Two

Panaginip

I almost forgot na ngayon na pala yung uwi ni Mommy from her business trip, i almost lost count dahil medyo tumagal siya sa Italy for how many weeks. 

 

Me and my mom are in good terms naman. It just that i don't feel the love i used to feel before. After my Dad left us, it feels like Mommy also left. 

 

Napansin niya din iyon nitong mga nakaraang araw. Sabi niya sa amin ay babawi daw siya. I understand her, i know na sobrang sakit iyon para sa kaniya, Karina and I never left her side.While our daddy's family, especially my Lola, we don't like them. 

 

I know, we like have a little family feud but i really don't like what my Lola did to my Mommy.

 

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Karina napatigil ako at sumilip sa kwarto, nakabukas yung pinto at nakita ko kaagad si Mommy sa loob, naka-upo lang siya sa kama at naka-suot ng bathrobe niya. Hindi na namin siya sinundo sa airport gaya ng utos niya. 
 

Si Tita Ella, yung kapatid niya, ang sumundo sa kaniya sa airport kaninang madaling araw, hindi ko alam kung bakit iyon ang inutos niya sa amin ni Karina pero baka ayaw niya lang talaga kami maistorbo kaninang madaling araw. 

 
 

Bumababa na ako para magluto ng breakfast, wala kaming maid dahil ayaw ni Mommy na may ibang tao dito sa loob ng bahay. 

 


"Kumusta naman pagtuturo sayo ni Wendy Son?" 


 

"Okay naman po Mommy, she's like Ate Taeyeon somehow...pero she have her own technique at naka-adjust naman ako." Sagot ni Karina. 


 

Sinamahan na kami ni Mommy na kumain ni Karina ng breakfast. She told us about her trip in Italy and how she was stressed during whole business trip. 

 

__________________________________________________

 


Nilagay ko na sa bag ko yung mga highlighter ko tapos nag-apply na ulit ako ng lip balm, medyo dry kasi yung lips ko ngayon. 

 


"Samahan mo nga ako sa parking lot may pinapaabot sa akin si JIsoo na libro. Doon daw kami magkikita." Nilingon ko si Jennie na nakatingin sa cellphone niya. 

 


"Ano naman libro? Hindi ka naman mahilig magbasa." I quip. 

 


"Kapag crush mo, magagawa mo yung bagay na hindi mo ginagawa." Kumindat pa siya sa akin.

 
 

"Ang sabihin mo kasi Irene, last time na nagka-crush ka is noong grade one ka palang." Bigla naman sumingit si Joy sa amin dalawa ni Jennie. 

 


"Whatever." Sabi ko. 

 
 

Kanina ko pa iniintay si Jennie dito sa tapat ng kotse na medyo malayo sa kanilang dalawa ni Jisoo. Mukhang medyo humahaba yung usapan nila kaya dito ko na lang siya hihinatayin. 

 
 

Sa sobrang bored ko kakahintay kay Jennie binibilang ko na yung mga sasakyan na lumalabas dito sa parking lot. Sayang nga lang nauna na umuwi si Joy dahil daw may bisita sila kaya kailangan niyang umuwi ng maaga, edi kung nandito siya may kasama akong nang-aasar kay Jennie.

 


Habang nililibot ko yung mata ko sa buong parking lot dahil sa sobrang bored ko ay may pumukaw ng atensyon ko sa hindi kalayuan, malapit sa kotse ni Jisoo, parang mga limang kotse ang layo. Black na Sedan tapos may nakatayong babae. Pamilyar sa akin yung maikili niyang buhok. Pero hindi siya naka-suot ng uniform, naka suot ng black na hoodie. Ewan ko ba pero kapag may naka-suot na hoodie at maikling buhok, siya na agad yung pumapasok sa isipan ko.


 

SI Wendy ba iyon? 

 

 

Anong ginagawa niya dito?

 
 

Lalapitan ko na sana tapos bigla nalang siya nawala, pumasok na yata sa loob ng sasakyan. Dito kaya siya nag-aaral? Nakita ko na umilaw yung kotse hanggang sa uamalis na ito sa pagkakaparada. 


