One

Panaginip


I think it's too late.. 

 

Should we stop hoping..? 

 

I will miss you..

 

Naramdaman kong umakbay sa akin si Jennie habang kami ay naglalakad papunta sa restroom para magpalit ng damit. We need to change into our PE uniform after PE lesson agad, gusto ko sana na mag-skip nalang kasi madali lang naman lesson namin and wala naman quiz. 

 

"Tangina isa lang pala nadala kong bra!" 

 

Napalingon kaming dalawa ni Jennie sa likod kung nasaan si Joy na napahinto sa paglalakad at malapit na namin maiwan sa layo niya sa amin. Naalala ko na may extra bra pa ako sa locker.

 

 

"May extra pa ako sa locker pahiram ko nalang sayo." Tumakbo na si Joy papunta sa amin ni Jennie bago kami hinila papasok ng restroom.

 

 

"Life saver ka talaga Irene sana hindi ka mamatay." Biro ni Joy sa akin bago siya pumasok sa isa sa mga stall. 

 

 

Napailing nalang si Jennie nang tumingin ako sa kanya. Alam namin na ganon lagi si Joy kaya pinagpa-pasensyahan nalang namin pero mabait naman siya at mahal namin iyon kahit ganon siya mag-bira.

 

Binaba ko sa desk ko yung hawak kong tumbler na wala ng laman dahil naubos na ni Jennie kanina. Bibibli na lang ako mamaya ng bottled water sa caf, sira yung water dispenser namin sa classroom. See... pahirapan tuloy kami dito sa pagbili ng tubig dahil sobrang layo ng caf.

 

 

"Don M tayo? may tusok tusok na daw doon." Lumapit sa akin si Solar, classmate ko. Medyo close kaming dalawa. 

 

 

"Yayain mo sila Joy at Jennie baka mag tampo sa akin iyon dahil hindi natin sinama." 

 

 

"Tinananong ko na sila, pumayag agad." Napapalakpak naman si Solar nang tumango ako, hilig talaga nilang mga gumala. 

 

 

Minsan sumagi sa isipan ko na kahit sa ibang bansa yung gagalaan sasama si Jennie at Joy.

 

________________________________________________

 

 

Binuksan ko yung pinto ng ref at tsaka kumuha ng cola sa freezer, i like my cola frozen. Pag-uwi ko wala pa si Mommy, akala ko ngayon siya uuwi galing sa business trip niya. 

 


I almost forgot na may tutor pala ngayon si Karina ngayon pero hanggang ngayon wala parin yung tutor niya. For sure sa mga ganitong oras nagsisimula na sila.

 


Sakto naman na nakita ko si Karina pababa ng hagdan at nakasuot na ng pambahay. 

 


"Wala ka bang tutor ngayon Rina?" Agad kong tinanong si Karina. Hinubad ko na yung coat na uniform ko. Tinatamad pa akong magpalit ng pambahay. 

 


"May emergency daw si Ate Taeyeon, medyo matatagalan daw siyang mawawala pero mayroon naman daw siyang kapalit pero babalik naman daw siya. Baka bukas pumasok yung kapalit niya." Tumango ako. 

 


"At alam na rin ni Mommy. Okay na po Ate." Bago ko pa tatanungin si Karina tungkol doon ay naunahan niya na ako.

 


Iniwanan ko na si Karina sa sala at umakyat na ako sa taas para maka-bihis na ng pambahay. Pagbaba ko sa sala ay wala si Karina. 

 


"Saan kaya pumunta yung batang iyon.." Bulong ko sa sarili ko bago ako umupo sa sofa. 

 


Kapag wala si Mommy or late siya uuwi, we sleep here sa sala ni Karina. And it was all because of Karina, baka daw may pumasok na magnanakaw sa loob ng bahay kaya abangan daw namin dito sa sala.

 


"Saan ka galing? anong ginawa mo sa labas?" 

 

 

Kaka-uwi lang ni Karina galing sa labas sakto na may mga unan na akong binababa at kumot nang dumating si Karina. May hawak na square na box si Karina at medyo nangangamoy sa loob.

 

 

"May nagpadala lang sa akin ng pagkain, kinuha ko sa guard house." Naka-ngiting sagot ni Karina sa tanong ko. 

 

 

"Kanino naman iyan galing? kung kailan gabi saka magpapadala ng pagkain." May pagka-inis kong tanong kay Karina. Well, i'm just being protective sa little sister ko, alam na siguro ni Karina iyon. 

 


"Kay Giselle pasalubong niya sa akin kasi hindi siya pumasok kanina dahil galing siya sa laguna." Naglakad si Karina papunta sa kusina at nilapag sa dining table yung hawak niya na buko pie.

 


Kinain naman namin yung bigay na buko pie ni Giselle na mukhang fresh from Laguna, i also send her a thank you message kahit hindi kami ganon ka-close ni Giselle.

 

 

____________________________________

 

 

"Happy Birthday Jongsuk! Sana mabuhay ka pa ng matagal!!" 

 


Para talagang mga gago yung mga classamate ko pero not gonna lie, this is the best section sa buong school life ko. Birthday ni Jongsuk kaya magpapa-pizza siya mamayang uwian buong section ang libre tapos mamaya may party pa sa bahay nila. See...mga rich kids yung mga classmate ko. 

