BiBu Vlogs: Girlfriend Tag

Puppy and Meow Meow Stories

 

"Wassup mga Meow Meow's and yes alam kong nagulat kayo sa pa announcement ko sa soc med accounts ko. Mag vlovlog na po ako yaaaaaas naman"

 


Dinala ko ang cam ko patungo sa kusina at umupo sa upuan nang dining table.

 

"Naisip ko kasi na ishare din kahit papano yung mga ganaps sa buhay ko at para mag next level na yung channel ko kasi puro lang song covers upload ko"

 


Inadjust ko muna sa tripod ang camera ko at chineck kung okay na at nung steady na ay napangiti naman ako ulit.

 


"So, nag lapag ako nang question sa IG, FB at Twitter kung anong content gagawin ko at kayo ha, gustong gusto niyong makita yung jowa ko. Bat ba atat kayong makita jowa ko? Channel ko to diba?"

 


Pabiro ko namang sinimangutan ang camera pero siyempre hindi yung seryoso kasi lablab ko mga subscribers ko.

 

 

"Chour lang nga Meow Meow's. Pero okay naman kasi nagpaalam nako sa jowa ko at okay naman siya. Kung nagtataka kayo ngayon kung asan siya, bumili siya nang korean foods kasi gusto niyang kumain kami habang nagvlovlog pero pabalik na daw siya. Oh diba? Ibang klase jowa ko"

 

 

Naring ko namang nag click yung pinto at signal yun na dumating na si Karina.

 

 

"Babu, I'm home!"

 

 

"Babi, I'm vlogging na, gusto mong magpakita sa cam?"

 

 

"Wag munaaaa di pako nakapag make up"

 

 

"Okay lang ano kaba, ang ganda mo parin kahit walang make up"

 

 

"It's not gonna work on me Babu"

 

 

Natawa nalang ako at nilagay niya ang mga pagkain sa harap ko. Kamay niya lang makikita sa cam.

 

 


"So yung nakikita niyo pong lumitaw na mga kamay, sa jowa ko po yan. Balik lang daw siya after mag retouch, hi ka muna babi"

 

 

Nag hi naman siya at biglang umalis. Umiling lang talaga ako sa trip nang jowa ko.

 

 

"Bago yung main event, pakita ko muna yung binili ni Babi."

 

 

Isa isa kong nilapag ang mga pagkain na binili nang jowa ko.

 


"Galante yung babi ko, andaming pinamili. Merong dalawang servings nang jajangmyeon, tteokboki, korean fried chicken, wooow merong yukhoe, ang mahal nito. At lastly dumplings. Iba talaga pag may jowa, tataba ka talaga dito hahahahaha"

 


Narinig ko naman ang pagsara nang pinto at nakita kong nakabihis si Karina. Spaghetti strap na , black cotton shorts at naka clip yung buhok parang pang nanay na pag clip hahahahaha.

 


"nandito na pala yung babi kooooo ehehehe jowa reveal na diiiis. Lika dito babi"

 

 

Umiiling lang na nakangiti si Karina at tumabi na sa gilid ko. Ngumiti naman siya at nag hi sa camera.

 

 


"Ebribadi, proud na proud akong ipakilala sainyo ang aking pinakamamahal na binibini, ang icing sa ibabaw nang cupcake ko, ang aking Meow meow and my future wifey and mother of my kids, Karina!"

 

 

Na shy shy pa siya dahil sa pa intro ko kaya niyakap ko siya at hinalikan sa forehead hahahaha ang cute.

 

 

"Hi guys!"

 


"Babi, introduce yourself na sa Meow Meow's natin"

 

 

"Hi, I'm Karina Yoo, jowa ako nang katabi ko ngayon"

 

 

"Wooooow galeng nang intro"

 

 

Napatawa siya kaya tinulak niya ko nang konti habang natatawa. Ewan din siya eh hahahahahaha

 

 

"So, habang kumakain kami, we'll be doing a girlfriend tag. Di ko alam mga kineme dito but we'll answer some questions about us, ready kana ba babi?"

