Tahanan

Tahanan
Please Subscribe to read the full chapter

Karina

 

 

It’s one of those nights na hindi ka na naman makatulog. Tumayo ka sa kama at nagtungo sa study table mo. Naupo ka, you reached out for your pen at kinuha sa drawer ng table mo yung notebook na regalo sa’yo ni Winter noong First Anniversary niyo.

 

“Gusto kong dito mo isulat yung mga magiging self-compositions mo. I want to be the one to read it first. Siyempre, pwede rin namang iparinig mo na rin sa akin.” She chuckled.

 

You are staring at your picture together, kuha ‘yon sa isang photobooth ng Timezone. If you remember it right, iyon ‘yung photobooth sa Timezone ng Trinoma, where you usually go on dates. It’s only one of the pictures you took from that photobooth, sobrang hyper lang ni Winter no’n and wanted to take a lot of pictures. Obviously, you can’t say ‘no’. Kaya naman umuwi kayong may tig-sampung photostrips at tig-limang regular sized na may apat na picture.

 

You started scribbling sa notebook na nasa harap mo. You let out the thoughts that’s keeping you awake.

 

And there’s only one word that you kept on writing…

 

Burnout

 

Binitawan mo yung ballpen at napahawak sa buhok mo at dahan-dahan ‘yong hinila dahil sa frustration mo. You were okay just a year ago. Nakakapagsulat ka pa ng mga kanta at nakukuha mo pang kumanta.

 

You were happy. But what happened?

 

It was a hot afternoon, first week of May.

 

Magkatext kayo. It was just two weeks after ng fourth year anniversary niyo.

 

Sobrang saya mo, kasi you survived another year— together.

 

Mag-aaway, pero hindi maghihiwalay. Natawa ka.

 

Ako:

Jagi, I have a question po.

 

One thing you love about Winter is, she replies fast. Para bang lagi niyang hinihintay yung messages mo kaya may sagot agad.

 

1

2

3

4

5

And then 10 minutes had passed, pero wala pa ring reply. Napaisip ka, may sinabi ba siyang gagawin niya ngayon? Wala naman. Mukhang wala naman.

 

Nago-overthink ka na.

 

You are thinking of all the possible reasons kung bakit hindi siya nagrreply.

 

Kasi hindi ka sanay.

 

Winter replied after thirty minutes.

 

Jagi:

Hmm. Ano po ‘yun?

 

Natigil ka sa pago-overthink at mabilis na nagtipa ng reply. May nakita ka kasi sa twitter na trending ngayon.

 

Ako:

Would you kiss the hottest girl on Earth for 10,000?

Or kiss me for 1,000?

 

Parang nabawi yung pago-overthink mo dahil sa naging reply niya.

 

Jagi:

Easy. I’d kiss you. Instant 11k na ‘yon, Jagi.

 

Jagi:

You’re the hottest girl for me, Jagi.

 

Kilig. Sobrang kilig. Ganoon yung nararamdaman mo after mong mabasa ‘yon. Mababaw para sa iba, pero sa’yo hindi.

 

Kailan ka ba niya huling pinaulanan ng words of appreciation?

 

Na dati parang natural lang sa kaniya, ultimo pagbubukas lang ng takip ng tubig na hindi niya mabuksan.

 

Sabi niya, “Ang lakas mo naman, Jagi.” Nang nakangiti sa’yo.

 

Mabilis kang napatayo mula sa upuan at lumabas ng kuwarto. Kumuha ka ng tubig mula sa ref niyo. You were on the verge of crying, na pinipilit mong pigilan.

 

“You can’t sleep?” Sobrang focused mo sa pagpipigil ng luha, hindi mo namalayang lumabas pala ng kuwarto niya si Giselle.

 

“Yeah,” nanghihinang sagot mo.

 

“You don’t have to force yourself, Rina. Kung hindi mo pa kaya, okay lang.” paalala niya sa’yo.

 

“It’s been a year, Selle. Hindi ako makapagsulat ng kahit ano, kahit pagkanta at pagtugtog, hindi ko magawa. I just want to get back to writing, gusto kong bumalik. Gustong-gusto ko.”

 

Doon ka naiyak nang tuluyan. You’ve been trying really hard for a year now. Pero wala. Zero. Olats.

 

Hindi ka makabalik.

 

“Rina, kasi hindi ka pa okay. You can take all the time you need. We’re not rushing you.” Pag-alo niya sa’yo.

 

But you shook your head.

 

“I want to write again. I already lost her, Selle. Ayokong pati ‘yung passion ko, mawala na rin.” Napahawak ako nang mahigpit sa counter.

 

“You lost them both, Rina. You already did.” Napatingin ka sa kausap mo.

 

Maybe, she’s right. Na kaya wala kang magawa, kasi pati yung passion mo, wala na rin.

