Chapter 1

Arms Open

Chapter 1

"Schatz!"

Ayun narinig ko na naman ang boses mo. Tulad ng ginagawa mo araw araw pagkalabas ng main gate ng school mo, niyakap mo sa leeg ng mahigpit. Syempre, niyakap kita pabalik. Ang bango lagi ng hair mo, no? Akala ko ba walang ligo ang mga nursing students kakaaral? 

"Schatz, baka two hours lang tayo magdate today ha? Maraming pinapagawa profs namin." Medyo nalungkot ka nang sabihin mo 'yon. I nodded and smiled. Actually, okay lang naman sa'kin kung hindi tayo magdate today kaso mapilit ka. Gusto rin naman kitang makita kaya eto tayo pupunta sa favorite place mo. "Schatz, may sasabihin ako. Mamaya na pag nandon na tayo sa takoyakihan."

"Sabihin mo na habang naglalakad tayo," pilit ko pero umiling lang s'ya. "Okay. Kumusta naman araw mo?"

"I passed the three quizzes naman. Schatz, highest ako sa Biochem kanina, kaya ililibre mo ko ng eight pieces na takoyaki!"

"Really? Ang galing naman talaga! Sabi sa'yo eh papasa ka." Inayos ko ang pagpapayong sa'min. Napansin ko na ang ganda niya pala talaga tignan sa uniform niya. Ang linis tas ang ganda nya pa. Nakaboknay pa yung hair nya. "Ang ganda mo."

"Kang Seulgi naman, girlfriend mo na nga ako sinasabi mo pa rin 'yan." 

"Totoo naman kasi, Son Seungwan." Inirapan n'ya lang ako. 'Di n'ya talaga alam kung paano tatanggap ng compliments. When in fact, ang daming papuri na pwedeng sabihin sa kan'ya. She's more than just a pretty face. She sings so well and does well on acads, too. Tapos, down to earth din s'ya. She has a good personality. Favorite ata to ni Lord. 

 


Eto na pala kami sa tinatawag n'yang takoyakihan. Naupo na agad s'ya sa favorite spot namin at agad na ibinaba ang bag n'ya. Ibinaba ko rin ang bag ko sa upuan ko at agad na dumiretso sa counter para umorder. Syempre di ko kinalimutan ang reward n'yang 8 pieces na takoyaki for take out. 

"Seulgi! Sino'ng kasama mo?" Gulat akong napalingon sa nagsalita. Shuta sino s'ya? Ba't kilala n'ya ako?

"Girlfriend ko po." Tinuro ko Wendy na s'ya namang nakatingin pala sa'min. Mygad sino ba kasi 'tong sumulpot na sa tabi ko? "Excuse me pero ano nga pala name mo?"

"Taeyeon. Nakalimutan mo na ba ako kaagad?" 

No way. Si ate Taeyeon na kapatid ni Yeri? Omg oo nga. Siguradong pagtatawanan ako ni Yeri pag nalaman n'ya to.

"Hala ate Taeyeon, sorry!" 

"Okay lang. Ano ka ba ang tagal din naman nating 'di nagkita. Enjoy kayo ng girlfriend mo ha nagmamadali na rin kasi ako. Babye!"

Agad na dinala ko sa table namin ang inorder ko. Tinignan ko si Wendy at titig na titig s'ya sa takoyaki na hawak ko. Gutom na gutom na siguro 'to. 

"Sino 'yon?" Tanong n'ya pagkabukas ng plastic ng chopsticks. 

"Si ate Taeyeon, ate ni Yeri." Inilagay ko sa harap niya ang reward nya. "Ano nga pala 'yung sasabihin mo, Schatz?"

"Next week, exam week ko na. Kinakabahan ako, Schatz." Tumingin s'ya sa'kin and medyo naluluha s'ya. I want to hug you right now. 

"Schatz, pagkatapos natin dito iuwi na kita agad okay? Tas magkwentuhan tayo saglit sa inyo." 

 


Naglalakad na kami papunta sa bahay nila. Ang tahimik n'ya. Ganito s'ya lagi kapag malapit na ang exams n'ya. 

For sure naman papasa s'ya sa exams niya. Kaso anong laban ko sa kaba n'ya. Minsan nahihiya ako 'pag chinachat ko s'ya kahit late na kasi nag-aaral pa s'ya no'n at ako, tamang nood lang ng anime at kdrama kahit may exams kinabukasan. Kinukulit ko pa s'ya na 'wag na mag-aral at matulog na o kaya naman makipagkwentuhan na lang sa'kin. 

 

"Schatz, ilang oras ka natulog?" Tanong ko para mabasag ang katahimikan. Baka kasi mamaya nag-ooverthink s'ya habang naglalakad kami. 

"4 hours." Tumingin ka sakin at kinurot ang pisngi 'ko. 'Di ko rin talaga magets kung ano'ng trip mo sa buhay eh. Napatigil tuloy tayo sa paglalakad. "Hindi tayo magbe-break ha kahit busy tayo sa acads."

"Schatz naman!" Lalo mong diniin yung kuko mo sa pisngi ko. "Oo, hindi tayo magbe-break, Son Seungwan."

Nag-ooverthink ka nga. 

Tinanggal mo na ang kamay mo sa pisngi ko. Binilisan mo ang paglalakad na sinabayan ko naman. Kinuha ko ang kamay mo na ikinagulat mo kaya nanlaki ang mata mo sa'kin. Napangiti ka na lang. Bakla, halatang kinikilig ka. Gustong-gusto mo naman yung paganito 'ko. Syempre gustong-gusto ko rin no.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pikacheulgi_
Try lang magsulat hehe

Comments

You must be logged in to comment
honeyblood17
#1
Chapter 2: Tagalog?? WenSeul?? Tagalog na WenSeul??? Wow thank you author! Sana wag mo kami saktan ng walang pasabi ems hahahah.
soshivelvetM #2
Chapter 2: Wenseuuuul!! 🥺🥺

Wenseul angst po ba to? Para lang ready ko lang po yu g heart ko. Pero sana po hindi angst 🥺🥺☹️

Excited po for the next chap!
Karissa0212
#3
Chapter 2: Wenseul my heart <3
leeplay
#4
Chapter 1: ang cuteeee!! salamat sa pagshare author huhu sobrang onti ng tagalog wenseul fics so this is super nice to see 🥲 cant wait for the next chap huhu kaya mo yan wends!