uno

Lintek na Valentines!
Please Subscribe to read the full chapter

Karina’s POV

 

“Love is in the air!” 

 

Agad akong umirap nang marinig kong sumigaw si Margie mula sa pinto ng classroom namin. Kakarating lang ang ingay-ingay na. Jusko!

 

Alam niyo yung kaklase niyong pampam na parang hindi nauubusan ng sinasabi kahit wala nang kwenta pinagsasabi. Siya ‘yon!

 

Pero obyus naman kung bakit ‘yon ang sinabi niya. Bawat sulok ata ng school may mga puso o kung ano-ano pang dekorasyon na related sa event ngayon.

 

At kung hindi niyo pa nahulaan kung ano yung event na tinutukoy ko– Valentines. 

 

Lintek na Valentines.

 

Sa school namin, hindi lang Valentines Day ang cinecelebrate. Hindi lang isang araw. Buong linggo! Nakakabwisit!

 

“Oh. Bakit ka nakasimangot, Bes.” Rinig kong sabi ng kakaupo sa tabi ko. 

 

“Parang hindi mo naman alam, Selle. Valentines na. Eh hater ata yan ng lahat na related sa pag-ibig.” singit ng isa pang bagong dating na umupo sa tabi ni Selle, short for Giselle. 

 

“Alam ko naman, Ning. Gusto ko lang siya asarin.”

 

Sabay pa silang tumawa kaya inirapan ko kaagad. 

 

“Hindi ako hater ng pag-ibig.” depensa ko. Hindi naman talaga.

 

Ang ayaw ko lang yung mga cliche na nakikita mo. Yung mga corny na napapanood mo sa teleserye…

 

Nakarinig ako ng hagikgik sa likod, “ano ba, bae?” malanding sabi nung babae habang yung lalaki nakasiksik sa leeg niya. 

 

… o sa tabi-tabi. 

 

“Bae, kiss mo ko?” 

 

Napataas naman kilay ko dahil mas maharot pa yung pagkakasabi ng lalaki kaysa sa babae. 

 

Kilala ko naman sila: Si Jopoy at si Kisses. Kaklase namin na isang linggo palang na magjowa. Kaya siguro ang sweet-sweet pa. 

 

Ganyan. Ganyan ang hindi ko matolerate. PDA!! 

 

Sobrang PDA!!

 

“Tsk”, inis akong tumingin sa harap, nagdadasal na sana dumarating na yung advisor namin. 

 

BAKIT BA ANG TAGAL ANG BELL?!

 

“Oo nga naman, Ning. Hindi naman siya hater… bitter lang!” asar ni Giselle at sabay pa silang tumawa ni Ningning. 

 

“Oh bakit nakasimangot ‘to?” 

 

Nagpasalamat ako sa Diyos nang dumating ang isa pa sa kaibigan namin, at umupo sa tabi ko. Nilapag niya ang hawak niyang Bear Brand Sterilized Milk, yung may straw, at skyflakes sa harap ko. 

 

Kuminang naman ang mata ko dito. 

 

“Valentines na kasi, Winter.”

 

Nakarinig naman ako ng mahinang tawa habang binubuksan ko yung skyflakes. She always bring me breakfast dahil alam niyang late ako lagi nagigising and that I don’t like eating heavy meals sa umaga. 

 

Pagtingin ko sakanya, nakangiti siya sa akin, “Bakit ba ayaw na ayaw mo sa pag-ibig?”

 

Napapout naman ako sa sinabi niya, “Hindi naman sa ganon. Ayaw ko lang talaga nakakakita ng mga cringe na bagay.”

 

“Kasi gusto daw niya siya makaexperience.” nag-apir pa yung dalawang nasa kaliwa ko kaya sinamaan ko nanaman sila ng tingin.

 

Parang umalat tuloy yung kinakain ko dahil sa pang-aasar nila. TSK!

 

“Ganon ba ‘yon?” natatawang sabi ni Winter. 

 

“Winter, you know me better than anyone else. Alam mong hindi ganon ‘yon.” I looked at her pointedly. 

 

Winter is my best friend. Siya pinakamatagal kong kaibigan. Mag-kumare rin kasi nanay namin kaya close na talaga kami. At alam niyang hindi ganon ‘yon. 

 

Naiirita lang talaga ako sa mga cliche na bagay. Lalo na yung paulit-ulit. Nakakabwisit!

 

“Hmm.” lang sabi ang sabi niya bago tumingin sa harap kung nasaan ang teacher… wait TEACHER?!

 

Napansin kong tumahimik na rin ang klase. 

 

Kailan pa pumasok si ma’am?

 

 

Pinagtatawanan ako nanaman ng dalawang ‘to: Ningning at Giselle. 

 

Lunch na ngayon at kung mamalasin nga naman, inannounce na half-day lang daw kami dahil sa preparation para sa event.

 

Every year naman ganito pero naiinis parin ako.

 

Start na ng pag prepare para sa mismong Valentines Day, which is sa end ng week.

 

Hindi ko rin alam kung bakit ganito yung school namin. Masyadong maligalig pag-dating sa Valentines. Asar! Maling School ata napasukan ko. 

 

“Balak mo ata katayin pa uli yang karne.” Asar ni Giselle.

 

“Selle, pwede bang tumahimik ka nalang.” binato ko siya ng tissue na nasa gilid. 

 

Tumawa si Ninging, “Lumovelife ka na kasi.”

 

“Wala naman may gusto sa akin.”

 

Sumubo na ako sa pagkain na kanina ko pa hinihiwa. Ano ba kasi ‘tong nilutong ‘to?! Parang gusto kong magreklamo. Ang kunat!

 

“Gaga! Anong tawag mo sa nakapilang nanliligaw sa’yo” binato niya pabalik sa aking yung tissue. 

 

Luminga-linga ako na parang may hinahanap. 

 

“asan? Wala naman ah.”, pilosopo kong sabi. 

 

“Gaga ka talaga!” 

 

“Ang ibig naming sabihin, marami kang manliligaw. Si Jeno ng HUMSS– pogi, basketball player, tapos mabait daw. Ayaw mo ba?” tanong ni Ning habang umiinom ng juice niya. 

 

“Hmm” I shrugged disinterestedly. 

 

“Jaemin ng STEM– pogi rin, matalino, funny pa daw.” sabi naman ni Giselle

 

I scrunch my nose to show na hindi ako interesado. 

 

“Mark ng ABM– gwapito, dollar spokeni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: ,,,,
nabs_infp
#2
Chapter 3: sobrang need ko ng fluff rn. 🥹 thank you for this one, tor!
tobykaiii
#3
Chapter 1: Ay???
Young_DP
#4
Chapter 1: same reaction rina haha
qwertasdf18 #5
Chapter 3: Huhuhuhuhuhuhu kinikilig ako naol 🤧🤧🤧
qwertasdf18 #6
Chapter 1: Awtts sakit pighati sawi saklap 🤧🤧🤧
ryujinie__
732 streak #7
Chapter 1: rereadinggg 🖤
M_1412 #8
Chapter 3: Cuteee huhu
M_1412 #9
Chapter 1: HSHAHAHAHAH umatras kilig eh
Etoile__
387 streak #10
❤️‍🔥❤️‍🔥❤️‍🔥❤️‍🔥