Article 1

Peryodiko
Please Subscribe to read the full chapter

Alas-singko na nang hapon at nakaabang na ako sa sakayan ng jeep, mahirap sumakay kapag ganitong oras dahil uwian ng mga empleyado at estudyante. Wala na akong gustong gawin kung hindi makauwi sa bahay. Kaya naman ng may dumating na jeep ay mabilis na akong sumakay sa upuan sa tabi ng drayber. Tumigil pa nang ilang minuto ang jeep, naghihintay mapuno.

Bukod sa matinding init ng panahon iniinda ko rin ang pagod at gutom. Dahil finals week na, hindi ko na nagawang makakain ng lunch, mas pinili ko na lang na last minute na mag-review sa isang sulok ng library. Worth it naman, mukhang papasa naman ako.

Narinig kong sumigaw ang barker ng jeep napuno na raw ang sasakyan at pwede na uli itong bumiyahe. Kasabay nang pagtunog ng makina ng jeep ang vibration mula sa cellphone na hawak ko. Message notification mula sa editor in chief ng The Portal, ang official student publication ng university.

 

Ryujin

Winter, nasa campus ka pa ba? Please balik ka naman here sa office. Urgent.

Sa mga ganitong pagkakataon talaga iniisip ko kung bakit nga ba ako sumali sa campus paper publication. Talagang malaking effort at oras ang kailangan para dito. Naghahalo na ang gutom at pagod na nararamdaman ko at nakabuo na sila ng isang matinding hilo. Hindi na rin ako makapag-isip nang maayos. Naramdaman ko na ang dahang-dahang paggalaw ng jeep. Pero hindi nagpapatalo ang walang tigil na pag-vibrate ng cellphone ko dahil tumatawag na ngayon si Ryujin. Bahala na siguro.

Dahil sa pagiging tuliro ko, namalayan ko na lang na wala na pala ako sa jeep. Hindi ko na napansin ang nangyari. Dahil sa sigaw ng barker kaya ko lang nalaman ang nangyari, “HALA PATE BAKIT KA NAMAN TUMALON SA UMAANDAR NA JEEP?!”

Hindi ko na rin alam, manong. Dumiretso na sa pagtakbo ang jeep at patuloy naman ang pag-tingin sa akin ng mga taong nakakita sa nangyari. At dahil nga saktong labasan ng mga tao ngayon, napakaraming nakakakita. Nakakahiya. Ryujin, siguraduhin mo lang na talagang importante ang pagbalik ko sa office. Literal na naitaya ko buhay ko para dito.

Matapos ilang ulit na mag-sorry sa mga taong nakakita dahil sa unnecessary panic na dulot ng impromptu action stunt ko ay tumakbo na ako sa entrance ng university. May kalapitan naman ang gate sa student center building kung saan makikita ang office namin kaya wala pang sampung minuto ay nakarating na ako sa opisina.

Pumasok na ako sa maliit na building kung saan makikita ang mga opisina ng iba’t ibang student councils at organizations. Dumiretso na ako sa pinakadulong kwarto na mukhang ilang dekada ng humihingi ng renovation, nakalundo na kasi ang ilang parte ng kisame nito. Mukhang malalaglag na.

Tahimik ang opisina pero nakita ko si Ryujin na mukhang hindi napansin ang pagpasok ko kah

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
wala na atang pagasang magUD👁️👄👁️
kang_ddeul
#2
Chapter 2: bakit may pagtitig mama! yung kilig ko HAHAHAHAHAHAHA
Prenglesz_
#3
Chapter 2: Hoyyyyyy yung tanong po "same marriage" hindi po "will you marry the girl name winter" charizzzzz grabe may titigan talaga muna bago mag yes nakkkss buti hindi "i do" nasabi mo ghorl HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Pach18 #4
Chapter 2: Yes naman, talaga kailangan titigan muna bago sumagot nang yes.
howdoyouknowmee
566 streak #5
HAHAHA halaaaa yang titigan na ganyan ang simula ihhh
howdoyouknowmee
566 streak #6
Totoo yang wala masyadong support ang publication. Kahit pa usually naman kami yung nag-uuwi ng win sa school 😔
winter_gae #7
Chapter 2: I like this Minjeong. I am once a part of a publication in our school, a very competitive one also, and so I can really relate to MJ here. I hope you'll continue this story author, thanks for the update. Happy Holidays.
Yoooon
#8
Chapter 2: Thank you po sa ud~