Chapter 6

Can We? (Tagaloc Fic.)
Please Subscribe to read the full chapter

"Diba?! Sabi ko ang cute niya eh!" Napangiti lang ako sa pabulong niyang chika. Yan tayo eh, lakas makapuna na simp ako pero siya flex ng flex sa crush niya na di naman siya kinakausap.

 

"Ako pa ngayon ang simp ah. Tingin nga!  Mukang snob yang Jaehyun." Jaehyun daw ang name nung bagong kinakabaliwan ni Ningning. Matangkad, maputi at infairness pogi.

 

Umirap lang si Ning at tumingin nag patuloy nanaman sa pag stalk sa crush niya.

 

Nasa klase kami, kaya pabulong lang ang kami mag kwentuhan. Nasa likod din kami kaya panatag ang loob namin na di maririnig ang chismisan namin.

 

"Gwapo noh?"

 

"Di ka papatulan." Nag pigil ako ng tawa at halata sa muka niya na di siya natuwa sa mga sinabi ko. By now nag iisip na to ng pwede irebut.

 

"Kesa naman sa may ka laplapan buddy nga pero ilang araw ng walang paramdam. Winter tuyo! Oh ano ano ano? tameme ka?" Nyemas tong babaeng to. Sapul na sapul ah. Kung nasa dorm lang kami o sa ibang lugar, na kotongan ko na si Ning. Grabe mamersonal.

 

"Sana wala tayo sa klase ngayon ng nakotongan na kita. Sapakan nalang sa labas ano?" Tuloy parin ang pag tawa ni Ning sa mga sinabi niya. Mukang tuwang tuwa siya dahil namumula na ito sa kakapigil ng tawa.

 

Masyado naman mabilis dininig ni Lord ang aking panalangin.

 

 

"Kung ituloy niyo nalang kaya yang chismisan niyo sa labas." Na statwa kami ni Ningning sa aming upuan. Nakakahiya ang mga gantong eksena. Ramdam na ramdam ko na maraming mata ang nakatingin samin. Lumingon ako sa kaibigan ko na hanggang ngayon nag pipigil parin ng tawa.

 

Tinuro kami ng aming professor, "The both of you! Labas!" Gusto ko nalang lamunin ng lupa ng dahil sa kahihiyan.

 

May ganto pa pala sa college? Laging sinabi sabi samin ng mga high school teachers na kanya kanya na daw college at walang pake ang mga professors o baka talagang bad mood si sir at na bastusan sa ginawa naming chismisan sa likod..

 

I guess, no choice naman kami. Dali dali nalang naming kinuha ang mga gamit namin. Ang tahimik ng lahat habang lumalabas kami sa classroom. Nasa dulo pa ang upuan namin at tila napaka bagal ng oras habang nag lalakad kami papuntang pinto palabas ng classroom. Lahat kasi ng mata nakatingin saamin.

 

Boring naman talaga ng klase niya pero ang bastos naman talaga na mag daldalan kami sa likod habang nag tuturo siya.

 

 

 

Dahan dahan naming sinasara ang pinto at narinig ko agad ang pag buntong hininga ni Ningning.

 

"Mag ddrop na talaga ko!" I rolled my eyes at tiningnan ko siya ng masama. Di yan ang unang beses na narinig ko yan kay Ningning. Partida first year palang kami.

 

Nakaka stress. Bukod sa napahiya kami kanina, naalala kong tatlong oras pa bago ang susunod na klase. Hassle. Saan kami tatambay?

 

"Oh sige nga. Pag nag drop ka, ano plano mo? Wala ka na ngang Jaehyun, wala ka pang degree!" Naka simangot ito habang pababa kami papuntang canteen. 

 

Tatlong oras pa bago mag next class. Tangina. Sarap humilata nalang sa bahay kung ganto kahaba ang vacant, tapos napalabas ka pa.

 

Nakaupo kami sa canteen. Kapwa kami walang ginagawa. Sa mga pagkakataon na ganto, isa lang naiisip ko.

 

Naisipan ko na imessage si Karina. Iniiwasan ko na nga ang mga gantong pag kakataon. Yung walang ginagawa. Nababakante ang utak at siya lang ang naiisip. Ang dami kong ginawang rason sa utak ko kung bakit wala na siyang paramdam pag katapos ng huli naming kita. Walang message. Kahit anong paramdam wala. Sabi nga ni Ningning, kung kelan niya lang maisipang mag paramdam dun lang siya mag paparamdam. 