 

Winter…. Winter washed away your insecurities na mayroon ka sa passion mo.

 

Her words…. It kept you going kahit pa maraming nagsasabing maraming mas magaling kaysa sa’yo. Hindi mo iniisip yung sinasabi ng iba, si Winter lang ang pinapakinggan mo.

 

But how can Winter say na “ang galing mo”, “ang ganda ng gawa mo”, “I’ve never heard anything similar to this”.

 

When she never listened to the songs you wrote.

 

Hindi niya kailanman binasa yung mga pinapabasa mo.

 

“Kapag natapos mo na.” That’s what she always says.

 

Kapag natapos mo na, which you never did.

 

Wala kang natapos na kahit isa, kaya siguro hindi rin siya nag-abalang basahin yung mga gawa mo. Kasi sino nga namang may gustong magbasa at makinig ng kantang hindi naman tapos?

 

“Rina,” mahinang pagtawag sa’yo ni Giselle. “You can take all the time you need, until you find your will to write again.”

 

Kinuha niya yung baso mo kanina, binuksan yung ref at kumuha ng gatas at isinalin doon sa baso. Mahina ka niyang tinapik at inabot iyon sa iyo.

 

“For now, drink this. Rest your mind.”

 

Ilang minuto ka ring nakaupo sa kama mo, nakatulala lang sa kawalan.

 

All you can think about is Winter.

 

Kung kumusta na ba siya?

 

Is she happy?

 

Nagsisi ba siyang wala na kayo?

 

 

 

You tried to find new hobbies after that night. You want to keep your mind occupied with anything para hindi mo na siya maisip.

 

And you succeeded.

 

You learned how to play a guitar in a span of three months. Noong una, wala kang tiwala sa sarili mo na matututo ka. Paano ba naman, kada sasakit yung mga daliri mo, humihinto ka.

 

But it's okay to sometimes take a break, right?

 

Hindi ka naman nagmamadaling matuto. Humihinto ka lang naman kasi masakit. And when you feel like the pain has subsided. Kukunin mo na yung gitara, at tutugtog ka na ulit.

 

Sa unang buwan lang naman yung sakit sa daliri mo, after noon, wala na. Nasanay na kasi yung mga kamay mo, at kalaunan, hinahanap mo na yung paghawak sa gitara.

 

"What should I get?" Tanong mo kay Giselle.

 

Nag-aya kang lumabas at mag mall na ikinagulat ni Giselle. Kasi you've been isolating yourself from everyone since nung break-up niyo.

 

Nasa isang musical instruments shop kayo sa SM. Nasa hilera kayo ng acoustic guitars, at hinihingi mo yung opinyon niya sa magiging kauna-unahang gitara mo.

 

"Pikit ka. And whatever caught your eyes sa pagdilat mo, 'yun 'yong bilhin mo." Suhestyon niya.

 

"You really won't suggest kahit alin diyan muna?" Napasimangot ka.

 

"Baka sisihin mo ako after a month, kasi pangit napili ko." Giselle shrugged.

 

"So, ito safe? Kasi taste ko yung may kasalanan, if ever?" You rolled your eyes.

 

Natawa lang si Giselle.

 

"Dali na, pumikit ka na." You obeyed.

 

Mabilis mong pinikit yung mga mata mo habang nakaharap sa mga nakasabit na acoustic guitars.

 

"After 5 mo lang bubuksan 'yang mata mo ha." Giselle reminded you.

 

"1"

"2"

"3"

"4"

"5"

 

You slowly opened your eyes.

 

Now, what caught your eyes?

 

That one from the farthest corner. An almost all white acoustic guitar na may touch of blue.

 

Blue is your favorite color. So, it's a win for you.

 

Hinayaan mong si Giselle ang mag asikaso noon. Nag-ikot ka pa sa shop, your feet brought you sa grand piano nila.

 

Kailan ka nga huling tumugtog ng Piano?

 

Oh. It was on Winter's Birthday from two years ago.

 

You sat down at pinagmasdang maigi yung mga keys. Pinaglandas mo yung mga daliri mo roon, and pressed down. Which earned a sound from the piano.

 

"Wow. Karina and a grand piano. This is a rare sight!" Giselle came out of nowhere. "Hand me your phone. I'll take a picture of you." Sabi ni Giselle sa'yo.

 

Dinukot mo yung phone mo mula sa bulsa ng track pants mo at iniabot 'yon sa kaniya.

 

Ilang click yung ginawa ni Giselle.

 

"Now, play a little song for me. Will you!" Udyok niya sa'yo.

 

Natatawa kang umiling, "I haven't played for a while, Selle. Hindi ko nga alam kung marunong pa ako."

 

"Sus! Pahumble! Sige na, kahit konti lang." Udyok niya ulit, hawak pa rin yung cellphone mo.

