Mas Unexpected

Yung Unang Tag-ulan🥀

   Parang mali yata yung huling pangungusap ah.

     "Alam kong mahal mo na rin ako~"...

   (Kalokohan!!!...ahahaha)

   "Oh? Soojin? Ikaw nga ba yan?" (Cute mo pa rin pero ang ganda na)

   "Anu? ..ang gulo?...wala sa sariling napalakas kong sabi.

   "Magulo? Sino?"...natatawang sabay turo mo sa sarili.

    "Ha?... Ako...hahahaha muntanga ko sagot..

    "Kamusta ka na?..balita ko tumaas na level mu bilang architect ah. Naks! Bigtime! (puno ka pa rin ng enthusiasm)

     Naubo ako sabay tawa. Paano ba naman kahit medyo  madilim,nagliliwanag ka pa rin.

   "Oo...ah, hindi naman gaano"...

   "Ikaw, musta na buhay may-asawa?"...(alam ko kasi nagpakasal na sya mga 2 to 3 years ago?)

    That time halos ayaw kong umuwi sa'tin kasi baka biglang makasalubong ko kayo ng asawa mu't atakihin lang ako sa puso...ma-headline pa ko sa t.v.

   (Isang magaling magtago ng feelings natagpuang walang buhay,pagkatapos makita ang taong kay tagal nyang inalagaan sa puso ngunit kinasal lamang sa iba. Gutay-gutay ang puso ng buksan ang kanyang dibdib,walang bakas ng katapangan mula ulo hanggang paa. Nararapat lamang yan sa kanya). Nangiwi ako sa naisip.

   Nagtatampo lang talaga si mama kaya napapauwi ako minsanan sa isang  buwan.

 

   "Buhay may asawa?"...ulit mu.

   Pagkasabi nun bigla kang sumeryoso,nagbaba ka ng tingin saglit tapos sinalubong ang mga mata kong naghihintay sa sagot mu.

   Ang lungkot,nangungulila,panghihinayang? 

   Tama bang nakikita ko?...parang lalong dumilim ang paligid tapos yung lamig gumapang patungo sa dibdib ko.

(kinalimutan kahit nahihirapan..sabi nga sa kanta)

 

   "Ikaw ba nag-asawa ka na?"

   Walang salita,marahan lang akong umiling.

   "Kasintahan?"...sunod mung tanong.

    Umiling ako..."Wala sa ngayon".

    "Bakit?"

    I smiled..."Walang makatagal eh."

 

 

🎵"Sa dinami-dami ng aking minahal

      Panandalian lamang at ilan lang ang nagtagal

      Iisa pa lamang ang binabalikan

      Ala-ala ng kahapong pinabayaan"...

 

 

  " Eh panu playgirl ka daw sabi ni 'Nay Linda"... nakanguso mung bulong.

   "Hindi ah"...iwas kong tingin.

   "BAKIT AKO PA RIN BA LAMAN NYAN?"...tinuro mo ang kaliwa kong dibdib.

   Napanganga ako.

   Nawalan yata ako bigla ng pakiramdam pati ng abilidad na magsalita.

 

   "Oo, alam ko...hindi naman ako manhid kagaya ng akala mo. Ramdam ko lahat...lahat-lahat. Hinintay kitang magsabi kung kelan ka magiging handa. Handa sa kung anong andyan pero...naghintay lang pala ko sa wala.." 

  May panunumbat ang boses mo.

  Naisip ko,siguro nga.

 

🎵 "Sa dinami-dami ng aking nakapiling

      Kung sinu-sino ang umiibig sa akin

      Iisa pa lamang ang inaasam-asam

     Ang  nakalipas di maaaring balikan."

 

   "Iniisip ko na baka ako lang yung nakakaramdam pero... iba kasi eh....iba ka." Pagpapatuloy mu.

   "Soojinie"...pumiyok ako ng banggitin ko ang pet name mo.

   "DI SANA TAYO ANG MAGKASAMA NGAYON AT HINDI KAME".

   Parehas nanlabo ang ating mga mata sa nagbabadyang tubig na hatid ng panghihinayang. Magsasalita na sana ako ng may biglang bumusina. Nagpahid ka saglit at sumakay sa sasakyang pinanggalingan ng tunog. Kumaway kayo ng asawa mo. (Siya pa rin pala ang nakatuluyan mo)

   "Nice to meet you againg eonnie". I nodded and smiled painly.

   Pag-alis ng sasakyan,lumakas lalo ang ulan...

   Hindi ko na pinigilan ang ilang taong sakit,tampo at pagpapa-ubaya na tinago ko mula sa kailaliman ng aking puso papunta ngayon sa aking matang hinayaan ng pakawalan ang buhos ng luha sa aking mukha.

   "Bakit?"... halos walang boses kong tanong.

   Oo, naramdaman ko na kahit papaano na baka pwede, pwedeng subukan...kahit paisa-isang hakbang kahit hindi sigurado kahit mahirap pero bigla akong napaatras tumakbo, umalis...

   Umalis sa buhay mo.

   Naalala ko na naman ang araw na iyon.

   Mariin akong pumikit. Kahit sarilinin ko na lang ang sakit, ako na lang..sa akin na lang.

   Natawa ako habang umiiyak.

   "Putcha, nakakabaliw talaga ang magmahal at ang pag-ibig".

   I calmed myself and smiled for the last time. Humarap ako kung saang direksyon pumunta ang kotse nyo.

   "Oo, MAHAL KITA AT IKAW PA RIN"...pag-amin ko sa huling pagkakataon.

   "Salamat Soo"...you were still the same when we were young, lagi mo pa rin akong binibigyan ng problema.

   Ngayon, papano kaya ako mananalo mamaya sa gyera sa isip ko dahil sa sudden confession mo.

   "Haiist, anak ng tipaklong"...and so i decided to run through the rain to my car. Bahala na nanginginig na din naman na ako eh.

   Nang makapasok ako. Nag-ayos ako ng sarili and then i turn on the engine next the radio.

 

 

🎵" At kahit iba na ang minamahal mo

       Kung sino man ang siyang may-ari ng iyong puso

       Bawat pangalan,kalaro't kaibigan

       IISA PA LAMANG ANG MINAHAL KO NG GANITO"...

 

   "Talaga naman oh. Nanunukso pa talaga pati radyo?".

    Another epic moment at this year's FIRST RAIN.

   And so i drive home smiling at myself.

 

🥰😢🥀🦋💜

Iisa pa lamang by Joey albert

Thank you po sa nagbabasa,magbabasa pa lang (kung meron man😁)

I hope ndi nmn maxadong mabigat to.

Saranghaeyo!😘

See you sa mga susunod na stories😳

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
RedRose0289
Aye! Just wanna say..
Do whatever you want to do...what makes you happy.
People, masasabi nila lahat ng masasabi kahit anung gawin mo o wala ka mang gawin kaya...
"Work in silence and let your success speaks for you"
Minsan lang tayo mabubuhay kaya ikaw din..
Loveyourself💜
Pray harder🙏

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet