Padyak My Way To Your Heart

Puppy and Meow Meow Stories


"Hoy Karina kanina kapa titig na titig diyan sa bicycle shop nina Tita Yuri, may plano kabang mag cycling?"

 


Nandito kami ngayon ni Ning sa kwarto ko at nakatitig kami sa shop sa tapat nang bahay namin.

 


"Oo wala kasi akong magawa sa bahay"

 

 

"Wushuuu ang sabihin mo, hinahalay mo sa utak mo yung bunsong anak niya"

 

 

"hindi ah! Tinitignan ko lang yung mga bike na naka display"

 


"Ows talaga? Anong kulay nang bike sa labas nang shop? "

 


"Pula"

 

 

"Eeeng! Mali ka black kulay nang bike, yan kulay nang tshirt ni crushie mo. To talaga nagsinungaling ka"

 


Nag roll lang ako nang eyes at bumalik sa pagtingin ko sa shop nang makita kong nakatitig pabalik yung crush ko. Nagulat naman ako nung nagsmile siya kaya napaatras ako at natumba sa sahig.

 


"Hoy! Okay ka lang? Bat ka natumba?"

 

 


"Ning! Nakita niya ako"

 

 

"Sino????"

 

 

"Yung si crushie ko"

 

 

Nakita ko namang napa roll nang eyes si Ning at hinatak ako pababa.

 

 

"Teka Ning! San tayo pupunta???"

 

 

"Saan pa ba? Bibili ka nang bike mo kasi sumasakit roots ko sa long distance tanaw mo sa crush mo"

 

 

"Ning wag, di pa ako ready-"

 

 

"Heh! Ako na stress sayo, baka mahulog yung mga buhok ko na kakableach lang para ma achieve ang pulang kulay na gusto ko"

 

 

Wala nakong magawa kaya kinaladkad na niya ako sa shop, buti nalang naka yoga pants ako at shirt tsaka tsinelas kaya medyo maayos naman outfit ko.

 


Pumasok kami sa shop at isang mahabang buhok na babae na nakatalikod ang bumungad samin. Hinanap ko naman si crushie pero parang wala siya.

 

 

"Um hello! Bibili po friend ko nang bike"

 


Nang lumingon siya ay napa singhap si Ning na parang OA dahil sa girl. Feel ko empleyado siya dito.

 


"Oh, hi! I'm Giselle and welcome to Yul's Cycling Shop. Wait lang ah, tawagin ko lang yung kasama ko kasi mas knowledgeable siya sa bikes."

 

 

"Ah sige hihi I'll wait for you"

 

 

Ngumiti naman ito at pumunta sa likod at mahina kong pinalo ang braso nang kaibigan ko.

 


"Kanina agagalit ka sakin pero heto ka naglalandi sa harap nang empleyado"

 

 

"Atleast harap harapan eh ikaw, hanggang tingin lang"

 

 

"Abat-"

 

 

Tumigil naman kami nang lumitaw yung palagi kong pinag mamasdan. Mas matangkad ako sakanya pero halatang fit siya, maputi, short haired tapos meron nakabuntot na gray husky puppy sakanya.

 

 

"Hi, sino yung bibili nang bike?"

 


Bago pako makasagot ay tinulak nako ni Ning at buti nalang di ko nabangga si crushie. Pinandilatan ko lang siya pero inirapan niya ko dahil kinausap niya yung si Giselle. For sure magiging crush siya ni Ning.

 


"Hehe pasensya kana sa kaibigan ko ah? Nakahithit ata nang katol kaya ganyan siya"

 


Tumawa lang siya nang mahina at namula naman ako dahil sa epekto niya sakin. Bat ang ganda niya sa paningin ko?

 

 

"okay lang yun. So, may any specific type nang bike kabang bibilhin"

 

 

"actually first time ko kaya di ko alam kung ano pipiliin ko. Gusto ko kasing mag try na mag cycling kasi wala kong magawa sa bahay"

 

 

"Ganun ba? Well I recommend you a hybrid bike or mountain bike since ito yung mostly ginagamit ngayon nang mga nagbibike. Meron kabang budget na intended sa pagbili?"

