yeri vlog

basta wenjoy oneshot 2
Please Subscribe to read the full chapter


Pinagmasdan ni Winter ang pintuan sa kaniyang harap. Kumunot ang noo niya.

“Sure ka bang pumayag si miss Joy dito?” tanong niya sa pinsang artista na si Yeri Kim. 

Sumikat si Yeri noong sumali at manalo sa pbb 5 years ago. Meron siyang ka-loveteam sa loob ng bahay na hanggang ngayon ay sinusuportahan ng public. Pero unlike the others, sikat itong si Yeri outside ng loveteam niya. Kaya niyang magstandout mag-isa dahil magaling kasi siyang host, comedian at ineexplore niya rin ang iba’t-ibang genre ng pelikula. 

Kapag may free time siya, gusto niyang dino-document ang kaniyang ginagawa kaya naisipan niyang gumawa ng vlogging channel sa youtube kung saan niya pinapakita ang buhay niya bilang artista at pagiging chismosa. Tangay niya ang college student na pinsan niyang si Winter bilang kaniyang camera woman at video editor. Payag naman si Winter dito dahil generous magpasahod ang pinsan niya.

Kilala ang channel niya sa series ng pambubulabog sa bahay ng kaniyang celebrity friends. Kaya ngayon nasa harap siya ng unit ng kaibigan na si Joy. 

Nakilala niya si Joy noong bumida sila sa isang romcom series. Nag-click agad ang ugali nila at naging mag best of friends. Malaki ang pasasalamat ni Yeri sa serye na iyon dahil doon niya nakilala ang mga close friends niya sa industry.

“Oo nga! Ang kulit mo, kanina ka pa sa sasakyan,” iritadong sagot ni Yeri habang inaayos ang kanyang buhok.

“Sabi mo kasi hindi na siya nagreply!” pabalang na sagot ni Winter.
“Pumayag nga siya nung nagkita kami sa ASAP.”
“Kelan pa yon? Last week! Baka—”
“Baka cow! Alam kong overthinker ka, pero huwag ngayon. Di ba gusto mo ng autograph? Kaya nga kita sinama dito e.”
“Gusto siyempre! Iniisip ko lang kasi nakakaabala tayo…” napakamot si Winter sa batok niya.
“Hindi nga! Tara na, start na tayo.” Wala nang nagawa si Winter kundi itutok ang camera sa pinsan. Bahala na, si Yeri naman daw ang bahala. 


“Hey guys! It’s your girl, the young and beautiful, Kim Yeri and— pantal ba yang nasa pisngi mo??” biglang lumapit si Yeri sa pinsan para titigan ang namumulang balat. 

Ito nakakainis sa pinsan niya tuwing nagrerecord sila. Tila aso ang attention span.

“Hwag mong pansinin!”
“Makati siya?” Sinubukan ni Yeri na hawakan ang pantal pero sinangga agad ni Winter.
“Ano ba! Hwag mong galawin, lalagyan ko ng ointment mamaya.”
“Wala naman kasi yan kanina,” katwiran pa ni Yeri. “Mamaya may sakit ka na pala. Yari ako sa nanay mo.”
“Hay nako, dali na, sayang yung battery.”

“Sorry, sorry. Game! Hey guys! It’s me, your girl. The young and fresh, Kim Yeri! I’m back again with more chika and more fun!” Bumati si Yeri saka nagpose. Sumenyas naman si Winter sa pinsan na okay na. 

“For today’s episode, tutuparin ko ang matagal niyo nang nire-request. Puputulin ko na ang pagmamakaawa nyo sa comment section ko, dahil ngayon, nandito ako sa harap ng tinitirahan ng kinagigiliwan nating lahat. Your Joy, my Joy, miss Joy!” Nag ‘wooooh’ naman si Winter bilang support. 

“Let’s go!”

Without further ado, pinindot na ni Yeri ang doorbell. 

No response.

Natawa bahagya si Yeri saka napatingin sa camera. “Baka may ginagawa lang.” 

Nagtry ulit siya. 

Wala nanaman. 

“Pinaprank yata ako ni Joy. Wait lang, guys.” 

In-off muna ni Winter ang cam. Nilabas ni Yeri ang cellphone para tawagan ang kaibigan. Sure siya na narito lang yun kasi si Jessica mismo na manager ni Joy ang nagsabi na free siya today.
“Iyan na nga ba sinasabi k—” Tinaas ni Yeri ang kamay sa mukha ng pinsan. Nagri-ring na ang phone.

“Hello?” 

“Joy! Nasaan ka?” natatarantang tanong ni Yeri. Hindi niya napansin na pasimple siyang kinukunan ni Winter sa cellphone. Ilalagay niya ito sa vlog at hindi siya mapipigilan ng pinsan niya.
“Dito sa condo. Day-off ko.” 
“Nandito ako sa labas!” 
“Ikaw ba yung nagdo-doorbell?”
“Oo! Ikaw ang guest sa vlog ako. Diba pumayag ka?” 
“, ngayon ba yon?” 
“Oo!”
“Pwede magcancel?”
“Anong cancel? Nandito na ako! Kasama ko si Winter.”
“E kasi…” may narinig siyang rustling sa background.
“Ano?”
“May kasama ako ngayon.”
“Joy?!”
Napailing na lang si Winter. Sinasabi na kasi niya sa pinsan niya pero ayaw siya pakinggan. 
“Nakalimutan ko na kasi yung request mo!”
“Sino ba kasama mo? Papasukin mo muna kami. Diyan natin ‘to sa loob pagusapan.”

“Okay, medyo makalat lang—wait.” 

