Unang bola

Tumaya Ako Sa Lotto, Ikaw Ang Numero
Please Subscribe to read the full chapter

What Jennie liked most about Seulgi, bukod sa achievements nito sa buhay, at ang ngiti niyang halos mawala na ang mata niya, ay ang pagiging passionate nito towards helping others. Tulak man ng magulang niya ang pagiging doctor nito, she strived to search what will be her purpose of being in this field. Seulgi respects the profession, at ayaw niyang maging kabilang dito para lang tuparin ang kahilingan ng magulang niya. "Pumayag ang mommy na tumuloy ako sa community before I go." Kwento niya na may malawak na ngiti, "Ang tagal ko nang hindi nakakabalik, baka nga hindi na nila ako nakikilala."

"Paano naman nila makakalimutan mukha mo, eh malamang naaalala ka nila sa binili mong mga teddy bear sa kanila."

Tawa ang isinukli ni Seulgi sa kanya, and imagine kung gaano siya kapula ngayon dahil lang doon. Para na siyang hihikain at the sight of Seulgi making coffee sa harap niya, ang pawis na tumatagaktak sa gilid ng mukha nito dala ng mala-impyernong init, ang pagkakatali ng buhok niya na akala mo unggoy ang nagipit sa sobrang gulo, and Lord, patawarin niyo si Jennie, hindi niya sinasadyang masilip ang toned abs nitong sumisilip kada inaangat niya ang kamay nito para abutin ang ground coffee sa shelf.

"Hey Jen." Pag tawag niya for the fourth time.

Tumunganga lang ito pagkatapos makabalik sa pagkatulala. "Ano?"

"Tinatanong ko kung gusto mo ba sumama."

"Sumama saan?" Gulong-gulo niyang tanong.

Seulgi laughed, pinunasan niya ang counter bago nilapag ang iced coffee ni Jennie. Isa nanaman itong bagong flavor na inexperiment ni Seulgi for the menu ng mini cafe nila. For the past year, 'yun ang role niya tuwing nabibisita siya sa cafe nila.

"Exam na namin pagkaaalis mo."

"Oo pala." Patangon niyang sabi. "Sinadya ko talaga 'yun, para sa akin ka lang habang andito pa ako." Ipinatong ni Seulgi ang braso niya sa counter, bago bigyan ng malawak na ngiti si Jennie.

Pinasalamatan niya ang langit at lahat ng diyos na kilala niya na hindi siya umiinom ng kape, kundi ay nabugahan na niya ang tao sa harap niya. "Tange anong iyo, excuse me hindi mo ako pagmamay-ari. Feeling mo!" Jennie managed not to stutter, thanks to her being a part of their theater club. Pero ang word vomit, diyos mahabagin, sensya na lang ito lang siya.

"I don't mean it that way, nagbibiro lang ako."

"Ha? Baliw ako rin naman kaya nga yun sagot ko." If she could slap shut right now, nagawa na niya. Pwede ba Jennie shut up shut up shut up. Itinago niya ang pagkatense niya sa tawa, "Magtatawanan tayo kasi ganon ang bonding."

 

 

 

Wala nang araw nang maramdaman niyang mainit na ang pwet niya. Siguro kung may itlog sa may kutson ng upuan ay pwede nang pansabong ang mga manok dahil nasobrahan sa pagkakalimlim.

Tinitigan niya ang tanong sa activity nila sa P100.

"Who is the most influential person you looked up to in your early teens?"

Isang tao lang ang naiisip ni Jennie.

Sa dami ng model citizens na nakapag ambag ng malaki sa society na ginagalawan niya, kabundok na Star Magic artists na nag on-screen debut sa Primetime Bida, at mga kpop groups na umusbong, isang tao lang ang pumasok sa isip niya.

"Nagpaluto ako ng cornsilog, panay kape ka na mula kanina. Dibale libre ko na 'yan."

At ang taong 'yun ay patuloy niya pa ring tinitingala hanggang ngayon

 

           

2013

 

 

"Round it off to the nearest whole number. Tandaan mo, na hindi pwedeng may decimal sa table. Gets mo ba?"

Hindi.

Kanina pa siya nakatunganga sa kapitbahay niyang hinila ng nanay niya para maging math tutor niya, which happens to be her childhood crush.

Matagal naman nang nakalimutan ni Jennie ang puppy crush niya, buhat nang makagraduate ito ng elementary. Malaking tulong din na sa Science High School ito pumapasok, habang si Jennie, sa private school sa kabilang baranggay.

Hindi na rin niya sinisilip ito sa bintana nila bago pumasok sa eskwela.

At hindi niya na rin ito nakikita sa paligid.

Not until, one afternoon pagkauwi niya galing school. Bumungad pagpasok niya ang tawa nito mula sa kusina. Nakaupo si Seulgi sa tabi ng nanay niya, katapat ng pwesto niya sa dining table, nakikipagkwentuhan siya rito.

"Oh andiyan ka na pala. Sakto, kararating lang ng nahila kong magtututor sayo."

Ngiti ang unang ibinigay sa kanya ni Seulgi nung araw na 'yun, at sa mga sumunod pang araw. Hindi niya alam kung kailan nagsimula uli, pero nakita niya na lang ang sarili niyang laging hindi mapakaling umuwi.

"Masyado bang mabilis pagkaka-explain ko?"

"Ha?" Walang malay niyang sagot. "Ah eh uhm.. Okay lang naman. Makakakeep up naman ako."

 

-------

 

"Basta sabihin mo kung maaalat ba o ano."

"Masarap nga." Pag-uulit ni Jennie. "Wala ka namang niluto na hindi masarap eh." Dagdag niya bago sumubo uli ng isa p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
baconpancakesss
#1
Chapter 2: hala bitin po :<
rabbitjiu
#2
Chapter 2: waiting !! :D
kang_ddeul
#3
Chapter 2: halaaa ang cutie nila, kahit may kirot sa last part 🥺✊
jcarls #4
Chapter 2: Next update when? :(
yujiverse
#5
Chapter 1: Cute