at hindi nalang si ate Irene? O kaya sabay kami ni ate kasi hindi siya mapagkakatiwalaan sa mga bilihin. May kotse naman si ate eh, pwedeng-pwede siyang magdrive. Pero seryoso, lumalakas na naman ang ulan tapos wala man lang tricycle sa labas ng subdivision. Ano na po mga pre, anong oras na pero wala pa kayo rito? Ang lakas pa sobra ng hangin. Paano ako uuwi nito? May hawak akong isang box sa kanan kong kamay at tatlong plastic sa kaliwa.

 

“Hays, makapaghintay nga lang dito,” sabi ko. Kausap ko na naman sarili ko, pero okay lang ‘to. Ako lang naman mag-isa rito. Nandito ako sa retractable tent na naka set up sa harap ng subdivision. Dito kasi yung terminal ng mga tricycle kaya may upuan tsaka table dito. Gusto ko sana tawagan sila mommy para magpasundo rito sa tapat ng subdivision, kaso wala pala akong cellphone. Maya’t maya pa, humina ng onti yung ulan kaya’t napagdesisyunan kong umalis na.

 

Kaso mali ata yung desisyon ko. Jimin naman, ang tanga mo. Slight.

 

Kasi bwakanang, ang bigat ng dala ko at may hawak akong tatlong plastic sa parehas na kamay na ginagamit ko pang payong. Apat na minuto palang ata akong naglalakad pero pagod na ako. Malayo-layo pa yung clubhouse para doon magpahinga. Nakakaiyak na. Kung hindi ako nagkakamali, mga bente minutos pa ako maglalakad. Malaki kasi yung subdivision namin at may anim na phases dito. Mayayaman din ata nakatira rito, usually mga lawyers, doctors, engineers, at mga business people ang nakatira rito. Ang magulang ko naman ay ang may-ari ng anim na gas stations dito sa probinsya, at tatlong franchise ng sikat na fast-food chain. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nilang kumuha ng mga tauhan. Si manang lang ang kasama namin sa bahay at medyo matanda na rin kaya hindi mautusan na bumili ng mga grocery. Madalas naman na si mommy ang nag g-grocery, pero ngayon kasi ay medyo busy ata sa bahay. Si ate naman ay madalas nasa work, kaya hindi mo siya maaasahan sa pagbili ng fresh foods. Gets ko naman na pahinga ni ate ngayon kaya hindi siya inutusan, pero tatlong araw na siyang walang ginagawa. Yawa.

 

Namamanhid na ata yung kamay ko kaso hindi ko mapagpalit mga dala ko kasi wala akong mapagpapatungan. Basa ang kalsada, naambon, ang lakas pa ng hangin, at nakakahiya kasi baka may makakita sa akin.

 

“!”

 

Ang lakas ng hangin bigla kaya nasira yung payong ko. Grabe na talaga ang hamon sa akin ni Roldt. Hindi pwedeng mabasa masyado yung cardboard box at baka matapon lahat ng laman. Yung mga plastic naman na may isda, nakakatakot at baka biglang mabuhay yung mga isda kapag napuno ng tubig yung plastic. Ang malas ko naman ngayon araw. Gusto ko nalang umiyak.

 

“Ah…” laking gulat ko nung biglang may nagsalita. Napatingin ako sa likod ko at may nakita akong babae na nakajogging pants, may armband for jogging, naka jacket, at nakapuyod ang buhok. Teka… hindi ba siya yung…

 

“Kailangan mo po ng tulong?” tanong niya. Gagi, nakakahiya pero oo kailangan ko.

 

“Ah, oo sana—” pagkasabi ko nito, bigla niya akong pinayungan. Ang sweet niya naman.

 

"Nababasa ka po, baka magkasakit ka." 

 

Iaabot ko na sana yung box pero naisip ko na masyadong mabigat, ang kapal naman ng mukha ko kung siya pa pagbubuhatin ko. May hawak din siyang plastic eh, parang egg pie at iba pang tinapay. Nakakahiya naman kung yung plastic ng isda at karne ang ibibigay ko.

 

Napatingin ako sa kanya na parang naghihintay kung anong gagawin niya. “Ahm, nasira kasi yung payong ko. Okay lang po ba na pakipayungan nalang ako? Nakakahiya man pero…” napatingin ako sa kanya. Nakakahiyaaaaa!

 

“Pero?” tanong niya.

 

“Ahh, wala wala. Salamat pala.”

 

“Ah, sure po. Pero pwede ko po bang ifold muna yung payong niyo?” at tinuro niya yung payong kong sira-sira na.

 

“’Wag ka na mag po, pero ah..." iniabot ko yung payong ko sa kanya. "Sige, salamat ulit.”

 

Inayos niya yung payong ko gamit ang isang kamay dahil may hawak din siyang payong. Nginitian niya ako pagkatapos. Syete, ang ganda ata nitong babaeng 'to.

 

Sa ngayon, nandito ako sa kanan at siya ay nasa kaliwa. Hawak ko ang box sa kanang kamay at yung plastics naman ay sa kaliwa. Medyo malakas ang ulan pero bearable na naman compared kanina.

 

Habang naglalakad kami, nag offer siya na buhatin ang plastic ng mga isda at karne. Nagpalit kami ng dalang plastic dahil yung kanya ay tinapay lang kaya magaan-gaan. Tapos inilipat ko rin yung box sa kabilang kamay para makapagpahinga naman. Maya-maya pa ay lumipat siya sa kanan. Ayaw niya ba makatabi yung box?