 

Hindi ko alam kung ano ginagawa niya. Di ko din alam kung bakit ko hinahayaan ang sarili ko maipit nang maipit sa gantong sitwasyon. 

 

"Kasalanan mo to eh."

 

"Pinagsasabi mo dyan?"

 

"Message ko ba si Karina?" Tumingin siya sakin at napangisi.

 

"Go for it!" Akala ko talaga tututol siya. Ano ba talaga gusto niya? Maputol ang connection ko kay Karina o mapaasa ko ng tuluyan?

 

It's been 5 days din naman. Di naman sa need niya ko iupdate sa bawat galaw niya pero ewan hmmm.. sana sinabihan niya ko if nakauwi na siya nung araw na lumabas kami. Mahalaga saakin ang maliliit na bagay tungkol sakanya na dapat di ko naman inaalala.

 

"Di ka tututol?"

 

"Unfair din kasi Win. Laging siya yung nag aaya. Siya yung unang nag chachat. Mag laplapan buddy kayo diba? di ka naman niya "toy". Ano siya lang pwede?" I cringe sa term na "laplapan buddy". Lakas maka jologs pero ano pa nga bang tawag sa ginagawa namin ni Karina.

 

And may point siya ah. Tumango tango lang ako at hinugot ang cellphone ko ng bigla ito nag salita.

 

"Wag mo ng ichat! Tsk! Iiwan mo nanaman ako." I looked at her in disbelief.

 

"Ikaw nga may mga tropa na sa block natin."

 

"Selos ka ba? Di ko sila trip kasama." 

 

"Tigilan mo ko Ning. Di kita iiwan pero ichachat ko na!" Isang ngiti nanaman ang nabuo sa aking mga labi, parang nakalimutan ko na halos isang linggo akong walang balita mula kay Karina.

 

"Bilis pag dating sa babae."

 

"Siya lang naman babae ko.." Sabi ko habang hinahanap ang pangalan ni Karina sa messenger.

 

"Delikado ka na talaga." Umiling siya at napunta nanaman ang mata sa cellphone.

 

 

Bawat type ko ng pwedeng imessage kay Karina, binubura ko. Eh paano hindi ko alam paano ko siya babatiin. Hi? Good afternoon? Tapos ano? Naisip kong wag nalang muna siyang abalahin ng bigla kong narinig ang boses ni Ningning.

 

"Isend mo na yan. Paano ka makaka porma,  lahat nalang ng kilos mo pag nandyan si Karina kalkulado. Pinag iisipan mo bawat galaw mo. Hay nako! Di kayo uusad nyan." Na offend ako sa narinig ko kaya walang pag dadalawang isip na pinindot ko ang send. Simpleng Hi lang naman at smiley emoji. 

 

On normal days, di ko naman gagawin to pero dahil sa kagustuhan ko na makausap ulit siya, ako na ang gagawa ng paraan.

 

Nangatog agad ang kamay ko. Kaya nga siguro wala kaming usad dahil sa gantong ugali ko. 

 

"Nag hi na ko Ning. Ano sasabihin ko pag nag reply siya?"

 

"Hintayin mo mag reply. Yan ka nanaman eh."

 

Pag karaan ng ilang minuto. Nag vibrate ang cellphone ko.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Battosainamayitak #1
Update pls, waitings lang po sa next chapter🥺
HelpINeedNamePls
#2
Chapter 9: Belated merry christmas and Happy new year otor! Pamasko naman dyan, balik ka na po 🥺
TakuyaKen
#3
Chapter 9: kay Somi ka nlng pi hehe
TakuyaKen
#4
Chapter 4: gaga ka Winter down bad yan and sa toxic pa na situation
TakuyaKen
#5
Chapter 3: ahahaha same tayo Win red ang fave color lol pero uhm real talk dont settle for someone na itatago ka lang or kaya ka iwan then babalik n wla nangyari
Emgeelex
#6
Chapter 9: Balik ka na po 🥺
Emgeelex
#7
Chapter 9: 🥺
HelpINeedNamePls
#8
Chapter 9: Mukhang may kaagaw na si rina ahh HAHAHAHA Update ka na ulit otor!🤩🥺
Coleeee #9
Chapter 9: Omg Somi ang dakilang 3rd wheel ng 3rd and 4th gen ships! Tuloy mo lang beh, para matauhan si Karina. Kung hindi naman, wagi rin naman si Winter sayo. Somi na yan oh.
karypotpot #10
Chapter 9: tuloy mo lang yan somi HAHA