101

Pink School
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Tawang-tawa ako sa itsura ni Giselle ngayon. 'Yan ang napapala ng mga responsableng estudyante, designated leader tuloy siya ng research group nila. Buti pa ako petiks lang sa grupo ko, may role agad ako as a math genius: assigned statistician.

 

Pangalawang reshuffle na 'to ng groupings. Ewan ko ba sa research adviser na 'to, parang ayaw na ayaw niya sa section namin. Mula dito sa likod ay nakita ko pang palihim na umirap si Ningning nang umupo na si Sir. Pinaghiwahiwalay yata talaga kaming magbabarkada. Ang dahilan daw ay para mas maging functional ang iba pang mga grupo kaya kami na-disseminate.

 

Pinag-brainstorm lang naman muna niya kami today para makaisip ng topic na gusto naming pag-aralan tapos lumabas na rin siya dahil may pina-aasikaso pa raw ang principal sa kanya. Okay na rin 'tong group ko; leader namin si Hyunjin tapos may class clown pa kami sa package, si Chan.

 

Pag-alis na pag-alis ni Sir ay agad na inayos ng mga kaklase ko yung mga upuan. Bilis naman magdesisyon ng mga 'to. Kanya-kanya na rin silang dutdot sa phone screen. Inusad ko lang nang kaunti yung upuang ginamit ko para itapat sa mga silyang kalinya nito tapos bumalik na rin ako sa original na seating arrangement.

 

Isang oras pa bago magbreak. Ganoon kasi ang siste dito sa Centro, okay na rin naman dahil tatlong courses lang ang tinatackle namin daily tapos minsan 2-4 PM lang ang dismissal. Nagpangalumbaba na lang ako at tinanaw kung ano mang pwedeng tanawin mula sa bintana. Bakit ba kasi dito ako nilagay? 'Di tuloy ako makasipat ng mga naka-PE uniform sa labas, basketball pa naman ang designated sports ng year 12 ngayon.

 

"Bakit 'di ka magphone? Ang boring kaya tumunganga," sabi ni Giselle, pagkaupo niya sa tabi ko. Si Giselle, class president ng section namin. Lahat na ata ng responsibilidad sa klase siya na ang sumalo. Napatingin muna ako kay Karina na umupo sa likuran ko bago sumagot kay Giselle, "'Di ako connected sa Canvas," walang gana kong sagot. Sinundan ko 'yung tingin ni Karina, bakit ba titig na titig 'to sa kilos ni Ningning?

 

“Crush mo?” agad namang nanlaki ‘yung mata niya. “Gago,” taasan raw ba ako ng middle finger? “Eh bakit ka nakatitig? Tsaka diba sabay pa kayo umuwi nyan?” tiningnan niya yung ginagawa ni Giselle kaya napatingin na rin ako. Ayon si Ms. President, nagkukumpleto na ng notes niya. Ang effort lang kasi ginagandahan niya talaga ‘yung sulat. “Kanina pa kasi ako ‘di pinapansin,” si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
last na talaga, promise! But kung 'di n'yo pa nakikita ang side ni Rina feel free to check out this fic's part two --> https://www.asianfanfics.com/story/view/1487670/pink-school-part-2

Thank you po!!!

Comments

You must be logged in to comment
winrinagfs
#1
Chapter 6: cute nyong dalawa😭😭
u_ujiman #2
Chapter 6: yieeeee kakilig naman accla
u_ujiman #3
Chapter 5: hala gagi ashjagasjkd play para-paraan by karina lustre
u_ujiman #4
Chapter 4: May pinapahiwatig si Rina sa last na sinabi eh HAHAHAH
u_ujiman #5
Chapter 4: Winter, same experience HAHAHAHA kasalanan ba natin na nagmamagandang loob tayo? 😔 Charot. HAHAHAHAH
u_ujiman #6
Chapter 2: Pafall nga.
u_ujiman #7
Chapter 1: dense yarn
shhnnyyuu
#8
Chapter 6: bkla
ree_riley
#9
Chapter 6: grabe lang yung kilig ko dito huhu panagutan nyo to >:((
ree_riley
#10
Chapter 6: gago >>>>> baby