Unexpected

Yung Unang Tag-ulan🥀

Byul's POV:

          Mukhang hindi magiging maganda ang gabi...

          Malamig,malungkot at kakaibang katahimikan...

Nasa isip ko habang tumatakbo patungong waitingshed na madadaanan ko papuntang parking lot ng kompanya. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga ...

Parang pamilyar kasi ung pakiramdam...

"Anu nga bang meron sa unang ulan sa tag-ulan?" Unexpected things happens..(nangisi ako.) 

Yung sobrang random na bagay o pangyayari na sobramg hindi mu din aakalain...

Nang marating ko ang shed, nagpagpag ako ng mga patak ng ulan sa damit, sa bag at sa buhok...

Busy ako sa pagtuyo ng buhok ko ng may marinig akong nagmamadaling yabag papalapit sa pwesto ko...nakita ko sa gilid ng mata ko..Dilaw, dilaw na payong..

"Hehehe..." may kilala din akong mahilig sa yellow eh...

Friend? Yes, superclose "friend" but now seems like were strangers...

Sa wakas ay nakarating na sya sa loob ng shed..

"Hay~"... medyo hingal na sabi nya...

Nilingon ko para naman makita at mabati ko kung sino man iyon.

 

Pagbaba ng payong...

Mata agad.

Nagkatinginan kame, bumulong ang katahimikan..

(Oh God, how i missed those Hazel eyes...)

      "I miss your Love since you've been gone..

       I find it hard to go on..."

   Ngumiti ka kasabay ng iyong mga mata..which reminded me of our childhood summer days.

       "The summer sky don't even think

         I thought i'd always be strong

         I got a feeling inside

         And its making my heart cry, 'cause"...

Biglang walang anu'y  nagbalik ako sa nakaraan..

Kelan? Gaano na nga ba katagal? 5? 10? 15 years?

Pabalik kung saan tayong dalawa ay nasa murang edad pa.

    Magkalaro tayo sa kalsada dahil iisang lugar lang naman tayo nakatira dahil doon naging malapit tayong magkaibigan, may pagkakaparehas din ang ating mga hilig.      Habang tumatagal mas nagiging close tayo na halos wala ng makapasok sa pagkakaibigang nabuo sa'tin. Hindi naman nalalayo ang edad naten kaya talagang nag-click tayo.

   Hindi nagtagal nagdalaga na tayo, inaasahan na talaga na maraming makakapuna sa akin mung ganda. Parehas daw tayo, bagay....bagay maging magkaibigan..

May mga sumusuyo sa sa'yo at may mangilan na rin saken.

   Pero habang lumilipas ang panahon, unti-unti ko na ring napapansin na iba na kita...

Pahalagahan...

Alagaan...

Alalayan...

Protektahan...at  ang nararamdaman...(hhhmmm...)

   Nung bata pa tayo ako ang pinakahuling nahahanap o nakikita,magaling kasi akong magtago.

   Ngayon, napagtanto kong hindi lang pala sarili ko ang kaya kong itago pati ang puso ko.

   Wala namang nag-iba sa'yo kahit na pinaparamdam kong iba kita tratuhin kaysa sa kanila. Yung pinaparamdam ko pero never kong inamin. Baka nga mahusay lang akong magpanggap na normal lang yun saken o sadyang MANHID ka lang at WALANG MALISYA.

   Hindi naglaon nagtapos na ako ng hayskul. Wala akong plano although hindi ako nagpabaya sa acads ko. Masyado kasi akong na-focus sa'yo. (Spell whipped? hahaha)

   Nagtake ako ng entrance exams sa iba't-ibang university kasi sabi mu kaya ko naman yun saka may utak naman ako kaya ginawa ko.

   Grabe! Parang nakadepende na lang talaga ako sa'yo.

   Nung nakapasa ako sabi mu.."why not engineering or architecture? Creative ka at alam ko naman na iba mu tingnan ang mga bagay kaya.."..(parang may laman..)

   Tumango-tango lang ako,paano ba naman kasi natatamaan ng reflection ng sinag ng araw yung mukha mu , kitang-kita yung kulay ng mga mata mu.

        "Nakaw tingin, sumasabay sa hangin..

         Sabihin mu sa akin

         Anung kailangan kong gawin..

 

        Upang malapitan,mamasdan at  mahawakan

         Taglay mung kagandahan~..."

   "Putcha naman oh! Anu? Alalut?..panlalaki ng mata mung sabi..(natawa lang ako, kelan pa naging cute magmura?)

 

   But after nun naging busy na ako.

   Dorm-bahay, bahay-dorm.

   Naging busy ka na rin kasi sa susunod ikaw naman ang magka-college.

   Hindi na rin tayo halos nagkikita o nagkakausap.

   Minsan pumupunta ako sa inyo pero biglang hindi ko na lang ginawa.

   Tumagal pa, i graduated and then reviewed and passed the board exam. Sa manila na rin ako nakahanap ng work after.

   Yung dating madalas naging minsanan at yung minsanan nawala na talaga ng tuluyan. Hindi naman kayo lumipat at hindi rin naman kame lumipat pero wala,wala ng nangyare.

   Eto siguro yung sinasabi nilang "absence makes the heart grow fonder or can be " You grew apart".

   Totoo pala yun kasi wala na tayong alam sa nangyayare sa isa't-isa simula noon.

   "Byulie eonnie?!"

   Nagbalik ako sa realidad ng marinig ko ang pangalan ko. (It seems like forever nung last kong narinig yun mula sa'yo)

   Anlayo na pala ng nalakbay ko. Mabilis akong pumikit para makabalik sa momentum or shall i say "katinuan"...

   Nadidiskaril talaga lahat ng kontrol ko sa katawan kapag malapit ka, ilang libong emosyon ang nagsasama-sama at paisa-isang sumasabog sa loob ko na nagpapalakas at nagpapahina saken ng sabay.

Tuluyan ng bumuhos ang ulan.

     "Binibini

      Alam mo ba kung panu nahulog sa'yo?

      Naramdaman lang bigla ng puso

      Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito

      Kaya sabihin mo sa akin

      Ang tumatakbo sa isip mo

      Kung mahal mo na rin ba ako

 

     Isayaw mu ako

     Sa gitna ng ulan,mahal ko

     Kapalit man nito'y buhay ko

      Gagawin ang lahat para sa'yo

      Alam kong mahal mo ma rin ako.."

 

 

 

   🎵🥀🎵🦋

Im missing you- bea alonzo

Abot-kamay - orange and lemons

Binibini - zack tadudlo

May pa-chapter 2 kasi ndi pala kaxa...see you😘

Magpapa-agos ba si Byul sa lamig at lungkot ng panahon?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
RedRose0289
Aye! Just wanna say..
Do whatever you want to do...what makes you happy.
People, masasabi nila lahat ng masasabi kahit anung gawin mo o wala ka mang gawin kaya...
"Work in silence and let your success speaks for you"
Minsan lang tayo mabubuhay kaya ikaw din..
Loveyourself💜
Pray harder🙏

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet