Chapter Three •

KABILANG BUHAY
Please Subscribe to read the full chapter

'Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan? Hindi pababayaan na ako'y mag isa...'~

RV General Hospital // Emergency Room • 

SEULGI

"TABI!!!" Blanko na yung utak ko, yung gusto ko lang eh makita si Hyun. Tumatakbo ako papasok ng ER. Nakita ko sila Jennie sa may bench. Si Yeri umiiyak na pinapataha ni Joy, hindi pwede. Biro lang yung sinasabi ni Jennie eh.
"ASAN SI JOOHYUN???!" sigaw ko kay Jennie. Sabay turo sa isang stretch sa likod ng kurtina. Naka sunod naman si Lisa at Byul sa likod ko na pilit ako pinapahinahon.
"SEUL! KALMAHAN MO LANG. SEUL!" Sigaw ni Lisa. Hindi ko na siya actually naririnig naka focus ako sa tinuro ni Jennie sakin.
Unti-unti ako lumapit sa kurtina at dahan-dahan ko inabot ang kurtina para buksan ito. May katawan na nakahiga at nakabalot sa puting kumot, binuhos ko lahat sa pagdarasal na pag binuksan ko ito hindi si Joohyun to at isang malaking prank lang to.

3rd PERSON POV

Nung papalapit na siya dito hindi niya kinaya makita ito ang naging basehan niya na lang ang kamay na naka labas sa puting kumot dahil suot suot ni Joohyun and singsing na unang binigay ni Seulgi sa kanya.
Pero di niya napigilan at binuksan ang kumot ng paunti unti at yun nakita na niya si Irene.
"Mahal, gumising ka na diyan tara na. Umuwi na tayo." Gising ni Seulgi habang patuloy kinukumbinsi ang sarili na hindi lahat totoo to.
"Mahal, nagugutom na ako bilis na kasi bumangon ka na diyan." Samantala nakatitig lang sila Joy, Yeri, Jennie na hindi na rin napigilan ang iyak gusto na sanang awatin ni Lisa si Seulgi pero pinigilan siya ni Byul.
"Mahal wag ka ng mag prank sabi sayo hindi pwede maging youtuber sayo, bilis na tayo ka na diyan. Umuwi na tayo dami pa nating gagawin para sa kasal." Lumalakas na ang iyak ni Seulgi na hindi na mapakali kakagising kay Irene nung nag sink in na sa kanya ang lahat napaluhod ito at umiiyak pa din.
"JOOHYUN, BAKIT?? SABI MO DI MO KO IIWAN!! GISING NA DIYAN MAHAL UMUWI NA TAYO." at dun na pumasok  at umawat si Byul at Lisa sa kaibigan.
"Tol, tama na. Pagpahingain mo na si Irene." Sabi ni Byul na naiyak na din umaawat kay Seulgi.
"Seul, tara na. Tama na hindi ikakasaya ni Irene na makita kang ganyan." Dugtong ni Lisa na di na rin napigilan maiyak sa nangyayari sa kaibigan.
"JOOHYUN!!! GISING NA PLEASE! MAHAL KO." pilit na sigaw ni Seul habang binalik ng nurse ang kumot kay Irene at kailangan na itong maembalsamo.
Sa unti unting paglayo ng stretch bed kila Seulgi hawak lang siya ng mga kaibigan niya.
"MAHAL!!! SASAMA AKO WAG MO AKONG IIWAN. JOOHYUN!!!!"

Seulgi's Condo // 1 month after Irene's Death •

SEULGI

*Knock Knock* katok sa pinto it's Byul and Lisa. Alam naman nila na hindi sila pagbubuksan ni Seulgi kaya kusa na silang pumasok.
"Seul, may dala kaming pagkain oh. Saluhan mo kami tol." Sabi ni Lisa sa kaibigan na nasa sala lang nakaupo nakatingin sa picture nila ni Irene. Lumapit si Byul kay Seulgi para iabot ang kape pero pinatong niya lang ito sa coffee table.
"Seul, kumain ka naman kahit konti lang. C'mon it's been a month. Sa tingin mo magiging masaya si Irene na nakikita kang ganyan?" Tulala pa din Seulgi.
"Kaya nga tol, yung kompanya mo napapabayaan mo na." Dugtong ni Lisa.
"Sabi niya hindi niya ako iiwan. Sabi niya bubuo kami ng pamilya at tutuparin namin mga pangarap namin. Bakit niya ako iniwan?" Tanong ni Seulgi sa dalawa na nakatulala lang sa picture at tumutulo ang luha.
Nagtinginan sina Byul at Lisa.
"Seul.. sometimes as much as we want to keep our promises pero hindi sumangayon ang mundo satin wala tayo magagawa dun kundi tanggapin." Sabi ni Byul.
"Tanggapin? Pano ko tatanggapin na ang nag iisang babae na gusto ko makasama habang buhay eh wala na?!!!" Sigaw ni Seulgi.
"Seul, wag mo naman gawin sa sarili mo yan oh. Kumain ka na please alagaan mo sarili mo." Tugon ni Lisa sa kaibigan. Sinenyasan ni Lisa si Byul na umalis na sila.
"Seul, andiyan yung pagkain sa mesa if kakain ka na ah? Kailangan pa namin balikan ang trabaho. Tawag ka if may kailangan ka." Dugtong ni Lisa.
"Una na kami, pre. Mahal ka namin ah?" Sabat ni Byul.
Agad na lumabas ang dalawa.
 

'Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?' ~ 

Tumayo ako sa sofa, tumungo sa bakanteng kwarto katapat ng kwarto namin ni Hyun. Dun nilipat nila mama yung mga gamit ni Joohyun nung nawala siya kaya dun na din ako nakatambay lagi. Nung umupo ako sa sahig nakatingin sa kawalan, may biglang nalaglag galing sa mga nakapatong patong na gamit niya sa isang malaking box. Nilapitan ko ito at nakita ko ay isang yellow na box na may ribbon, kinuha ko at bumalik sa pagkakaupo.
Hindi ko pa na buksan napansin ko na agad ang nakasulat gilid ng box.

This box contains the happiness of my Seulgi. 

                                          — Joohyun. 

Dun pa lang hindi ko na napigilang umiyak.
Na mimiss ko siya. Na miss ko ang ganito, yung small gestures niya. The way she makes me feel things no one can ever make me feel. My only Joohyun, the love of my life. The woman i was supposed to spend my life with.
Binuksan ko yung bo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Astraea21 #1
Chapter 3: 👍
KZeljera26_ #2
Chapter 2: Otornim ..... Update kna jebal 🥺😭😭😭😭😭😭😭😭
mmomochann #3
Chapter 2: 😭😭😭 pati ako nabigla dun
KZeljera26_ #4
Chapter 2: Yawa 😭😭😭😭😭
Mar857
#5
Chapter 2: 😭😭😭 naiyak aku...
kang_ddeul
#6
Chapter 2: omgg :((