Chap. 1

Huwag Kang Matakot

Irene

 

“Wala pang tulog yan ah. Pero na-perfect pa ang quiz.”

 

 

I feel so exhausted...

Inaantok na ako

 

 

Natawa nalang ako ng mahina at pinikit ang mata ko. Sinandal ang ulo ko sa balikat ni Joy na katabi ko. Kumakain na sila ng lunch, i need more sleep para makayanan ko pa hanggang uwian.

 

 

 

 

 

 

“Sasama ka parin ba sa amin na tumambay sa Blue Lem?” Tanong ni Joy.

 

 

 

Tumango ako.

 

 

 

Kahit na gusto ko ng matulog hindi ako magpapahuli sa libre noh, minsan lang manlibre si Yeri kaya dapat sulitin ko na.

 

 

 

“Nakakatawa sila Lisa noong isang araw,” Biglang nagpakita si Jennie sa harap namin, kinuha yung bakanteng upuan at pinuwesto sa harap namin. “Nalasing tapos may niyaya pa na kapitbahay.”

 

 

 

“May nangyari doon sa dalawa?” Tanong ni Joy.

 

 

 

“Lisa will never cheat on Chaeyoung.”

 

 

 

“Eh anong nangyari?”

 

 

 

Pasuspense naman itong si Jennie.

 

 

 

“May exam pala silang dalawa kinabukasan, nag cramming na may hangover tuloy silang dalawa bago pumasok.” Natawa naman ng malakas si Joy, ang babaw talaga ng kaligayahan nito.

 

 

 

“Nung pangalan ng kasama ni Lisa?” Tanong ko.

 

 

 

“Ewan. Basta dito din nag-aaral.”

 

 

 

Biglang umubo si Joy sa tabi ko, ‘yan tawa kasi ng tawa.

 

 

         ________________________________

 

 

Kanina pa ako nag-iintay dito sa parking lot ng hospital, still waiting for my Mom. She promised that she will make it up to me nung hindi siya nakapunta nung birthday ko.

 

 

 

Kakatapos lang namin tumambay sa Blue Lemonade tapos dito na ako dumiretso. Hindi parin nagte-text si Mom kung makaka-abot siya bago matapos ang break niya.

 

 

 

From: Mom Lea

 

Nak, biglaan may sinugod sa ER, next time na lang? promise singit ko sa schedule ko.

 

 

 

I reply to her na it’s okay at naiintindihan ko, magpapasundo nalang ako kay Kuya Austin since mukhang tapos na ang shift niya.

 

 

 

Dumaan ako sa Pranco Book Store para bumili ng bagong sketch pad. At sinabi kay Kuya na dito nalang ako sunduin.

 

 

 

Habang naglilibot ako sa loob muntik ko ng mahulog yung sketch pad na hawak ko  nung makita ko si Bogum na nasa katapat kong aisle.

 

 

 

Tumakbo ako papunta sa malayong aisle kung saan hindi kami magkikita, napaka-consistent niya para ligawan ako kahit na sinabi ko sa kaniya (in a nice way) na wala siyang pag-asa.

 

 

 

Really don’t like people like him, para kasing ayaw nilang tumanggap ng hindi. But he’s a good guy i think..basta ganun na iyon.

 

 

 

Hindi ko na binili yung sketch pad kasi nag-panic ako at naiwan doon. Kung minamalas ka naman...

 

 

 

Dumating na si Kuya Austin at sinundo ako sa labas ng store.

 

 

 

Bumababa niya yung bintana at kumayaw, looking fresh kahit kakagaling lang sa shift.

 

 

 

“Nakita ko si Bogum sa loob ah, nag-usap kayo?” Mapang-asar na bungad niya.

 

 

 

“Buti nalang magaling ako sa tagu-taguan, hindi niya ako nakita pero nakita ko siya.”

 

 

 

“May bago pala tayong kapitbahay, may binigay na cupcake, kain ka nalang doon. Diretso na ako sa unit ko.” Tinignan niya ako ng saglit bago pinaandar niya na yung kotse.

 

 

 

Alam niyang maiiwan nanaman kaming dalawa sa bahay, sanay naman ako.

 

 

 

“Dumating na ba si Kuya Lu? anniversary niyo na sa susunod na sabado ah.” Pagpapaalala ko kay Kuya and also trying to change the topic.