 

Tumabi ako sa gilid at pilit na tinitignan yung nagmamaneho sa loob kaso tinted glass yung kotse. 

 
 

Nagulat ako bigla nang bumusina siya at tumigil kung saan ako nakatayo. 

 
 

Gumalaw siya!

 
 

The window slowly goes down sa shotgun seat and i saw Wendy inside, nakaupo sa driver's seat. Naka-tilt ng konti yung ulo niya habang nakatingin sa akin. 

 
 

"Hello Miss Irene." Masaya niyang bati sa akin. 

 


"Dito ka rin nag-aaral?" 

 

 

"Yeah. Same grade lang tayo, sabi ni Karina." Medyo nag-lean forward siya sa loob para maka-usap ako ng maayos.

 
 

"Anong building mo?" Bigla naman siyang napa-smirk. Uh oh. "I mean how come! hindi kita nakikita sa building namin." Pag-aayos ko sa tanong ko. 

 
 

"Buidling A-8 ako." Wow, sa pagkaka-alam ko mga matatalino ang mga nandoon. 

 

 

Naputol yung kwentuhan namin ng biglang may bumusina sa likod. Nag-wave nalang si Wendy sa akin bago niya pinaandar ulit yung kotse niya at umalis. 

 

 

Tinignan ko na ulit si Jennie pero wala na siya pati na rin yung kotse ni Jisoo. Nung tumunog yung phone ko sa loob ng bag ko nakatanggap ako ng text na nauna na sila ni Jisoo, sa kabilang exit sila lumabas. 

 
 

Mga haliparot talaga. 

 
 

Just like what i expect....kita naman siguro sa haba ng pag-uusapan nila na maauwi sa paghatid ni Jisoo kay Jennie. 

 

 

__________________________________________________

 

 

Ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay yung role play, hindi ako mahilig sa mga ganito pero sayang din naman kasi yung points kung hindi ako magpa-participate. 

 


Nagme-memorize ako ngayon ng script. Putangina ang haba ng script ko grabe, ako yata ang bubuhat sa grupo ko ngayon. Tinalo pa nito yung essay ko last year.

 


 Habang nagpa-practice ako napukaw ang atensyon ko sa may binatana. 

 
 

Nakita ko si Wendy na nakasilip sa binatana ng room namin, mukhang may hinahanap sa loob. Hindi ko napansin na tumigil na pala ako sa pagme-memorize sa kalagitnaan ng script.

 


At bigla nalang nagkasalubong ang mata namin ni Wendy at nakita kong ngumitit siya sa direksyon ko at ito pa, hindi ko inaasahan yung pag-kindat niya bigla tapos tumakbo siya paalis. Napahinto na ako ng tuluyan at hindi ko na nagawang ibuka ulit ang bibig ko. 

 

 

"Irene focus!" Nabalik na ako ulit sa ulirat ng nariinig kong sumigaw ang leader namin na kasama ko magbasa ng script. "Kung san-saan kasi nakatingin." Naiinis niyang bulong.

 

 

"Pero isa iyon kasinungalingan! Cute niya pala." Naisingit ko pang ibulong kahit na nagbabasa ako ng script. 

 
 

Ngayon ko lang napansin na medyo cute si Wendy. 

 

 

"Naks galing umarte ni Mama Irene." 

 

 

I give Jongsuk a middle finger but he just laugh at me, mga gago talaga. We finally finish our role play and i delivered my script well naman kanina. Kailangan mataas ang points na makukuha ko dito dahil sobrang bigay na bigay yung arte ko kanina, hirap kayang umiyak. 

 
 

"May gala ba kayo bukas?" Ito na nanaman si Solar. Gusto laging may gala. 

 
 

"Wala naman, why?" Sagot ni Jennie kay Solar. 

 
 

"Punta tayo sa Fireworks Display bukas, malapit lang iyon sa Don M tapos doon nalang tayo tumambay tutal madaming food stall doon." 

 


"Ang gastos mo talaga kahit kailan."

 

 

__________________________________________________

 

 

Pagbaba ko ng shuttle nakita ko si Wendy na nakatayo sa labas ng bahay namin habang hawak ang skateboard niya.

