Chap 2

Huwag Kang Matakot

Irene

 

Kumakanta si Kuya Austin while sitting on Kuya Lu’s lap, they didn’t let me drink nor Lia na kakadating lang kanina. Kumakain lang ako dito while watching them sa sala.

 

 

 

“Heaven! nasa heaven akoooo ‘pag ika'y kumindat..” Kanta ni Kuya Austin.

 

 

 

“Ay walang binatbat si Leonardo sa'yooo.”

 

 

 

Sabay turo kay Kuya Lu na tuwang-tuwa sa pinag-gagawa ni Kuya Austin ngayon, i swear Kuya Austin is very worst when he is drunk. Nakatingin lang si Kuya Lu sa kanya while smiling, he looks at Kuya like there’s no bukas.

 

 

 

“Sabi pala ni Daddy na susunduin ka niya sa school sa susunod na linggo tapos kakain daw kayo sa labas.” Tumabi sa akin si Lia sa may upuan.

 

 

 

“Why so sudden?”

 

 

 

“Don’t know, he just wants me to inform you.” Umiling siya. “Niluto niyo ba yung carbonara Ate?” Tumango ako at inabot sa kanya yung ginawa kong bracelet nung isang araw.

 

 

 

“Did you know na kapitbahay natin si Ryujin?” Habang kinakabit ko yung bracelet sa braso niya narinig ko yung pag gasp niya. Tinignan ko siya.

 

 

 

“Talaga?” Hindi niya makapaniwalang tanong.

 

 

 

“Oo bakit hindi mo alam? i thought close kayo ni Ryujin?” Nagtatakang tanong ko, i always see them na magkasama around school.

 

 

 

“Naging busy siguro ako sa study kaya’t hindi na namin magawang mag-usap or hang-out.” Hinimas niya yung bracelet na binigay ko sa kanya habang nakasimangot.

 

 

 

“Nasa tapat lang yung bahay nila, yayain mo mag-mall or something. Maiintindihan naman ni Kuya, dito ka nalang matulog.” Her face suddenly brighten, i chuckle when she peck my cheeks bago umalis sa upuan at nagpaalam sa amin na lalabas siya.

 

 

 

Lumapit ako kay Kuya Austin na natutulog na yata sa may couch katabi ni Kuya Lu, nag-uusap yata sila pero sobrang hina. Si Kuya Austin naka-yuko at nakapikit ang mata pero kinakausap niya pabalik si Kuya  Lu kaya akala ko tulog na siya.

 

 

 

“Tangina mo Lu, nakakainis ka!” Mura ni Kuya. They’re laughing at each other at si Kuya Lu ay busy sa pagtitig kay Kuya Austin na hindi niya na napansin na umupo sa ako sa tabi ni Kuya Austin.

 

 

 

“2nd Anniversary niyo na, congrats Kuya Lu ngayon lang ko kayo nabati.” Kuya Lu finally stops staring at Kuya Austin, he smiled at me.

 

 

 

“Thank you for celebrating with us Irene, kahit na nauwi sa inuman.” We both laugh at what he said.

 

 

 

“Anong nangyari sa business trip mo?”

 

 

 

“I fix everything bago ako umuwi dito, manage to do it in a short amount of time kahit sobrang daming kailangan gawin.” Humikab si Kuya Lu at bakas sa mata niya ang pagod, after he landed dito siya agad pumunta para tumulong sa pagluluto.

 

 

 

“Naalala ko nung college kami, nagpuyat din si Austin kasama ako kasi i have go finish my plates and i’m getting pressured that time dahil my grandmom just passed away at sobrang lutang ng isip ko nun,” Nilingon niya nanaman si Kuya Austin.

 

 

 

“He’s there to comfort me, after ko kasing mag come out sa magulang ko hindi nila matanggap. I almost gave up sa relasyon namin, wanna know what did your Kuya did?” Tumango naman ako.

 

 

 

He smiled at Kuya Austin na sobrang himbing ng tulog. “Sabi niya ‘Sige let’s give each other space muna’ so we did it, hindi kami nag-uusap or nagkikita pero..” Suminghap siya. “Lagi niyang chine-check ang kalagayan ko sa mga kaibigan ko, hindi ko alam na nag-uusap pala sila ni Jay at Timothy para ma-check niya ang kalagayan ko.”

 

 

 

Ngayon alam ko na kung bakit gano’n nila kamahal ang isa’t-isa. Like i said, after Kuya’s toxic relationship dati, i never see Kuya so in love with someone, he’s glowing and healing. I’m very happy for him.

 

 

 

     _______________________________________

 

“Okay po Pa. Papunta na po.”

