Chapter One [TW]

Find Me [A Tagalog Seulrene AU]
Please Subscribe to read the full chapter

Words to note:

Psychalma - a soul-jumper; comes from the greek word "soul" which means "psychí" and "jump" which means "álma" BNE - Before New Era; era during the two world wars NE - New Era; post-world wars Vervain - a plant; a vampire's Kryptonite; it doesn't kill them, it just weakens them The First - Sunmi; one of the original vampires and the only living original vampire

 

This is a whole new universe so yung formatting ng year is different and fictional. The countries' names will be fictional also. 

TRIGGER WARNING FOR VIOLENCE.

Enjoy reading!

 

°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°

 

Kingdom of Revela - Revela Palace; 27 BNE, July 11: 5 days before the execution of the kingdom's first family 163 years ago

 

"Princess Joohyun..."

 

Narinig ko ang boses mo, ang nakakalokong pagtawag mo sa pangalan ko. Nandyan ka na naman, pinipilit kunin ang atensyon kong kasalukuyang nakalaan sa paglikha ng musikang nanggagaling sa piano'ng nasa harap ko. 

 

Umirap ako at hindi ka pinansin. Narinig ko ang mahinang pagtawa mo, indikasyon na nakita mo ang aksyon na iyon.

 

"Princess Joohyun... Kamahalan... Princess..." Hindi pa din kita pinansin. Alam na alam mong ayaw kong tinatawag mo ako sa titulo kong iyon kapag tayong dalawa lang naman ang magkausap. Pero dahil gustung gusto mong nakikita akong medyo napipikon, ginagawa mo pa din. 

 

Syempre, hindi ko aaminin. Pero sa pagitan ng mga irap at angal ko sa tuwing pinagtatawanan mo ang reaksyon ko ay ang lihim na pagwawala ng mga paruparong namamahay sa tiyan ko. 

 

Naramdaman ko ang paglapit mo. Umupo ka sa espasyong meron sa tabi ko. Nararamdaman ko ang pagtitig mo at kita ko sa peripheral vision ko ang iyong pagngiti. 

 

Wag mo kong titigan nang ganyan, please... Isip-isip ko. Bahagya akong yumuko para itago ang siguradong pamumula ng mga pisngi ko. 

 

But then you started poking my cheek so I bit my lower lip to stop myself from completely losing my composure.

 

"Princess Joohyun... Kanina pa po kita tinatawag. Ba't di mo ko pinapansin?" You're doing that tone again. Sigurado akong nakanguso ka na naman.

 

Hayyyy, nagpa-cute pa nga. "Para ka kasing ewan. Princess Joohyun ka nang Princess Joohyun diyan. Alam mo namang ayokong tinatawag mo 'ko nang gano'n, eh." Inirapan ulit kita. Kunwari galit, pero kinikilig lang naman.

 

Tumawa ka ulit. "Alam ko. Masyado ka kasing seryoso, eh. Bago na namang piece 'yan, no?"

 

"Oo," sagot ko habang patuloy pa din ang pagtugtog. "So far, eto yung pinaka-komplikado sa lahat ng mga tinuro sa'kin ni Miss Rosie. Hindi ko pa siya matugtog nang maayos hanggang dul--."

 

I pushed the wrong key again. Frustrated na napabuntong-hininga ako. Mamaya ko na lang ulit siguro itutuloy 'to. Distracted enough naman na din ako kasi ang lapit-lapit mo.

 

"Okay lang yan, Hyun. Alam kong mape-perfect mo din 'yan eventually. Tulad ng lagi mong ginagawa."

 

Tumingin ako sayo at nginitian ka. "Thank you, Rowoon. Once I perfected this, ituturo ko din 'to sa'yo."

 

You smiled widely after hearing that. Tulad ko ay mahilig ka din sa musika. Pero dahil hindi tayo pareho ng estado sa buhay at hindi sapat ang sweldong nakukuha mo at ng mama mo sa pagtatrabaho para sa pamilya namin dito sa palasyo para i-enroll ang sarili mo sa music lessons, hindi mo totally ma-explore ang passion mo sa music. Lagi kong nakikita ang ningning sa mga mata mo sa tuwing naririnig mo akong tumutugtog. Ang parehong ningning sa mga mata na meron ako dahil sa musika. Kaya alam kong katulad din kita. That passion in music is something na dapat ay hindi mawala sa'yo dahil lang sa estado ng buhay mo. Because of that, I decided na i-encourage yung passion mo na 'yon by teaching you all the things na natututunan ko from my regular music lessons. 

 

Music makes you happy. And I always want to see you happy. Gagawin ko ang lahat para makita kitang masaya, Rowoon. Your happiness is my happiness. You are my happiness.

 

"Thank you, Hyun." Halos hindi ko na makita yung mga mata mo dahil sa ganda ng ngiti mo. You have the prettiest eye smile, Rowoon. Would it be selfish of me kung hilingin ko mang ako lang ang makakita niyan?

 

"Gabi na ah. Bakit hindi ka pa natutulog? May pasok ka pa bukas ng umaga diba?" Sabi ko sa'yo. Kahit na may trabaho ka bilang kasambahay dito sa palasyo, pinapayagan ka pa din mag-aral ng parents ko. Your grandmother's the head maid of the palace at matagal na siyang naninilbihan sa pamilya ko. Dahil doon ay naging malapit na din kami sa inyo ng lola mo. Bata pa lang tayo ay tayo na ang magkasama. Dahil lola mo na lang ang natitirang pamilya mo matapos mawala nang maaga ang mama mo, naging problema din kung paano niya pagsasabayin ang trabaho niya sa palasyo at ang responsibilidad niya sayo. Lola mo lang ang nakatira noon sa loob ng palasyo dahil hindi tulad niya ay isang mananahi sa bayan ang mama mo. Nang malaman 'yon ng mama ko ay siya mismo ang nag-alok sa lola mo na isama kang itira dito. Doon nagsimula ang pagkakaibigan nating dalawa. You're basically my playmate when we were kids and we've been bestfriends ever since. 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EunHyun92 #1
Chapter 4: waiting
kang_ddeul
#2
Chapter 4: wahhhh, grabe nakakaexcite po ang mga susunod na kaganapan~ 🤩😭✊
kang_ddeul
#3
Chapter 3: grabe, sobra pong nakaka-hook ang story! :)))