what is love?

nang tahimik

 

Lahat tayo nakaabot na sa punto ng mga buhay natin, tinatanong ang mga sarili kung ano nga ba talaga ang pag-ibig?

 

Love.

 

Such a small word right? It's literally just a four letter word.

 

But it has a really big meaning. It carries and plays a huge part of our lives. Kasi naman, ano nga ba ang mundo kung wala naman itong pagmamahal, hindi ba?

 

Pero pano po kung siya yung mundo ko?

 

Tanginang yan napakacheesy naman. Manahimik ka ngang hinayupak ka.

 

Mabalik tayo sa main question. For a trillion million thousand dollars peso question, ano nga ba ang pag-ibig?

 

Malay ko, itanong mo sa aso ko. De joke.


 

Love is—


 

“Yujin kain na,” Biglang pumasok sa loob ng kwarto ang isang babae na medyo may edad na. Napatigil naman si Yujin sa pagsusulat sa notebook niya.

 

The said girl smiled at the sight of her mother as she put her pen down, “Pagtapos ko po rito, ma. Promise po sasabay ako sa inyo.”

 

Napanguso ang ina dahil sa sinabi ng pinakamamahal niyang anak. Alam niya na kasi tactics nito pagdating sa dinner time. Kapag late siya, hindi na talaga siya sumasabay at magmukmok sa kwarto.

 

“Ihhh pero nak miss ko na kaingayan mo.”

 

“Ma, tapusin ko lang to–”

 

“Sige nak, salamat na lang sa lahat.”

 

Yujin sighed. Wala siyang magagawa dahil mapilit talaga itong mama niya. Sa katunayan, nagpipigil lang siyang matawa dahil super cute ang mama niya ngayon (lagi naman).

 

So she stood up, arranging some things on her study table while humming her favorite song.

 

Magkasabay ang mag-inang umalis sa kwarto. Hindi napansin ni Yujin na may nagmamasid sa bintana ng kapitbahay niya.


 

***


 

Kinabukasan, maagang nagising si Yujin para pumasok. Hawak ang isang librong kasalukuyang binabasa habang nakaupo sa ilalim ng puno.

 

Maganda ang panahon. Maaraw. Maaliwalas. Masarap ang simoy ng hangin. Tahimik at mapayapa.

 

“Dun tayo dali picture-an moko!” Rinig na sigaw ng isang babae sa may bandang harap na ang boses ay pamilyar kay Yujin.

 

Sitting under a tree, she just stared silently at a young girl who is currently laughing with her friends.


 

Still pretty as ever, I see.


 

Nakalimutan na niyang ipagpatuloy sa pagbabasa iyong librong dapat niyang tapusin ngayong araw.


 

***


 

Umuulan. Buti na lang at may dala siyang payong. Ready siya lagi eh. Sinong hindi magiging always ready kung 'yong mama mo laging nagreremind, 'diba?

 

Iniisip ni Yujin na hintayin na lang matapos ang ulan. Tutal wala naman siyang gagawin sa bahay. At isa pa, gustong gusto niya ang ulan.

 

Eh sa trip niya panoorin ang bawat pagpatak ng ulan. Ba't ba?

 

Walang basagan ng trip.

 

Yujin extended her left hand to feel the rain. She wordlessly observed how they felt after kissing her palm. Feeling the coldness of the rain in the process.


 

“Hi, Yujin.” Sabi ng isang bagong dating.

 

“Hi, Wonyoung.” Bati niya naman pabalik. (She's still busy with rains by the way.)

 

She may look unbothered in the outside, but her insides are a raging mess.


 

Especially her heart.


 

Yujin thinks she needs to go home already. Dumidilim na rin ang paligid. Kahit na gusto niya pang tumambay kasama si Wonyoung.

 

The moment na binuksan na niya ang payong, biglang may humawak sa braso niya.

 

“Wait lang!” Sabi ni Wonyoung, “Pwede pasukob? Naiwan ko kasi yung akin eh.”

 

Kinikilig ako sa tuwing hinawakan mo ang kamay ko. Kahit na puno ito ng pawis~ Kanta ni Yujin sa isip niya. Hindi niya rin alam kung bakit naalala niya bigla ang Bulag na Pag-ibig by Biscuits.

 

Technically braso yung nahawakan but okay.

 

Tsaka hindi pawisan kamay niya but whatever.

 

“Sa'yo nalang itong akin. May extra naman ako don't worry.”

 

“Sure ka?”

