She gave you my number?

Best Wingwoman Ever
Please Subscribe to read the full chapter

She gave you my number?

 

Bibilangin ko pa ba kung gaano kadaming oras ang nasayang ko sa mga bagay at tao na wala na namang ambag sa buhay ko ngayon? Of course, I won't. Sino ba naman kasi sila para pag laanan ko ng oras at atensyon eh ito ngang nag iisang mahalagang tao sa buhay eh ko hindi ko na napag fofocusan ng ayos.

 

Ang hirap din kase mag balance ng madaming bagay, actually madali naman yung pag pplano kung papaano pero mahirap na yung execution in real life. Example na lang yung trabaho and of course si Alodia. Hindi naman sa sinasabi kong I would prioritize my job than my own daughter, but I need to keep my job to give her the best in life. Diba?

 

"Mami, kain tayo sa labas, wala ka bang work?" Of course I have, pero sabi ko nga hindi naman pwedeng ineglect ko na lang tong anak ko just because I have work. 

 

Umiling ako saka tumayo sa swivel chair. "Sure baby, go na mag bihis kana then antayin mo na lang ako sa baba okay?" I watch her as she happily runs palabas ng office ko.

 

See, I need to give the majority of my time to her. 

 

-

 

"Mami what if you fetch me sa school tapos yakagin natin si Teacher Zyu for dinner?" umiling na agad ako, simula nung sumakay kame dito sa kotse walang humpay na ang pag 'what if' nya sakin. "No, may girlfriend si Teacher Zyu mo, ka work ko yun." pag eexplain ko sa kanya.

 

Alodia's been bugging me for months na, napaka walangya kasi ng Ninang Lian nito, tinuro ba naman sa anak ko ang concept ng 'dating' at kung bakit dapat ay may dine-date ako. 

 

"Then Ninang, I can make reto si Mami sa mga kilala kong ka age nya?" Alodia asked her Ninang Lian na kanina pa nag pipigil ng tawa, kakatapos nya lang iexplain sa bata kung ano ang word na 'reto'.

 

"Oo Dia, ang lungkot lungkot ng buhay ng nanay mo kaya." this time hindi na napigilan ni Lian na tumawa, ang sama na kasi ng mukha ni Nyx na currently may katawagan, sa work daw nya.

 

"Hindi na ba ako enough kay Mami?" malungkot na tanong ng bata sa Ninang nyang may bangs, which made the older frown. 

 

"Hindi ganun yun Dia, iba kasi yung happiness na binibigay mo sa Mami mo, yung happiness na yun eh hindi matutumbasan ng kahit sino, you made her dull life colorful" nakangiting explanation ni Lian sa bata.

 

"Then bakit need ko pa po hanapan ng ka date si Mami if pwede namang ako na lang ang sasama sa kanya sa mga dates?" mas lumawak ang ngiti ni Lian, realizing that Nyx made the kid grow up full of love.

 

"To make both of your life brighter Dia."

 

"Gusto mo ba ng Dadi?" tanong nya sa bata. Umiling lang naman agad to, which made her chuckle.

 

"I think Mami like girls, naalala ko nung tinry syang kausapim nung tatay ng classmate ko parang sasapakin nya lang po" natatawang kwento ni Alodia.

 

"Edi ibahin ko yung tanong, gusto mo ba ng isa pang Mami?" hesitant na tumango si Alodia sa ninang nya.

 

"Having one mom is great, pero sa tingin ko having two will be so much better, hindi lang para sakin but kay Mami din. Baka sakaling hindi na sya mag over work if that happened." 

 

Yung conversation na yun ata ang wake up call ko na I'm spending to much time sa trabaho, that I need to make up for the times na naiiwan kila Mama si Alodia or kaya naman eh nasa kwarto nya lang sya while I drown myself sa work.

 

"Mami! Kain tayo dun, maganda yung view sa rooftop nila oh!" Alodia's pointing sa isang kainan na nasa rooftop, I think ito yung bagong bukas just months ago.

 

"Sure, wait park lang tayo."

 

-

 

"What if dun sa isa kong ninang Mami?" I look at her with confusion; jusko tong bata na'to lahat na. "Kanino naman sa mga ninang mo?" tanong ko, just to entertain her kadaldalan.

 

"Kay Ninang Tine kaya?" muntik pa akong matisod sa may hagdanan. "Seryoso ka ba nak?" sagot ko habang poker face lang syang naka tingin sakin. "Why? Ayaw mo ba kay Ninang Tine? She's fun to be with kaya Mami, remember nung nag babysit sya sakin when you're attending something out of town?"

