Race Against Time

Race Against Time


 

 

Time. 
 

 

 

Parang bagyo 'yan. Minsan, matagal na dumarating. Mabilis na nananalasa. Mabilis din umaalis. Parang sa buhay. Matagal kong inintay ang tamang oras, para gawin ang mga bagay na tamang gawin. Pero anong nangyari? Hindi pa din pala iyon ang tamang oras. Hindi pa din pala sapat, hindi pa din pala iyon ang iniintay ko. 
 

 

 

Time. Oras. 
 

 

 

Mabilis magbago, mabilis lumipat. Pero pwede pa bang habulin? Pwede pa bang baguhin ang mga bagay na nadiktahan ng oras? 
 

 

 

Hindi na. Lumipas na, eh. Tapos na. Hindi na maibabalik pa ang oras. 
 

 

 

Pero marami kang pwedeng magawa, pwedeng ibahin, dito sa bagong oras na paparating. 
 

 

 

 

Summer na, hindi naman ganoon ka-busy sa Manila kaya naisipan ko na magbakasyon muna sa probinsya ng pamilya ko sa Ilo-ilo. Dito pinanganak sila Mama at Papa, dito din ako lumaki bago tuluyang mag-aral sa Manila. Nandito, sa probinsya, ang kasiyahan na hindi ko mahanap sa Manila. 
 

 

I do party a lot. Reward ko iyon sa sarili ko lalo tuwing Biyernes, dahil hindi biro ang trabaho. I run a company that manufactures and sells furniture across the country. The company was founded by my great grandfather, passed down to my grandfather, then to my Father - who is the first son, and me. My Father's only child. May mga pamangkin na lalake si Papa - my cousins. Kaya noong una ay tinatanong ako ni Papa kung gusto ko daw ba na ituloy ang pamamahala sa kompanya, dahil may iba na mas kayang gawin iyon kesa sa akin. 
 

 

 

Bakit ako tatanggi, kung alam ko sa sarili ko na kaya ko din gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga lalaki? 
 

 

 

Kaya bawat summer ay nagbabakasyon ako mula sa busy-ing buhay sa Manila para magrelax ng sandali dito sa Iloilo. There are things that you can only find in the province, lalo ang fresh air. Ginagamit ko na din ang panahon na ito para bisitahin ang factory ng furnitures. Our biggest plant is located on this island, after all. 

 

 

"So many new faces ah." 

 

 

Napatingin ako sa kasama ko. Nangingisi si Wendy habang nakatingin sa mga nag-hihintay na malapit sa track, halata na manunuod ng race. 
 

 

 

"Yang ngisi mo. Tandaan mo, kasama mo si Joy." Paalala ko dito na ikinatawa niya na lang. 

 

 

 

Ganito tuwing summer. My bestfriend, Wendy, along with her girlfriend Joy, na mga Engineer at Architect sa Manila ay sumasa sa bakasyon ko dito sa Iloilo. Kagaya ko kasi, dito din sila pinanganak. Magkaba-bata kami at naging magkaka-batch din sa UP nang mag college. Ngayon, nagta trabaho na sila sa isang firm sa Manila na pagma-mayari ng pamilya ni Wendy. 
 

 

Tuwing nagbabakasyon ako dito sa Iloilo, sumasama sila at hindi puwedeng hindi kami pupunta sa clubhouse na ito para mag race. Hilig namin ni Wendy ang mga sasakyan. We are race track drivers-wanna-be. Pareho naming pangarap na maging propesyonal sa larangan na ito. Pero pareho din namin na hindi itinuloy dahil sa mas mabibigat at importanteng responsibilidad. 
 

 

So every year, we make sure na racing would be part of our two-week itinerary on the island. Paraan na din ng pagde-destress namin mula sa trabaho sa Manila. And Joy, the ever-supportive girlfriend that she is to Wendy, would cheer her lungs out every time we hit on the track. 
 

 

"Ito naman. Sinabi ko lang na marami tayong hindi kilala dito, eh. I'm a changed person, you know." tinawanan ko ang sinabing iyon ni Wendy. 