 

 

"Wendy anong ginagawa mo diyan? bakit hindi ka pa pumasok sa loob?" Tinanong ko siya nang makalapit ako. 

 

 

"Walang tao at wala pa yata si Karina eh." Sagot niya at sinundan akong pumasok sa loob nung paka-bukas ko ng gate. 

 

 

"Upo ka na lang muna diyan, bibihis lang ako." Tumango naman siya at iniwan ko siya sa sala. 

 

 

Umakyat ako sa taas tspos kumatok ako sa pintuan ng  kwarto ni Karina pero walang sumagot, wala pa nga talaga si Karina. Mga alas-diyes na umuuwi si Mommy kaya laging walang tao dito. Balak nga bumili kami ng aso para may bantay dito sa bahay. 

 

 
Pagbaba ko papunta sa sala ay nakita ko si Wendy na naka-upo lang at hindi masyadong gumagalaw. Sobrang tahimik niya pala. 

 
 

"Gusto mo ba ng juice o tubig?" Alok ko sa kaniya at pumunta sa kusina. 

 
 

"Sige juice na lang."  Sagot niya. 

 

 

Buti na lang may ice teapa kami dito para sana ito sa sleep over namin nila Joy at Jennie last time kaso iba yung nainom namin. Nilapag ko yung juice sa coffee table at umupo isang sofa sa opposite side ni Wendy. 

 
 

"Bakit hindi mo dala Sedan mo?" Pagsisimula ko ng usapan dahil baka magtitigan nalang kami dito at hintayin na dumating si Karina kung hindi kami mag-uusap kahit papaano.

 

 

"Ang hassle dalhin tapos mamaya traffic, mas ayos na yung skateboard ko. Hindi tago yung mukha ko." May pagaka-mayabang sabi.


 

"Ah....Anyways..bakit ikaw yung pumalit kay Ate Taeyeon? Hindi ba parang sobrang bata mo pa para mag-tutor ng katulad ni Karina?" 


 

"Medyo nag-struggle ako ng una pero sinabi kasi sa akin ni Ate Taeyeon kung paano niya tinuturuan si Karina. Mabilis lang kasi ako maka pick-up kaya ayun." Paliwanag niya. 

 
 

"So that means..hati kayo sa sahod?" Tanong ko ulit. 

 
 

"Ah..nope. I'm doing this for free at para narin makatulong kay Ate Taeyeon." 

 


Mag sasalita pa sana ako nang biglang bumukas yung pintuan dito sa loob ng bahay. 

 


"Ang aga mo naman dumating Ate Wendy." Papasok pa lang sa loob si Karina ay napansin niya na agad si Wendy. 

 


"Napa-aga kasi yung dismissal namin kanina. Dumiretso na agad ako dito dahil wala na naman akong gagawin."  Sagot ni Wendy. 

 


Lumakad si Karina papunta sa kusina at may kinuha na kung ano sa ref. Pumunta din ako sa kusina para kuhain yung mango graham na pinadeliver sa akin ni Bogum kaninang umaga. Hindi ko sana tatanggapin kaso on the way na yung driver kaya tinanggap ko na lang. 

 


I don't want to keep him courting me, ginagawa ko na nga ang lahat para iwasan siya dahil sobrang persistent niya.  

 


I'm really thankful na hindi na kami same section ngayong year and madalang nalang siyang nagpaparamdam. I just really don't like him in general. He is like a creep sometimes, like this one time, nahanap niya yung private account ko. I really don't like that kind of person who invade someone's privacy. 

 


"May kamukha ka Ate Wendy." Patawa-tawa na sabi ni Karina sa tabi ko.

 


"Sino?" Sagot naman ni Wendy. 

 


"Yung mga bet ni Ate." 

 


Muntik naman akong mabilaukan sa sinabi ng kapatid ko, hinampas ko yung braso niya habang nakatingin ng masama sa kaniya. Gagang 'to!

 


"Hoy parang sira! Naku Wendy wag kang maniwala sa kapatid ko." 

