Chapter 2

Arms Open

You started crying as soon as we get inside your room. I hate myself right now because I can't find the right words to tell. Naiisip ko, baka mamaya mas lalo ka lang mapressure sa masasabi ko. Or baka mamaya hindi pala nakakatulong ang sasabihin ko. We've been friends for 5 years and I still can't find the words that you need. 

"Schatz," kinuha ko ang mga kamay mo na basang-basa na ng luha mo. "Look at me."

You're still pretty even when you're crying. 

I spread my arms widely and smiled. "See this?" Tumango ka at agad na niyakap ang leeg ko. "Just always come to me kapag malungkot, masaya, galit or kahit ano pa nafi-feel mo, okay?"

Omg. Mas lalo s'yang umiyak. Takte naiiyak din tuloy ako. Actually gusto ko mag-rant sa'yo about sa prof namin sa Cognitive Psych kaso keri ko naman 'tong nafifeel ko. 'Di ko na rin naman need mag-rant kasi ni-hug mo na 'ko. 

"Son Seungwan, I believe in you. Tsaka kahit ano pang score makuha mo sa exams, ibibili pa rin kita ng takoyaki. Kahit ilan pa gusto mo." Mas lalong humigpit ang yakap n'ya sa'kin. 

 


We stayed in each others arms for minutes. Mamamaga na mata mo kaiiyak at madami ka pang rereviewhin. At higit sa lahat, baka biglang kumatok ang dad mo sa pinto ng kwarto mo at bigla kang maabutang umiiyak. 

"Seulgi, kahit ba iniiyakan ko lagi yung upcoming exams ko gusto mo pa rin ako?" Natatawa ako. Does she really have to ask this? 

"Hindi ko sure." Pabiro kong sagot. Bigla ka namang kumalas sa pagkakayakap mo. Inabot mo ang isang box ng tissue sa side table mo at pinunasan ang mukha mo. "Why so pretty, Seungwannie?"

"Umuwi ka na. Magrereview pa tayo." Naiiyak ka na naman. Pero this time pigil na pigil ka with matching paypay pa ng kamay. "Love you."

Kinikilig ako. 

"Love you more. Pero mamaya na ako uuwi."

Pumasok ka sa cr ng room mo at nagpalit ka ng damit. Habang ako, nagsscroll sa phone ko at tinitignan kung ano ang anime na panonoorin ko mamaya pagkauwi. 

Yeri sent you a message.

Yeri: Seulgiii kakatapos ko lang ng Kimi ni Todoke
Yeri: Gago kamukha mo si Sawako nung may bangs ka pa hahahahaha

Naalala ko tuloy nung pinapanood ko kay Wendy yung Kimi ni Todoke. Panahong 'di ko pa s'ya girlfriend. Sinabi n'ya rin sakin na kamukha ko raw si Sawako at iginigiit ko namang hindi. 

"Sige ayaw mo maging kamukha si Sawako? Ikaw na lang si asawako."

Oo medyo corny s'ya don at crush ko na s'ya non kaya grabe 'yung kilig ko. 

Seulgi: Taena sinabi na rin ni Wendy sakin yan
Yeri: kamukha mo kasi talaga hahahahaha

Yeri set your nickname to SAWAnaKO.

SAWAnaKO: Gaga ka
Yeri: Asan ka?
SAWAnaKO: kala wendy. Bakit?
Yeri: punta sana ako sa room mo
SAWAnaKO: oks pauwi na rin naman ako
Yeri: ingatsu
SAWAnaKO: ingats din

Nakalabas na si Wendy ng cr. 

"Why are you smiling like that?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kan'ya. Nakakulay blue s'yang oversized shirt at black shorts tas nakamessy bun pa. 

"Si Yeri kasi sabi kamukha ko raw si Sawako." 

"Tuwang-tuwa ka naman." Pinanood ko s'yang ayusin ang study table n'ya at unti-unti n'yang inilabas mula sa bag n'ya ang books at pencil case n'ya. 