 

 

Naglakad kami sa section nang sinasabi niyang bike type at nakatingin lang ako sa likod niya. Oh, medyo maganda yung quads at glutes, halatang fit na fi-

 

 


"Miss? Wala ka bang budget or?"

 

 

"A-ah meron, wala naman akong limit eh"

 

 

"Well okay, so, pili kana nang natitipuhan mo at tutulungan kitang iexplain yung pinili mo"

 

 

Ano ba Karina! Umayos ka sa harap ni crushie!

 

 

Huminga ako nang malalim at nagsimulang tumingin sa mga bikes. Wala man akong alam sa nga bikes pero may napansin akong blue na bike na may accent nang purple at white kaya nilapitan ko ito at hinawakan ang handle bar.

 

 

"Ang ganda nito, I like the color"

 

 

"well sabi nga nila, it reflects their owners. Although di kapa naman owner niya pero parang ganun narin"

 

 

Wait... Anong sabi niya?

 

 

It reflects their owner...

 

 

At sinabi kong maganda ang bike...

 

 

OMG

 

 


That means....

 

 


Nagagandahan siya sakin?!

 

 


"Gusto mong itry?"

 

 


"A-ah Oo"

 

 

"Cool! Kunin ko lang to then samahan moko palabas"

 


Huminga lang ako nang malalim para pakalmahin sarili ko at sinundan siya nang kinuha niya ang bike. Nakita ko nang kumuha siya nang helmet at lumabas na kami nang shop. Buti nalang mayroon part na di masyadong nadadaanan nang nadadaanan nang mga sasakyan.

 

 

"Papasuot ko muna to sayo, tune up ko lang yung bike"

 

 

Sinuot ko naman kaagad yung helmet habang may kinakalikot siya sa bike. After ilang minutes okay na at ngumiti siya sakin.

 

 

"Ayan okay na. Pinataas ko nang konti ang upuan total matangkad ka. Mas okay kasi yung ganun para mastretch yung paa mo habang nagpapadyak. Sasakit kasi paa mo pag di fully straight yung form niya while cycling"

 

 

Sasakay na sana ako nung bigla niya akong tinigilan at inayos yung helmet.

 

 

Mama ko, masyado siyang malapit 🤧

 

 

At ang bango bango niya, amoy Johnson's baby powder 🤧

 

 

"Medyo tabingi helmet mo. Sige sakay kana"

 

 


Sayo o sa bike?

 

 


Charot!

 

 


At yun sumakay nako at todo alalay naman si crushie hihi.

 

 


"Ganito, alam mo yung shift nang gear nang sasakyan?"

 

 

"Yep"

 

 


"Meron din sa bike. You press this, para medyo maluwag yung feel mo pag padyak, usually ginagamit to pag medyo mahirap ang daanan preferably sa mga steep or inclined na mga daanan. Yung isa, this shifts you back sa previous gear. Purpose nito is to match the speed na comfortable ka"

 

 

Wala man akong alam sa bike pero nakikinig ako sakanya. Di ko alam na ang attractive tignan pag nilelecture niya ako tungkol sa bike.

 

 

"Then brakes. Right brake is sa front wheel and left is sa likod. Check mo mamaya if okay ang brake. And lastly, dapat safety first. Ready kana itry? "

 


Nakangiti akong tumango at ngumiti din siya. Muntik nakong mahulog sa bike pero buti nalang naka balance ako, umayos ka Karina nakakahiya kay crushie if matumba ka.

 

 

Tinry ko na siya at ang gaan nang bike kaya di ako nahirapan. Sinunod ko naman ang sinabi ni crushie at medyo okay naman nakangiti pa nga ako habang nag turn pabalik sa shop. Nagsignal naman si crushie nang thumbs up at kinilig naman ako dun.

 

 

"Okay ba?"

 


"Yes, ang gaan nang bike di siya mabigat"

 

 

Baba na sana ako pero na out balance ako pero mabuti naman at sinalo ako ni crushie. Yung tibok nang puso ko maygaaash.

 

 

"okay kalang? Di naman ba nanginig tuhod mo?"