 


Sarap kurutin nitong batang ito sa singit. Kahit kailan talaga pahamak. 

 

 

__________________________________________________

 

 


Simula nung araw na iyon ay nagiging komportable na ako kay Wendy. Mga ilang linggo na rin siyang tutor ni Karina, hindi ko alam kung kailan babalik si Ate Taeyeon dahil wala pa kaming masyadong balita tungkol sa kaniya. 

 


Wala naman masyadong sinasabi si Mommy tungkol kay Ate Taeyeon kaya hindi na namin tinatanong.

 


At muntik ko ng makalimutan, birthday pala ngayon ni Jennie. May munting handaan ang magaganap, sabi ni Jennie sa akin. May tatlong oras pa ako para makapag-ayos at makapag prepare. 

 


Ang alam kong invited ay yung mga kaibigan ni Jisoo tapos kaming dalawa ni Joy at yung mga pinsan niya daw. Hindi ko lang alam kung pupunta ba yung mga classmate namin dahil may mga lakad sila ngayon. 

 


Limang araw na suspended pasok namin simula pa kahapon, this is our advance sem break daw sabi ng adviser namin. 

 


"Saan ka naman pupunta?" 

 


Nagulat ako ng biglang sumulpot si Mommy sa likod ko, nakaharap kasi ako sa salamin at inaayos yung makeup ko sa loob ng kwarto ko, nandoon si Mommy nakatayo sa labas ng pintuan. 

 


"Going to Jennie's birthday party later, po." Sagot ko. 

 


"Remove your makeup at change your dress, you are not going to any party tonight." 

 


Napasabunot na lang ako sa buhok ko pagkatapos lumakad paalis ni Mommy. Hindi naman ako nag suot ng crop top ngayon para lang masikmura sa lamig ng aircon dito sa bahay. 

 


Kainis! 

 


Pero syempre dahil matalino ako nag send ako ng message kay Joy na sunduin ako dito sa bahay, baka sakaling payagan ako ni Mommy. 

 


To joyperomalungkot: pasundo ako dito sa bahay, asap! 

 


Mukha na ako ditong desperada para lang makapunta sa birthday party ni Jennie, birthday party ng bestfriend ko 'yon ano. I want to be there with her kahit anong mangyari at kahit saan pa iyan. 

 


From joyperomalungkot: hala gaga ka, nandito na ako kila Jennie. Nag commute lang ako dahil absent yung driver namin, sorry talaga bessy wap. Magla-live nalang ako para kahit papaano knows mo anong ganap dito. 

 


Nararamdaman ko na may pumatak na luha sa pisngi ko, nakakainis talaga. I always get teary whenever i'm upset or frustated. Para tuloy akong bata ngayon na magto-throw ng tantrums dahil hindi pinayagan. 

 


To joyperomalungkot: pakihintay ako saglit, gagawa ako ng paraan 

 


From joyperomalungkot: sige lang, nagluluto pa naman sila ng lumpia

 


Putangina, parang si Bogum nalang talaga last option ko pero ayaw ko talaga, kahit desperada ako hindi ko ilalagay ang sarili ko sa panganib at pagsisihan ko sa huli. 

 


this!

 

Wendy Son 


1,265 friends - 4,356 followers  


Rox University. 

 

From Irene Bae: Wendy, pwede bang humingi ng favor? 

 


Nag send na ako ng friend request and hoping na online siya ngayon. Napansin ko na friend na sila ni Karina, so mutual na kami. Para tuloy akong tumatakbo ako sa marathon dahil medyo pinagpapawisan na yung leeg ko. 

 


Nung biglang tumunog yung cellphone ko parang natanggalan ako ng pinapasan sa dibdib. Inaccept niya na agad friend request ko sa kaniya.

 


Wendy Son: Hello Miss Irene, ano pong need niyo? 

 


Irene Bae: Just call me Irene na lang, pwede mo ba akong sunduin sa bahay? But please don't make it suspicious, please? 

 


Wendy Son: Why? Saan ka ba pupunta?

 


Irene Bae: I'm going to my friend's party. Pero ayaw akong payagan ni Mommy, pwede na? I'm really that desperate !!!