Blue na backpack, blue na pencil case, blue na table, blue na chair, tas blue rin ang paint ng room n'ya. Nakakaselos naman ang color blue charot. 

"Mas nakakatuwa nung ikaw ang nagsabi no'n tas tinawag mo 'kong asawako." Minsan talaga walang preno 'tong bibig ko eh. Nahiya ako bigla. "Uwi na me."

"Asawako." Nang-aasar niyang tawag, umupo pa s'ya sa lap ko. "Ilang years na tayo magkaibigan tas 10 months na tayong magjowa pero 'di ko pa rin alam favorite color mo."

Oh. Wala kasi akong favorite color. Blue kasi favorite color ni Wendy so, baka ayun na lang din?

"Hulaan mo kung ano."

Nag-isip naman nang mabuti si Wendy. After a few seconds ng pag-iisip, bigla s'yang napangiti. Hmmm mukhang mapapauwi na 'ko dahil nagsparkle na ang eyes n'ya. 

"ORANGE!" 

Tuwang-tuwa ka nang sabihin mo 'yon. Para bang may question sa exam na alam na alam mo ang sagot at confident ka na may 1 point ka na agad. 

"Orange? Bakit orange?"

"Kasi orange 'yung bag mo tas orange rin yung hoodie mo na nakahanger sa likod ng pinto ng room mo. Orange rin yung hair tie mo. Tas gusto mo 'yung anime na Orange! Tama ako diba?"

Parang kanina lang umiiyak s'ya tas ngayon ang saya-saya na n'ya. 

"Yep. Tama ka."

Grabe naman 'yung smile mo. I gave you a kiss on your cheek that made you blush. Natuwa lang ako, sorry agad. This is the first time na ni-kiss ko s'ya. I was just happy.

From now on, orange na ang favorite color ko.

"Kang!" Tinakpan mo ang mukha mo. "Omg ka. Umuwi ka na nga."

Ihinatid n'ya ko sa gate nila at nagpaalam na para umuwi. 

"Ingat!" 

 

 

"Ano 'to, Yeri?" 

"Foods?"

Yeah, I know na foods yung dala n'ya pero bakit parang naggrocery na s'ya sa dami nito. Parang kaya ko nang mabuhay ng isang buwan sa dami ng pagkain n'yang dala. Mukhang dinagdagan ng ate Taeyeon ang allowance ni bakla.

"Iiwan mo ba 'to sakin, Yeri?"

"Yeah. Actually si ate Taeyeon bumili n'yan kasi namamayat ka raw."

Gagi ang thoughtful naman ni ate Taeyeon tas ako eto hindi s'ya namukhaan sa takoyaki store. 

"Nood tayo ng anime, mate!" Lakas talaga mag-aya nito ni Yeri na manood dito eh. Wala rin naman akong gagawin today so ba't ko naman tatanggihan. Besides, ilang rooms lang din naman agwat ng room n'ya rito.

Like other people out there, kung saan-daang sites din kami nanonood ni Yeri ng anime. Bibili kami ng sandamakmak na pagkain at kung anu-ano sa shopee, gagastos para sa clothes at manlilibre ng kaibigan pero never kaming magbabayad para sa mga palabas. Nanonood kami sa sinehan ni Yeri minsan. Kaso nga lang, tamad kaming lumabas kaya sa dorm na lang kami nanonood ng movies. 

Natatawa kong tinignan si Yeri na nagsesearch sa google ng anime series na panonoorin namin. Napakaseryoso ng mukha kapag nagsesearch ng mapapanood pero sa klase tawa nang tawa.

"Mate tingin ka nga sa Muse Asia ng mapapanood natin. Wanja gusto ko mapanood lahat ng nakikita ko eh." Sinunod ko naman agad ang sinabi ni Yeri. 

