tres

Lintek na Valentines!
Please Subscribe to read the full chapter

Winter’s POV

 

D-Day…

 

… Para sa iba.

 

Ito ang araw ng pag-ibig…

 

… Sabi nila.

 

Pero nahahawa na ata ako kay Karina na allergic dito. 

 

Siguro dahil bitter ako this year. 

 

Tsk!

 

Ikaw ba naman ma-reject. 

 

“Ate Win!” napalingon ako sa nagtawag sa akin. 

 

Nakita naman ko si Wonyoung na tumatakbo papunta sa akin. Siya yung grade 10 representative, responsableng bata. 

 

“Tinatanong ni Ma’am Castro kung ready na daw po ba yung preparations niyo dito.” 

 

Chineck ko time: 7:15 AM

 

8am pa naman start ng program. May mga magperperform na mga clubs tapos mga announcements at kung ano-ano pang cheche bureche.

 

Inaayos namin ngayon yung stage at yung mga mic na gagamitin, pati narin yung speaker na gagamitin ng Dance Team mamaya. 

 

“Sabihin mo malapit na.”

 

Tumango naman siya at tumakbo na paalis. 

 

“Okay. Dance Team, makinig!”

 

Nilagay ko yung mic na gagamitin nila mamaya sa table. Tumingin naman ako sa gawi nung mga nagsasalita. Binibigyan sila ng instructions ng teacher na nag hahandle sa club. 

 

Iba’t ibang outfit ang. May mga naka-pang ballroom, may mga naka formal attire. Meron din yung mga nakapang-hiphop. 

 

Inikot ko mata ko para hanapin ang babaeng laging laman ng isip ko… she’ll probably cringe pag narinig niyang sinabi ko ‘to dahil nga hindi naman mahilig yun sa corny na bagay. 

 

Nakita ko siyang may kausap na ka-grupo. 

 

Naka-crop-top siyang black na hapit na hapit sa katawan niya, matched with cargo pants na black rin at boots na black rin. 

 

Reflection of what she thinks of Valentines: Dark and Bitter. 

 

Well… ako rin naman… ngayong year. 

 

Still… gosh.

 

Karina in that fit? Tapos naka-pony tail pa.

 

Napadila ako ng labi dahil parang natuyo. Mas gusto kong nakalugay buhok niya pero grabe lang din epekto ng nakaponytail na Karina. 

 

Nakakapanghina.

 

“Winter, ready?” lumingon ako kay Jungwoo. 

 

“O-oo.”

 

Nakita ko naman siyang napalingon sa gawi ng Dance Team., “Win”

 

Alam ko na sasabihin niya, at alam ko na rin sasabihin ko. 

 

“Lakad mo na ako kay Karina.”

 

“Hindi siya interesado sa’yo.” mapakla kong sabi.

 

Alam kong ako pinaparinggan ni Karina non… pero… ugh! 

 

Kinuha ko na ang ibang gamit ko para na rin makabalik na sa council office.

“Ha? Paano mo alam?”

 

Mabilis siyang sumunod sa akin palabas ng auditorium kung saan gaganapin ang program, 

 

“Sabi niya.”

 

“Weh?!”

 

Tumango lang ako.

 

 I saw him pout, “Sayang naman.”

 

“Kaya tum-”

 

“Pero t-try ko parin. Sulat ko pangalan namin sa jail booth mamaya.” ngiti nitong sabi saakin. 

 

Sinipa ko naman siya sa paa. Making him yelp sa contact. 

 

“Umayos ka nga. May duties ka pa as council member. Ikaw pa man din Secretary.”

 

“Hoy! Hindi naman tayo buong araw na  may gagawin. Pagkatapos ng program, tapos na rin duties natin no, bahala na bawat club sa sari-sarili nilang booths.”

 

“Tapos na duties NIYO” I emphasized. “Kailangan pa namin tapusin ni Pres yung ibang paperworks na natira sa council room. At PAGKATAPOS saka lang kami pwedeng mag-saya.”