Bumukas nang bahagya ang pinto at dumungaw si Joy. “Hi!” Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at tumambad ang nagkalat na laruan sa sahig.

“Oh, bakit binagyo tong unit mo?” 

“Sorry, hindi ko pa nalilinis. Nagpapaligo kasi kami ng bata.” Apologetically siyang ngumiti siya Winter. Unang meet nga naman nila ang gulo ng bahay niya.

“Nandito si Liham?” Na-excite bigla si Yeri. She loves children at hindi niya papalampasin ang araw na ito nang di nakakalaro si Liham.

“Yeah, nasa business trip kasi yung ate ni Wani tapos yung daddy naman niya nasa abroad.” 
“Aww. So kay Wendy siya nakatira ngayon?”
“Sa grandparents. Upo muna kayo. Nasa room pa sila.”

“Babe!” napalingon silang tatlo sa tumawag. 

Si Wendy, karga ang bagong ligo niyang pamangkin na nakabalot sa bearprint towel.

“Nakita mo ba yung lotion niya? Wala kasi dun sa baby bag. Hindi ko sure kung nakalimutan ilagay ni ate or…” napahinto siya nang makita ang bisita nila.

Nakatitig sa kanilang mag-tiyahin.

 

“Hi!” Bibong bati ni Liham. 

----- 

Kalaro ni Winter si Liham habang nakaupo ang tatlo sa couch ni Joy, nakaset-up ang camera at tripod para sa interview. Every vlog ni Yeri with her friends may interview segment talaga.

“Kumusta yung project mo with Nadine?”
“Ayos naman! Nasa final editing na yung film sa pagkakaalam ko. It was such a fun project to do. Masaya kasama si Nads.” Very showbiz answer.
“Balita ko may bed scene daw yon? True ba?” napalingon si Joy sa jowa niya. Tinawanan lang siya nito.
“Stop laughing!” saway nya dito. “Yes, meron.” 
“Babe, ok lang ba na ispoil mo yan?” Tanong ni Wendy.
“Ok lang yan. Marami pa akong pending videos so by the time na iupload ko to, narelease na yung film,” sabat ni Yeri.
Tumaas ang kilay ni Wendy saka ngumisi. “Ganun ba? Oo, may bed scene sila at kinabahan si Joy,” siwalat nya.
“BABE!” 
“What? It’s true! Sa sobrang kaba mo, pinuntahan mo ako sa office ko after your shoot.”
“Shut up, babe.” Inagaw ni Joy ang throwpillow sa jowa nya saka nagtakip ng mukha.
“True ba?” This is news to Yeri. “Bakit? Hindi mo naman to first time!” Ilang daring roles na ba ang nagawa ng kaibigan nya sa buong career nito at ganito siya mag react kay Nadine?


“First time ko magfilm ng bed scene with a woman. Syempre kakabahan ako! Si Nadine kaya yon.” 
“Ano naman ang masasabi mo dito, Wends?” Pinagmasdan ni Wendy ang jowa nya saka ngumiti. Nag alis na ito ng takip sa mukha.
“Wala naman. It’s her job e. Walang problema sakin if she has bed scenes lalo na if it’s done tastefully, tsaka alam kong comfortable siya sa set.” Medyo nainggit si Yeri. Sobrang green flag nitong nabingwit ni Joy.
“You’re not the jealous type pala no?” 
“No? Hmm, minsan. Hahahaha!”
“Ako yung palaging nagseselos.” Syempre alam na ni Yeri yan kasi ilang beses na siyang binulabog ng bruhang to sa tuwing may nadedetect na threat.


“Ang weird no? Siya yung public figure sa inyong dalawa pero siya pa yung nagseselos.”
“True. Ako, I’m just an architect.” Kumunot nuo ni Joy sa statement ni Wendy. She’s too damn humble.


“No you’re not just an architect. You’re a great architect! Kilalang kilala siya sa firm nila ng daddy niya! Kaya ang daming gusto sumabay mag lunch,” sabi ni Joy na may konting parinig sa dulo.
“Lunch lang naman!”
“Sasabay lang bakit pinagluluto ka pa?”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
redsummer0801
#1
Isusulat nyo po ba yung kay ningning at winterr
redsummer0801
#2
Hala ang kilig nung sagot ni Wendy 😭
_wendyshon_ #3
Chapter 2: Ang sarap namang kiligin ng ganitong oras kahit feel na feel ko ang pagiging single😆 salamat otornim napasaya mo nanaman ang araw ko💙💚
lisamalabon
#4
Chapter 1: ANG CUTE NETO OMG I WANT MORE 😭
WeenieHut_Jr
#5
Chapter 1: I'm literally crying, I'm so wenjoy deprived these days..god ing bless you for writing this ㅠㅠ
honeyblood17
#6
Chapter 1: Hala sobrang cute ng dynamics. Multi-snippets of this AU..yes? maybe? Idk what I'm saying.
ChiChi0103 #7
Chapter 1: AAAAHHHHHHHHHHHHHHH MAHAROT WENDY. ATAOANG ATAO JOY JUSKO YONG KILIG KO ROLDT. 😭😭😭💙💚 WENJOY PA RIN UUWI
_flcty #8
Chapter 1: AAAAAAAAAACCCKKK kilig namaaan
redsummer0801
#9
Chapter 1: And ang harot ni Wendy jusq. HAHAHHAHAA
redsummer0801
#10
Chapter 1: GUSTO GUSTO TALAGA KITANG MAGSULAT OTOR. OTOR SANA LAGING FLUFF GAWA MO OTOR. MORE TO WENJOY FICS PO OTOR