 

 

 

His boyfriend, Kuya Lu, ay may business trip sa Hong Kong. After nag come-out si Kuya pinakilala niya sa amin yung boyfriend niya na he’s been dating since college yata. I never seen Kuya so happy like this before, he’s been in a toxic relationship before kaya’t overprotective na ako kay Kuya.

 

 

 

He’s been really traumatized sa relationship niya dati na to the point he seek for help, pero nung nakilala ni Kuya si Kuya Lu he’s slowly healing and i’m glad that Kuya Lu is taking care of him kasi wala na si Kuya sa bahay.

 

 

 

“Pupunta ako sa Hong Kong to surprise him, sinabi ko na kay Mom. Baka mag-stay kami ng ilang linggo doon for a short vacation tapos uwi din kami after.” Nakangiting sabi ni Kuya habang nakatingin sa daan.

 

 

 

“Anong sabi ng Doctor mo?”

 

 

 

“Okay lang naman daw ako, everything is stable. Hindi na ako nagkakaraon ng mga nightmares every night. Lu calls me every chance he gets, and i miss when he’s taking me behind.” Kuya teased.

 

 

 

“Kuya naman!” Tawang-tawa naman siya sa reaksyon ko.

 

 

 

Nakarating na din kami sa Bahay at agad na umalis si Kuya at hindi na tumuloy sa loob. Ang lakas ng sound system ng kapitbahay namin yung bagong lipat sa tapat ng bahay namin. May mga malalaking kahon pa na naiwan sa tapat ng gate nila.

 

 

 

Kumakain na ako ng nilutong ulam ni Kuya kanina, akala ko cupcake lang talaga kakainin ko.

 

 

 

Biglang may kumatok sa pinto.

 

 

 

“Ate Irene?”

 

 

 

“Uy Ryujin! Kayo ba yung bagong lipat sa tapat?” Tumango siya at ngumiti. “Thank you nga pala doon sa cupcakes.”

 

 

 

“Welcome Ate Irene, oo nga pala sabi nung poging lalaki na matangkad, Kuya niyo ba iyon?”

 

 

 

Tumango ako.

 

 

 

“Kamukha niyo eh. Sabi niya wala ka daw kasama dito. Kaya if ever need mo Ate ng kausap na sa tapat lang ako. Hehe.” Ngumiti ako kay Ryujin bago siya umalis.

 

 

 

Nakasama ko siya nung nag-practice kami for the special event sa school, sila yung rep ng grade nila, nagkikita kami minsan just to hang out at kaibigan din siya ni Lia, yung anak ni Daddy sa ibang babae. She’s my half sister pero close kami, na sa school pa yata siya or baka tumatambay lang sa Blue L.

 

 

 

Umuuwi siya dito minsan pero laging siyang nandoon kila Daddy. Close naman kami ni Lia at sila din ni Kuya Austin.

 

 

            ____________________________

 

“May inuman daw sa LiChe unit, gago heart broken si Yeri.”

 

 

 

Ang baho ng tawag nila sa unit nila Lisa at Rosé pero hindi naman kami umaangal kasi madami ng nangyari doon from ginawang usual place ng inuman hanggang sa doon kami nag sleep-over kahit para kaming mga sardinas doon pero i’m just being OA ayaw ko lang kasing nasasakop ang personal space ko.

 

 

 

“Bakit naman heart broken?” Usisa ni Joy na inaayos ang shade ng foundation niya.

 

 

 

“Sinister-zone ni Seulgi HAHAHAHA putangina.” Natawa kaming tatlo pero syempre mamaya na yung malulungkot kami for our Yeri dahil kailangang i-save for inuman mamaya.

 

 

 

May crush kasi si Yeri kay Seulgi na katropa din namin. Ewan ko nalang kung anong mangyayari mamayang inuman dahil for sure nandun din si Seulgi at Jisoo.

 

 

 

Obvious naman yung sitwasyon at alam kong aware na si Yeri yun ang mangyayari but i’m proud of her para umamin padin kay Seulgi. At alam ko na they will still be friend after nitong inuman kasi they saw each others struggles at vulnerable side, halos kaming lahat mag-tropa kaya’t walang titibag sa friendship namin.

 

 

 

“Ako ng bahala sa playlist na ipapatugtog mamaya, ikaw na bahala sa alak.” Pagturo ko kay Joy.

 

 

 

To: Yeri na matapang pa sa pamahid ng Lola ko

 

May klase ka pa? kain tayo ng lunch mamaya sa Blue L

 

 

 

           ___________________________

 

Naabutan namin na nagsisimula ng uminom sila Lisa at Chaeyoung, lasing na yata si Chaeyoung tapos si Lisa sumasayaw ng Budots.