 

 

"Dapat lang, kasi kapag nagloko ka, ako mismo ang sasapak sa'yo para kay Joy." 

 

 

Wendy crossed her arms habang nakasandal sa locker niya, iniintay akong matapos magbihis. 

 

 

"Ikaw na lang naman yung hindi pa nagbabago, Seul." umismid siya. "The last time I was in this bar in BGC, nilapitan ako nung Sunmi. Remember 'yong fling mo for a month? Bigla ka daw hindi na nagparamdam. Did you block her number?" 

 

 

"I don't make commitments after a one-night stand. You know that." 

 

 

Sinarhan ko na din ang locker ko at nagsimulang maglakad. We are now in our full gears, ready to race. 

 

 

Wendy mentioned someone I met back in a bar two months ago. I never really invested in a serious relationship. Just.. flings and those willing to play. The Sunmi she mentioned is one of those. Isang buwan akong halos kinulit, gusto yata ng commitment. But I don't have time for that joke. I must admit na masaya naman siyang kasama, and she is no doubt good in bed. Pero iba ang gusto ko sa gusto niya, kaya hindi ko na inaksaya pa ang oras sa kaniya. 

 

 

 

Kinuha namin ni Wendy ang mga helmet sa lobby. Patuloy pa din siya sa mga pangaral niya tungkol sa buhay ko, my love or life, in particular. Umaasa siya na just like how she became a changed person when she and Joy became a couple, ganoon din ang mangyayari sa akin kung magkaroon ako ng girlfriend. Dapat na daw akong maghanap ng babae na magpapatino sa akin. 

 

 

"Alam ko kase, hindi naman pagiging cassanova ang sagot para maka move on ka kay--" tumigil ako sa paglalakad at tinitigan si Wendy

 

 

"I am not doing this because of her." I marked with finality. 

 

 

"Not because of her? Pero sinimulan mong gawin simula nang--" 

 

 

"We are not talking about this again, Wan." Wendy just surrendered and heaved a sigh after that. 

 

 

Bakit ba sa tuwing napapagusapan ang buhay ko ay hindi niya maiwasang i-bring up ang tao na iyon? O ang nangyari na iyon? 

 

 

Bakit pa kailangang ipaalala sa akin na ang tanga ko para makipaglaban noon sa oras. Ang tanga ko para diktahan ang panahon, para ipilit ang mga bagay na hindi naman tama. Hindi pala dapat inuunahan ang oras, wala kang mapapala. 

 

 

Nakalabas na kami ni Wendy sa field. Nagiintay na ang ilan sa mga kaibigan namin na makaka-race. Gaya ng sabi niya, ang ilan nga ay mga pamilyar na mukha, ang iba naman ay ngayon lang namin nakita. Siguro ay mga locals o nagbabakasyon din. Sikat din kasi ang club na ito at maraming facility para sa iba't ibang sports. 

 

 

"Speaking of the you know who.." dahan dahan akong lumingon sa direksyon na pasimpleng tinuro ni Wendy. 

 

 

Ah, oo nga pala. She lives in Romblon, and it has also become her routine to visit Iloilo every year, especially during this time of the year. Nagtama ang tingin naming dalawa at pilit lang akong ngumiti, pero agad din binawi iyon para batiin ang iba pa naming mga kaibigan na andito. 

 

 

"There is a group of racers from Manila, at first time nila dito. They heard about you, at gusto kang makalaban." natawa ng mahina si Wendy sa sinabing iyon ni Kai. 

 

 

"Seryoso sila, ha? Walang inuurungan 'to si Seul, kahit challengers!" 

 

 

Tinuro ni Kai ang isang bagong Ferrari F1 SF90 na nakapwesto na sa track. Hindi ko makita mula doon ang driver, dahil nahaharangan ito ng kausap niya na kasama niya yata, dahil nakadamit din ito at may hawak na helmet habang parang nagbibilin sa nasa loob na ng sasakyan. 