Biglang bumukas ang pinto at sumilip si Joy. Hindi ko maintindihan ang mukha niya. Parang natatae siya na bagong gising ewan. Ano naman kaya trip nito at biglang sumulpot. Usually, nakatambay siya sa Dunkin' Donuts kapag 4:30 PM kasama ang pinsan niyang si Irene.

"Watchu doin'? Sali kami ni Irene." Hinila ni Joy si Irene para makapasok sa kwarto. 

Nagngitian naman kami ni Irene at etong si Yeri serious pa rin sa paghahanap ng panonoodin. 

"Irene ano bet mong panoodin?" Tanong ni Yeri kaya't agad napaisip si Irene. 

"Movie ba?"

"Anime series as usual," sagot ni Joy habang binubuksan ang box ng donuts na dala niya. "Pero kayo ba Yerms at Seul bet n'yo ba magmovie ngayon?"

Nagthumbs up ako at si Yeri naman walang ekspresyon. Mukhang nasa mood talaga s'yang manood ng anime series ngayon. Partida may isusubmit pa 'yang 3 outputs bukas.

 

Nakakatapos na kami ng 3 episodes ng Anohana. Naaamaze ako kay Irene dahil hindi pa siya umuuwi ngayon. Hindi niya kayang tagalan ang anime series na nirerecommend namin sa kaniya. Kahit isa ata wala siyang natapos. Binigyan pa siya ng listahan ni Joy ng mga napanood namin.

Schatz sent you a photo.

Screenshot ng to do list. Ang daming task na dapat gawin ni Wendy. Sana naman makatulog siya mamaya nang maaga.

Schatz: i have a lot to do schatz :((
Schatz: pag di ako nakapagchat mamaya alam mo na 

"Schatz huh," nagulat ako sa pagsasalita ni Irene. Hindi pa kasi kami gaanong close pero usisera na siya choz. "Why schatz? Sorry I'm just curious."

"Schatz means treasure." 

Napatango naman siya sa sinabi mo. Nilingon kami ni Yeri na ngayon ay suot na ang eyeglasses niya. Si Joy naman, titig na titig lang sa screen ng laptop ni Yeri.

Mabilis akong nagtype ng irereply kay Wendy na agad naman niyang nireactan ng heart. Nagsend din s'ya ng sticker na nagb-bye kaya pinatay ko na ang phone ko.

"Irene, gusto mo ba 'tong pinapanood natin?" Bulong ko sabay kuha ng chips sa bowl na hawak niya.

"Hindi ba obvious? Fourth episode na nga eh tas 'di ko pa naiisipang umuwi."

Sa bagay. 

"Ingay niyo namang dalawa." Saway ni Yeri kaya't napalingon si Joy sa amin ni Irene. 

"Sorry." Sabay naming sabi ni Irene at sabay pa kaming napatawa. 

I always thought na masungit si Irene and never kaming magiging close. Pangatlong beses niya pa lang din namin siya nakakasama ni Yeri kaya medyo nagkakahiyaan pa kami. Mukhang okay naman siya kasama. Tulad din siguro siya ni Joy na sa umpisa mukhang intimidating pero mabait at masaya naman kasama.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pikacheulgi_
Try lang magsulat hehe

Comments

You must be logged in to comment
honeyblood17
#1
Chapter 2: Tagalog?? WenSeul?? Tagalog na WenSeul??? Wow thank you author! Sana wag mo kami saktan ng walang pasabi ems hahahah.
soshivelvetM #2
Chapter 2: Wenseuuuul!! 🥺🥺

Wenseul angst po ba to? Para lang ready ko lang po yu g heart ko. Pero sana po hindi angst 🥺🥺☹️

Excited po for the next chap!
Karissa0212
#3
Chapter 2: Wenseul my heart <3
leeplay
#4
Chapter 1: ang cuteeee!! salamat sa pagshare author huhu sobrang onti ng tagalog wenseul fics so this is super nice to see 🥲 cant wait for the next chap huhu kaya mo yan wends!