 

“Baka nga mas masaya pa si Pres doon e.” narinig kong bulong niya. 

 

Mukhang hindi niya ata inexpect na maririnig ko dahil nagulat siya nung sumagot ako. 

 

“Hindi dahil magaling si Pres sa ginagawa niya, ibig sabihin gusto na niya ginagawa niya.”

 

Nakakastress rin kaya!

 

“Hindi naman ‘yun yung ibig kong sabihin”

 

“Ha?” 

 

“Wala” dumila si Jungwoo at tumakbo na papalayo sa akin. 

 

okay?

 

-

 

Nag-start na ang program at katulad nang nakagawian, nakatayo kaming mga member ng council sa gilid malapit sa stage. Nag-sasalita ngayon yung Principal ng school na si Lol- ay! Sir! Sir Sooman. Sir Sooman dapat pero Lolo tawag namin. Matanda na kasi, at hindi naman siya ganoon kastrikto, may pagkaisip bata pa nga. Siya yung nakaisip nang isang linggong Valentines na kinaiinis ni Karina. 

 

Napatawa ako nang maalala si Karina at ang sama ng loob nito sa balentayns. 

 

Wait?

 

Kaya ba niya ako nireject dahil cliche yung pagbibigay ng letter?

 

“Why are you laughing?” 

 

Napalingon ako sa katabi ko at nakita siyang may maliit na ngiti sa labi, mukhang na-aliw sa nakita.

 

I chuckled awkwardly, “Ah wala. May naalala lang, Pres.”

 

“I told you to call me by my name.”

 

Hindi nalang ako sumagot doon at nilipat ang tingin sa harap. Ang awkward kasi talaga kahit magkabatch lang naman kami. HUMSS student siya at ang alam ko balak mag-law, kaya ganyan magsalita tapos nakakaintimidate pa. Hindi rin naman kami close. 

 

“Can I talk to you mamaya?”

 

“About ba sa yearbook?” 

 

Ang balita ko kasi magsstart na magprepare next month para doon. Dahil siguro matagal din ang printing at para mabigay na sa mismong graduation. Sana lang grumaduate kaming lahat no. 

 

“No. It’s about something else.” 

 

Kumunot-noo ko sa taka pero tumango nalang din ako. Baka tungkol sa ibang council stuff lang din sasabihin niya. 

 

-

 

Karina’s POV

 

Nilikot ko ang tingin ko, ang alam ko malapit lang rin sa stage ang Student Council. 

 

Nasa backstage ako ngayon kasama ang ibang member ng Dance Team. Pang last ang grupo ko na magpeperform kaya prente lang akong nakasilip ngayon mula sa likod. 

 

Napangiti ako nang makita siya sa left side ng stage at kakaway na sana nang makitang nag-uusap sila nung… nung president na ‘yon. 

 

“Oh bakit ka nakasimangot diyan?” tanong ng isa sa mga chairwoman katulad ko na si Yeji. 

 

“Wala.”

 

Ano ba pinaguusapan nitong dalawang ‘to? Bakit ngiti nang ngiti yung babae? Tsk!

 

So, siya yung gusto ni Winter? Eh hindi naman maganda yan e. 

 

“Grabe ang ganda ni President Jinsoul. Napaka-classy tignan.”

 

“Mas maganda pa ako dyan.” nadulas dila ko. 

 

Parang nagulat siya sa sinabi ko kaya tinanggal ko na yung pagkakasilip ko at akmang babawiin pero binigyan niya ako ng mapang-asar na tingin. 

 

Hindi ko naman sinasadya, nainis lang ako sa sinabi ni Yeji. Kakasabi ko lang na ‘di maganda tapos sasabihin naman niya na maganda. 

 

Kaasar lang!

 

“Grabe palaban?” natatawang sabi niya. 

 

Inirapan ko siya, “Stating Facts.”

 

Kakapalan ko na mukha ko. Mukhang hindi ko naman na mababawi sinabi ko eh. 