 

 

"So are you willing to take on the challenge, Seul?" tanong sa akin ni Taemin habang pare pareho kaming nakatingin sa direksyon na iyon. 

 

 

"He's ready. I have no other choice, right?" 

 

 

Sinuot ko na din ang helmet ko at naglakad patungo sa sasakyan ko, katabi lang ng sasakyan ng sinasabi nilang contender.  The audience is surprisingly big, today. Bukod sa ilang mga pamilyar na kilala namin na talagang nandito taon taon ay may iba ngang mga bagong mukha. Siguro ay mga kasama nitong makaka-race ko. Nakarinig ako ng hiyawan, mainly from where Joy was, nang sumakay na ako sa F1. 

 

 

I got myself warmed up, pati siyempre ang sasakyan ko. Habang nagka-countdown ay nagkaroon pa ako ng oras na tingnan ang makaka-karera ko. 

 

 

Strange. He was looking at me, too. He even smiled, and he didn't seem nervous. Parang wala lang sa kaniya ang mangyayaring karera. 

 


I shrugged at nag-focus na sa harapan, dahil malapit na ang cue ng start ng race. Since this will only be a friendly match, we will race for 150km, at iilang lap lang iyon.

 

 

The contender is skilled, I must admit. Hindi ako masyadong makalayo, dahil dikit siya ng dikit sa akin. May panahon pa na siya ang kinailangan kong habulin, dahil nauuna siya. On our final lap, akala ko ay mananalo ako, dahil nakapag-pull away ako. Pero sa huling corner ay mas mabilis ang pag drift niya kaya nauna siya sa finish line ng 10 meters ahead. 

 

 

Ito ang unang pagkakataon na natalo ako. It's funny and surprising that I'm not even humiliated! 

 

 

Nagtatawanan sila Wendy nang makalapit sa akin. Nahubad ko na ang helmet ko at isinuot ang cap ko. The other racer's car was surrounded with his company, kaya naging mahirap para sa akin na makita kung ano ang itsura nang nakalaban ko. 

 

 

"Damn, Seulgi Kang lost to a newbie?" tatawa tawa at hindi makapaniwalang tanong ni Wendy sa akin. 

 

 

"Hindi siya newbie. You've seen his skills. He was good. Actually, better than me." 

 

 

"Ang sabihin mo, na-distract ka lang kanina dahil nakita mo si Irene!" sinamaan ko agad ng tingin ang sinabing iyon ni Joy. "And the winner is not a he, but a she." 

 

 

Kumunot ang noo ko. Babae ang naka-race ko? 

 

 

Ngumuso si Joy sa gilid, napalingon ako doon at gulat na nakita ang nakalaban ko kanina sa track. Hindi na siya ngayon nahaharangan at napapalibutan ng mga kasama niyang nagko-congratulate sa pagkapanalo niya. 

 

 

My jaw almost dropped when our eyes met. The wind's making her hair look even more beautiful. It is like an effect only seen in movies. Her long, brown hair, being blown by the wind, while she's trying hard to fix it with her hand. She looked cool as she stood beside her car, with eyes hooked on me, her other hand holding her helmet as if she's posing for a sports magazine. Her cold and elegant gaze made me wonder if she really was the one I raced with, a moment ago. 

 

 

I didn't waste any second. Hindi na din ako nagkaroon ng pagkakataon na tingnan ang sarili ko, para malaman kung ayos lang ba ang itsura ko ngayon. Dahil sa totoo lang, kahit may nabuo nang kayabangan sa akin, I feel small in front of her. It's like all the pride I have in me was blown along with her hair! 

 

 

"Nice car." of course, that was the first thing I complimented - para hindi halata. "And nice race, of course. You were great back there." 

 


"Thanks! My first time racing with a pro." she softly chucked, na parang naging dahilan para matunaw ako!

 


"I'm not a pro.." 

 

 

Dead.. air... 

 

 

Damn, Kang Seulgi! Pagpapa-cute lang ba ang alam mong gawin?!

 

 

"Nagutom ako sa race. Would you mind if I head out first?" nakangiti siya nang tanungin ako noon. 

