Chapter 1

Imagining those clichés

Winter

 

 

 

"Tsong, kailan ka ba titigil kakasend ng mga weather forecast sa gc?! Imbes na chics ang nandoon puro mga weathering amp" Inis na inis naman akong tinapunan ng tingin ni chaehyun habang naka abay sa kanya si ryujin

 

 

 

"Di naman namin alam na weather forecast pala ang nais mong kuning trabaho" gatong pa ni shuhua rito

 

 

 

"Kaya kayo laging inaabutan ng ulan at nakikihati sa nag-iisa kong PAYONG dahil di kayo nakikinig o nagbabasa ng balita tapos nagrereklamo kayong nagsesend ako sa gc natin? Kung hindi ko kaya kayo payagan makisilong sa akin mamayang uwian?" Diniinan ko talaga yung payong dahil laging walang baon 'tong mga 'to ng payong kapag umuulan. Kaya lagi silang nakikisilong sakin. Okay lang sana kung isa lang sa kanila pero juskopo APAT kaming naghahati sa isang payong. Ang sarap pagtitirisin ng mga kumag na 'to

 

 

 

"Wala namang ganyanan tol. Araw-araw ka kasing nagsesend eh. Pwede namang kapag uulan lang" umirap pa 'tong si ryujin kaya muntik ko ng tusukin yung mga mata niya

 

 

 

"Tigilan niyo ko kung ayaw niyong basang sisiw kayo mamaya riyan" sagot ko na lang dito at buti naman hindi na rin sumagot ang mga ito

 

 

 

Patuloy lang kaming naglilibot sa school. Umuulan talaga ngayon pero itong mga tropa ko kasi ay nagka-ayaan na maglibot dahil di pa raw namin ito nalilibot. Isang oras pa kasi bago magsimulang muli ang ikatlong subject namin. 

 

 

 

Napatigil naman kami sa paglalakad ng makita ang apat na myembro ng student council. Juskopo. Hindi kami pwede magtagpong walo kung hindi baka madetention na naman kami o kaya magcommunity service na naman

 

 

 

"Tol. Ang panget naman ng nakikita ko ngayon" sabi sa amin ni ryujin habang nakatingin sa vice president naming si yeji

 

 

 

"Anong panget pre? Ang gaganda nga?" Halos mahulog naman ang panga ni chaehyun habang nakatitig kay xiaoting

 

 

 

"Si soojin lang naman ang maganda sa kanila" isa pa 'tong si shuhua na kung tignan si soojin akala mo isang pagkain

 

 

 

Hindi ako nakasagot sa mga ito ng bigla kaming nagkatitigan ni karina. Sinasabi ko sa inyo, halos manginig ang buong katawan ko sa paraan ng pagtitig niya. Aaminin kong may gusto ako rito kaso hindi ko kayang kausapin man lang ito dahil nakakatakot siya huhuhu. 

 

 

 

"T-tsong alis na tayo rito baka madetention na naman tayo" nautal ko pang sabi sa kanila at pilit silang tinutulak patalikod pero ang mga siste ayaw magpapigil 

 

 

 

Ponyeta. Ayoko ng madetention ulit. Paano ba naman kasi noong lunes hindi namin sila sinasadyang mabunggo tapos di ko alam kung malas or swerte ba kami kasi naglanding ang mga kamay namin sa ano nila hehehe sa dibdib. Pramis hindi talaga namin sinasadya yun. Kaya naka tanggap kaming apat ng mag-asawang sampal at detention. Pinagcommunity service pa kami ng isang linggo. 

 

 

 

"Kayo na naman? Nagcucutting ba kayo kaya nandidito kayo at nagkakalat? Lalo ka ng pandak ka?" Tinuro pa ni yeji si ryujin kaya yung isa ay halos sumabog na sa sobrang inis. Hindi naman namin ito matawanan kasi pare-parehas lang naman kaming maliliit

 

 

 

"Ay waw judger ka ghorl? Hindi mo ba alam yung salitang break? Vice president ka pa man din" sagot ni ryujin dito kaya si bise natin ay nanggagalaiti na rin sa inis

 

 

 

Hindi ko nagugustuhan ang nagiging daloy ng pangyayari sa mga oras na 'to. Kaya bago pa magkaroon ng gulo ay inawat ko na si ryujin. Yung dalawa naman mukhang ewan dahil nakatulala pa rin kila xiaoting at soojin habang tinitignan lang naman sila ng malamig. 