 

“Oo naman.” Confident na sagot ni Yujin kay Wonyoung na ngayon ay hawak na ang payong niya.

 

Wonyoung beamed at her, “Thank you. Balik ko sayo agad bukas.”

 

Yujin smiled back, feeling warm despite the cold surroundings, “Kahit 'wag na. You're welcome.”


 

Timing na timing kasi dumating na ang sundo ni Wonyoung. They bid good byes to each other of course. Saka na lang aalis si Yujin kapag wala na sa paningin niya ang sinasakyan ni Wonyoung.


 

Ha, talk about whipped.


 

True to her words, nang wala na ang sasakyan sa paningin niya, hinanap niya kaagad ang sinasabi niyang extrang payong sa bag niya.

 

.

 

Wala 'yong payong.


 

***


 

“Enjoy na enjoy ka sa pagligo sa ulan?”

 

“Tigilan mo'ko Yena ha.” Tawa lang ang narinig niya bilang sagot. Wala siyang time para makipag-asaran sa babaeng 'to. She needed a quick shower.


 

***


 

Nasa bahay siya ng mga pinsan niya ngayon. May sleepover na magaganap dahil namiss daw nila ang isa't isa. Buti naman pumayag mga magulang nila.

 

Yujin finally dried herself up. Yena was playing videogames with Minjoo. She can't help but laugh at their loudness.


 

“Yudings lagay mo daw sa ref yung tupper na may lamang ulam. Isasantabi daw kasi iinitin bukas.” Aniya ni Yena habang naglalaro pa rin kasama si Minjoo. Hindi nga nila inalis paningin nila sa screen eh. Ganoon sila kaseryoso sa game.


 

Yujin obliged as she held the said container that was on the table. Hinayaan niya na lang ang dalawa na mag-enjoy sa sala. Hindi rin naman siya makakarelate sa kanila.

 

She eyed the object she is currently holding. Wala sa pagdadalawang-isip na inilagay niya sa loob ng ref yung tupper.

 

But she just stared at it for literally minutes. She felt the coolness coming from the machine.

 

“Ginagawa mo?”

 

“Alam mo itong tupper parang pagmamahal ko sa kaniya.” Yujin spoke as her eyes keep on staring at the object.

 

“Ha bakit naman?” Takang tanong ni Sakura na bumaba lang naman para uminom ng malamig na tubig. Tapos eto makikita niya?

 

“Wala.”

 

“Okay, sabi mo eh.”

 

“Okay.”

 

“By the way, gusto mo ng dalandan?” Alok ni Sakura.

 

“Ha…?”

 

“Hatdog.”

 

“Alam mo ikaw—”



 

***


 

Yujin stretched her muscles because finally she finished all the requirements she needs to submit on time.

 

Tapos na rin siyang magreview kaya all set na siya para sa upcoming examinations.

 

Hindi niya alam pero napunta ang mga mata niya sa bintana at sa bintana ng kapitbahay niya. Kitang kita ang seryosong mukha ni Wonyoung na nag-aaral sa working desk niya.

 

Yujin can't help but smile at the sight.


 

“Sana'y hindi ka masyadong pagod diyan, Wonyoung.”



 

***


 

Yujin can't help but think about her every single day. Literal na hindi kumpleto ang araw niya nang hindi naiisip si Wonyoung.

 

Sa sobrang dalas, na minsan napapaisip na rin siya.

 

Sino kaya ang nasa isip ng babaeng 'yon? Kasama kaya ako sa mga iniisip niya?

 

Gusto niya sapakin sarili niya bigla. Taas ng pangarap niya eh.

 

She can only wish.

 

Yujin sighed, “Hanggang sana na lang talaga ako.”



 

****


 

Yujin knows. Wonyoung likes her back. Nagkaaminan na sila sa totoo lang.


 

Yes, Wonyoung likes her. But Yujin?


 

She loves her.


 

Wonyoung wants to love her fully too. Just like how Yujin is for her.


 

But how? She can't even love herself. Hindi pa siya buo.


 

Oo mukha siyang isang masayahing bata sa panlabas na anyo. Pero sa kaloob-looban niya may nakatagong isang babae na sira at puno ng takot.


 

Love is giving your all. What if your all is in pieces?


 

She wants to shower her with all the love she deserves.


 

Gusto niyang ibigay ang puso niya ng buo. Hindi pira-piraso.


 

“I see. Naiintindihan ko.” Was all Yujin said after Wonyoung told her everything.

 

Yujin understands. So she decided to stay away first.

