Lucky Number

Tumaya Ako Sa Lotto, Ikaw Ang Numero
Please Subscribe to read the full chapter

Pinasadahan muli ng tingin ni Jennie ang sarili niya sa salamin, for the 12th time, mabusising kinikilatis kung may hibla ng tela bang kailangan gupitin, o kung kailangan pa ba niyang magsuklay? Kahit halos mukhang aattend siya ng binyag dahil nakaplantsa pa ang buhok niya?

Saan ba kasi siya pupunta gantong halos maluto na ang itlog sa shell nito sa sobrang init?

Diyan lang. 

Sa kabilang bahay.

Sa maliit na kapehan nila Seulgi.

"Bakit ba nag-aayos ka pa? Para namang type ka 'non."

At gaya sa impyerno, syempre may sulsol. In Jennie's case, nasa katauhan nito ng pinsan niyang si Roseanne.

"Huwag mo akong simulan paplantsahin ko 'yang nguso mo." Sarkastikong sabi niya na may panduduro pa ng plantsang nabili niya nung sale sa Shopee, na ginamitan niya ng halos ng apat na voucher habang kinukutsa siya ng pinsan niya kasi punyeta Jennie ganyan ka ba kabarat? Sana bumili ka na lang sa tyange ang dami doon.

Sumalampak si Roseanne, or Rane kung gaya ka ng mga tao sa baranggay nila na tamad na tamad tumawag ng pangalan, sa kama ni Jennie. Kinuha niya ang remote at binuksan ang TV para mapanood ang koreanovelang inaabangan niya bago ang showtime. "Nagpapakatotoo lang ako sa sasabihin ko ha? Cute 'yang pagkacrush mo sa kanya nung bata tayo kasi magaling siya sa chinese garter, okay?" Sinilip niya ang pinsan niya sa reflection ng salamin. "Pero ngayon na gagraduate na tayo ng College? Dugyot." She said with a straight face, na may pagdiin sa huling salita.

"Alam mo napakaatribida mo." Puna ni Jennie bago maglagay ng liptint. Tumigil siya para tignan pabalik ang pinsan niyang nakatutok na sa TV. "Paano naman naging dugyot 'yun!?"

"Tignan mo nga mukha kang aattend ng Recognition sa suot mo! Diyan ka lang naman sa kapitbahay! Isipin mo ha, araw-araw ka nagkakape, pero hindi ka manlang mapitik sa ugat katatago mo ng nararamdaman mo?"

Padabog na nilapag ni Jennie ang Colourette niya, na again, nabili niya sa shopee na may libre pang poster.

"Osige tutal alam mo naman lahat, anong type ni Seulgi?"

"Duh! Edi yung mga sumasayaw sa tiktok! Yung ang mga laman ng fyp eh A Day In My Life hindi 'yung study with me!"

"Kasalanan ko bang studious ako!?"

"Hindi kasi nasa dugo natin 'yun." Rane says. "At tsaka lagot ka kay tita kung mahuli ka niyang nagsasasayaw at midnight."

Humalukipkip si Jennie at sumandal sa aparador niya. "Did you really mean it? Na dugyot 'tong one-sides feelings ko?"

"Ang dugyot Jennie, ay yung nagpapaka main character ka sa wattpad sa 'di mo pagsabi ng feelings mo."

"How do you even say that?"

"Dagdagan mo shot ng kape mo. Ganon kasimple."

Ngumuso siya, "Walang introductory speech?"

Roseanne deadpanned looked at her, "Tigilan mo na kababasa mo ng wattpad. Umalis ka na magsisimula na I Have A Lover.

 

 

 

 

"Babalik na ako ng Manila! Sa wakas!"

Roseanne must be ting on her. Anong hindi wattpad? Gantong-ganto ang eksena ng main character kapag magtatangka siyang umamin ng feelings niya. Biglang eepal ang wrong timing.

Hindi niya alam ang isasagot niya rito, kaya she says the first song title she could think of.

"Good for you."

"Right!?" Bakas na bakas sa mukha ni Seulgi ang saya. Ni hindi nga napapansin nito ang pagkunot ng noo ng kausap niya.

Sa bagay. Seulgi didn't really want to stay here for too long. Nasusuffocate siya sa bahay nila, dala nang lagi siyang pinepressure ng mga magulang niya sa pagiging doctor gaya ng panganay niyang kuya. Kaya rin napagpasyahan niyang magtayo ng maliit na coff

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
baconpancakesss
#1
Chapter 2: hala bitin po :<
rabbitjiu
#2
Chapter 2: waiting !! :D
kang_ddeul
#3
Chapter 2: halaaa ang cutie nila, kahit may kirot sa last part 🥺✊
jcarls #4
Chapter 2: Next update when? :(
yujiverse
#5
Chapter 1: Cute