 

 

Pinigilan ko din ang labi ko mula sa pag ngiti. Sandali akong napatingin sa direction ng mga kasama ko at nakita kong invested sila sa pakikipag usap sa mga kasama ng cute at attractive na babae na ito, at mukhang may plano na mag race din, kaya alam ko na agad ang gagawin ko mula doon. 

 

 

"Nagutom din ako. Let's get changed tapos kain tayo sa cafe. They have good foods." bumubulong na ako sa sarili na sana pumayag siya sa offer ko dahil sandali pa siyang nagisip bago sumagot. 

 

 

"Sure! Let's meet in the lobby then?" 

 

 

God knows kung paano ko pinigilan ang sarili ko na sumuntok sa hangin dahil doon! Mas lalo siyang gumanda sa paningin ko dahil sa pag ngiti niya na iyon. 

 

 

 

Nagshower ako, dahil feeling ko hindi na ako mabango at attractive tingnan. Mabilis lang iyon dahil ayoko din naman paghintayin ng matagal si miss beautiful sa lobby. Ampanget naman as a first impression kung paghihintayin ko pa siya ng matagal because of my petty reasons. Kaya pagkatapos ko na mabilisang shower, pagpapalit ng bagong damit at pag-spray ng paborito kong perfume, kinuha ko na ang cellphone at wallet ko para makalabas ng locker room. 

 

 

Nahihiya akong lumapit sa kaniya nang nakita na naghihintay na siya sa lobby. Nginitian lang niya ako at sinabi na kakarating niya lang din daw. Sana nga. 

 

 

 

Hindi masyadong crowded ang coffee shop nang makapasok kami doon. Walang kahirap hirap siyang nakahanap ng table. Tapos kong tanungin kung ano ang gusto niya, um-order muna ako para sa amin. Sinabi kong ako na ang magbabayad at ginamit kong excuse ang membership ko, para pumayag siya sa libre. Bumalik ako sa table namin nang wala pa ang orders namin na ise-serve na lang daw. 

 

 

"So.." itinagilid ko ang ulo ko, iniintay siyang dugtungan ang sasabihin ko. Hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya! 

 

 

She softly chuckled. "Krystal." 

 

 

Krystal! A gem! Bagay sa kaniya ang pangalan niya. I think it is made for her!

 

 

"Krystal." ngumiti ako nang banggitin ang pangalan niya. "I'm Seulgi Kang." 

 

 

"I know you." ah, hindi naman pala siya cold. I think she's cute. Tumawa nanaman kasi siya ng mahina. "I've seen your pictures sa lobby."

 

 

Ah, that. I'm suddenly embarrassed! Regular nga kasi kami nila Wan dito sa club at may mga pagkakataon na napasali sa mga tournament, pero local tournament lang naman. May panahon na nanalo, at siyempre, gusto ng club na ipost ang mga picture kaya nakabalandra sa lobby ang pagmumukha ko. Akala mo naman talaga eh professional F1 racer ako dahil 'don! 

 

 

 

"You were great din. Akala ko mananalo ka na, eh." 

 

 

Ngumisi lang ako. "Pinakaba lang kita." 

 

 

I hate that I have lost my confidence and everything I know about women, because of this woman in front of me. Hindi ko alam kung paano magbubukas ng topic, kung ano ba ang dapat namin pagusapan, at kung ano ba ang dapat kong itanong! Nasaan na ang lahat ng matatamis na salitang sinabi ko sa mga naka- one night stand ko?  ! Hindi naman sa iyon ang balak ko kay Krystal, but damn! Bakit hindi ako ang sarili ko sa harap ng babaeng ito?!

 

 

"It's our first time in this club, too. Daming first time today, ah." pilit siyang tumawa. 

 

 

"You're from Manila?" tumango siya. 

 

 

"I work as a Marketing Manager in Sofitel. Nagkataon lang na we had to attend a conference in Aklan, and we had extra time so we used it to visit Iloilo." 