 

 

 

Dumaan lang kami sa 7/11 para makabili na ng alak tapos yung dalawa lasing na pala. Kanina pa tawa ng tawa si Chaeyoung kay Lisa.

 

 

 

“Hoy Che kaya pa ba hanggang 10? tulog ka muna.” Tinapik ni Jennie yung pisngi ni Chaeyoung na natutulog sa sofa.

 

 

 

“Tipsy lang iyan, mataas ang tolerance niyan, pagod kasi nung umuwi dito kaya medyo light lang yung alcohol na ininom namin.” Sagot ni Lisa na parang sober, akala namin lasing na itong dalawang ito.

 

 

 

“Saan na si Jisoo at Seul?” Tanong ko.

 

 

 

“May sinundo sa KC Town ewan baka jowa  ni Jisoo.”

 

 

 

Tumango nalang kaming lahat sa sagot ni Lisa at binuksan na yung mga alak. Naka-upo kaming lahat sa lapag nagsimula nadin magpatugtog ng mga kanta sa ginawa kong playlist kanina.

 

 

 

We’re now comforting Yeri, and i mean of comforting is we tried to cheer her up but she seems okay naman kahit papaano she’s laughing with us tapos konting kuwento about sa pag-aaral niya.

 

 

 

Umabot na ng 7 ng gabi ng dumating si Seulgi at si Jisoo, Si Jisoo ay naiwan daw sa lobby dahil may kausap daw. So far, okay naman ang lahat hindi namin uubusin yung alak dahil may pasok pa bukas.

 

 

 

“Confess lang ako mga tsong! naging crush ko si Seulgi nung grade 8 tayo.” Medyo tipsy na sabi ni Lisa bago ininom yung shot niya.

 

 

 

“Hindi ka lang nag-iisa.”

 

 

 

Ayan na si Yeri mukhang may tama na tinapik ni Jennie ang balikat niya pero sabi niya sa amin na okay lang daw.

 

 

 

“Wala bang balak tumaas si Jisoo?” Tanong ni Jennie na kumakain ng pulutan

 

 

 

“Silang dalawa daw maghahatid sa atin, pero aakyat iyon don’t worry.” Sagot ni Seulgi bago ihiniga yung ulo sa lap ni Joy.

 

 

 

“Seulgi Kang hindi ka magaang.” Mariin na sabi ni Joy pero walang ginawa si Seulgi. Naramdaman kong dumantay si Yeri sa akin at inaantok na.

 

 

 

“Tulog na ako Bae, inaantok na talaga ako.” Sinilip ko si Rosé na tulog na sa sofa.

 

 

 

“Tabihan mo na si Chae doon sa sofa tapos gisingin nalang kita kapag nandito na yung side kick ni Jisoo.” Natawa naman si Yeri sa sinabi ko bago tumayo papunta sa sofa.

 

 

 

Narinig namin na bumukas yung pinto pero hindi ko na pinansin dahil masyado akong na absorb sa panonood kay Lisa at Joy na naglalaro ng battle of the generals, bored na eh inubos ba naman ni Rosé at Seulgi yung pulutan.

 

 

 

“Halos bagsak na kayong lahat ah.” Rinig kong sabi ni Jisoo sa likod.

 

 

 

Lumingon kami kay Jisoo at nakitang may kasama pa siyang babae, maikli buhok medyo mataas kay Jisoo at nakasuot ng t-shirt na black. Look kinda familiar..meron siyang kamukha.

 

 

 

“Uy gising Seulgi dito na si Seungwan.”

 

 

 

Tinapik ni Jisoo si Seulgi na nakatulog na yata sa lap ni Joy. Umupo naman sa tabi ni Lisa yung Seungwan.

 

 

 

“Uy Irene, Jen at Lisa Si Seungwan kaibigan namin nila Seulgi.  Pagpapakilala ni Jisoo.

 

 

 

“Nice to meet you two.” Ngiti niya.

 

 

 

“You too.”

 

 

 

“Nice.” Sagot ko.

 

 

 

“Siya yung anak ni Tita Yej yung kinukuwento namin sa inyo na nakilala namin na abogado.” Sabi ni Jisoo.

 

 

 

“Ah ikaw yung blonde na sikat na barista sa Four Seasons diba? bakit ka nag-resign?” Tanong ni Jen. Gago..bakit di ko alam?