 


"Pupunta ka ba sa bahay nila mamaya?" Lumingon ako kay Jennie nang kinalabit niya ako sa balikat. Umiling ako, hindi naman sa ayaw ko pero tinatamad talaga ako pumunta sa mga crowded place.

 


"Tambay kaya tayo sa mall mamaya?" Suggest naman ni Joy na bigla nalang sumulpot sa tabi namin ni Jennie. Hindi naman malayo ang upuan niya sa amin ni Jennie kaya kada nagchichikahan kami ni Jennie, hindi nahuhuli si Joy.

 


"Walang kasama si Karina sa bahay baka mamaya tumagal tayo." Nag-aalala ko naman sagot kay Joy sa suggestion niya. 

 


"Sleep over kaya kami sa inyo tutal saturday naman bukas." Jennie winked at me. May ibig sabihin iyon, it's either, magpupuyat kami or iinom. 

 

 

"Ayun Oh! ano g?" Tanong ni Joy sa akin. Tumango na lang ako, minsan lang naman eh.

 

 

_______________________________________

 


"Good Eve Miss Irene." Bati sa akin ni Kuya Raul, guard namin dito sa village, matagal na rin namin kakilala si Kuya Raul kaya kabisado niya na yung mga tao dito sa loob ng village.

 


"Good Eve din po." Bati ko pabalik sa kanya.

 


Pagpasok ko sa shuttle kakaunti lang ang mga kasabay ko at hindi na rin napuno ni Kuya Driver yung loob kaya agad naman kami naka-alis. Usually kasi sa mga ganitong oras may time na madaming tao sa shuttle. But it looks like i'm lucky this time.

 


Pagbukas ko ng gate ng bahay namin ay may napansin akong skateboard na nakasandal sa dingding ng garahe. 

 


"Kanino kaya iyon?" Pagbukas ko ng pintuan nakita ko si Karina na naka-upo sa dining table, may kausap siya pero nakatalikod. Medyo maikli ang buhok niya at nakasuot ng white hoodie. Baka ayun na yung sinasabi ni Karina sa akin na bago niyang tutor na papalit muna kay Ate Taeyeon.

 


Lumapit ako sa kanila at agad akong nakita ni Karina kaya agad siyang tumayo. 

 


"Ate Irene!" Tawag ni Karina sa akin kaya tumayo din yung kausap niya. 

 


"Si Ate Wendy pala. Kaibigan ni Ate Taeyeon siya yung papalit kay Ate Taeyeon." Pagpapakilala ni Karina doon kay Wendy. 

 


Ngumiti naman si Wendy sa akin kaya't nginitian ko siya. Mukha naman siyang mabait pero mas feeling ko na safe si Karina kay Ate Taeyeon parin.

 


"Sayo ba yung skateboard sa labas?" Tanong ko kay Wendy.

 


"Opo." She smiled. 

 


"Wag po kayong mangamba kung iiwan niyo sa akin si Karina. Kaya kong maabutan yung lesson nila ni Taeyeon at maturuan siya ng maayos." Wala naman akong tinanong sa kanya about doon pero tumango nalang ako. 

 


Nakita kong pasimpleng tumawa si Karina nung hindi nakatingin kanina si Wendy. Muntik na rin akong matawa dahil kay Karina.

 


Palakad na ako papunta sa hagdan para makapg-bihis tapos bigla kong naalala yung sleep over namin nila Joy at Jennie mamaya. 

 


"Before i forgot, may sleep over kami ni Jennie at Joy." Sambit ko kay Karina bago ako umakyat sa taas. 

 


Inabot sila ng tatlong oras at napansin ko about math at english yung lesson na topic nila, naka-upo lang ako sa sala at hinintay yung dalawa, sila Joy at Jennie, na dumating, nakahanda na yung hihigan namin at syempre hindi mawawala ay yung mga kutkutin mamaya.

 


Narinig ko na mukhang nagliligpit na sila Karina, tumayo ako sa pagkaka-upo sa sofa nang makita si Wendy na naglalakad palabas at sinundan siya. 

 


Kinuha niya yung skateboard niya at lumabas ng gate.

 

 

"Wendy!" Tawag ko. 

 


Hindi pa naman siya masyadong nakakalayo. Nakita kong hininto niya yung sakteboard niya at lumingon sa direksyon ko. 

 


"Bakit po?" 

 


"Ingat sa pag-skateboard madaming dumadaan dito na sasakyan." Lalapit na sana siya pero agad kong itinaas ang kamay ko para pahintuin siya. 

 


Medyo nakakatakot kasi dito kaya't medyo nag-aalala ako sa kanya na baka mamaya biglang mabangga siya ng kotse. Hindi pa naman madalas bumubusina sila at tsaka mukhang hindi ganon ka safe yung pag-skateboard dito.

 


Ngumiti lang siya ulit sa akin bago umalis.

 


Hinintay ko siyang makalayo bago ako pumasok sa loob.

 

 

__________________________________________________________

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yakapsadilim
While editing this story, nabura ko yung first chapter kasama yung mga revised chapter. I'm so very sorry sa inconvenience :((
No comments yet