 


Wendy Son: Okay, chill, it feels like your tapping your screen really fast. Mga 53 minutes diyan na ako. 

 


Napabuntong hininga ako ng mabasa ko yung huling message sa akin ni Wendy, grabe talaga yung kaba ko. Ang sakit pala sa dibdib kapag may gagawin kang ikakagalit ng nanay mo pag-uwi mo. 

 


Hindi pa naman siguro masyadong nagsisimula yung party at makakaabot pa siguro ako. Sana nga.. 

 


Nanood muna ako ng palabas sa TV habang hinihintay si Wendy na mag chat. Naayos ko na ulit yung buhok ko at mukha ko pero wala pa rin si Wendy. Ngayon ko lang gagawin 'to sa buong buhay ko, kung siguro nakikita ako ni Jennie ngayon, at sa mga kaya kong gawin kung hindi online si Wendy. 

 


"Ate yung shopee mo!" 

 


Narinig ko yung tawag sa akin ni Karina mula sa baba, agad naman akong napatingin sa cellphone ko dahil wala naman akong ino-order nitong mga araw. 

 


Biglang sumulpot sa screen yung message ni Wendy sa screen ko. 

 


Wendy Son: Ma'am shopee po itu d2 na po ako sa labas ng bahay niyo. Paki bilis po hindi ako makahinga sa suot kong helmet, may nakasilip na babae sa isang bintana, nanay niyo po yata.

 


Agad akong bumaba at muntikan pang magkamali ng aapakan sa hagdan, nakita ko si Karina na busy nanonood ng TV sa sala. 

 

Pagkalabas ko ay nakita ko si Wendy na nakaparada sa poste, medyo malayo sa tapat ng bahay namin. 

 


Lumakad ako papalapit sa kaniya at may hawak siyang package. 

 


"Nakatingin pa ba si Mommy?" Tanong ko. Habang dahan-dahan na kinuha yung package. 

 


"Iyan wala na." Sabi niya habang nakasilip sa likod ko. Tinanggal niya na yung suot niyang helmet.

 


"Buksan mo nandiyan helmet mo." 

 


Agad kong binuksan yung package at nakita ko yung helmet, mukhang gamit na. Pero aarte pa ba ako? 

 


"Motor mo?"

 

"Hindi, kay Daddy ko ito hiniram ko lang." Sagot niya sa akin. 

 

 

"Bakit ka pala online kanina?" Usisa ko. Curious lang talaga ako kung bakit ang bilis niya akong inaccept.

 

 

"Nagvi-video call kami ng kaibigan ko ng bigla kang nag send ng friend request." 

 

 

"Ay sorry..pero salamat talaga na online ka that time." 

 


SInuot na niya ulit yung helmet niya tsaka siya sumakay siya sa motor bago ako sumakay doon sa likuran niya, humawak ako sa balikat niya bago niya pinaandar yung motor. 

 


Hindi ko alam pero parang naalala ko na nangyari na ito, hindi ko alam kung baka napanood ko lang o nangyari talaga sa akin. 

 


Pero ang mahalaga ngayon ay makaka party ako ngayong gabi.

 


"Thank you." Sinabi ko kay Wendy. 

 


"Kumapit ka sa bewang ko." At ginawa ko naman syempre, ayaw kong mahulog. 

 


Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit parang nag-iinit yung pisngi ko nung niyakap ko bewang niya tapos nakita ko pa siyang napangiti sa side mirror. 

 

______________________________________________________________________________________________________________________________

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yakapsadilim
While editing this story, nabura ko yung first chapter kasama yung mga revised chapter. I'm so very sorry sa inconvenience :((

Comments

You must be logged in to comment
M_jeeh08
#1
Chapter 7: HAHAHA kilig yarn IRENE
dubustan
#2
Chapter 5: Ih kinikilig ako yiee
dubustan
#3
Chapter 4: Ayi concern? Ajjdk yas skater si wannie cool
Paparapakyaw #4
Chapter 4: Uy sk8er wendy 🤩🤩🤩 cool kidzxkxck pala si Wannie dito