madaming ganap

basta wenjoy oneshot 2
Please Subscribe to read the full chapter

Wendy had enough. Para siyang unti-unting nawawalan ng sanity sa katawan. Gusto niya nalang ihampas ang ulo nya sa flatscreen tv para matapos na ang kalbaryo nya.

 

Nasira mga plano niya ngayong araw.

 

Tinignan niya ang ugat ng paghihirap niya. Si Liham.

 

Ang magdadalawang taong pamangkin na lalaki na basta nalang iniwan ng ate niya sa kanyang poder. May tangan itong biscuit sa isang kamay at laruan sa kabila habang masayang nanunuod at sumasayaw sa mga children songs sa tv.

 

Paulit-ulit na cocomelon. Paulit-ulit na wheels on the bus, baby shark, bah bah black sheep...

 

Purgang-purga na siya.

 

Pero joke lang ‘yung basta iniwan. Nagsabi naman ang ate niya. Hindi lang siya binigyan ng choice dahil isinumbat na nito lahat ng pananakip sa kagagahan niya noon.

 

“Gusto mo bang malaman ni daddy na kaya may gasgas yung kotse niya noon ay dahil may isa siyang anak na sabik na sabik puntahan yung girlfriend niyang mag-isa lang noon sa bahay nila?”

 

“Or..or gusto mo bang malaman ni mommy na ikaw yung pumutol sa mga alaga niya orchids at hindi si aling Solly, para ibigay sa jowa mong nagtatampo sa ‘yo kasi nakalimutan mong pumunta sa event niya?”

 

“Siyempre ayaw! Pero ate naman... Sinabi ko na sayo may plano na nga ako ngayon. Aalagaan ko naman si Liham kahit limang araw pa yan basta not today.”

 

“Madali naman akong kausap.” Nilabas ng ate niya ang smartphone.

 

“Bull,” bulalas niya.

 

“Huwag mo akong mumurahin. O, siya. Eto na yung baby bag. May nilagay akong schedule ng mga dapat mong gawin.” Muntik na niyang hindi masalo ang bag

 

“Alam ko. Hindi ko naman first time.”

 

Hindi siya pinansin ng kapatid at hinarap ang anak para halikan sa noo. “Baby papakabait ka kasama si tita Wani ha? Magtatrabaho lang si mommy.”

 

Paano ba ito? Susurpresahin niya dapat ang girlfriend niyang artista sa bahay nito ngayon kasi ngayon ang day-off niya. Mag drive sila around saglit tapos kakain then, magchill sa place niya na nilinis niya pa kagabi para sa plano nya ngayon. Tapos, ipagluluto niya ng dinner ang mahal niyang girlfriend.

 

Sad.

 

Hindi naman siya galit sa pamangkin niya. Wala naman itong kasalanan. Ate niya talaga ang puno’t-dulo nito. May tatay naman kasi yung bata bakit hindi doon dinala? Oo alam niya naman na hiwalay pero... okay???

 

Mabait naman din yung dating bayaw niya at mahal na mahal si Liham so why naman sa kanya binigay ang bata?

 

“Da...da! Sda!” Bigkas ng pamangkin habang tinuturo ang mga isdang lumalangoy sa pinapanuod na cartoons.

 

“Isda. Say ‘is-da’,” nilingon siya ng pamangkin at patakbong sumugod sa kanya. “Da!”

 

“Ewan ko sayo. Sabi ko, ‘is-da’.” Kinarga niya ito sa lap niya saka niyakap. “Naku, kung hindi lang talaga kita mahal,” sabi niya habang sinusuklay ang humahabang buhok ng pamangkin. Itatali niya ‘yon mamaya.

 

Ok naman sana ang pamangkin niya. Curious sa mga bagay bagay pero ok lang talaga kasi naalis na ni Wendy lahat ng pwede nitong masubo at ibato. Wala ring makakantong lugar sa bahay niya. Pero once na magtantrums ito ay hindi na ito titigil.

 

“WAAAA!” sigaw ng pamangkin nang ilipat niya ang palabas. Kahit anong laruan o padede ang ibigay ay hindi nito pinapansin at tuloy lang sa pag-iyak. Kahit nang ilipat na niya ulit sa cocomelon ang palabas ay hindi ito natigil. Chineck niya rin ang diaper pero hindi rin yon ang rason ng pag iyak niya.

 

Gusto na ring umiyak ni Wendy nang makatanggap siya ng tawag sa girlfriend na si Ligaya o mas kilala ng public sa stage name niya na Joy.

 

“Babe? Napatawag ka?” Tuloy lang sa pag-iyak si Liham

 

“What’s that?” Tanong ni Joy.

 

“Si Liham ‘yon, babe. Iniwan muna dito ni ate, may pupuntahan daw siya e.”

 

“Ok ka lang ba? Do you want me to come over?”

 

“Hay babe, ako nga dapat ang pupunta dyan e. I was planning to surprise you ngayon kasi day-off mo. Sorry.” Tumahan at napatitig si Liham sa kanya. Curious sa kung bakit nagsasalita ang tita niya nang mag-isa.

 

“Ok lang. Ako na lang ang pupunta dyan, G? Anong gusto mong kainin? Mag-drive thru nalang ako.

 

Tumakbo papalapit sa kanya ang pamangkin saka yumakap sa binti niya at kung anu-ano ang pinagsasabi.