 

May tamang oras para sa lahat. Gaya nga ng sabi ni Lola Nidora sa kalyeserye ng Aldub.

 

Sa tamang panahon.

 

Hihintayin na lang dumating ang oras na iyon. Kung saan natutunan na niyang mahalin ang sarili. Kung saan buo na siya. Tunay na masaya.

 

And hopefully, Wonyoung will love her back.

 

“Okay then, I'll just love you silently.”



 

****



 

And so she did. She is still loving her silently. Even in the future, she will continue to love her.

 

Silently.

 

Staring from afar. Admiring from afar. Loving from afar.

 

May mga oras na ino-obserbahan niya lang si Wonyoung sa bintana. May mga oras na hindi, pero ang isip niya punong puno ni Wonyoung.

 

Hindi siya ganoon karelihiyoso pero pinagdadasal niya si Wonyoung lagi. Na sana ayos lang siya. Malusog at masaya.

 

May collection of self-composed songs siya. Lahat tungkol sa kaniya. She misses her so bad. Somehow writing songs calmed her. Therapeutic.

 

May inner peace.

 

Sana world peace rin charot.

 

“Hmmm, gawa rin kaya ako ng kanta tungkol sa kadugyotan ni Yena?”



 

***


 

Kasalukuyang nasa library ang magpinsang sina Minjoo at Yena. Naghahanap sila ng magandang librong babasahin.

 

Si Yena ang mapagbirong pinsan pero seryoso siya sa pag-aaral. Si Minjoo ang laging inaasar sa kanilang lahat pero siya itong tamad mag-aral.

 

May nakita si Minjoo na pamilyar na pigura kaya kinalabit niya agad ang katabi niyang seryosong nagbabasa sa isang makapal na libro.

 

“Ano ba Min, nag-aaral yung tao— ano!?”

 

“Si Yujin ba 'yon?” Turo ni Minjoo sa direksyon kung saan may nakita siyang isang babae sa isang table na may mga libro sa tabi.

 

“Ha? Saan?” Lumingon kaagad si Yena, “Itong babaeng 'to talaga sa library natulog—” Napatakip naman agad siya sa bunganga niya. Nagpipigil ng sigaw.

 

Minjoo did the same. Covering out of shock.

 

Nasa may liblib na bahagi si Yujin ng library. Pero sa posisyon nila Yena makikita pa rin ang ulo ni Yujin na nakapatong sa mesa. May mga nakapatong na libro sa harap para hindi siya makitang natutulog.

 

Minjoo chuckled.

 

This kid seriously.

 

But the reason why the both of them are shocked as hell because Wonyoung appeared beside her. Eyes all loving. Observing Yujin's sleeping face.

 

“Shet, I want what they have.” Sabi ni Yena habang may pagpahid sa non-existent tears niya.

 

“Pili ka, maging si Yujin or maging si Wonyoung? Masasaktan ka rin either way, my dear pinsan.”

 

“Ito naman, sa joke lang eh.”



 

***


 

Yujin woke up in a trance. Napasarap yata ang tulog niya. Buti na lang talaga at wala silang afternoon classes ngayon or else late na talaga siya. Or worse, absent na.

 

She stretched as she squinted her eyes. Nangawit leeg niya dahil sa uncomfy sleeping position pero at least nakatulog, hindi ba?

 

Saka niya lang pansin na may something sa ibabaw ng table.

 

Isang flower origami— no it wasn't just one but three flower origamis.

 

Hindi niya alam kung kanino ito galing pero tinago niya na lang. Nasa mesa niya naman. Walang masama ron 'diba?

 

At least the flower origamis look cute.


 

***


 

Dahil hindi pa tayo, 'di ko muna ibibigay ang lahat ng pwedeng ikatas ng aking pagmamahal

 

Yujin lost count on how many times she repeated the song already. The first line always gets her. It hit her straight to the core.

 

To her heart.

 

Love… makes everything soft and vulnerable.

 

It is a curse and a blessing. It's confusing because it can mean two things at once.

 

 

“Hoy ayos ka lang?” Tumabi si Hyewon sa kaniya. “Mukhang stressed ka yata. Care to share?”

 

“Share ano? Care to share the food?”

 

“Bingo!” Sigaw ni Yena sabay kuha sa pagkain na hawak ni Yujin. “Thanks mahal kong pinsan!”

 

Yena stole the food from her and dipped.

 

“So ano na chika ng buhay mo?”

 

“Still boring.”

