Chapter 1

Sky is Blue
Please Subscribe to read the full chapter

I.B

Umupo ako sa bench to take a short rest, nag-jogging ako kanina around the village at napadpad ako dito sa may calming garden. Isang malaking garden na pwede mong puntahan dito sa village. Sobrang tahimik lang dito at puro makikita mo lang ay benches at iba't-ibang uri ng bulaklak.

 

 

Nakasuot ako ng black na cycling shorts at white na sports bra i'm sweating a lot. Nakalimutan kong magdala ng face towel at ang tanging nadala ko lang ay yung tumbler ko. Ang lagkit na ng pawis ko at kumakapit yung hibla ng buhok ko sa balat ko.

 

 

"Ate! si Winter pala friend ko. Na meet ko siya sa aeriel yoga class ko." Pagpapakilala ni Karina sa kaibigan niya sa akin.

 

 

Kakagaling ko lang kanina sa calmibg garden pagkatapos magpahinga ay umuwi ako sa bahay at naligo na pagkababa ko ay bumungad sa akin yung bisita ni Karina. Nginitian ko si Winter at nginitian niya din ako pabalik, mukhang mahiyain itong batang ito.

 

 

"Saan sila Mom?" Tanong ko kay Karina.

 

 

Dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng tubig para uminom, hindi ko nakita sila Arcea bago ako nag-jogging akala ko tulog pa dahil weekend ngayon wala silang pasok.

 

 

"Pumunta sa kaibigan ni dad meron daw reunion party." Sagot ni Karina. 

 

 

Buong hapon akong nakatambay sa kwarto ko at walang magawa, mamayang gabi uuwi na ako doon sa condo ko malapit sa school, binili ng lolo ko iyon para sa akin para daw hindi na ako mag dorm. Mas okay na iyon kaysa sa dorm, si Lolo yung nagbabayad ng expences. Hindi ko naman hiniling iyon kay Lolo, i'm fine sa commute.

 

_

 

"Yung inihaw baka masunog puntahan mo nga Nayeon." 

 

 

Sobrang ingay ulit sa bahay nila Byul pero nandito na kami sa malaking veranda nila at nag-iihaw ng bangus at pusit. Medyo malapit din kami sa pool kaya mamaya night swimming kaming lahat, wala yung magulang nila Byul at Gayoung dahil may business trip daw. Nagpapatutog sila Yeri ng kanta ni Ariana G. 

 

 

Walang alak na binili dahil wala kaming balak na magsunog ng baga ngayong gabi, medyo hinapon na kami dahil natagalan pa kaming mamili ng isda. Nandito lahat ng tropa, puro kami babae. May lalaki kaming mga kaibigan pero hindi nila trip yung ganitong gatherings, arte.

 

 

"Nasaan pala si Wendy parang siya na lang yung kulang ah." 

 

 

Hinahanap ni Jennie si Wendy kanina pa hindi nalang pinapansin nila dahil busy silang lahat. Nakapag saing na kami at nakagawa na ng sawsawan. May dala na kaming damit na pamalit.

 

 

"Nagpapalit na yata para sa swimming mamayang gabi, mamaya nalang daw siya kakain. Ah oo nga pala, Irene paabot naman nung goggles ko sa kama sa kwarto ni Byul doon namin nilagay yung mga gamit namin, ikaw din ilagay mo na din yung sayo."

 

 

Turo ni Lisa sa duffle bag ko na nakalagay pa din dito sa upuan. Kinuha ko yung duffle bag ko bago ako pumasok sa loob ng bahay at umakayat agad ako sa taas. Nakita kong nakabukas yung pintuan ng guest room at bukas ang ilaw baka nandoon si Wendy.

 

 

Pagbukas ko doon sa pintuan ng kwarto ni Byul ay tumambad sa akin si Wendy na nasa kalagitnaan ng pagsuot ng t-shirt lumipat ang mata ko sa abs niya na medyo nag-clench may tattoo sa may bandang rib cage isang mahabang asul na rosas at ang tangkay nito ay tumigil sa pelvis niya.

 

 

Pumasok ako sa loob at walang hiyang sinabi ang wow sa nakita ko, she's working out well. Nakatingin lang siya sa akin, inalis ko na yung atensyon ko sa tiyan niya at kinuha yung goggles ni Seulgi na nasa kama at nilapag ko yung bag ko sa sahig.

 

 

"Hindi ko na kinatok yung pinto dahil akala ko nandoon ka sa guest kasi nakabukas yung pinto." Sambit ko at hindi siya tinatapunan ng tingin. Nakasuot siya ng maikling short at puting plain na t-shirt.

 

 

"Nakalimutan kong patayin kanina dahil nagmamadali ako tapos naiwanan ko yung phone ko dito." Tumango lang ako sa kanya at lumingon na sa direksyon niya.

 

 

"I'm sorry for the rudeness na pinakita ko noong isang araw sa iyo. Wendy Son, hindi ko napakilala ng maayos yung sarili ko last time dahil ang sama ng tingin mo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Paparapakyaw #1
Chapter 2: Awit di pa pala nakakamove on sa ex 'tong si madam ayren
Ot5langlakasam
#2
Chapter 1: Hshshshsh nice nice prologue looking forward for thiss~~