 

“No, it’s fine. I’ll wait for you nalang. Sorry talaga ha?” Ginulo ni Wendy ang kulot na buhok ng pamangkin.

 

“Ano ka ba, it’s ok. See you later. Mahal kita.”

 

“Mahal din kita.”

 

Kinarga ni Wendy ang pamangkin saka ito pinupog ng halik sa pisngi. Laking tuwa naman ni Liham at napatili pa ito ng kilitiin ng tiyahin.

 

“May maganda tayo bisita mamaya. Magbehave ka muna ha?”

 

“Brrrrrr. Brrrrrrrrrr!!” talsik ng laway lang ang natanggap ni Wendy.

 

________________________

 

“Hello, tumatanggap po ba kayo ng sugarbaby?” ang bumungad kay Wendy nang buksan niya ang pinto habang karga ang pamangkin.

 

“Babe!” Pareho silang may hawak kaya nagsettle nalang sila sa kiss sa lips. Mga ten seconds.

 

“Hello baby boy, ang laki mo na,” bati ni Joy kay Liham. Nahihiyang ngumiti ang bata. Para bang nakita niya ang crush niya. Napansin naman yon agad ni Wendy.

 

“Hep, hep. Girlfriend yan ni tita. Huwag kang magpapacute diyan.” Pinalo lang siya ng tumatawang si Joy saka sila pumasok sa loob ng bahay.

 

“Kumain ka na ba?” Tanong ni Joy habang nilalapag ang dalang pagkain sa hapag ni Wendy.

 

“Yup. Meryendahin nalang natin mamaya?” Tumango si Joy na kasalukuyang pinapasok sa ref ang mga drinks.

 

Pagkatapos niya ay nasa sala na ang nobya kasama ang pamangkin. Hinahampas ni Liham ang kamay ni Wendy.

 

“Grabe habang lumalaki siya mas nagiging magkamukha na kayo, babe.”

 

“Di hamak naman na mas may itsura ako dito sa bansot na to.” Ginulo niya ang buhok ng bata saka hinayaang tumayo sa sofa. Tumingin ito kay Joy at nang ngitian siya ay agad na yumakap sa tiyahin niya.

 

“Huy, kilig na kilig ka sa girlfriend ni tita ah. Pareho tayo ng taste no?”

 

“To be honest ineexpect ko kanina na madadatnan ko siyang umiiyak.”

 

“Noong nakita niya na may kausap ako sa phone, bigla siyang tumigil. Ang weird ng mga bata,” sabi ni Wendy saka sinundot ang butas ilong ng pamangkin.

 

“Ikaw... Wag ka nga diyan. Binubully mo pamangkin mo.” Inaya ni Joy ang bata sa kanya na walang atubiling umalis sa kandungan ng tiyahin at yumakap kay Joy.

 

“Play tayo baby? Anong gusto mong gawin?” kumaway lang ang bata saka nagflying kiss na tinuro sa kaniya ng tita niya.

 

Naiwang mag isa ni Wendy sa sofa habang naglalaro ang dalawa sa carpet.

 

_______________________

 

“Bat ka napatawag?” sagot ni Wendy sa tawag. Nasa bukana siya ng kusina kung saan natatanaw ang dalawa niyang bisita.

 

“May kukwento ako sayo!” natatawang sabi ng caller na si Seulgi.

 

“Ano? Diba may sakit ka? Bakit hindi mo ikwento sa jowa mo?”

 

“Wala kasing taste sa jokes yon!”

 

“So ano?”

 

“Kanina kasi habang umiinom ako ng capsule, bumara sya sa lalamunan ko! Pucha. Tapos ang malala pa don, sumabog yung laman nya sa lalamuna ko tangina! Lumabas yung iba sa ilo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
redsummer0801
#1
Isusulat nyo po ba yung kay ningning at winterr
redsummer0801
#2
Hala ang kilig nung sagot ni Wendy 😭
_wendyshon_ #3
Chapter 2: Ang sarap namang kiligin ng ganitong oras kahit feel na feel ko ang pagiging single😆 salamat otornim napasaya mo nanaman ang araw ko💙💚
lisamalabon
#4
Chapter 1: ANG CUTE NETO OMG I WANT MORE 😭
WeenieHut_Jr
#5
Chapter 1: I'm literally crying, I'm so wenjoy deprived these days..god ing bless you for writing this ㅠㅠ
honeyblood17
#6
Chapter 1: Hala sobrang cute ng dynamics. Multi-snippets of this AU..yes? maybe? Idk what I'm saying.
ChiChi0103 #7
Chapter 1: AAAAHHHHHHHHHHHHHHH MAHAROT WENDY. ATAOANG ATAO JOY JUSKO YONG KILIG KO ROLDT. 😭😭😭💙💚 WENJOY PA RIN UUWI
_flcty #8
Chapter 1: AAAAAAAAAACCCKKK kilig namaaan
redsummer0801
#9
Chapter 1: And ang harot ni Wendy jusq. HAHAHHAHAA
redsummer0801
#10
Chapter 1: GUSTO GUSTO TALAGA KITANG MAGSULAT OTOR. OTOR SANA LAGING FLUFF GAWA MO OTOR. MORE TO WENJOY FICS PO OTOR