Wakas.

kulimlim | seulrene tagalog one-shot
Please Subscribe to read the full chapter

 

Ayokong maalala

Mga araw na ika'y kasama

Kung kailan inibig ka

Saka ka naman nawala

 

 

Minulat ko ang aking mga mata dahil sa aking alarm.

 

2:10 PM.

 

Kasabay ng pagtingin ko sa paligid ko ay ang pagsakit ng ulo ko. Bumaling ako pakaliwa at kinuha ang aking cellphone. Binuksan ko ito at tumambalad ang aking wallpaper. Ikaw at ako. Pakiramdam ko ay gusto ko nalang sumigaw at magwala. Grabe, hindi ko na nabilang kung gaano karami ang nainom namin nila Lisa. Ang naalala ko lang eh yung mga eksena kagabi noong sa wakas eh napagtanto ko na kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa’yo.

 

Celebration party natin last month. Tamang celebrate lang dahil sa wakas ay nakapagtapos na tayo ng pag-aaral. Hindi sana ako pupunta dahil naguguluhan pa ako. Hindi ko alam kung paano ka haharapin sa binigay kong sakit sa’yo. Umamin ba naman sa’yo bestfriend mo for nine years? Mapapatulala ka na lang din talaga. Bakit nga ba ako?




Last month na natin bago ang graduation. Nakatanggap ako ng text galing sa’yo na puntahan ka sa usual nating tinatambayan kapag bored tayo, sa may rooftop ng Engineering Building.  Mahangin kasi ‘ron tapos tahimik pa kaya gustong-gusto natin tumatambay ‘don kasi wala ring nakakarinig ng mga chismisan natin.

 

“Joohyun?” sambit ko nang makita kang tinatanaw yung mga nag-aayos ng graduation set-up  sa field. “Anong trip mo today, Hyun?”

 

Nilingon mo ako habang nakangiti, “Seulgi…”

 

“Akala ko may review session kayo nila Joy? Kanina ka pa hinahanap ni gaga sa lib!” tumawa ako at tumabi sa’yo. “Grabe, ang aga naman ata nila mag-ayos ng field ngayon. Atat na tayo paalisin dito!”

 

Tumawa ka at napailing nalang sa mga sinabi ko.

 

“Seulgi?” humarap ka sa akin at nang tumingin ako sa’yo eh parang kinabahan ako. Hindi ko maintindihan ‘yung gustong sabihin ng mga mata mo. Lungkot. Tuwa. Kaba. Puyat.

 

“Hmmm?”

 

“Gusto kita…”

 

“Gaga, gusto rin naman kita. Sasamahan ba kita lagi kung ayaw ko sa’yo? Sa’yo nga ako lagi nakopya kapag may qui-”

 

“Seulgi, mahal kita… higit pa bilang bestfriend. Mahal kita.” naramdaman ko ang kabog ng dibdib ko. Wala akong ibang marinig, wala akong ibang makita. Hindi ko bigla maramdaman yung mga braso at binti ko.

 

“Joohy-”

 

“Okay lang naman kung hindi.” Ngumiti ka, “Gusto ko lang na ipaalam sa’yo ‘yung nararamdaman ko before we graduate.”

 

Humarap kang muli sa panonood ng mga tao sa field.

 

“Kailan pa?” pinanood ko nalang kung paano nagbago ang expression ng mga mata mo. Lungkot, lungkot na lamang. Lungkot na dahil sa akin.

 

“To be honest, hindi ko alam.” napangisi ka nang bahagya sa sinabi mo. “Nung una kasi naguguluhan ako kung ano ba talaga yung nararamdaman ko sa’yo hanggang sa hinayaan ko nalang muna kasi iniisip ko baka ganito lang talaga pag mas appreciated kita as a bestfriend. Believe me, pinigilan ko naman.”

 

Napalunok nalang ako at natitigan ko nalang si manong na nagpapantay pantay ng mga upuan sa field.

 

“Joohyun.. Hindi ko alam...”

 

“Sabi ko nga, you don’t have to reciprocate it naman. Gusto ko lang talagang malaman mo.” niyakap mo ako mula sa likod at isinandal ang noo mo sa aking balikat. Naramdaman ko ang kaunting panginginig ng mga braso mong nakapalibot sa’kin at pagsinghot mo. “S-Sorry, Seulgi…”

 

Hindi na ako muling nakakibo. Gusto kong humarap sa’yo at yakapin ka pero hindi ko alam kung tama bang gawin ko ngayon ‘yon.

 

“Wag ka mag-sorry sakin, Hyun. Wala kang kasalanan.” Pilit kong hinahanap ang mga tamang salita para hindi na ako makadagdag pa sa nararamdaman mo ngayon. “Ako nga dapat mag-sorry sa’yo kasi hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin.”

 

Hindi ka nang nagsalita pang muli pero nararamdaman ko kung gaanong humihigpit ang pagyakap mo sa akin. “I’m sorry, Hyun. Hindi ko talaga alam.”




Matapos nung nangyari na ‘yon at bigla kang hindi nagparamdam ng dalawang buong linggo. Sabi lang ni Yeri sa akin eh may inaasikaso kayo ng family mo. Hindi ko naman masyadong inisip dahil madalas ka namang hinigit ni Tita para tumulong sa family business niyo. Inisip ko nalang din na mas makakabuti ‘yon kasi hindi ko parin talaga alam kung paano ka kakausapin. Natatakot akong mas masaktan ka kapag lumapit pa ako ng lumapit sa’yo.

Wala rin naman kasi talaga akong experience pagdating sa mga relationship. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may gumawa tulad nung ginawa mong pag-amin sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung paano kikilos kapag may umamin sa akin. Ang tanging alam ko lang eh sobrang miss kita at damang dama ko ang kirot ng puso ko sa tuwing naiisip kita. Gusto kong bisitahin ka sa inyo para lang chumika kung ano na ang ganap mo at para ichika sa’yo kung anong mga ganap sa mga kaibigan natin. Gusto kitang makita kahit saglit na panahon lang pero sobrang dami nating requirements sa school as graduating students. Hindi rin ako makatyempo ng alis noon kasi bantay sarado ako ni mama. Kesyo raw mas mataas ang chance na maaksidente ako dahil graduating ako. Hindi ko alam kung anong eme ni mama ‘don pero sige. Noong mga panahon naman na nakabalik ka na ulit, naghabol ka naman ng requirements kaya hindi ka rin halos nagpapakita. Grabehan lang magpa-miss yarn?

 

Bumaling ako ng higa at tumitig nalamang sa kisame. Ang bigat ng mga mata ko.




“Wow ha! Akala ko di ka nanaman sisipot eh” bati ni Lisa sakin habang papalapit sa akin. TInulungan niya ako bitbitin yung mga dala kong plastic bag ng pagkain. “Hala guys, may dalang shanghai si Seulgi!”

 

“Dapat nga hindi kaso si mama eh nagagalit sa akin at sayang naman daw yung mga niluto niya na dadalhin ko raw sa miming natin.”

 

“Kaya lab namin si Tita eh!” singit ni Jeongyeon habang sinisipat kung aling tupperware yung may shanghai. 

 

Tumingin ako sa paligid. ‘Di mo aakalaing magaambagan kaming lahat para magrent ng isang resort dito sa Pansol. Ang kukuripot kaya ng mga tropa ko.

 

“Asan pala yung iba?”, tanong ko.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
57 streak #1
Chapter 1: awts
jysowee
#2
Chapter 1: HOYYY NAMAN EHHHHH ANG AGA TAPOS GANITO 😭😭