 

Nasa kalahati na ata kami. Malapit na, at makakaupo na ako. Ang tahimik nga lang kasi hindi kami nag-uusap. Gusto ko siyang makilala kasi familiar siya, hindi ba siya yung babaeng nagj-jogging halos araw-araw? Nakasalubong ko rin ata siya sa clubhouse nung nakaraang lingo?

 

“Bahala na,” sabi ko sa sarili ko. Tumingin ako sa kanya para magsimula ng usapan, pero nakuwa ng aking atensyon yung kaliwang balikat niyang basa.

 

“Kanina pa ba ‘to?” tanong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa payong at napansin ko na mas nakatapat sa side ko yung payong. Grabe? Tumingin din ako sa ulan at nakita na ang direksyon ay papunta sa side niya. Kaya ba siya lumipat ng pwesto? Edi basang-basa na naman yung kabila niyang balikat?

 

Tinignan ko ito, at oo. Basa na nga yung damit niya sa kanang part.

 

“Ahm, ate. Itapat niyo po ng onti sa inyo yung payong. Nakakahiya po huhu.”

 

Tumingin siya sa akin at ngumisi. Hala?

 

“Okay lang po. Kanina pa naman ako naaambunan.”

 

Ahh. Sabagay, nakikita ko ‘to minsan na nag j-jogging around 6 o’clock ng umaga eh. Baka naambunan na nga ‘to kanina pa.

 

Graduate na ba siya? Kasi parang ang dami niyang oras para mag jogging. Or talaga tamad lang ako? Ako kasi, graduate na ako pero 8 months na akong tambay sa bahay. Gusto ko lang kasi magbakasyon bago mag apply.

 

“Ano pala name mo?” tanong ko. Walang atrasan ‘to.

 

“Minjeong po. Kayo po?”

“Jimin.”

“Ah, nice to meet you.”

“Nice to meet you rin.”

 

Bakit ba siya nag p-po? Mukha na ba akong matanda?

 

“Ahm, Minjeong. ‘Wag ka na magsabi ng po.”

 

“Ah, sorry. Sanay lang,” tapos bigla siyang ngumisi. Bakit ang cute niya?

 

“Ilang taon ka na ba?” tanong ko, kasi syempre kailangan makasigurado. Baka mamaya limang taon pala tanda ko.

 

“21 na. Ikaw ba?”

“22.”

 

“Mas matanda ka po pala.”

 

Ang kulit, sabi ko ‘wag na eh. Huhu.

 

“Joke lang,” bigla niyang bawi. “Saan ka ulit sa phase 3? Naglalakad lang tayo ng hindi ko alam kung pasaan.”

 

Oo nga no? Hindi ko pa nababanggit kung saan mismo. Kakapasok lang naming sa phase 3 kaya siguro napatanong.

 

“Sa Gladious street.”

 

“Ah, yung medyo malapit sa water tank?” kabisado ata nito yung buong subdivision eh. Jusko.

 

“Natakbo ako ron minsan. Medyo malapit na pala.”

 

“Oo, nakikita kita minsan. Lol,” kaisip-isip ko.

 

Maya-maya pa’y nasa bahay na kami. Grabe, basang-basa na siya samantalang hindi na nadagdagan pa ang pagkabasa nitong box. Ipinasama ko siya pa-loob ng gate kahit na ayaw niya. Syempre, mapilit ako. Joke. Halata namang nahihiya lang ‘to. Atsaka, ang tagal nila buksan nitong pintuan. Sino ba kasi nag lock nito?

 

Sa dinami-rami ng pwedeng magbukas—charot lang pero sila mommy, manang, ate, at bunso lang ang nasa bahay. Pero seryoso, bakit si ate pa ang nagbukas? Gising na pala ‘tong gaga na ‘to edi sana man lang ay dala ko ang cellphone ko at chinat si— Oo nga no?

 

“Huh? Sana pala nanghiram nalang ako ng cp dito kay Minjeong at nagpatext. Grabe ang tanga ko naman kanina,” sabi ko sa sarili ko. Ang sarap i-untog ng ulo ko sa bakal. Bakit ganito ako? Bakit?

 

“Okay ka lang?” biglaang tanong ni Minjeong.

 

“O-oo. May naalala lang.”

“Ah. Sige, una na ako.”

 

Paalis na sana siya, ng biglang nagsalita si ate. Anong balak mo ate? ‘Wag mo na dagdagan kahihiyan ko ngayong araw.

 

“Ah, wait. Gusto mo ba muna pumasok?”

 

“Ah hindi na po—” tumanggi siya, kaso biglang lumalakas na naman ang bagsak ng ulan.

 

Ano bang meron? Bakit parang ayaw ako tantanan ng kahihiyan? Baka kung anu-ano sabihin ni ate.

 

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hi? 👀

Comments

You must be logged in to comment
SkyeButterfly
#1
Chapter 2: Ahhh ang cute talaga 🥺
TakuyaKen
#2
Chapter 1: cute
kang_ddeul
#3
ang LT nilaaaa HAHA w/ matching kilig 🤩
molar091 #4
ito naman irereread ko kasi namiss ko bardagulan ni karina at irene 😂😂
Myoui_Son324
#5
Chapter 2: Ang funny nila eh WHAHAHA basta alam ko naging sila WHAAHAH
Myoui_Son324
#6
Chapter 1: Ang harot nilang magkapatid i kennat WAHHAHAHAH lt runner pala ang magpinsan eh WHAHAAHAHA
Lia_aff #7
rereading kasi ang cute 😂😂
caeserola #8
Chapter 1: Ang cuteeeeeeee hahahahah
Topkangseul
#9
Chapter 2: Nainggit shene el
Polandi #10
Chapter 2: bakit may question mark yung title? complete na ba talaga otor?