 

 


Sa bike? Hindi

 

 


Pero sa pagkakahawak mo sa sakin oo 🤧

 

 

"O-okay lang na out of balance lang"

 

 

"Mabuti naman. Nagalala ako saglit sayo"

 

 

Ay nagcacare siya sakin. Enebeeee

 

 

"Kukunin ko na tong bike"

 

 

"Ocakes! Si Gi na bahala sa inclusion niya. Samahan moko para sa payment"

 

 

Tinanggal ko ang helmet at nakita ko namang naglalandian si Ningning at yung Giselle. Enjoy na enjoy yung gaga oh.

 


"Gi, add mo inclusion sa bike na 27.5 yung sa labas"

 

 

"Okay mini boss!"

 

 

Nagpaalam muna si Giselle kay Ning at ginawa ang sinabi sakanya habang ako ay nakatingin lang kay Crushie na kasalukuyang karga yung puppy niya at nilagay sa ulo niya. Ang cute ay kinuhanan ko nang pic siyempre off yung flash at shutter sound.

 

 

"Stalker much?"

 

 

"Heh ikaw nga ang landi mo"

 

 

"Atleast nagkausap kami nang matagal"

 

 


May naramdaman akong may nagtutug nang pants ko at nakita ko yung puppy ni crushie na parang hinihila ako sa counter. Kinuha ko siya at sumiksik siya sa bisig ko.

 

 

"Chocnut! Sinabi kong papuntahin mo siya rito hindi yung lambingin mo siya"

 

 

Tumawa lang ako at naglakad papunta kay crushie. Ang cute lang kasi nakapout siya.

 


"It's okay, ang cute nga ni Chocnut eh"

 


Nilabas ko ang phone ko at niscan ang barcode for gcash at inapprove ang bayad. Nilalambing ko lang naman si Chocnut ang cute cute kasi.

 

 

"Um, ano"

 

 


Tumingin ako sakanya at nakita kong namumula siya.

 

 

"A-available kaba bukas?"

 


Napaisip ako at dahil wala naman akong gagawin ay umiling ako sa tanong niya.

 


"Wala naman so far bakit?"

 

 

"Um pwede ba kitang yayain mag bike? Like dun lang tayo sa malapit na park, usually kami lang dalawa ni Chocnut lumalabas pero I was hoping na sumama ka if okay lang"

 

 

Ngumiti naman ako sa narinig ko. My Crushie, inviting me on a outing that sounds like a date? Why not?

 

 

"Sure, I can give you my number para matext moko for details"

 

 

"Um eto na"

 


Binigay niya sakin ang resibo at nakita ko yung sulat kamay niya sa baba.

 

 


Winter
09*********

 


So Winter name niya hihi ang cute

 

 

"Chocnut balik na kita sa Mommy ko ah?"

 

 

Narinig ko namang nag whine si Chocnut pero kinuha na siya ni Winter. Ngayon ko lang nanotice na kamukha niya din si Winter hahahaha cuties.

 

 

"Is it okay if mga 4 tayo lumabas?"

 

 

"Sure para di nadin masyadong mainit"

 

 

"Great!"

 

 


Nagkatitigan lang kami at halos matunaw nako sa titig niya. Enebe weg keng genyeeeen.

 

 

"Mini boss! Okay na pati yung helmet and gloves andun na"

 

 

Naputol naman staring contest namin at nakita kong okay na ang bike.

 


"Samahan na kita"

 


Sabay kaming naglakad palabas at sinabihan ako ni Ning na mananatili muna siya sa shop kasi nga maglalandi kay Giselle. Ewan ko talaga sakanya hahahahah.

 


Si Winter na mismo yung nag dala nang bike habang naglakad kami sa bahay. Pinapasok ko siya sa loob at pinalagay ang bike sa garahe habang bitbit ko yung helmet at gloves na freebies.

 

 

"So... Bukas ah?"

 

 

"Yep at 4"

 

 

"Ako na susundo sayo"

 

 

"Okay"

 

 

Biglang tumahimik ang paligid habang nagkatitigan lang kami. Di ko alam ang gagawin ko kasi kanina niya pa talaga ako tinititigan.

 


"Winter! Magsasara na tayo!"