 

 

Hindi ko inaasahan na nagta-trabaho siya sa isang corporate. Dahil sa ganda niyang ito, inaasahan kong sasabihin niya na model siya o designer. Her job made her more appealing to me! 

 

 

"So, until when are you staying here?" medyo alangang tanong ko. 

 

 

"Only until today." may halong pagka-dismaya sa boses niya. "We have a flight to catch in three hours, actually. Nagpalipas lang talaga ng oras dito." 

 

 

Bakit naman kasi sa halos isang linggo na namin dito sa Iloilo, ngayon ko lang siya nakita? At bakit ngayon lang namin naisipan na pumunta sa club? Napakalaki ng Manila para hanapin ko siya, at para halughugin ko ang buong Sofitel para sa kaniya! Hindi din yata maganda kung kuhanin ko agad ang number niya sa first meeting pa lang namin.

 

 

W-well, at least I have her name. 

 

 

Dumating na ang orders namin kaya kumain na kami. Pilit kong inuubos ang pasta na nasa plato ko, kahit sa totoo lang ay nawalan na ako ng gana after malaman na hindi na pala sila magi stay pa dito ng matagal. Muli, nasayang nanaman ang oras. Pero kahit ganoon, salamat pa din sa oras dahil binigyan kami ng pagkakataon na mag-meet sa araw na ito. 

 

 

"Back to work ka agad 'pag uwi ng Manila?" tanong ko habang patuloy pa din kami sa pag-kain.

 

 

Siyempre, hindi ko pwedeng sayangin ang panahon na magkasama pa kami, at ang pagkakataon na mayroon para makaalam pa ako ng mga bagay tungkol sa kaniya. 

 


"Yes. Mahirap ang mga matagalan na leave kapag hotelier ka." ngumisi siya. "How about you, what do you do?"

 

 

Turn off ba kung sasabihin ko sa kaniya na CEO ako ng isang kilalang manufacturer ng furniture dito sa Pilipinas?

 


"Furniture. I manage a company that manufactures and sells them." hindi na siya nagtanong pa tungkol doon. 

 

 

"Been racing for how long?" 

 

 

Natatawa na ako sa isip ko dahil parang question and answer portion o interview ang ginagawa namin ngayon, dahil sa mga tanong namin sa isa't isa. Hindi tuloy namin namalayan na mabilis nang lumipas ang oras. Nasa labas na ng cafe ang mga kaibigan niya at tinatawag na siya, oras na para pumunta sila sa airport. 

 

 

"It was nice to meet you, Seul." ngumiti si Krystal at inabot ang kamay niya sa akin. Kinakabahan pa ako nang tanggapin iyon. "See you in Manila?" 

 

 

"See you in Manila." 

 

 

Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin. 

 

 

And at that very moment, as she walked away, I knew it. 

 

 

Tinamaan na. 

 

 

 

 

 

Isang linggo na simula nang makabalik kami sa Manila. Dapat ay two weeks pa kami sa Iloilo pero may mga nanggyari sa office kaya napilitan kaming bumalik. Tuloy, busy agad pag-balik sa trabaho. Kahit sila Wendy ay may mga project na din agad na sinimulan. Mabilis na lumipas ang araw. Pakiramdam ko ay isang buwan na agad ang lumipas kahit na linggo pa lang naman, simula nang makita ko si Krystal. 

 

 

Krystal. I don't even know her last name. Kaya hindi ko din siya ma-search sa social media. 

 

 

Kamusta na kaya siya? Hindi siya maalis sa isip ko simula nang magkita kami nang araw na iyon. Kasi feeling ko, siya na ang icing sa ibabaw ng cupcake ko. Iyon nga lang, pagbibigyan ba ako ng oras, this time? Sana naman. 

 

 

Kinuha ko ang phone ko. Habang nakasandal sa swivel chair ay binuksan ko ang isang social media platform. Hindi ko na matiis. I tried searching for her name. Nilagyan ko din ng filter para ang result na lalabas ay mga naka specify na nagta-trabaho sa sofitel. Walang lumabas. 

