Article 2

Peryodiko
Please Subscribe to read the full chapter

May 15-minute rule ako. I give myself 15 minutes to properly digest things, react, and/or leave.

Kapag nakakaramdam ako ng matinding emosyon kahit na galit man o kasiyahan, I give myself 15 minutes para kumalma nang makapagisip ako nang matuwid. Fifteen minutes na wala pa ang hinihintay ko, umaalis na ako.

Fifteen minutes na wala pa ang prof sa classroom, umaalis ako. Buti na lang nakalagay rin sa University Rules na kapag 15 minutes na at wala pa ang prof o instructor, pwede na umalis ang estudyante.

Saktong alas-sais na wala pa rin ang interviewee. Alam ni Ryujin ‘yung 15-minute rule ko kaya bigla siyang tumingin sa akin nung nag-alas sais na.

“Wala pa rin ba? Alas-sais na. Baka mauna na ako, Ryujin.” Sabi ko sa kaniya habang papalapit na ako sa table ko kung saan ko inilapag ang mga gamit ko.

“Hala, grabe late na pala. Wala na ulit message ‘yung interviewee. Sige, Winter, kahit mauna ka na. Sunod na lang ako.” Walang ganang sabi ni Ryujin. Nararamdaman ko na rin ‘yung inis, pagod, at inip niya.

Kita na rin sa itim ng eyebags niya na mukhang ilang araw na siyang hindi nakakatulog nang maayos. I could only imagine ang pressure na nararamdaman niya bilang EIC. Dahil dito, medyo nag-alangan akong iwanan siya mag-isa.

“Okay ka lang talaga na maiwan dito? Pwede naman kita hintayin pa saglit. Sabay na tayong lumabas,” offer ko sa kaniya. Umupo na rin ako sa long wooden chair malapit sa kaniya to emphasize ang willingness ko to stay.

“Hindi na. Okay lang na mauna ka rin at medyo malayo pa ang biyahe mo. Baka mahirapan ka na sumakay sa jeep kapag super late na.”

“Okay. Mauna na ako, ha. Ingat ka sa paglalakad mamaya,” sabi ko kay Ryujin bago tuluyan nang kunin ang mga gamit ko sa lamesa.

“Ingat ka rin, ha. Chat o text mo sa akin plaka ng masasakyan mo,” paalala niya sa akin.

Nakagawian na namin ni Ryujin na i-text sa isa’t isa ‘yung plaka at detalye ng jeep o bus na sasakyan namin. Madalas kasing ginagabi ako ng uwi dahil sa meetings at presswork sa publication kaya delikado kapag nagc-commute ako.

Nagsimulang tanungin ni Ryujin ‘yung details ng sasakyan nung freshman ako. Ginabi na ako ng uwi noon at nabalita na may na-holdap na estudyante habang nasa commute, ang malala ay nasaksak pa ito dahil hindi niya ibinigay ang laptop niya dahil nandun ‘yung thesis niya.

Nung gabing ‘yun, nakatulog ako agad pagdating sa bahay kaya hindi ako nakasagot sa mga tanong nila Ryujin kung kumusta ba ako o kung kasama ako sa jeep na naholdap.

Grabe ang kaba nila nung hindi ako nag-reply, akala nila ako ‘yung nasaksak. Kaya simula nun ay nagkaroon na kami ng unwritten rule to update ang bawat isa tungkol sa detalye ng commute namin.

Tumango na lang ako matapos ang paalala ni Ryujin.

Isinukbit ko na sa balikat ko ang backpack ko at akmang bubuksan na sana ang pinto.

Kaso nabigla ako dahil biglang bumukas ang pinto at muntik na akong tamaan sa mukha kung mahindi mabilis ang reflexes ko.

Ano ba ang mayroon sa araw na ito? Bakit ba parang sobrang buwis-buhay naman yata?

Mabilis naman akong naka-recover. Bumungad sa akin ang hindi pamilyar na mukha. Hinihingal siya, halatang tumakbo.

Gulo-gulo rin kasi ang buhok niya at puro pawis. Mukhang hindi lang ako ang may buwis-buhay na araw ngayon.

Humakbang ako palayo sa pinto para bigyan siya ng space at makapasok na siya.

“Good afternoon. Sorry sa pinto,” sabi niya na mukhang apologetic naman.

Nung nagkaroon na kami ng distansiya sa isa’t isa, doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na tignan siya. Tumaas ang kilay ko nang maalala ko na kung sino siya.

Karina Yoo.

“Nandito sana ako for the interview. Sorry ngayon lang ako nakarating. Sorry sa delay,” sabi niya habang halatang hinahabol ang hininga niya.

Lumingon ako kay Ryujin para humingi ng tulong dahil hindi ko naman alam kung ano sasabihin sa kaniya. Baka mapagalitan ko lang itong kandidato

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
wala na atang pagasang magUD👁️👄👁️
kang_ddeul
#2
Chapter 2: bakit may pagtitig mama! yung kilig ko HAHAHAHAHAHAHA
Prenglesz_
#3
Chapter 2: Hoyyyyyy yung tanong po "same marriage" hindi po "will you marry the girl name winter" charizzzzz grabe may titigan talaga muna bago mag yes nakkkss buti hindi "i do" nasabi mo ghorl HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Pach18 #4
Chapter 2: Yes naman, talaga kailangan titigan muna bago sumagot nang yes.
howdoyouknowmee
562 streak #5
HAHAHA halaaaa yang titigan na ganyan ang simula ihhh
howdoyouknowmee
562 streak #6
Totoo yang wala masyadong support ang publication. Kahit pa usually naman kami yung nag-uuwi ng win sa school 😔
winter_gae #7
Chapter 2: I like this Minjeong. I am once a part of a publication in our school, a very competitive one also, and so I can really relate to MJ here. I hope you'll continue this story author, thanks for the update. Happy Holidays.
Yoooon
#8
Chapter 2: Thank you po sa ud~