 

 

 

"Pasensya na yeji. Di lang namin napainom ng gamot 'tong si ryujin. Babalik na lang kami sa room namin" hingi ko ng paumanhin dito at pilit ulit hinahatak paalis sila chaehyun

 

 

 

"Wait! Xiaoting pahingi munang digits diyan oh" pigil samin ni chaehyun sabay lahad ng cellphone niya sa harapan ni xiaoting

 

 

 

"Ponyeta ka talaga chaehyun" nanggigil kong bulong dito

 

 

 

Tinaasan naman siya nito ng kilay at tinignan simula ulo hanggang paa. Ayan ang ate mo parang nahiya kaya ibinaba na rin yung cellphone niya

 

 

 

"Sabi ko nga wag na hehe" kumamot na lang ito sa ulo niya at mukhang naiiyak pa yung loko

 

 

 

Napadako naman ang tingin ko kay shuhua na pilit hinahalikan sa pisngi si soojin. Habang si soojin naman ay pilit inilalayo ang mukha rito. Potangina?! Pilit hinahalikan sa pisngi?! Bakit naman ako nagloading don?! Agad naman akong nataranta sa kalokohang ginagawa nito kaya agad ko itong binatukan at hinatak sa collar ng damit niya. Hinatak ko na rin yung dalawa. kinakabahan na talaga kasi ako sa susunod na mangyayari. Bago pa kami tuluyang makaalis ay may nagsalita na lang bigla. Mind you tumayo ang mga balahibo ko sa sobrang lamig nito.

 

 

 

"Saan kayo pupunta?. Detention kayong apat ngayon na" alam ko kung kaninong boses ito kaya napako kaming apat sa kinatatayuan namin. Muntik pang mahulog si shuhua dahil hatak hatak ko pa rin ito sa collar ng damit niya

 

 

 

"W-wait. B-bakit kasama a-ako?" Nagkanda utal utal kong tanong dito. Ako na nga mismo yung umaawat sa mga tukmol na 'to tapos madadamay ako? Asaan ang hustisya?!

 

 

 

"Hmm?" Naglakad ito dahan dahan papunta sakin at noong oras na tumapat ito sa akin ay inilagay niya ang kanya hintuturo sa aking baba at itinaas ang aking ulo para matignan siya sa mata. Nahigit ko ang aking hininga noong oras na magtama ang aming mga mata. Lord, bakit po ang ganda niya? Ang unfair huhuhu. 

 

 

 

"Because you're the leader and your presence irritates me" pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na silang apat sa harapan namin habang kaming apat ay laglag pangang sinusundan sila ng tingin

 

 

 

"POTANGINA NIYO!?!" Agad kong dinambahan yung mga peste kong kaibigan at kapatid 

 

 

 

"Sinabi ng umalis na tayo pero ayaw niyo magpapigil?! Detention na naman tayo mga bwiset kayo!" Galit na sigaw ko sa kanila

 

 

 

"Sorry na win. Ang ganda kasi ni xiaoting eh. Tyaka okay lang yun. Dun na lang natin tapusin yung break natin" 

 

 

 

"Kung sipain kaya kita riyan?! Ang boring boring sa detention room ponyeta ka" 

 

 

 

"Tsong tama na yan. Pumapangit ka lalo eh" tatawa tawa pa kong inakbayan ni ryujin 

 

 

 

"Oo nga tol. Tyaka kainis ka rin eh. Malapit ko ng makiss sa pisngi si jinjin eh" nakanguso pang sumbat sakin ni shuhua

 

 

 

"Wow. Parang kasalanan ko pa? Sorry ha" sarcastic kong sagot dito

 

 

 

"Hayaan na. Simulan na natin pumuntang detention room baka madagdagan pa ng isang oras yun" awat samin ni chaehyun kaya laglag balikat na lang akong sumunod sa kanila

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
YehSusan
Mabagal po ang aking update. Kadalasan lang po kasi ako nakakaisip ng istorya kapag patulog na ko. Opo. Yung pinipilit ko ng matulog tapos bigla bigla nagiisip ang aking utak ng kalokohan jusq. Kaya no choice ako na itype muna yun bago matulog :<

Comments

You must be logged in to comment
Ljzshxwiii
187 streak #1
Chapter 1: Shuhua ikalma mo ako na lang
Ljzshxwiii
187 streak #2
Sampal HAHAHHAHAH
oolongteatania #3
Bakit kasi tinuloy mo pa 😂😂 ang LT