 

I felt bad again, remembering na I need to drop her sa bahay ng mga ninang nya kasi I need to leave for a week para sa isang seminar. 

 

Nyx knocked, pangatlong pinto na tong kakatukan nya ngayong umaga. In two hours kasi eh pa alis na sya and her parents are also out for a vacation; hindi naman nya mahagilap ang isa pa nyang kapatid para sana mag bantay kay Alodia so she's stuck with no choice.

 

Bumukas naman agad yung pinto sa pangatlo nyang katok, revealing one of her daughter's godmother, her almost, Krystine.

 

"Nyx? Ang aga naman, akala ko mamayang tanghali pa. Where's Dia?" tanong ni Krystine sa kanya, sinisilip ang labas looking for the little girl.

 

"Nasa kotse si Alodia, sorry Tine na move kasi yung alis tanghali pa dapat talaga kaso nga ayun, sorry sa short notice and sa abala." napakamot na lang si Nyx sa batok nya.

 

"Wala yun, that's my godchild, saka hindi ka na naman iba sakin Nyx." Krystine said with a knowing smile on her lips.

 

Hindi na naman talaga sila iba sa isa't isa, being 5 years almost ng isa't isa noong college sila? Spending 5 whole years together?

 

Hindi na talaga sila iba sa isa't isa.

 

"Thank you Tine, wait tawagan ko lang si Alodia." tumango lang naman ang kausap nya at saka ngumiti.

 

Watching her almost talk to her daughter, it still buffled Krystine kung gaano kalaki ang pinag bago ng mga bagay bagay between the two of them, or just the general changes sa buhay ng lahat.

 

Kasi naman, who would have thought that Nyx, the person she was with for almost 6 years, the person she thought she would marry someday, is here in front of her.

 

Dropping her daughter para bantayan nya.

 

She dreamt about the same scenario before, hindi nga lang ganito ang sitwasyon doon.

 

Maybe, life really is unpredictable. 

 

"Ninang Tine!" Alodia welcomed her ninang with a hug, and the older one gladly accepted it. "Looks like mag sleepover ka dito for a week, excited kaba?" mabilis na tumango yung bata.

 

"Hey, come here muna." Pag tawag ni Nyx sa anak nya. "Behave ka dito ha, I will be back agad okay? Mag uuwi ako ng maraming pasalubong. Call me lang agad if something's up, hm?" 

 

"I will po, ingat Mami, I love you" the younger one hugged her mother before standing beside Krystine.

 

"I love you too baby." sagot nya before looking at the older woman beside her daughter. "Una na ko Tine, thank you ulit."

 

"Ingat Nyx." I'm happy to see you like this.

 

Napabalik naman yung lumilipad kong utak when I felt someone blowing some air sa mukha ko "Mi, you're staring again, kanina pako salita ng salita dito" natawa na lang ako bago kunin yung menu. 

 

"Ano ulit sinasabi mo? Sorry na distract lang." I said before scanning the menu, parang ang sarap mag tapsilog, yun kasi naka lagay sa best sellers nila. 

 

"Sabi ko po, kung hindi kay Ninang Tine what if kay Ninang Wan na lang? I like her cakes, she's mabait din, remember nung sinamahan ka nya nung may program sa school and I need two guardians?"

 

Of course I remember that. That was the time that I was contemplating a lot, kung kaya ko bang mag isa.

 

If I can raise Alodia on my own without anyone by my side. 

 

"Sabi ko naman kasi sayo Nyx pwede naman ako ang sumama sa inyo ni Dia, para naman tong others" Lian said sa kaibigan nyang kanina pa ata nag kakaron ng mental breakdown.

 

"May sarili kang pamilya Lian, ano si Jia at Autumn ang iiwan mo just to accompany me?" frustrated na sagot ni Nyx, totoo naman ang sinabi nya. 

 

Schoolmate kasi si Alodia at Autumn, hindi naman pwedeng sariling anak pa ni Lian ang mawawalan ng magulang just for Alodia to have two. 

 

"Suggestion lang naman yun, saka alam mo namang parang manequin lang si Autu at hindi naman mahilig sa activities yung bata na yun, while si Dia naman sobrang sporty at palaban." nakangiting explanation ni Lian sa kaibigan, trying to cheer her up.

 

"Thank you pero just go with your own daughter, ma aappreciate ng bata yun." tumango na lang si Lian, nag iisip pa what she can do to help her friend.