 

“Okay. Dance Team after sumayaw at kumanta ng mga teachers kayo na next. Sino unang magpeperform?”

 

Humarap kami sa nagsalita sa likod, si Jungwoo yung SC Secretary. Yung nagbigay ng letter. 

Sa totoo lang? Hindi ko binasa. I’m not interested pag hindi si Winter ang nagbigay. And reading the letter would just make me feel guilty. 

 

Nakalahad damdamin nila roon e. Siguro yung ibang letter hindi ganoon kadeep pero I refuse to read it parin. 

 

May gusto ako kay Winter. Tinanggap ko na ‘yon kamakailan lang. I don’t like seeing her with anyone else but me. Especially with that president na hindi naman maganda. 

 

Sinagot ni Yeji yung tanong ni Jungwoo at ang mga kasunod pang tanong. Pinakinggan narin namin yung ibang instructions. 

 

After non, nagprepare na rin yung mga unang magpeperform. Umalis na rin si Yeji para pumunta sa team niya, sila kasi yung mauuna. Ako naman pupuntahan ko na rin sana yung mga kagrupo ko nang biglang bumangad mukha ni Jungwoo sa harap ko. 

 

“Hi, Karina!” masigla nitong bati, kumaway pa siya ng onti. 

 

Pilit akong ngumiti sakanya, “Jungwoo.”

 

“May gagawin ka ba mamaya?”

 

Hindi ba sinabi sakanya ni Winter? 

 

“Hindi ako interesado. Sorry.” I smiled at him apologetically. 

 

“Sabi nga ni Winter hehe.”

 

“So, why are you still asking me out?” 

 

“Told her na susubukan ko parin e. Kung bibigyan mo ko ng ch-”

 

Napabuntong hininga ako, “Hindi ako interesado, Jungwoo.” madiin kong sabi sakanya.

 

“Thank you sa letter per-” 

 

Hindi na natuloy sinasabi ko nang magtanong siya, nakakunot pa noo.

 

“Anong letter?” 

 

“Yung pinabigay mo nung isang araw?” 

 

Pati ako nalilito na. Hindi ba siya yung nagbigay non. Si Jungwoo diba?

 

“Wala?”, lumiit mata niya na parang nag-iisip. 

 

Kung hindi siya yung nagbigay. Eh sino? 

 

Teka.

 

Umalis ako nang ‘di nagpapaalam, narinig ko pa siyang tinawag pangalan ko pero hindi ako lumingon. I need to know kung kanino galing yung letter. 

 

Imbis na pumunta sa mga kagrupo ko, dumiretso ako sa bag ko. Hindi ko pa tinatanggal yung letter dahil hindi ko naman siya iniisip non. Pinabayaan ko lang dahil wala nga ako pake. 

 

Ilang segundo ang lumipas sa pagkalkal ko ng bag dahil puro damit at ibang notes ang nakalagay dito, nakita ko na sa wakas sa bandang gilid ito. 

 

Pinagmasdan ko yung sulat. Medyo yupi na yung gilid, tapos yung flower sa gitna bungal na rin yung mga talulot.

 

Kabado ko ‘tong binuksan. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: ,,,,
nabs_infp
#2
Chapter 3: sobrang need ko ng fluff rn. 🥹 thank you for this one, tor!
tobykaiii
#3
Chapter 1: Ay???
Young_DP
#4
Chapter 1: same reaction rina haha
qwertasdf18 #5
Chapter 3: Huhuhuhuhuhuhu kinikilig ako naol 🤧🤧🤧
qwertasdf18 #6
Chapter 1: Awtts sakit pighati sawi saklap 🤧🤧🤧
ryujinie__
732 streak #7
Chapter 1: rereadinggg 🖤
M_1412 #8
Chapter 3: Cuteee huhu
M_1412 #9
Chapter 1: HSHAHAHAHAH umatras kilig eh
Etoile__
387 streak #10
❤️‍🔥❤️‍🔥❤️‍🔥❤️‍🔥