 

 

Naputol ulit yung titigan namin nang marinig namin ang boses nang Mama niya.

 

 

"opo Ma!"

 

 

Humarap siya ulit sakin at nagulat ako nung hinawakan niya kamay ko.

 


"Bago ako umalis, may aaminin ako"

 

 

"A-ano yun?"

 

 

"Crush kita, matagal na. At masaya ako na finally nagkausap na tayo. Matagal na kitang napapansin at kahit di ko goal sana na magwork sa shop ni Mama, nagawa ko kasi gusto kitang masilayan araw araw. Ano.. hindi ako stalker ah... Swerte lang na nasa tapat lang ang bahay niyo"

 

 


Syet... So meaning the feeling is mutual?

 

 

Mama ko! Meron nakong potential jojowain! 🤧

 

 


"Napapansin ko rin yung pasulyap sulyap mo dito sa shop at di lang kita pinansin kasi ayokong masira yung ginagawa mo."

 

 


Humigpit naman ang kapit niya sa kamay ko at bumilis ang tibok nang puso ko.

 

 

"Di mo alam kung gaano ako kasaya ngayon..."

 

 

"Karina. I'm Karina"

 

 

Ngumiti siya nung sinabi ko ang pangalan ko at dahil nakakahawa ngiti niya ay ganun din ginawa ko.

 

 

"Bakit bumilis tibok nang puso ko nang marinig pangalan mo"

 


Sinampal ko siyang nang mahina sa braso at napatawa kami.

 

 

"Bolera.."

 

 

"Hindi ah hahahahaha totoo sinabi ko"

 

 

"WINTER! MAGSASARA NA! KANINA PA KITA TINATAWAG"

 

 


Natawa kami ulit nung sumigaw na Mama niya.

 

 


"Sige na punta kana dun magalit pa lalo Mama mo"

 

 

"Sige. Text moko ah?"

 

 

"I will"

 

 

Bumitaw na siya at naglakad palayo at nagdadalawang isip ako sa gagawin ko pero dahil umamin siya dapat ako rin.

 

 

"Winter!"

 

 

Lumingon siya na nagtataka sakin kaya lumapit ako sakanya.

 

 

"Ano yun Ka-"

 

 

"What I'm about to do will be my reply sa confession mo. Di ko magawang sabihin kasi nahihiya ako"

 


"Anong gagawin m-"

 

 

Bago pa  niya matapos ang sasabihin niya ay hinalikan ko siya sa pisngi at napatulala siya.

 

 

"Good night Winter. See you bukas"

 

 

Sinara ko ang gate at dali daling pumasok nang bahay. Syet my heart, my soul, my gayness!!!!! 

 

 

Winter, papadyakin ko ang daan sa puso mo at sisiguraduhin kong jojowain kita.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
WRiskwerd
Again pasensorry sa grammr di nako nag abala pang mag backread at mag edit hahahahaa enjoy the update!

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 17: WALANG PINAGBAGI POGI MO PARIN KAEIL, MUSTA KA NA
ryujinie__
709 streak #2
Imy
Jiminez #3
Chapter 17: Pogi naman Kaeil
yurielle
#4
hala same author lang pala ito ng helluva ngayon ko lang napansin kasi nagbabasa ako sa kailaliman ng fics na sina subscribe ko
YuJiministheStandard
#5
Chapter 17: Adik to si Winter, porket kamukha ni Seulgi ng RV, yon na ipinangalan. Tawang-tawa ako, lukaret talaga ang bruha.
thatsnoneofurbusines
#6
Chapter 9: how about me naman na inaaway ako kapag nakakabangga 😣😭
littleweirdo02 #7
Chapter 18: Oh nevermind. On-going story pala talaga siya. AHHH. I'm excited to read this😍😍🤩 thank you author 🥰❤️
littleweirdo02 #8
Chapter 17: AAHHHH!! This is sooo good😍😍 gusto ko pa ng part two. Please author😁🥺
gayasf__
#9
Chapter 17: weird but cute lol
gonesurfin #10
Chapter 17: Yes to this being a fic! Excited na ako sa domestic WinRina with the cutie kambal 😁