Prologue

Sky is Blue
Please Subscribe to read the full chapter

I.B

"Kailan mo ba itatapon yung lumang book na lagi mong dala?"

 

 

Inayos ko yung gusot sa pulang cardiganvna suot ko at sinarado yung luggage ko, umupo ako sa perch ng kama at kinuha yung phone ko sa tabi ko.

 

 

"Kailan mo titiglan yung kakatanong niyan?" Sagot sa kausap ko sa phone. Nakakainis! Halos iyon nalang lagi ang nakikita niya sa akin.

 

 

"Kapag tinapon mo na yung book." Masungit na sambit niya sa kabilang linya.  “Anyways, have a safe flight Irene. Sa susunod na araw nalang namin pupuntahan sa bahay niyo...saan ka ba tutuloy?"

 

 

"Sa gubat, char. Sa bahay, mag-isa lang ako sa condo kaya sa bahay na ako tutuloy. Bye Jen."

 

 

Nakarating na ako sa LAX at naghihintay nalang  for my flight sa may coffee shop. I already text Arcea, my mom, na i’’ now waiting for my flight back na ako and i don't expect na she will reply me back dahil gabi na sa pilipinas.

 

 

Alam naman nila na uuwi na ako after 2 weeks sa america, malapit ng matapos ang bakasyon but i still have time to enjoy the remaining days,malamang ay hindi na ako makakapag travel, how sad. 

 

_

 

 

I finally arrive at medyo inaantok pa dahil buong flight ay hindi ako natulog dahil tinapos ko yung pinapanood kong series that i download.

 

 

Naghihintay nalang ako sa conveyor belt then i spot a group of girls na mukhang may hinihintay na artista? i think pero mukhang hindi eh, they're all holding a same book. Kakulay ng hawak kong libro ngayon, kulay purple.

 

 

Kinuha ko na yung luggage ko at dadaanan sana yung mga nagpupulong na babae, hindi pa ako nakakalagpas sa kanila ay bigla silang tumakbo at may sinigaw na iisang pangalan.

 

 

"Ayun na si Kawasaki!"

 

 

Bigla akong natangay nila pero nakaiwas naman agad ako bago ako matumba at matapakan nila, i also almost drop my phone and the book.

 

 

Napasinghap ako at nilingon ang direksyon nung mga blind bull, galit na lumapit ako sa kanila at hintak yung isang babae na pilipilit sumingit para makalapit sa unahan.

 

 

"Mga bulag ba kayo? Hoy hindi niyo ba ako nakita?" Galit na hinarap ko yung babaeng hinatak ko, sa sobrang lakas ng boses ko ay biglang tumahimik yung mga kasama niya na may pinagdadagsaan na isang tao na hindi ko makita ang mukha.

 

 

Sino ba itong buwisit na ‘to?

 

 

Magsasalita na sana ako ulit ng biglang may kumalabit sa akin, ito yata yung pinagdadagsaan nila, artista ba ito? yabang ng mukha niya ah, mukha naman may sore eyes. Nakasunglasses pa eh ang dilim pa sa labas.

 

 

 

"I'm sorry miss pero you don't have to shout at her," Sabi ng babaeng may maikling buhok na kulay brown at biglang kinuha yung librong hawak ko at ang mas kinagulat ko ay pinirmahan niya iyon, wala akong nagawa dahil sa gulat at yung buwisit na smirk sa labi niya.

 

 

"Swerte ka cute ka, Broom broom!" Umalis na lang din siya bigla at nakatingin parin sa akin yung mga fans niya.

 

 

Pare-parehas ang reaksyon namin, nakanganga sa sobrang gulat. Tinignan ko yung libro kong kulay purple, putangina may dumi na!

 

_

 

Walang gana kong niyakap si Arcea at Pseudon, my mom and dad, hindi parin nawawala yung inis ko simula kanina. Mga 8 na ako nakarating sa bahay at sila pa lang ang gising, yung kapiteders ko na si Kare-kare ay tulog pa, malamang.

 

 

"Kamusta ang flight Irene? bakit mukhang masungit ang itsura mo?" Sunod-sunod na tanong ni Arcea sa akin pero hindi ko sinagot at tuloy-tuloy na umakyat para makapag pahinga ako.

 

 

"Lagi naman masungit yang si Davisha, Hon." Rinig kong sambit ni Pseudon sa second name ko pero hindi ko na lang pinansin.

 

 

Kapagod kaya ng byahe ko tapos may mga toro pang muntik na akong patayin and that ing Yamaha broom broom na yon who ever she is hindi ko siya mapapatawad.

 

 

Ang panget na tuloy ng cover nung libro, do i look like i want her authograph? kainis!

 

 

"Nandito na pala si Ate, kumusta LA? hindi nangsasama awit!" Kantyaw ni Karina at umupo din sa sofa.

 

 

Inirapan ko na lang siya at ngumiti ng peke bago binato sa kanya yung Tim Tam. Hindi ko siya nabilihan nung pumunta ako sa australia, buti nakakita ako sa LA.

 

 

"Akala ko ba sa America ka pumunta?" Nagtataka niyang tanong.

 

 

"Nagteleport ako." I deadpan.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Paparapakyaw #1
Chapter 2: Awit di pa pala nakakamove on sa ex 'tong si madam ayren
Ot5langlakasam
#2
Chapter 1: Hshshshsh nice nice prologue looking forward for thiss~~