 

 

"yes babuuuu"

 

 

"Olrayt! Start na tayooooow"

 

 

Hiniram ko phone niya at inaccess ang soc med accounts ko para makita ang questions habang binubuksan niya ang mga pagkain.

 

 

"okay, sa fb muna. Basic question, when and where did we meet? Ikaw sumagot nito Babi"

 

 

Sumubo ako nang jajangmyeon habang siya ay ngumunguya nang tteokboki at iniisip ang first meeting namin.

 

 

"Well, transferee ako nung highschool sa school ni Winter. International school yun and naging classmates kami for the whole duration nang hs life. Friends kami dahil yung bffs namin ay close din, sina Ning at Giselle. Pero to answer the question sa school kami unang nagmeet"

 


"Naalala ko pa nun guys, sobrang sikat niya nung pumasok siya sa school namin. Like bukambibig nang mga estudyante siya"

 


"true minsan nakaka overwhelm yung attention nang lahat"

 

 

Sinubuan niya ako nang dumpling at dali dali kong ninguya para mabasa ko yung susunod na question.

 


"Next is, sino unang nahulog at sino na unang umamin?"

 


Natawa ako kasi naalala ko yung araw na yun, natawa narin si Karina dahil feel ko naalala niya rin yung nangyari.

 

 

"nakakahiya yung aminan guys. I think 11th grade yun babi diba?"

 

 

"Oo nung general math na class yun"

 

 

"meron kasi kaming take home assignment, si Karina, gumawa nang love letter sakin pero sa sobrang panic mode niya yung pinasa niya sa teacher eh yung love letter kaya nung sunod na class, flattered daw yung teacher sa letter pero di daw siya si Winter kaya ayun si Karina first time napahiya"

 

 

"Babuuuu stooooop kinakalimutan ko na nga eh hahahaha"

 


"Okay okay, pero dun ko lang nalaman ma may gusto din siya sakin. Umamin lang ako sakanya nung weekend na yun after soccer practice namin, timing kasi na nagprapractice din yung track team nina Karina kaya ayun nagprank yung team ko na na injure ako, at grabe si babi, tumakbo nang mabilis sakin"

 


"I almost cried kasi you were clutching your knee in pain"

 

 

"Naguilty ako sa totoo lang pero kelangan kong ituloy para gumana plano ko"

 

 

"That wasn't funny"

 

 

Natawa ako at binigyan ko lang nang halik sa ilong yung nakaharap na meow meow ko. Ang cuuuute talaga neto hahahahaha

 


"Pero ayun nga, bigla akong lumuhod and asked her kung pwede ko siyang ligawan. Umoo naman siya"

 

 

"It only lasted one month and a half diba?"

 


"Oo kasi pokmaru po itong babi ko, excited maging jowa ko"

 

 

"As if naman ikaw hindi?"

 

 

"Duh, sobrang swerte ko na isang Karina Yu jowa ko sino ba namang hindi magiging pokmaru dun?"

 

 

Tumawa siya habang umiiling at tinignan ko ulit ang last question sa fb bago mag transfer sa IG.

 

 

"Last FB question, first kiss, when and where?"

 

 

Namula naman ako nung naalala yun at tumawa si Karina kaya napatago ako nang mukha gamit ang phone.

 

 

"Why are you getting shy? Bat di mo ishare sakanila how you did the *ehem* sunggab sakin"

 


"Babiiiiii"

 


"Share naaaa hahahahahaha"

 

 

Nag deep breaths ako at tumingin sa camera habang amused lang na kumakain jowa ko.