 

"What if isa na lang sa Ninang ni Dia? Whipped naman lahat for that kid" suggestion nya which earns a nod kay Nyx.

 

"Pwede pero sino? Hindi na naman pwede si Tine, nakakahiya na dun sa tao, I bothered her na last time diba." tumango tango naman si Lian.

 

"What if si Wrenna na lang? Nakauwi na ata yun from Canada?" 

 

"Gagi, you know our history ni Wan, baka hindi lang din yun pumunta." 

 

Wrenna Shon, the one who's with Nyx through thick and thin. What change? Well Wrenna falls and Nyx can't catch her best friend. Hindi dahil hindi nya kaya, but because ayaw nito na mag pasalo. 

 

Nyx's willing to risk it with her, but the latter's not ready for that. It's confusing, the fact na sya ang unang nahulog. Ang sabi nya kay Nyx ay hindi nya kaya, kasi she's sure she can't do relationship. 

 

And Nyx understands it, bukod na lang sa part na kailangang umalis ng bansa. Yun ang hindi maintindihan ni Nyx sa best friend nya. 

 

But later on, she gets it.

 

Mahirap nga namang maka move forward if the person you're trying to move on is  just beside you, just an arm away from you.

 

"Feeling mo naman. Ilang years na Nyx, saka hindi uuwi yun kung hindi ka parin nya kayang makita. Just give it a try, malay mo naman diba? I know you miss your best friend narin."

 

Thank god I reached out at that time. Dun ko lang din na realize what I'm missing out. Wan was just waiting for me to actually talk to her, hindi daw nya magawa kasi hindi nya alam if I was okay na.

 

Sya nga tong inaalala ko, turns out she never changed. Mas inuuna parin nya ang iba. Alodia's the most happy that time, bukod sa namiss nya daw ang Ninang Wan nya eh she had the chance to enjoy the event with two people.

 

"Mag papatulong na po ba ako kay Ninang Lian para sa date nyo Mi?" I look at my daughter, kung pwedeng kuminang ang mga mata nya ay baka ganun na to ngayon. I smile and shake my head.

 

"Hindi na pwede Ninang Wan mo, may girlfriend na yun." I said that made her jaw drop. "Weh Mi? Bakit hindi ko alam!" I looked at her, sobrang confused nya kasi. "Lagot sakin si Ninang Wan, bababa na ranking nya sa mga fave ninangs ko!"

 

I laugh this time, mangiyakngiyak na ako kakatawa.

 

Alodia's Fave Ninang Ranking!

1. Ninang Tine

1. Ninang Wan

2. Ninang Lian

3. Ninang Wan

4. Ninang Jia

5. Ninang Nanya

 

"Anong name ng girlfriend ni Ninang, Mi?" napaka chismosa din ng batang to eh. "Joyce, nakilala nya sa nung nasa Canada sya, pero nandito sa Pilipinas. Sa dating app ata nya nahanap yun tas nung umuwi sya last time nag meet then ayun." tango tango lang naman sya.

 

"Ah okay po, Mi gusto ko ng frappe yung coffee jelly po." the attention span, anak ko nga 'to. "Okay anything else? Oorder nako?" umiling sya and that's my que para tumayo at umorder.

 

-

 

Sa labas lang naman kame pumwesto, masyadong crowded sa loob and Alodia's attention span won't survive sa loob at madidistract lang sya sa mga tao at baka ma 'ireto' pa ako nito kung kanino.

 

The amb

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
38 streak #1
Chapter 2: 🥹🩷🥳
its_aaarrriii
38 streak #2
reread🥹🥹🥹🥹🥹
loveinsoshi #3
Chapter 2: This is so cuteee pls
_rtempest
1027 streak #4
Chapter 2: sobrang kyutt🤧🧡
Moksy23
#5
Chapter 2: Ang cuteee po pa update 😊
serenedipitea
#6
main source of fluff sr au ko talaga si otor, from twt aus to aff <333 thank u!!
kang_ddeul
#7
Chapter 2: hala super cuteeee!!! yung kilig namin dgdsklaldhdjsdfls
rosierochi
#8
Chapter 2: Dahil talga to sa cake 💘
Baechu29 #9
Chapter 2: Ackkk seulrene lang malakas ✊🏼 cute cute din ng bebe rina 🤧
alexis_keithh
#10
Chapter 2: ang kilig q shutajdjdjskdjdjsklskd