 

 

 

“Utos ng Tatay ko.” Kibit balikat ni Seungwan.

 

 

 

“Bakit di ko alam?” Tanong ko.

 

 

 

“Sira. Hindi ka umiinom ng kape.” Natawa naman sila Jennie at Seungwan.

 

 

 

“Sabay na kayo sa amin ni Wendy, nahiram ko yung kotse ni Papsi Coll dahil sabi ko maghahatid kami ngayong gabi.” Pagyaya ni Jisoo.

 

 

           _____________________________

 

Pinatulog nila Lisa at Chaeyoung si Yeri sa sahig sa may left side ng kama para daw mas safe. Hindi namin magising si Yeri kaya’t pinatuloy muna ni Lisa ngayong gabi.

 

 

 

Natutulog na si Jennie sa tabi ko nung makapasok kami sa loob ng kotse. Si Seungwan ay nandoon sa passenger seat at nagpapatugtog ng indie music.

 

 

 

Si Joy at Seulgi ay magkatabi doon sa likod namin parehas na din tulog habang nakasandal sa isa’t-isa. Kinuhaan pa nga ng litrato namin gamit yung cellphone ng dalawa, for remembrance.

 

 

 

“Nakikinig ka ba sa Ben and Ben?” Tanong ko kay Seungwan para naman komportable kami dito, ang bagal umusad ng traffic.

 

 

 

“Yeah, yung pinsan ko fan siya ng Ben and Ben so i heard them and listen to their song sometimes.” Lumingon siya sa akin at ngumiti.

 

 

 

After the long ride huminto na din kami sa tapat ng bahay namin, lumabas si Seungwan para doon lumipat si Jennie dahil nagising siya and she suddenly wants to sit sa passenger.

 

 

 

“Oh bakit hindi ka sumabay?” Tanong ko kay Seungwan na nakatayo sa tabi ko. Kasi hindi siya pumasok sa kotse.

 

 

 

Natawa siya. Buang

 

 

 

“Diyan nakatira yung pinsan ko.” Turo niya sa bahay nila Ryujin.

 

 

 

Kaya pala familiar yung mukha niya..

 

 

 

“Oh...kaya pala magkamukha kayo ng konti ni Ryujin. Akala ko may kakambal ka na nakita ko somewhere.” Pagbibiro ko at tumawa naman siya.

 

 

 

“But i look better right?”

 

 

 

“No comment.”

 

 

            ___________________________

 

Muntik na akong mapahiyaw nung biglang may sumulpot na malaking puting aso sa tapat ng gate namin at biglang tumahol. Dinidiligan ko yung mga halaman sa tapat tapos biglang may dumambong aso sa gate.

 

 

 

“Kron huy!”

 

 

 

Nagulat ako ng makita ko si Seungwan na tumakbo papunta doon sa aso na nakatayo parin sa loob ng gate namin. Pinatay yung tubig sa hose at kinawayan si Seungwan na hinawakan yung collar ng aso.

 

 

 

“Staying there for the weekend?”

 

 

 

“Hindi, pinalayas ako ni Tatay,”

 

 

 

“Weh?”

 

 

 

“Joke lang syempre,” Tawa niya. “Walang tao sa bahay namin, bored ako kaya nandito ako para asarin si Ryujin.”

 

 

 

Tumahol nanaman yung aso tapos nakalaylay yung dila niya sa akin, i look disgusted sa harap ni Seungwan pero wala na akong pake, i hate dogs.

 

 

 

“Sorry nga pala dito kay Kron, narinig niya siguro yung hose niyo. Mahilig kasi siya maglaro ng tubig, but don’t worry he don’t bite.” Binuhat ni Seungwan yung malaking aso na nakatingin parin sa akin.

 

 

 

“Anong breed?”

 

 

 

“American Akita, you don’t like dogs?” I awkwardly smiled at her. Mukha naman siyang cute nang konti, si Kron ang tinutukoy ko.

 

 

 

“If you get to know dogs especially Kron you’ll like them. Diba Kron?” She sniffed his fur. I have know idea kung ano ang gestures ng mga aso towards sa mga nag-aalaga sa kanila but it looks like Kron really likes Seungwan.

 

 

 

“Hindi ba mabigat si Kron?”

 

 

 

“Gusto niyang binubuhat siya.” Bulong niya kaya’t tumingin sa kanya si Kron.

 

 

 

Natawa naman ako sa kanilang dalawa, okay cute nga talaga si Kron.