 

You closed your eyes and took a deep breath.

 

What to play?

 

The easiest. Yung unang tinuro sa'yo nung pinsan mo.

 

Maingat mong pinressed yung key. At agad na cinlicked ni Giselle yung recording button sa phone mo.

 

"I know that." sabi ni Giselle.

 

You feel alive again. Pakiramdam mo, unti-unti nang bumabalik yung dating ikaw.

 

"Love is all that matters 'yan, right?" tanong ni Giselle.

 

Tumango ka.

 

"How is it?" tanong mo kay Giselle nang matapos mo.

 

In-end niya muna yung recording button bago siya sumagot sa'yo.

 

"You're doing great." Nakangiti niyang sabi sa'yo.

 

 

Excited kang in-assemble yung magiging stand ng gitara mo pag-uwi sa shared condo na provided ng record label niyo ni Giselle.

 

"Need any help?" Sumilip si Giselle mula sa pintuan mong hindi mo naisara sa sobrang excited mo.

 

"Read the instructions first, Rina." Paalala niya sa'yo. "Baka mamaya mas magtiwala ka na naman sa instincts mo, tapos biglang bumigay 'yan kasi may kulang. Magasgas pa 'yang gitara mo."

 

You rolled your eyes. Pinapaalala niya ba 'yung nangyari sa diy office chair mo nung unang lipat niyo? Wala kang pasensiya na magtingin instructions at magkabit at the same time. Kaya naman mas pinili mong sundin yung instincts mo.

 

And noong pinagyayabang mo na sa kaniya yung natapos mo, pag-upo mo naman, biglang bumigay yung upuan at bumagsak sa sahig yung pwet mo. Turns out, may kulang at mali sa gawa mo. Kaya she helped you rebuild the chair.

 

Winagayway mo yung instructions na ikinatawa niya.

 

"Easy lang. Hindi naman 'to malaking furniture." Sabi mo sa sarili mo.

 

Bumalik si Giselle na may dalang snacks at soda in can.

 

"Ano na?" Natatawang tanong niya sa'yo.

 

"Almost done!" Sabi mo nang hindi siya tinitignan.

 

Sinandal mo yung stand sa gilid ng study table mo, maingat mong kinuha yung gitara at inilapag doon. Nang masiguro mong stable naman yung stand, saka mo lang binitawan yung gitara.

 

"There." Proud na sabi mo.

 

"You did a good job!" Puri niya sa'yo.

 

Halos lumundag yung puso mo.

 

Dalawang papuri sa isang araw, it makes your heart feel full. Sobrang tagal na kasi nung may pumuri sa'yo.

 

"Thank you." You muttered.

 

"Play me a song naman!" Nakangising sabi niya habang naupo siya sa kama mo.

 

And who are you to deny someone who's been keeping you sane for more than a year now?

 

Hinila mo yung office chair mo at kinuha yung gitara.

 

"Any song in mind?" tanong mo sa kaniya.

 

"What's the first song na natutunan mong tugtugin?" balik niya sa'yo.

 

Ano nga ba?

 

Oh.

 

Ngiti.

 

"Bare with me ha. I'm still learning." Agap mo sa kaniya.

 

"It's okay, Rina. What matters is you're learning, you're trying to learn new things." Nakangiting sabi niya sa'yo.

 

Hayyy, Selle. What would I do without you?

 

You played the song for her. Sa bawat pag-strum, you think of nothing but her smile. Her smile that keeps you from drowning with all the things that happened for the past months.

 

"Kumusta naman, aking unang paroky

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Darnanays
#1
hays
Gwapako987
#2
Chapter 5: Bobo ni min dito
coldnawinter_ #3
Chapter 5: PAIN ULIT TONIGHT :<<
GimmeGummiesTY
#4
Chapter 5: ang saket.. bat naman ganun.
haussey
#5
yung comments nakakatakot babasahin ko pa ba? Ayoko umiyak ngayon stress pako sa acads..
Lodinyoko
#6
Chapter 5: Di Naman ma shaket parang kagat lang ng shark
Bones21
#7
Chapter 5: Teka.. Alam kung may pagkukulang ako pero teka lng bat ba puro masakit tung binabasa ko?😭 Di ko naman deserve tuh ah.. ano winter suntukan nlng?😂 Sa mga taong gaya ky winter .. ano suntukan?😂 Charot.. ang sakiiiittt😭
Maatt_booii #8
Chapter 5: Aahh ganun puro sakitan nababasa ko ngayon..
jysowee
#9
Chapter 5: taena nagwowork ako tapos iiyak ako dahil dito????? hambalusin nyo na lang ako
Taengpoop #10
Chapter 5: Wow super fluff naman author. Konting kirot lang parang kagat ng shark