Chapter 2

I hate you but then I don't
Please Subscribe to read the full chapter

Simpleng jeans at blue denim blouse lang ang suot ko pero tila nakaka agaw pa rin to ng atensyon. Well, hindi ko naman sila masisi if napapadalawang tingin sila sa akin. Hindi lang talaga ako sanay sa ganitong atensyon at ayaw ko rin sa crowd.

 

Pumunta nalang ako sa arrival gate at agad ko namang nakita si Lucas na naka sandal sa kotse nito.

 

“Hello baby Winter!” bati sakin ni Lucas na nagkiss muna sa cheeks ko bago kinuha yung maletang dala-dala ko. Hinampas ko naman siya sa braso dahil sa pang-aasar niya.

 

“Tara na, mamaya na tayo mag-usap. I’m tired and hungry~~” napa iling nalang si Lucas pero sinunod niya naman ako. He hates to encounter an angry Winter for sure.

 

Pag dating namin sa bahay nila Lucas ay agad naman akong sinalubong nila Tita at Tito, saktong dinner na din kaya dumeretso na kami sa dining area nila.

 

“How’s your flight Winter?” Tanong ni Tita habang naghihiwa ng steak niya. Tinignan ko siya at ngumiti ng tipid. “Ok lang po. Naka pahinga naman po ako kahit konti sa byahe.” I lied, kasi for the rest of the flight, I was reading documents regarding sa company.

 

“Ay, ang daya bakit nung si Mom na nagtanong sayo eh sinagot mo agad? Samantalang ako sinungitan mo pa kanina. Hmp!” pagtatampo ni Lucas sakin.

 

“Sabi ko naman sayo na pagod at gutom nako. Sorry na, wag ka ng magtampo at hindi bagay sayo no!” sagot ko sakanya.

 

Mas pinili ko nalang din na dito mag stay sa bahay nila kaysa dun sa sarili naming villa. Hindi ko feel na maging mag-isa sa panahon ngayon. Kahit pa nga annoying na pinsan tong si Lucas eh he makes sure na ok ako palagi. Habang nag kkwentuhan kami sa living room ay bumukas yung front door at pumasok na yung isa pa naming pinsan.

 

“Wendy unnie!” napatakbo ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Nakaka miss din kasi siya. Super close kasi namin nung mga bata pa kami at tinuring ko talaga siyang older sister ko.

 

Isa eto sa mga traits ko kapag kaharap ko yung mga taong kumportable ako at ka-close ko talaga. I am being carefree and out-going person pag kasama sila unlike pag strangers at acquintance naman ay napaka expressionless ko.

 

“Namiss din kita Winnie! Kelan ka pala bibisita kila Tito at tita?” tanong ni Ate sakin kaya biglang tumahik ang lahat. Right, yun nga pala kasi ang agenda ko dito sa pinas kaya ako umuwi.

 

“Well, sabi nila na mag meet kami tomorrow ng lunch time. Do you have an idea ate kung anong sasabihin nilang importante sakin?” I was hoping na kahit konting clue eh maka kuha ako sakanya para naman maging prepared ako kahit konti.

 

“Winter.. sorry but wala din akong idea kung anong pag-uusapan niyo.” Medyo malungkot na sagot sakin ni ate.

 

“Hay ang impatient mo naman Winter, paano namin malalaman yung pag-uusapan niyo eh late notice nga din sinabi sakin na iba-baby sit pala kita pag dating mo dito sa Pinas.” Natatawang sabat ni lucas sa usapan namin.

 

“Bakit hindi ka pa mamatay Lucas?” masungit kong sagot sakanya kaya naman tumawa nalang ang parents niya sa sagutan naming magpinsan.

 

~~

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 4: nakakacurious yung backstory ng jmj dito otorrr :D kung bakit di siya maaalala ni winter at kung ipaglalaban ba ni aeri at kars yung love story nilaaaa :)) thank you po sa ud otornim! ^^
eibaebae
#2
Chapter 3: thanks author ganda ng storyy :)
kang_ddeul
#3
Chapter 2: fighting otornim! ^^
kang_ddeul
#4
Chapter 2: mukhang maganda yung story na 'toooo :D