 

 

 

 

So surprisingly uuwi daw si Kuya Lu ngayon to celebrate their anniversary, Kuya Austin told me na mas better daw kapag dito sila mag celebrate.

 

 

 

Konting handaan lang naman ang nangyari, Kuya Austin cooked carbonara, kasi favorite ni Kuya Lu at syempre yung paborito kong pancit palabok tapos nag-order lang kami sa Blue L ng milk tea.

 

 

 

“Pupunta daw si Lia mamaya, si Mom?”

 

 

 

Hindi ko naabutan kaninang madaling araw si Mom sa bahay, gabing-gabi na siya umuuwi at minsan nagi-stay na lang siya sa hospital.

 

 

 

“Dinner i think? baka makahabol pa siya.” Tumango nalang ako sa sagot ni Kuya, wala din naman siyang magagawa.

 

 

 

“Oh! I forgot to take my meds, saglit lang ah.” Tumakbo si Kuya papunta sa taas pagkatapos ilagay sa ref yung binake namin na cake.

 

 

 

Lumabas ako ng bahay para katutukan sila Ryujin at para bigyan din sila nung mga handa kasi hindi naman namin mauubos lahat.

 

 

 

Pagkabukas nung pinto si Ryujin ang bumungad sa akin na may hawak na pusa.

 

 

 

“Hello Ate Irene, may birthday sa inyo?”

 

 

 

“Ah wala, special occasion lang. Nandiyan ba si Seungwan?”

 

 

 

“Si Ate Wee? wala na eh umalis na pero babalik din may kinuha lang sa kanila dito daw kasi muna siya ng ilang araw.” Tumango ako at bumagay sa kanya yung mga hawak kong tupperware na may lamang handa namin.

 

 

 

“Hindi ko alam na close pala kayo ni Ate Wee.” Binababa ni Ryujin yung mga binigay ko sa lamesa nila bago binalikan ako sa tapat ng pintuan.

 

 

 

“Ah no hindi naman kami close, kagabi ko lang siya nakilala. Asan pala si Kron?”

 

 

 

“Nabanggit pala ni Ate Wee yung nangyari kanina, pasensya ka na Ate Irene kay Kron ah, kulit eh.” Sabi ni Ryujin at hinawakan ang kamay ko, nabanggit ko na kasi sa kanya dati na takot ako sa aso.

 

 

 

“Okay lang hindi naman ako napano, mukha naman mabait si Kron.” Tumango-tango si Ryujin, she smile like a proud mother. Sobrang similar talaga ng features ni Seungwan.

 

 

 

“Anong chismis diyan?”

 

 

 

Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko, amoy na amoy ang usok ng tambutso at pagkalingon ko sa likod nakita ko ang pigura ni Seungwan na may suot na helmet sa braso at nakasuot ng leather jacket.

 

 

 

“There’s no tea here.” Sagot ni Ryujin.

 

 

 

“Ikaw lang yung kilala ko na chismosang sosyal, daig mo pa yung kapitbahay namin sa KC Town.” Binato ni Seungwan yung helmet niya kay Ryujin at nasalo naman ni Ryujin. Kinabahan ako dun ah.

 

 

 

“Oh bakit nasa labas si Mama Mary?” Turo ni Seungwan sa akin dahil nakatayo lang ako sa tabi. “Nag-general cleaning pala kayo ni Tita Ally.”

 

 

 

“Bawas ligtas points, sira ka talaga Ate Wee.” Natawa nalang ako sa bangayan nilang dalawa.

 

 

 

“Pasok ka sa loob Irene, wala naman diyan si Kron na sa kwarto ni Ryujin iyon malamang.” Umiling ako dahil hindi naman talaga dapat ako magtatagal.

 

 

 

“Aalis na din ako, may binigay lang ako na handa namin dahil may special occasion.” Tumango si Seungwan bago niya hinubad yung leather jacket.

 

 

— I added my own characters dito na ginawa ko, pasensya na kung medyo magkakalat si Kuya Austin sa story na ito :3 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
M_jeeh08
#1
Chapter 2: HAHAHA!!! Mama Mary lmaoooooo
M_jeeh08
#2
Chapter 3: Plsss update po lalo po akong naeexcite
EzraSeige
#3
Chapter 3: 👌🤗💙💙💙
Paparapakyaw #4
Chapter 3: Sino kaya sumagi kay madam? Mukhang grim repear ha
Paparapakyaw #5
Chapter 2: Nice interesting start HAHAHHAHAHAHA Mama Mary amp