 

 

Hindi ko naman kasi alam ang last name niya at posibleng madami siyang kapangalan! Ang mga lumalabas sa searches ko, kung hindi mga foreigner, mga bata na parang pang-jejemon pa ang facebook account! Damn. 

 

 

Hinilot ko ang sentido ko at napapikit. Ilang araw ko na din iniisip si Krystal. O mali. Hindi talaga siya maalis sa isip ko. Na kahit nagta trabaho ako, may mga panahon na nagfa flash sa utak ko ang mukha niya, lalo 'nong hinahangin ang mga buhok niya, lalo noong mas lalo kong na-appreciate ang ganda niya habang papalapit ako sa kaniya nang matapos ang race namin. 

 

 

Yung tawa niya, yung malambing na tono ng boses niya, parang hindi maalis ang tunog noon sa isip ko. Paulit ulit kong naririnig! 

 

 

"Seulgi!" para akong nagising sa pagde daydream ko nang biglang bumukas ang pinto ng office ko, hindi manlang kumakatok. "Kanina pa kita tinatawagan!' 

 

 

Napatingin ako sa cellphone ko na may iilan ngang missed call mula kay Byul. 

 

 

"Hehe. Sorry, hindi ko napansin." 

 

 

She just sighed. "May dinner tayo sa Sofitel diba? Nagiintay na 'don sila Taeyeon." 

 

 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Dahil ano daw? 

 

 

Dinner? Sa Sofitel? Kung saan nagta trabaho si Krystal?

 

 

Mas mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtayo ko. Nauna pa nga akong lumabas sa office, at naiwan doon si Byul. Taka lang siyang nakatingin sa akin habang nagaayos ako at ngi-ngiti ngiti sa loob ng elevator. Ako na din ang nag drive sa amin papunta sa Hotel, dahil sasakyan ko naman ang gamit. 

 

Confused na confused pa din si Byul dahil sa mga kilos ko. 

 

 

"Ang ganda ng mood ni CEO, ah." bati ni Taeyeon nang makaupo na kami sa table na pina-reserve niya. 

 

 

"Dito kasi yata nagta-trabaho yung crush niya." tinitigan ko nang masama si Wendy sa sinabi niyang iyon.

 

 

"Ah, kaya naman pala parang tanga na nagmamadali kanina. Muntik pa yata kami maaksidente sa pagmamadali mag drive. May gusto pala makita." natawa na lang si Byul kasabay nila Wendy. 

 

 

"Pero, crush? Yung totoo? Hindi ka na high school!" 

 

 

Parang wala akong naririnig sa mga pangangantsaw nila. Si Wendy na mismo ang nagkwento ng tungkol kay Krystal. How I met her because we raced, and how I had a crush on her because the wind-blow effect was like a scene from a movie, and how I kept thinking of her since we met. 

 

 

Hindi ako nakisali sa pangangantsaw nila. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil baka naririnig ng mga waiter ang sinasabi nila at baka kilala ng mga server dito si Krystal! She has a high position and these people, most probably, know her. 

 

 

"Sinabihan ko na sila Minho na dapat umuwi sila sa araw ng kasal ko. Hindi pwedeng hindi, dahil last year pa namin sinabi sa inyo ang date ng kasal. Nakakatuwa naman sa inyo kung hindi pa kayo nakakapag adjust hanggang ngayon diba." 

 

 

Sabay sabay kaming tumango sa sinabing iyon ni Taeyeon. Kaya nga pala kami pinatawag dahil may mga final bilin siya tungkol sa kasal nila ni Tiffany next week. Ang bilis ng araw, parang last year lang ay pinaplano pa lang nila ang kasal, tapos next week na pala iyon! 

 

 

Patingin tingin ako sa paligid, habang nakikinig sa mga sinasabi ni Taeyeon at sa kwentuhan nila. Napakalaki ng sofitel. Hindi naman ako umaasa na makikita ko siya dito, pero may slight hope ako. Kaya lang, pauwi na yata kami at mukhang hindi ko pa din siya makikita. 