 

 

"Eto kasi, sinama ako ni Karina sa birthday nang Mommy Tiffany niya as her gf. Pero di niya pa nasasabi sa fam niya at that time kasi akala nila magkaibigan lang kami. Nandun yun guy na nagkagusto kay Karina kasi anak to nang family friend nila. So ayun, na insecure ako kasi guys, bagay silang dalawa in a perspective"

 

 

"Winter back then was like, nagagalit na husky puppy hahahaha halatang halata siya"

 

 

"Shh! Babi quiet! So I was saying, di ko kinaya kaya sa harap nang fam niya, I suddenly announced na kami at pinaharap si Karina sakin at ayun hinalikan ko siya"

 


"Babu, that wasn't a halikan"

 


"Oo na, sinunggaban ko siya qiqil kasi ako dun sa lalaki"

 

 

"Pero plot twist, Jeno has Jaemin na at that time"

 


"Ayun lang talaga kaya after nun napahiya ako kina Tita. Mga isang linggo di pumunta sa bahay nila"

 

 

Tinapos ko nang kainin ang jajangmyeon at unti unti kong kinain ang fried chicken while binigay ko kay Karina ang phone niya para siya magbasa nang questions sa IG.

 


"Okay Babi, things you like/love about me"

 


Nagisip ako habang nakatingin sakin si Karina. Napangiti lang akong nakatitig sakanya at ngumiti din siya sakin.

 


"Well, Si Karina kasi, vocal siya sa feelings niya and that's what I love about her kasi di siya nag dadalawang isip sa mga bagay na involved feelings niya. Sobrang opposites kami but we compliment eachother."

 


Hinawakan ko kamay niya at pinipisil to. Nakikita ko namang focused siya sakin.

 


"Very thoughtful, maalaga, romantic, supportive and she has faith in me. Sobrang supportive niya to the point na gagawin niya lahat para mapasaya at magimprove sa mga bagay bagay."

 

 

Di ko naman maiwasan kaya hinalikan ko siya at gumanti din siya sa smack ko at nag giggle lang after.

 

 

"Aigooo kinikilig ako sayo Babi"

 


"Di naman halata Babu hahahahaha next question, pano yung relationship niyo with eachothers family?"

 


Medyo busog nako kaya pakuha kuha lang ako nang konti sa tteokboki habang naka focus sa jowa kong busy kakascan nang questions.

 

 

"Chill lang. Close kami nang fam niya and ganun din siya saking fam. Kasi yung parents namin are close friends, tapos coincidentally, yung Ate ko, fiance nang Ate niya"

 

 

"True. Ate Irene is fiance ni Ate Wendy which is Winter's Ate. Tapos silang dalawa ang isa sa mga role models namin aside sa parents namin diba Babu?"

 

 

"True, sila example nang #lovewins"

 

 

"Nagbibiro pa nga sila kung when na daw ang kasalan"

 

 

"Tita Taeng, Tita Tiff, don't worry po ilang taon nalang Mrs. Kim nadin tong bunso niyo"

 

 

Hinampas naman niya ang braso ko habang tawang tawa ako. Nung nilingon ko siya, pulang pulang yung tenga niya. Nagproceed siya sa Twitter for the last questions.

 


"Would you consider adopting? If not with human babies, maybe fur babies?"

 


"Oh definitely. We're planning na mag adopt nang fur babies. Si Karina gusto nang pusa pero sinabihan ko siya di na niya kailangan nun kasi nandito naman ako"

 


Tahimik lang ang paligid pero bigla nalang niya akong pinalo at ako tawa nang tawa.

 

 

"Winter Jessica!"

 


"Katarina Erika!"

 


Habang tumatawa ako ay tinignan niya lang ako nang masama At humarap na ulit ako sa camera.

 


"Pero yun nga, we've decided to adopt yung isa sa mga grandkitties ni Ate Lisa, yung barkada ni Ate Wendy. Tapos isang doggo din, gusto ni Babi yung silver husky kasi kamukha ko daw"

 


Tapos nading kumain si Karina at nag scroll lang nang app.

 


"Pero about sa human baby adoption, we'll see in the near future. Diba Babi?"

 


"Yep. As for now, focus muna namin yung present but open parin kami sa possibilities"

 


"Next question na"

 


"Ay eto, dream wedding?"

