Chapter Two [TW]

Find Me [A Tagalog Seulrene AU]
Please Subscribe to read the full chapter

Words to note:

Elyxion - Kingdom of Revela's neighbor country Red House - one of the King's properties

 

TRIGGER WARNING FOR VIOLENCE AND BLOOD

 

Flashback muna tayo~

 

 

°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°

 

 

Kingdom of Revela - Revela Palace;27 BNE, July 16: Morning, a few hours before the first family's execution

 

Takot. 

 

Iyon lamang ang tanging nararamdaman ko nitong nakaraang tatlong araw.

 

Hindi ko alam kung ano ang kabuuan ng mga pangyayari pero tulad ng mga naririnig ko sa mga usap-usapan dito sa loob ng palasyo, mas dumami daw ang mga militar ng bansang Elyxion na nakabantay sa kanilang parte ng border na naghihiwalay sa bansang iyon at dito sa Revela. Ramdam ang tensyon hindi lamang sa palasyo ngunit pati na din sa buong bansang nasasakupan ng aking ama. 

 

Hindi ko pa nakakausap ulit si papa. Si mama naman ay tikom ang bibig at lagi lang kaming pinapaalalahanang magkakapatid na limitahan ang paglabas sa aming mga kwarto. Nakausap ko si ate Taeyeon noong isang araw. Siya ang panganay kong kapatid at dahil siya din ang first in line to the throne, sa kanya ako nagtanong nang wala akong makuhang matinong sagot sa mga magulang ko.

 

Sinabi niya sa akin ang totoo. Na may nagbabadyang giyera sa pagitan ng Elyxion at Revela. Halos hindi ko na marinig ang mga sumunod niyang sinabi dahil parang nabalot ng lamig ang katawan ko nang marinig ko ang salitang "giyera". Hindi ako makapagsalita. Paano nangyari ito?

 

Walang sino man sa loob ng palasyo ang nakapag-anticipate sa pagpaplanong ginawa ng Elyxion bago ang pagpapadala ng hari nila ng mga karagdagang pwersa sa kanilang parte ng border. Walang may alam. Pakiramdam ni papa at ng kanyang trusted council ay blindsided sila. Wala silang nakitang indikasyon ng gyera. Kahit na aminado kaming may namumuong tensyon sa pagitan ng papa ko at ng bagong hari ng Elyxion, hindi naisip ni papa na aabot sa ganito, lalo pa at nadadaan naman sa peace talks ang kung ano mang hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa.

 

Iyon ang buong akala namin. 

 

Isa pa sa ikinakatakot namin ay ang biglaang pagkawala ni tito Junmyeon. Siya ay ang bunsong kapatid ni papa. He's also my father's general, his highest ranking officer. Huli siyang namataang bumabyahe papunta sa border ng Revela exactly three days ago pero hindi ito nakarating doon. Hanggang ngayon ay may mga pulis at sundalo pa ding naghahanap sa tito ko.

 

Nag-aalala kami na baka may dumampot na kay tito na mga espiya ng Elyxion dito sa Revela. Malakas ang kutob namin na ang sabay na pagkawala ni tito at ang pagpapalakas ng pwersa ng Elyxion ay hindi coincidence. Natatakot kaming may ginawa nang masama sa kanya.

 

Naputol ang pag-iisip ko nang maramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng yakap mo mula sa likuran ko. Tiningnan ko ang orasan. 5:30 AM. Ganitong oras ka normal na nagigising dahil may klase ka pa ng umaga. Pero iba ngayon. Dahil na din sa nagbabadyang kaguluhan ay walang sino man ang pinapayagang lumabas at pumasok sa palasyo maliban na lamang sa mga militar at mga myembro ng council ni papa. Hindi ka tuloy makapasok sa mga klase mo. Kung may positibo mang dulot ang pansamantalang lockdown sa palasyo, iyon ay ang lagi kang nasa tabi ko. 

 

I specifically requested kay mama na hayaan kang panatilihing kasama ko hanggang sa pagtulog ko. Hindi ko pa man nasasabi sa kanya ang dahilan kung bakit ay pumayag na agad siya. Alam na niya agad ang rason. Alam niya kung kailan ako natatakot. Alam niya kung kailan ko kailangan ng masasandalan. At isa ito sa mga panahong iyon. Sobrang understanding ni mama. Never kong naranasang pagkaitan niya. 

 

Naalala ko bigla. Hindi pa pala natin nasasabi sa kanya ang pagbabago ng relasyon natin. Hindi ako natatakot dahil alam kong maiintindihan naman nila ni papa. Lagi nilang pinapapaalala sa aming magkakapatid na wala silang ibang gusto para sa amin kundi ang maging maligaya. Hindi sila strict. May karapatan kaming mamili at mamuhay sa paraang gusto namin hindi tulad ng nakasanayan sa mga royal families. Naiisip ko nga minsan na mas nauna pa yata nilang nalaman yung feelings ko sa'yo kesa sarili ko mismo kasi kakaiba lagi yung tingin nila sa'kin pag nakikita nila tayo. Minsan pa nga inaasar pa nila ako sa'yo. Hindi ko lang talaga masabi sa kanila ngayon dahil mas may mga mahahalaga pa silang bagay na inaasikaso lalo na sa sitwasyon ngayon. Pero promise, Rowoon. After all this, I will let them know. 

