HAPPINESS

HeArt Gallery
Please Subscribe to read the full chapter

What is happiness?

 

It is when you feel overly elated and you can’t help but put on a smile – your lips automatically tug themselves upward, a feeling of delight and contentment overwhelming your senses.

 

And how do you get happiness?

 

Well, sometimes, you gotta be bold…

 

----

 

“Alam mo bang inis na inis ako sa’yo noon?” biglaan kong sambit when we finally met.

 

I honestly didn’t think you’d say yes when I asked you for a catch up. After all this time, I finally had the courage to see you again. Kahit di ako sure kung papayag ka or worse, magpapakita ka, sinugal ko na. I just wanted to give you the one thing you deserved most.

 

After the greetings, the formalities, after we settled ourselves, leaning against the railing atop the wonderful view of the city below. A paradox to the topic I decided to speak about, and the situation we are in. Well, at least I am in.

 

I thought nga magiging awkward at first but here we are, still like before, carrying on a meeting and conversation as if kahapon lang tayo last nagkita.

 

“Ha?”

 

“Hakdog.”

 

Tingingnan mo lang ako. Tinawanan kita. God, namiss ko ang itsura mong yan. You look like a goofball. My goofball.

 

“Baliw,” ngumiti ka ng bahagya. “Ano nga kasi? Bakit at kailan ka nainis sa akin?”

 

Tila alam ko na rin kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon. All those moments, our past – oo, yung kahapon natin, yung nakaraan – I bet they’re also replaying in your mind. Kita sa mata mo kahit gaano mo pa itago. Alam kong naaalala mo rin. Your sad smile gave it away and the look in your eyes though you try to smile and shrug it off says otherwise.

 

And I smiled bitterly at that thought.

 

Medyo masakit pa rin.

 

Sino ba niloloko ko? Masakit na masakit pa rin.

 

Pero ako naman yung may gawa nito. Ginusto ko rin to. So why am I being affected adversely by the consequences of my own actions? Consequences that I already knew of when I made that decision.

 

“Remember noong one time nagkasalubungan tayo sa may Dox?”

 

Kumunot ang noo mo, nag-iisip kung kalian ba yung tinutukoy kong panahon. So di mo pala talaga ako nakita that time?

 

Pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. I guess I was never really fate’s muse when it comes to happiness, huh? Ang saklap talaga. But it is what it is, I guess.

 

“Tanda mo noong… noong…”

 

.

 

Bakit di ko masabi? Hay, hirap talaga mag move on eh. Kung bakit pa kasi na open yung topic kung kalian ako nainis sa’yo? Bobo rin talaga ako minsan. Marupok na, bobo pa. Buti nalang maganda, at least may natira pang positive.

 

Nakatitig ka lang rin sa akin, wari’y gusto rin sumabay at ipagpatuloy ang naumpisahan kong mga salita pero di matuloy-tuloy ang pagkakasambit at ang pag-alala ng mga masasakit na panahon. Oo, ganoon rin nararamdaman ko, pero no choice. Nasimulan ko na. It would be weird if I wouldn’t continue and elaborate on the topic that I started, diba?

 

*sigh*

 

“Nung nagpahinga tayo. Nagkasalubong tayo after a while noon sa may Dox, sa likod ng school.”

 

Nakatuon lang ang tingin ko sa cityscape habang pinagsasabi ko to. Di ko kayang tumingin sa iyo kasi baka bumukas ulit yung mga sugat – sugat na pilit kong tinatakpan at binabaon sa likod ng mga ngiti at halakhak – at tumulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigalang pumakawala.

 

“Tandang tanda ko pa nga na biglang bigla ako kasi parang pinaglaruan talaga tayo ng tadhana,” pagpapatuloy ko lang. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon mo kasi hindi ko pa rin maakong lumingon sa direksyon mo. Hindi pa rin kita maharap. Para nga akong nagka-stiff neck na sa harap nalang nakatingin.

 

“Kakalabas ko lang ng condo noon tapos andoon ka, naglalakad galing sa may Dox, nakapoker face papunta sa direksyon ko. Nasa kabilang parte ka nga lang ng daan.”

 

I laughed ever so slightly at that memory.

 

“Inis na inis ako sa iyo noon kasi gusto kitang kausapin pero wala. Nilagpasan mo lang ako. Tumawid pa nga ako noon para sa iyo pero wala. Hindi ka kumibo, hindi ka man lang tumango. It was like I was a ghost, like I never existed in your line of sight.”

 

Tahimik ka lang rin sa tabi ko habang nagkekwento ako.

 

“But to be fair, medyo nahuli nga rin naman ako noon. When I got to the other side, you were already some steps ahead. Di ko na nahabol.”

 

Tumahimik na rin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nelle147
This is the last chapter guys! Sana nasaktan kayo chz pero sana na-enjoy kayong magbasa sa maikling kwento na to. Who knows kung ito na ba ang last stop? Malay natin. :)

Comments

You must be logged in to comment
Maatt_booii #1
Chapter 3: Indeed angst ngaaa..
Papatulog na sana eh, nabasa ko pa to..
Enterusername_here
#2
Chapter 3: sarap ng angst for breakfast
2014605911
#3
Chapter 2: Akala ko happy ending nung nakita ko na may second chapter 🤦‍♀️