 

 

Oras, talaga bang hindi ngayong araw?

 

 

Hindi dapat inuunahan ang oras. Dapat, iniintay mong dumating ang tamang panahon, tamang oras para sa tamang bagay. 

 

 

Sino nga ba ang nasa harap ko ngayon? Kaya naman pala parang pinipigilan ako ng sarili ko na sumakay ng elevator. Kaya naman parang gusto ko pang mag-stay dito sa hotel, kahit sandali. Kaya naman pala may kakaiba akong nararamdaman. 

 

 

 

At sa gitna nang mga taong dumadaan sa paligid, biglang tumigil ang oras. Sa sarili ko, napakanta ako ng mga lyrics ng kanta na saktong sakto sa oras na ito, sa pangyayaring ito. 

 

 

 

 

Binibini
Alam mo ba kung pa'no nahulog sa 'yo?
Naramdaman lang bigla ng puso

 

 

 

 

"Hi.." mahinang tawag ko sa nahihiya pang si Krystal. 

 

 

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, not to judge her for her looks. 

 

 

She's wearing a pencil skirt, cream blouse rolled up her sleeves, with her hand holding a cardigan, the other holding her handbag. 

 

 

Very different from the Krystal I met in Iloilo. Her duality amazes me. Because both that Krystal, and the one in front of me right now made my heart skip a beat. Made me feel things, made me realize how important it is to wait for the right time, and the right person.

 

 

"Hi." hindi makapaniwalang sabi niya din, sa isang mahina at nahihiyang boses. 

 

 

Sabay kaming natawa. 

 

 

"Nice to see you again.." sa dinami dami nang scenario na naisip ko sa utak ko para sa muling pagkikita namin, wala akong masabi sa araw pa na 'to!

 

 

"Fancy meeting you here too, Seul." wala akong ibang maisip sabihin sa sinabi niyang iyon.

 

 

 

It's now or never. 

 

 

 

"Going home?" tanong ko, umaasa na sasabihin niyang may oras pa siya ngayong gabi. 

 

 

Itinagilid niya ang ulo niya.. "Depends.." 

 

 

I grinned, I think I know what to do next. Busog na ako at katatapos ko lang mag dinner, pero mukhang mapapakain ako ulit. 

 

 

"Would you want to go somewhere else?"

 

 

"Hmm, follow me." 

 

 

Ngingisi ngisi lang ako habang sinusundan sa paglalakad si Krystal. Sumabay na si Byul kay Wendy kaya ako na lang ang naiwan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Krystal. But she knows this place better than I do. Naramdaman niya din siguro na galing na ako sa restaurant kaya baka sa ibang restau niya ako dalhin. 

 

 

Basta ang mahalaga, nakita ko na siya ulit. 

 

 

At ang mahalaga, nangyari ito nang hindi ko nilalabanan ang oras. Nangyari ito nang wala akong nilalabag. Dahil oras na mismo ang nagdikta para sa akin. Oras na mismo ang nagdala sa akin sa taong ito. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
SeulYul #1
Chapter 1: Napaka cute 😭
KKDWIGHT #2
Chapter 1: Ang cute ng story otor Sana may soon update pa
milley #3
Chapter 1: KILIG HAHAHAHAHAHAHA NAKAKABITIN PERO ANG CUTE AND WHOLESOME NG STORY! SEULSTAL LAYAG HAHAHAHAHAHA. MARAMING SALAMAT AUTHOR! MORE SEULSTAL FANFICS TO COME HEHEHEHEHE
docwaffles
#4
Chapter 1: AAAAAAAA ANG CUTE! BAGAY TALAGA SEULSTAL HUHU. ANG HOT IMAGININ NA THEY ARE WEARING FULL GEARS FOR CAR RACING AAACK. PERO ANG CUTE PO NG STORY OTORNIM 🥺🥺🥺 RIGHT TIME, RIGHT PLACE, RIGHT PERSON. AAAAACK BAKA SEULSTAL YERN??? HSJSJDJDJDJ THANK YOU FOR THIS PO OTOR!!