103

Pink School
Please Subscribe to read the full chapter

 

At dahil nga class president namin si Giselle, hindi pwedeng magpagod kami without enjoying first. Tuwing Friday kasi by 2 PM free na kami from the univ kaya naman nagawa pa niyang isingit sa schedule namin ang casual badminton game. Syempre, game naman sila Hyunjin. Sunod na lang daw sa place ‘yung boys.

 

“Excited ka ba pumasok kanina? Shorts na lang nalimutan mo pa,” ganito ba talaga kapag maraming hinahandle na responsibility? Parang lagi kasing nanggagalaiti si Gi. “Hindi ko naman kasi alam na may pabadminton ka pala today, kapitana!” masarap sana silang panoorin mag-inisan kaso may oras nga kaming hinahabol. Buti na lang pumagitna na si Yeji, “Sama ka muna sa’kin Rina. Daan tayo sa apartment,” lumingon siya sa’kin sandal. “Una na kayo ng dragon, Win. Sunod kami ni Rina,” pacifier yata ang role namin ni Yeji dito sa grupong ‘to eh. Kita ko pa ang pagma-make face ni Giselle kay Karina bago ko siya akbayan.

 

“Parang ‘di class president ah,” tawa pa siya eh. “Edi hindi kayo nag-enjoy kung wala kaming ganoon ni Rina.” Natanaw na namin sina Hyunjin na naghihintay sa labas ng convenience store. Nagkaroon pa kasi kami ng saglit na meeting para sa tasks na iaassign sa mga kaklase namin. Tapos pinanood namin saglit ‘yung nabuong performance nina Chaeryeong at Karina kasama na noong mga kaklase naming inalay namin as dance representatives, “Oh, nasaan na sina night at light fury?” Umuwi muna si Chaeryeong, diretso na raw siya kina Hyunjin mamaya.

 

“Dumaan sa apartment ni Yeji. Sunod na lang daw sila,” kami lang yata ni Rina ‘yung may dalang sariling rackets. ‘Di raw siya informed pero may raketa, baliw. “Player ka ba before?” tanong sa’kin ni Yuna na tumayo sa tabi ko. Professional racket kasi ang nakasukbit sa balikat ko, “Nope, pero ‘yung kuya ko, yes. Gusto mo ba ng badminton player?” mukhang pa-oo na si Yuna, “Cute ba siya?” Minotion ko ‘yung kamay ko sa buong katawan ko, “Cute naman ako diba? Pero off limits ka, Yuna,” agad kong bawi. Muntik na ako doon ah.

 

“Sila Ning?” dinig kong tanong ni Gi kay Hyunjin. “Bumili na ng materials. ‘Di naman daw sila maglalaro,” tumango na lang si Giselle. Nagcommute na lang kami papunta sa place. Nadatnan namin ‘yung boys na naglalaro na sa covered court; sa’min lang daw ‘yung court dahil dumaan na si Jaehyun kanina para ireserve ito bago pumasok sa CEU. Mga ten minutes din ang hinintay namin bago dumating si Karina at Yeji. Naglalaro na sina Yuna at Giselle; ginawa nilang umpire si Hyunjin.

 

“Ano, nakapagwarm up ka na ba?” porque sa’kin lang umuubra angas mo Karina, ginaganito mo na ako. Siniko tuloy siya ni Yeji habang tumatawa, “Bakit ba ang sama-sama mo kay Winter?”

 

Nagpout naman ako, “Pansin mo rin pala, Yeji ‘no?” sinamaan ko nang tingin si Karina. Napalingon naman ako sa entrance, palapit na sina Ning sa’min. Rina followed the direction of where I’m looking at, nang biglang magsalita si Yeji na nakatalikod kina Ning. “Nagpapapansin yan, Winter. Ganyan nagkatuluyan lolo’t lola ko eh,” ngisi pa niya.  Baka may gusto sa---,” agad naman siyang pinutol ni Karina, “Yeji naman!” Ano raw ‘yon? Hindi ko nagets. Pinandilatan ni Karina si Yeji, nagsignal rin siya na tumalikod. Nagtakip pa nga siya ng bibig nang makita sina Ning at Lia bago magpeace sign kay Rina. “Wala talagang tatayo to help us?” taas-kilay na bati ni Lia kaya tumayo na ako. Bakit ba ang init ng ulo ng mga ‘to? 'Di ko tuloy naklaro kay Yeji 'yung sinasabi niya about her grandparents.

 

Pagkalapag ko ng mga gamit sa bench, agad namang binato sa’kin ni Rina ‘yung racket ng kuya ko, “Larong-laro ka na nyan?” Nagstretch muna kami saglit, “Ang bagal naman, Winter!” ‘Di na namin kailangan ng umpire, kapaguran lang naman aabutin namin sa isa’t isa. Ang competitive kasi ng babaeng ‘to, ayaw naman sumali ng tryouts. Ilang beses na rin siyang kinumbinsi ni kuya na palitan siya sa varsity line up.

 

Nagsignal naman ako ng timeout habang hawak-hawak ‘yung tagiliran ko. Wala yatang nararamdamang pagod ‘yung isa kasi nagtuloy siya sa pagseserve, “Winter, there’s blood!” huh? Anong dugo? Tumingala ako, nagtatakang tiningnan si Karina na nakaturo sa kamay ko. Ah nagdudugo na pala ‘yung forefinger ko, nabalatan na yata ‘yung part na nagpaltos kanina. “Sabi ko kasi sa’yo saglit lang.”

 

“Oo na, later na lang ulit,” ayaw talaga magtigil. Naglakad na ako pabalik sa bench. Si Yeji na ‘yung kalaro ni Rina. Hinanap ko sa bag ‘yung phone ko; ang alam ko kasi nasa katabing gym lang nito si kuya ngayon. Naramdaman ko namang may humawak sa buhok ko kaya lumingon ako. Ah si Ningni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
last na talaga, promise! But kung 'di n'yo pa nakikita ang side ni Rina feel free to check out this fic's part two --> https://www.asianfanfics.com/story/view/1487670/pink-school-part-2

Thank you po!!!

Comments

You must be logged in to comment
winrinagfs
#1
Chapter 6: cute nyong dalawa😭😭
u_ujiman #2
Chapter 6: yieeeee kakilig naman accla
u_ujiman #3
Chapter 5: hala gagi ashjagasjkd play para-paraan by karina lustre
u_ujiman #4
Chapter 4: May pinapahiwatig si Rina sa last na sinabi eh HAHAHAH
u_ujiman #5
Chapter 4: Winter, same experience HAHAHAHA kasalanan ba natin na nagmamagandang loob tayo? 😔 Charot. HAHAHAHAH
u_ujiman #6
Chapter 2: Pafall nga.
u_ujiman #7
Chapter 1: dense yarn
shhnnyyuu
#8
Chapter 6: bkla
ree_riley
#9
Chapter 6: grabe lang yung kilig ko dito huhu panagutan nyo to >:((
ree_riley
#10
Chapter 6: gago >>>>> baby