 

Naramdaman ko ang paghalik mo sa likod ng ulo ko. "Ang aga mong magising, Hyun. Cancel din naman yung mga klase mo. Matulog ka pa," sabi mo. Rinig sa boses mo na bagong gising ka.

 

"Paano mo nalamang gising na 'ko?"

 

"Rinig na rinig ko yung utak mo. Nag-ooverthink ka na naman."

 

Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang kamay mong nakapulupot sa'kin at nasa tiyan ko. Hinalikan ko ang mga daliri mo. "Eh kasi... Hindi ko talaga maiwasang mag-isip. Pakiramdam ko, may mangyayaring masama."

 

Hindi ka agad sumagot. Bagkus ay marahang pinaharap mo ako sa'yo. 

 

Hinalikan mo ang aking noo nang tuluyan akong makaharap sa'yo. Mas lalo mo pang hinapit ang aking katawan sa'yo. Wala nang espasyo sa pagitan nating dalawa. Ramdam ko ang pagtibok ng iyong pusong sabay ang pagtibok sa puso ko. 

 

Marahan ang iyong paghaplos sa aking likod. Kung ang malagkit mong titig at ang maganda mong ngiti ang una kong laging masisilayan sa bawat umaga, siguradong wala na 'kong mahihiling pa.

 

"Nasabi ko na ba sa'yong walang kahit ano man sa mundong ito ang mas gaganda pa sa'yo?"

 

Agad kong naramdaman ang pamumula ng mga pisngi ko nang marinig ko iyon. Ang galing mo talagang magpakilig. Itinago ko ang aking mukha sa dibdib mo at naramdaman ko ang iyong pagtawa.

 

"Oh bakit namumula ka? Nahihiya ba ang Hyun ko? Kinikilig?" Pagtukso mo pa sa'kin.

 

Parang gusto kong tumili nang marinig ko ang sinabi mo. Hyun ko... Wala na akong mahihiling pa kundi ang maging sa'yo. Oo, Rowoon. Palagi lang akong sa'yo.

 

Hinampas kita sa balikat mo. Tumawa ka lang ulit. "Nakakainis ka. Masyado mo kong pinapakilig, ang aga-aga." 

 

"Sino kasing may sabi sa'yo na pinapakilig lang kita? Nagsasabi lang ako ng totoo, Hyun." 

 

Naramdaman ko ang paghawak mo sa pisngi ko. Hinimas mo iyon hanggang sa iniangat ko ulit ang ulo ko. Tiningnan ulit kita. Ngayon, alam ko na ang tawag sa mga binibigay mo saking tingin dati. Ngayon, alam ko na ang ibig sabihin ng mga ngiti mo sa'kin. Pagmamahal. Mahal mo ako. Ang sarap ulit-ulitin ng mga salitang iyon. 

 

"Mahal mo ako." 

 

May mas igaganda pa pala ang kaninang ngiti mo. Rowoon, what are you doing to me?

 

"Oo. Mahal kita." Hinalikan mo nang mabilis ang mga labi ko. "Huwag mong kakalimutan 'yon ah?"

 

"Siyempre hindi 'no. Ang tagal kong pinangarap na marinig yun sa'yo. So bakit ko naman kakalimutan yun?" Hinawakan ko ang pisngi mo at hinaplos iyon. Marahan kong pinadaan ang daliri ko sa mukha mo, kinakabisado ang pagkurba sa iyong ilong, ang singkit mong mga mata, ang matambok mong mga pisngi at malambot mong mga labi. Kasabay ng 
bawat haplos ay ang pangakong habang buhay kang mamahalin. 

 

"Mahal kita, Rowoon. Mahal na mahal. Mahal kita ngayon at mahal kita palagi."

 

"Mahal na mahal din kita, Hyun."

 

Muling naglapat ang ating mga labi. Lahat ng pagmamahal ko para sa'yo ay ibinuhos ko sa halik na iyon. Hinalikan kita na parang ang mga labi mo ay ang kailangan ko para huminga. Tahimik kong hiniling sa lahat ng diyos ng mundong ito na sana ay hindi na matapos pa ang oras.

 

Ilang saglit pa ay nagkalas ang ating mga labi. Nanatili akong nakapikit habang habol ang aking paghinga. Niyakap mo ako nang mahigpit at hinalikan sa aking balikat.

 

"Hyun?"

 

"Hmm?"

 

"Huwag ka na masyadong mag-isip, okay? Sigurado akong matatapos din 'tong gulong 'to. Mahahanap din ang tito mo at magiging ligtas siya. Sigurado akong hindi hahayaan ng papa mo na may mangyari masama sa bansang ito at sa pamilya mo." 

 

Patuloy ka lang sa pagha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EunHyun92 #1
Chapter 4: waiting
kang_ddeul
#2
Chapter 4: wahhhh, grabe nakakaexcite po ang mga susunod na kaganapan~ 🤩😭✊
kang_ddeul
#3
Chapter 3: grabe, sobra pong nakaka-hook ang story! :)))