 

Nasa isang cousins gathering slash sleepover ang ganap nila ngayon. Lahat nakapajamas. Lahat sila, mga gagong magpipinsan.

 

“What do you mean?”

 

“There is nothing interesting in my life. Tsaka 'wag mo na akong english-in kasi nakakatakot ka. Hindi bagay sa'yo.”

 

Imbes na mainis, tumawa lang si Hyewon. Sa kanilang lahat na magpipinsan, si Yujin ang pinakamatino.

 

“Siya na naman ba?”



 

“Anong bago?”

 

Then there was silence.

 

Wala nang balak si Hyewon na magsalita ulit. Nakatingin lang siya kay Yujin na nakatingin rin sa maliwanag na buwan.

 

While seeing her cousin, she remembered something from a book she just finished a day ago.

 

Love, loves you louder on nights you feel you're difficult to love.

 

She remembers Yujin, and Wonyoung.

 

It can decide to love you silently too however— even on days when it feels like screaming.

 

That's when Hyewon finally realizes.

 

Yujin may love her silently, but her love screams and shouts the loudest. To the point where everyone around her can hear it.

 

Even if it's just silent.

 

It's crazy how Yujin's love can be silent yet loud at the same time.

 

Nakakabingi.


 

***


 

“So how are you, Ms. Ahn Yujin?” Wonyoung asks in a joking manner despite being serious.

 

“Same old same old.” Yujin answers immediately after sipping on her milktea.

 

Nakipagkita si Wonyoung kay Yujin dahil sa importanteng sasabihin. At hindi na siya magpapatumpik tumpik pa.

 

Her hands balled into fists.

 

“Please stop loving me, Yujin.”

 

It went silent for a few minutes. Habang tumatagal lalong kinakabahan si Wonyoung sa magiging sagot ni Yujin.

 

“You won't and you can't tell me what to do.”

 

“Pero—”

 

“Hindi mo pwedeng diktahan ang puso ko, Wonyoung. My love for you doesn't even know how or even when to end! It just does!”

 

Wonyoung remained speechless.

 

“You're telling me to stop loving you? I'm sorry but I can't. My love doesn't know how to do anything… but to love you.” Yujin's hand clutched the shirt tightly right above where her heart is located.

 

“I can only love you silently. Tapos ngayon sasabihin mo sa'kin 'yan? Pure bull!”

 

Dalawa na silang umiiyak ngayon. One thinking about why she didn't meet Yujin when she was still whole, and one thinking about how selfish Wonyoung is.

 

“I love you. Mahal kita. Gihigugma ta ka. Inaro ta ka. Namumutan ta ka. Palangga ta ka. I'm willing to tell you how I feel in different languages. I don't care if you won't love me back.”

 

Lies. Gusto kong sabihin mo rin sa'kin. Sana.

 

“Just let me love you, Wonyoung.”

 

Walang gustong magsalita. Parehong umiiyak. Dalawang puso na punong puno ng mga damdamin.

 

“Yujin…”

 

“Please. Hayaan mo na ako. Mamahalin na lang— mamahalin kita nang tahimik.”


 

***

 

Nakahiga sa kama. Nakatingin sa kisame ng kwarto.


 

Grabe. Tinangay niya na yata ang lahat sa akin. Oh well, not that I'm complaining.

 

I'm willing to do anything and everything for her anyways.


 

Yujin rose up from her bed. Naalala niya palang may hindi siya natapos isulat sa notebook niya months ago.

 

Nakalimutan niya.

 

Dali-dali siyang pumunta sa working table niya. Kumuha ng isang lapis at ang precious notebook niya sa drawer niya.




 

Mabalik tayo sa main question. For a trillion million thousand dollars peso question, ano nga ba ang pag-ibig?


 

Malay ko, itanong mo sa aso ko. De joke.


 

Love is—



 

She sat down and started to write things.



 

Love is dying. Another way to get ruined. Another type of pain.



 

Saglit siyang napaisip. Buburahin niya sana ang naisulat niya pero hinayaan niya na lang diyan sa notebook niya.

 

Sa halip ay may idinagdag pa siya.



 

Love can be . But it is powerful enough to make people do things they loathe.

 

Love is silent yet loud. Strong. But vulnerable. It is so easy yet so hard to do.





 

Love is what I feel towards Jang Wonyoung.





 

Feeling satisfied with what she wrote. She headed to bed with a smile on her face.

 

“Mamahalin na lang kita ng tahimik. Iyon lang ang magagawa ko.”













 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet