Chapter 2

Can We? (Tagaloc Fic.)
Please Subscribe to read the full chapter

Flashback sa party. 3 months before college. 

 

"Seryoso ka ba?! Ang pangit ng suot mo. Mag palit ka kaya." Naiinis na sabi ni Ningning at halatang irita na dahil sa pinili niyang outfit pero tulad ng sabi niya tiis ganda dapat. 

 

"Kesa naman sa outfit mo na kala mo ikaw yung may birthday. Di nga kayo close nung classmate nating yon, napaka feeling mo. KTV lang yon, ang cheap kaya.

 

Sinira ko ang zipper ng outfit niya na kumikinang at naka full make up pa tong si gaga, ewan ko pang di mahulas yan don. First time namin mainvite. Di naman kami loner pero di kami yung tipong may night life. Naging partner namin si Giselle sa thesis paper kaya yon sakto birthday niya, nainvite kami. 

 

At si Ningning, strict ang parents. Kaya first time namin mag inom kasama ang mga kaklase namin at iba pang kaibigan ni Giselle. Buti nga pumayag na sila na after graduation kasama ko siya mag dodorm. Hindi ko ata kayang tagalan ang pagiging makalat at pagiging maingay niya pero kakayanin, ang hirap din makahanap ng kahati sa bayarin charot. 

 

"Hoy nag uusap kami ni Giselle. Sakanya ko kumukuha ng sagot sa Pre Cal nung Grade 11!.. tas anong cheap? mayaman pamilya non, englishera nga yon eh. Kaya palitan mo yang suot mo, wala kang mauutong babae sa don. Sayang naman mag cocollege kang ." Di talaga siya maka pag salita ng hindi ako nilalait, napatanong nalang ako bat ako binigyan ng ganitong kaibigan and soon to be roommate. Napatitig nalang ako sa aking bestfriend at sa kwarto niya na ang kalat, napailing ako, 'Jusko tulungan niyo ko sa bahaeng to, sabi ko sa aking isipan. 

 

 

 

 

Ganto talaga ang realidad. 

 

 

 

 

Magandang damit, maayos na make up pero ma huhulas lang din sa kaabang ng sasakyan papuntang venue. 

 

"Siguraduhin lang ni Giselle na kaya niya tayong lasingin at mag eenjoy tayo don. Hassle talaga pag walang mayaman na jowa." Nag backfire mga kagagahan niya, heavy make up and heels pa more. 

 

Nakarating na kami sa venue, maayos nga at hindi cheap katulad ng inaakala ko. Nahiya tuloy ako sa suot ko. Napatanong nalang ako kung paano na afford ni Giselle ang gantong klaseng party, pero sa dalawang taon na naging kaklase ko siya, alam kong may kaya ang pamilya nila. Nakita ko ang ilan naming mga kaklase at yung iba di ko kilala. Ang awkward pero nandito na ko at mukang excited naman si Ningning kaya pumasok nalang ako sa loob. 

 

"Hi! Nandito na pala kayo! Naunahan niyo pa yung pinsan ko. Tara guys shot agad sagot ko yan lahat. Wag kayo mahiya ah." Masayang bati ni Giselle. Umupo kami kasama ng iba naming mga kaklase na invited. Hiyang hiya ako pero ang kasama kong si Ningning ay kuminang ang mata sa dami ng alak at pulutan dito sa KTV bar na nirentahan ni Giselle. Malaki ang venue at halatang gagastos talaga si Giselle dahil nag sabi pa ito na umorder lang kami ng gusto naming pulutan. Di naman makapal ang muka ko pero si Ningning ay umorder agad ng sisig at fries. 

 

"Ano may gusto ka ba?" Pabulong na sabi nito habang nakangisi. 

 

"Nakakahiya!" Bulong ko pabalik. 

 

"Sagot nga niya lahat diba tapos iinom tayo tapos mayaman naman yan" Grabe, hinayaan ko nalang siyang umorder at maya maya pa pinasahan na kami ng shot ng mga kaklase namin. 

 

Agad agad kong nilagok ang shot na binigay. Nanlaki ang mata ng mga kakilala namin dahil hindi sila sanay na makita akong ganon. Tf? sa sobrang awkward mas pipiliin ko nalang malasing para mawala ang hiya ko. 

 

"Malakas ka bang uminom? Kung kelan tayo ggraduate, saka ka nag pakita ng ganyan. Sana pala sinama ka namin noon" OA lang te? nag shot lang. Akala siguro ng mga to anghel ako. 

 

Ang isang shot ay nasundan ng dalawa, tatlo at tulyan ko ng di mabilang ang naiinom ko. Di pa naman ako lasing pero malapit na matipsy at di na ko ganong ka stiff. Si Ningning ay kumakanta at patuloy na napapakita ng tale

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Battosainamayitak #1
Update pls, waitings lang po sa next chapter🥺
HelpINeedNamePls
#2
Chapter 9: Belated merry christmas and Happy new year otor! Pamasko naman dyan, balik ka na po 🥺
TakuyaKen
#3
Chapter 9: kay Somi ka nlng pi hehe
TakuyaKen
#4
Chapter 4: gaga ka Winter down bad yan and sa toxic pa na situation
TakuyaKen
#5
Chapter 3: ahahaha same tayo Win red ang fave color lol pero uhm real talk dont settle for someone na itatago ka lang or kaya ka iwan then babalik n wla nangyari
Emgeelex
#6
Chapter 9: Balik ka na po 🥺
Emgeelex
#7
Chapter 9: 🥺
HelpINeedNamePls
#8
Chapter 9: Mukhang may kaagaw na si rina ahh HAHAHAHA Update ka na ulit otor!🤩🥺
Coleeee #9
Chapter 9: Omg Somi ang dakilang 3rd wheel ng 3rd and 4th gen ships! Tuloy mo lang beh, para matauhan si Karina. Kung hindi naman, wagi rin naman si Winter sayo. Somi na yan oh.
karypotpot #10
Chapter 9: tuloy mo lang yan somi HAHA