105

Pink School
Please Subscribe to read the full chapter

 

Minake sure ko talaga na makakausap ko agad si Ningning the week after kahit na busy talaga ang schedule namin dahil nga ang SHS ay nalintikang dalawang taon na puro group work. Wala naman akong reklamo kasi kumikilos naman kami lahat sa section. Si mom ang mayroon, parang mas pamilya ko pa raw kasi ang HUMSS kaysa kanila. Marami rin daw ang nagmemessage sa kanyang parents, binibiro siya kung pwede akong ampunin. Mom, please say no, kahit ilang plato pa ‘yan huhugasan ko ‘wag mo lang ako palayasin sa ating tahanan.

 

Kanina, tinotoo ko talagang itago ‘yung bag ni Lia sa hindi niya makikita agad, which is sa labas mismo ng room. Sa ilalim ng windowsill ko itinali; may overhang slab kasi roon na pwedeng lakaran. Sakto pa naka-PE uniform ako so madaling kumilos. Akala mo Lia ha! Noong una, nagkukunwari pa siyang strong, iniirapan pa nga ako eh. Luh, bahala ka dyan.

 

Pero bago umuwi nagpatulo na siya ng luha, pagod na raw siya maghanap kaya tinuro ko na kung nasaan. Mahirap na, baka mapagalitan pa kami ni Giselle. Sinamaan lang ako ni Lia ng tingin tapos maya’t maya akong tinataasan ng middle finger nang makuha na ni Mark ang bag niya mula sa pinagtalian ko. Nacompliment pa nga ng boys ang bagong hiding spot na napili ko. Buti raw nakalabas na halos lahat bago ko ituro kung nasaan. May mabibiktima pa raw sila. Ako pa ba? Winter to eh!

 

So ito kami ni Ning ngayon, hiniram ko muna siya from the group since break naman from the shooting. Nandito naman kami kina Giselle. Ilang bahay pa ba ang gagawing extension ng pink school na ‘yan? Joke, ‘di ko po sinisiraan ang CEU, mahal na mahal ko ‘yang pamantasan na ‘yan! Kahit na mukhang insekto ‘yung mascot namin, okay lang. CEU, you’re the best! DISCERN AND DISCOVER! ‘Wag ka sanang maubusan ng pretty boys and girls!

 

Nawa’y ishare mo sa amin ang vision mo bilang University of First Choice!

 

At oo, ininis nila kami nang ayain kong lumabas si Ning.

 

“Let me guess, sinabi na nila sa’yo ‘no?” Ning bakit parang you don’t find this as awkward as I feel?

 

Napahaplos tuloy ako sa batok. Siya na ang naglead ng direction, sumasabay lang ako sa tabi niya. “Gusto ko sana sa’yo manggaling… Ayaw ko kasing mafeel mo na pinapangunahan ka nila.”

 

‘Di naman ako mukhang clown, bakit ba lagi ninyo akong tinatawanan?

 

“It’s true. I like you,” tumigil siya sa paglalakad kaya napalingon ako sa kanya. Gago, diretsohin daw ba ako?

 

Napansin niya sigurong ‘di ko ineexpect na ganoon niya bibitawan ‘yung statement. “Win, okay ka lang?”

 

Dahan-dahan naman akong tumango bago nagtakip ng mukha. Feeling ko sasabog na ‘yung mukha ko sa pamumula, “Cute mo.” Porque nasabi na nila, ang tapang-tapang mo na ngayon!

 

Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Lumingon din ako saglit, baka kasi may Giselle na nakasunod, mahirap na. “Eh anong balak mong gawin?”

 

“What do you mean balak? Sorry, I’m new to this kasi.”

 

“Ah, no it’s okay. I mean, ang iba kasi nagcoconfess lang para gumaan ang loob nila. You get me?” tango lang si Ning, “Ang iba naman nagcoconfess para masabi nang malinaw ‘yung intention nila towards the person. Kumbaga, they’ll act on it.” Tiningnan ko siya, “Ikaw, anong balak mo?”

 

“I don’t know yet… Pero sure ako na I like you,” narinig ko naman Ning. Hindi mo na kailangang ulitin. “Ewan sa’yo,” nagcling naman siya sa left arm ko. Tinitigan ko siya, “Bawal ba?” Nginitian ko lang siya bago itap ‘yung braso niya, “Hindi, friends naman tayo eh.”

 

Kung nasa likod ko si Giselle, feeling ko nabatukan na niya ako, napatid, nakurot, napingot or anything. Sorry Gi, mahirap naman talagang mag-adjust kapag friends na kayo before the feelings surfaced!

 

 

 

 

 

 

Friday came, dinner daw kaming friends sa labas care of Gi. Birthday niya eh. Kanina pa rin niya ako pinagtritripan; kung kani-kanino pa ako tinutulak. Kapag talaga ‘yung bag nito tinago ko before magdismissal, iiyak ‘to.

 

Giselle, magaling mang-inis pero pikon!

 

Maaga pa so magmerienda raw muna kami. Sagot naman niya kaya mag-yes na lang tayo. Lugaw again because of the rainy season. Katabi ko si Karina dahil sabay nagre-recharge ang mga phone namin sa power bank ko. Tiningnan ko si Ning na nasa left side ko, nakaupo siya sa kabisera. Lumipas na ang one week, wala pa rin siyang update sa question ko. Nagthank you muna ako kay miss na nag-abot ng menu sa’min bago bumaling sa katabi kong nakadungaw na sa menu, “Gusto ko ng tokwa’t baby,” turo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
last na talaga, promise! But kung 'di n'yo pa nakikita ang side ni Rina feel free to check out this fic's part two --> https://www.asianfanfics.com/story/view/1487670/pink-school-part-2

Thank you po!!!

Comments

You must be logged in to comment
winrinagfs
#1
Chapter 6: cute nyong dalawa😭😭
u_ujiman #2
Chapter 6: yieeeee kakilig naman accla
u_ujiman #3
Chapter 5: hala gagi ashjagasjkd play para-paraan by karina lustre
u_ujiman #4
Chapter 4: May pinapahiwatig si Rina sa last na sinabi eh HAHAHAH
u_ujiman #5
Chapter 4: Winter, same experience HAHAHAHA kasalanan ba natin na nagmamagandang loob tayo? 😔 Charot. HAHAHAHAH
u_ujiman #6
Chapter 2: Pafall nga.
u_ujiman #7
Chapter 1: dense yarn
shhnnyyuu
#8
Chapter 6: bkla
ree_riley
#9
Chapter 6: grabe lang yung kilig ko dito huhu panagutan nyo to >:((
ree_riley
#10
Chapter 6: gago >>>>> baby