Imagining those clichés

Description

Kanina pa ko ihing ihi kaya agad kong pinihit ang doorknob ng cr nang makita ito pero hindi ito bumubukas. 

 

 

 

"Ay bobo naka lock pala. May tao siguro" agad kong binatukan ang sarili ko dahil sa katangahang iyon. Malamang may tao kaya nga nakalock.

 

 

 

Salamat naman at nakasara pala iyon kung hindi magagaya kami sa mga cliché na movie or story kung saan 'aksidenteng nabuksan ng bida ang pinto kaya nakita niya ang nakahubad na katawan ni adan o eva' pero what if buksan ko yung pinto tapos umaktong di ko alam na may tao?

 

 

 

"Nasan nga ulit yung susi nun?" Tanong ko sa akin sarili habang hinahanap ang susi. Tama. Hinahanap ko nga ang susi at itutuloy ang masama kong plinaplano.

 

 

 

Di naman ho ako manyak ano. Gusto ko lang maranasan yung cliché na ganun. Di man aksidente pero ipipilit pa rin natin HA HA HA. Nang makita ko ito ay agaran ko rin naman itong kinuha at noong oras na ipapasok ko pa lamang ang susi sa doorknob ay bigla itong bumukas.

 

 

 

"Ah a-ano" di ko alam kung paano magpapaliwanag sa nakatuwalyang si karina at tila ako mapapatay nito sa mga matang ipinupukol niya sa akin. 

 

 

 

Potangina. Para akong tinakasan ng kaluluwa at nanlamig ang buong kalalamanan ko. Dapat pala hindi ko na itinuloy ang kabobohang iyon. Nahuli pa ko sa akto. Bago pa ko makapagsalitang muli ay sinampal na ako nito at kulang na lang makalas ang aking ulo mula sa aking katawan. Umalis din ito sa aking harapan habang ako'y gulat na gulat sa nangyari. Di naman po masakit. Parang kagat lang po ng dinosaur huhuhu. Tangina. Mamaga pa ata ito. Mangiyak ngiyak ko na lamang itong hinaplos ng dahan dahan para maibsan ang sakit.

YehSusan
Mabagal po ang aking update. Kadalasan lang po kasi ako nakakaisip ng istorya kapag patulog na ko. Opo. Yung pinipilit ko ng matulog tapos bigla bigla nagiisip ang aking utak ng kalokohan jusq. Kaya no choice ako na itype muna yun bago matulog :<

Comments

You must be logged in to comment
Ljzshxwiii
187 streak #1
Chapter 1: Shuhua ikalma mo ako na lang
Ljzshxwiii
187 streak #2
Sampal HAHAHHAHAH
oolongteatania #3
Bakit kasi tinuloy mo pa 😂😂 ang LT