 


Inakbayan ko naman siya habang takam takam siya sa tteokboki.

 


"Maybe sa isang overlooking view. Ayoko nang engrande na kasal eh, gusto ko intimate but knowing our Mommies"

 


"So true hahahahaha Mom is hinting na bongga talaga"

 

 

"Pero yun nga, I want a simple and intimate wedding as long as si Karina magiging Misis ko, kuntento nako dun"

 


"I love you Babu"

 


"I love you too Babi"

 


Alam kong kinilig siya pero tinignan ko lang siya, ganda niya kasi pag nakangiti, di naman halatang whipped ako no?

 


"Last question, pano mo nalaman na ako na yung the one?"

 


"Simple, because I live and breath is you. Clear na clear na talaga sakin na ikaw na. I don't want anyone else but you"

 


Nag eye contact lang kami at nakita ko namang kumikinang ang mga mala tsokolate niyang mata, halatang masayang masaya siya.

 


"Ask me the same question Babu"

 

 

"Okay. How'd you know na ako na talaga?"

 


"I've always dreamt about calling you my wife. Kahit may mga ex ako dati, di ko yun naiisip when I'm still with them. Idk why, pero siguro we're really meant to be. Kinikilig nga ako pag naiimagine ko maging Mrs. Katarina Erika Kim"

 


Nagiggle lang ako at tsaka kinurot nang mahina ang ilong niya.

 

 

"yawa kinikilig ako ano ba, tapusin na natin yung vlog"

 

 

Natawa na talaga siya at umayos ako nang upo.

 


"so ayun mga Meow Meow's! Ito na po yung end nang vlog, I hope satisfied kayo sa aming pakulo ngayon. Antay lang kayo nang sunod na contents"

 


"Don't forget to like, subscribe and hit the notification bells for my Babu's Vlogs!"

 


"ginagawa ko to kasi para sa future namin ni Babi kaya please continue to support us! Labyu! Babye!"

 

 

Nag bye na kaminat inend na namin ang vlog. Agad naman naming niligpit ang kalat at nilagay ang leftovers sa ref pero nag excuse ako kay Karina na pumunta nang kwarto kasi nakalimutan kong iunplug yung charger nang phone ko, pero di niya alam yung totoo kong pakana.

 


Pumunta ako sa closet namin sa drawer nang mga watch ko at kinuha sa pinaka dulo ang isang maliit na black box, binuksan ko ito at lumabas ang isang singsing.

 

 

"Konti nalang Babi, matutupad na yung pinapangarap mo" 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
WRiskwerd
Again pasensorry sa grammr di nako nag abala pang mag backread at mag edit hahahahaa enjoy the update!

Comments

You must be logged in to comment
Jiminez #1
Chapter 17: WALANG PINAGBAGI POGI MO PARIN KAEIL, MUSTA KA NA
ryujinie__
734 streak #2
Imy
Jiminez #3
Chapter 17: Pogi naman Kaeil
yurielle
#4
hala same author lang pala ito ng helluva ngayon ko lang napansin kasi nagbabasa ako sa kailaliman ng fics na sina subscribe ko
YuJiministheStandard
#5
Chapter 17: Adik to si Winter, porket kamukha ni Seulgi ng RV, yon na ipinangalan. Tawang-tawa ako, lukaret talaga ang bruha.
thatsnoneofurbusines
#6
Chapter 9: how about me naman na inaaway ako kapag nakakabangga 😣😭
littleweirdo02 #7
Chapter 18: Oh nevermind. On-going story pala talaga siya. AHHH. I'm excited to read this😍😍🤩 thank you author 🥰❤️
littleweirdo02 #8
Chapter 17: AAHHHH!! This is sooo good😍😍 gusto ko pa ng part two. Please author😁🥺
gayasf__
#9
Chapter 17: weird but cute lol
gonesurfin #10
Chapter 17: Yes to this being a fic! Excited na ako sa domestic WinRina with the cutie kambal 😁