 

 

 

Pagkatapos ng klase ko ay agad akong pumunta dito sa parking lot, gaya nga ng sabi ni Lia susunduin daw ako ni Papa para kumain sa labas. My dad is a busy person so this must be important para isingit niya pa ako.

 

 

 

Muntik na akong mawalan ng balanse ng biglang may sumanggi sa akin hindi ko nakita ang mukha kaya’t hindi ko masasabi na lalaki o babae pero naka suot ito ng kulay itim na coat at pulang sumbrero, nilingon ko ito pero tanging likod niya lang ang nakita ko, i was expecting them to apologize pero wala, tuloy lang siya sa paglalakad.

 

 

 

“Kamusta ang pag-aaral mo?”

 

 

 

Pagbukas ko ng pinto ng kotse ni Dad ay iyon agad ang bunga niya sa akin, inangat ko ang tingin ko sa kanya at ngumiti ng pilit.

 

 

 

“Okay lang po, i’m still one of the top students.” He doesn’t look satisfied with my answer but he just nod.

 

 

 

“Good to know. Pero alam mo na ayaw kong bumaba ka sa 5th place huh?” Tumango nalang ako. “Mga bobo lang ang bumababa ng 5th place at hindi ikaw iyon, diba? Don’t disappoint me Irene Naijen Bae.”  Hindi nalang ako nag salita at tumango nalang.

 

 

 

I don’t like being with Dad, alone. Feeling ko siya si Dad kapag kami lang, kapag nandiyan ang ibang tao he put a show.

 

 

 

“Malapit na birthday ni Kuya Austin...pupunta ka ba?” Nag-aalangan kong tanong pero ng makitang kong may umusbong na ngiti sa mukha niya, napangiti din ako.

 

 

 

“Syempre.”

 

 

 

         __________________________________

 

 

Biglang may kumatok sa pinto, pagkabukas ko si Lia ang bumungad na nakangiti sa akin.

 

 

 

“Are you busy?” Umiling ako.

 

 

 

Kumunot ang noo ko ng makita kong sobrang sigla niya ngayon at mukhang excited.

 

 

 

“Nandiyan si Mommy sa ibaba.”

 

 

 

May umusbong na ngiti sa labi ko at agad na bumaba kasama si Lia. Kahit na umuuwi si Mommy sa bahay madalang ko nalang siya maabutan dito, kaya’t sobrang excited namin ni Lia kahit minsan lang siya dito matulog sa bahay.

 

 

 

Nakita ko agad si Mommy na nakaupo sa sofa at nakasuot ng pambahay.

 

 

 

“Good Morning Mommy!” Masiglang bati ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

 

 

 

Niyakap niya ako pati si Lia na umupo sa kanan niya. Napansin ko na nagbabasa ng diyaryo si Mommy, nasa coffee table yung diyaryo.

 

 

 

“Oo nga pala Irene,” Tawag sa akin ni Mommy. “Nasabi sa akin ng kuya mo na you had lunch with Daddy nung nakaraan, anong napag-usapan niyo?”

 

 

 

“Tungkol lang po sa school, nothing else.” Ngiti kong sagot.

 

 

 

“Oo nga pala si Kuya Paul, yung guard ng school niyo sinugod kahapon sa hospital namin.”

 

 

 

“Po?” Gulat kong tanong.

 

 

 

Si Kuya Paul yung mabait at matagal ng guard ng school namin, kung saan nag-aaral dati yung kuya ko. Nung isang araw naka-usap ko pa iyon eh, ano kayang nangyari.

 

 

 

“Ano pong nangyari?” Nag-aalala kong tanong.

 

 

 

“Hindi pa ba binabalita sa inyo?” Umiling ako.

 

 

 

“Patay na si Kuya Paul bago palang siya maisugod. Wala pa akong balita kung ano yung kinamatay pero ang sabi sanhi daw ng sakit niya.”

 

 

 

Huh?

 

 

 

Minsan ko lang makausap si Kuya Paul pero he looks healthy naman, ang alam ko lang ay walang asawa o anak si Kuya Paul and he’s been working in our school for how many years at kahit kailan hindi man lang siya napapalitan bilang guard.

 

This suddenly give me chills

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
M_jeeh08
#1
Chapter 2: HAHAHA!!! Mama Mary lmaoooooo
M_jeeh08
#2
Chapter 3: Plsss update po lalo po akong naeexcite
EzraSeige
#3
Chapter 3: 👌🤗💙💙💙
Paparapakyaw #4
Chapter 3: Sino kaya sumagi kay madam? Mukhang grim repear ha
Paparapakyaw #5
Chapter 2: Nice interesting start HAHAHHAHAHAHA Mama Mary amp