Pangalawang Pagsagip

Saklolo

Pagkakuha palang ng discharge form ni Irene mula sa doktor, nagsabi na agad si Wendy na ihahatid siya nito pabalik sa kanyang apartment. Hindi naman makatanggi si Irene dahil ang Mommy Tiffany niya mismo ang nagrequest kay Wendy na magsabay na sila pauwi, sa rasong makakatipid daw sila sa pamasahe at mapapanatag sila ni Taeyeon.

 

Malapit lang din kasi ang apartment niya sa Fire Station kung saan nagvovolunteer si Wendy at maging sa condo nito na tinutuluyan.

 

Sinabihan pa sila ng parents niya na mag-book na ng Grab bago sumakay sa sarili nilang van.

 

“Ma, pwede niyo naman kami ihatid ni Wendy pabalik, ‘di ba? Bakit pa kami mag-gaGrab kung may van naman pala kayong dala?”

 

Sinubukan pa ni Irene na makipagtalo sa mga magulang bago sila tuluyang umalis. Hindi naman sa ayaw niya makasama si Wendy, pero hindi niya pa alam kung papaano kausapin ang crush niya nang hindi kinakabahan.

 

Sumenyas naman ang Mama Taeyeon niya na lumapit siya sa passenger seat bago ito magbilin:

 

“Anak, ito na ang chance mong makipagkilala kay Wendy. Dali at bumalik ka na doon habang naghihintay sa Grab niyo. Ingat kayo ha!”

 

“Ciao, darling! Enjoy!”

 

Naghabol pa ng tukso ang Mommy Tiffany niya bago kumaway, habang pa-drive naman si Taeyeon palabas ng ospital.

 

Wala nang magawa si Irene kundi maghimutok habang tinitingnan ang papalayo nilang sasakyan.

 

Pagkatapos ng ilang segundo, narinig ni Irene ang alert mula sa cellphone niya. Malapit na ang Grab car nila kaya’t bumalik na din siya agad sa pick-up point kung saan nakaabang si Wendy.

 

Mabuti at pagkadating niya e sakto rin ang paghinto ng isang sedan sa harap ng kinakatayuan nilang dalawa.

 

Lumapit si Wendy sa kotse, dala-dala ang mga gamit ni Irene at mga binalot na pagkain, bago binuksan ang pinto.

 

“Una ka na, Irene.”

 

“Salamat, Wendy.”

 

Okay, plus 1 point. GentleWoman pa siya.

 

Pagkatapos pumasok ni Irene sa kotse, si Wendy na din ang nagsara ng pinto bago ito pumunta sa kabilang gilid para tabihan siya.

 

Pagka-andar palang ng sasakyan ay hindi na agad malaman ni Irene ang gagawin habang katabi ang crush niya.

 

“Wendy, pasensya na ha. Sana hindi ka napipilitan sa mga favors na ni-rerequest sayo nila Mama at Mommy.”

 

Napatingin lang sa kanya ang bumbero habang nakangiti.

 

“Irene, don’t worry, okay lang naman. Hindi ba’t sabi ko sa’yo na huwag kang mahiya sa akin? Magkaibigan na tayo ngayon.”

 

Magiging ka-ibigan din ba kita sa susunod?

 

“Salamat ha. Bawi na lang ako sa’yo sa ibang araw. Baka may kailangan kang design ng bahay, or kung ano mang kaya ng pinag-aralan ko.” Pabirong sabi ni Irene.

 

Kahit design pa ng bahay nating dalawa, gagawin ko agad. Basta ikaw, Wendy.

 

“Kung ganoon pala... e ‘di future house nalang natin ang i-design mo.” Banat ni Wendy sa kanya sabay kindat.

 

“HA?!” Napasigaw ng malakas si Irene sa hindi inaasahang sagot ng crush niya.

 

NARINIG NIYA BA AKO?! OR SIGN NA BA ‘TO LORD NA DESTINED KAMI PARA SA ISA’T ISA?!

 

Ikinagulat din ito ng driver nila kaya napa-swerve tuloy ito ng manibela nang wala sa oras.

 

Napatili si Irene at muntik pang mabangga ang ulo nito sa bintana dahil sa lakas ng pag-swerve ng kotse nang biglang higitin siya ni Wendy papalapit sa kanya bago tuluyang yakapin.

 

Tila naging bato si Irene sa bisig ni Wendy habang nakakaranas ng sensory overload.

 

Amoy baby power at cool water perfume.

 

Cuddly kahit ma-muscle ang mga bisig.

 

Sobrang kinis ng balat na parang walang pores.

 

Lumulutang pa si Irene sa sarili niyang Wendyland nang napasambit ng “Diyos ko po, mga iha, muntik na ako atakihin sa puso! Ayos lang ba kayo diyan?” ang driver nila makatapos nito makontrol uli ang manibela.

 

“Manong, pasensya na ho!” Sambit ni Wendy habang tumatawa.

 

Dinig rin ni Irene ang malalalim na tawa ng bumbero maging ang tibok ng puso nito dahil magkayakap parin sila ng mahigpit.

 

Nagising tuloy ang diwa ni Irene at tarantang kumawala sa bisig ni Wendy bago nito simulang paluin ng ilang beses ang braso ng humahagikgik na bumbero.

 

“Ikaw talaga, bakit kasi ganyan ka sumagot? Nagulat tuloy kami ni Manong at muntik pa tayo mapahamak! Napakapilyo mo kasi!” Reklamo ni Irene na tila’y isang kamatis dahil sa namumula nitong mukha.

 

“Sorry na Irene,” sagot ni Wendy bago nito dahan-dahang kinuha ang kanyang mga makapinsalang kamay. “Biro lang naman, oh.”

 

Pero ang feelings ko sayo, Wendy, hindi biro.

 

Hindi nalang umimik si Irene dahil para sa kanya, nakakatampo ng slight ang sinabi ng bumbero. Nagpalatak pa ito bago pagalit na bawiin ang mga kamay mula sa haplos ni Wendy.

 

“Uy, sorry na please? Sa totoo lang, hindi mo naman kailangan bumawi sa akin. Itong relasyon natin, sapat na talaga.”

 

“Relasyon?! A-anong relasyong sinasabi m-mo diyan?” Pautal na sumbat ni Irene.

 

“Our new friendship, siyempre! Masaya akong nakilala kita ngayong araw. Hindi man kita nakilala sa isang ordinaryong pagkakataon, pero naniniwala akong may dahilan kaya tayo pinagtagpo.”

 

“Kanina ka pa ha, puro mabulaklak na salita lang ang binibitawan mo. Hindi mo ako mabobola gamit ng mga ganyan.”

 

Ngumisi lang si Wendy bago marahang lumapit kay Irene para i-abot ang kanang hinliliit niya.

 

“Pinky promise? Ilang taon ka ba, lima?” Pang-asar ni Irene habang nakataas ang isang kilay.

 

“Huwag ka na ngang judger, Irene. Dali na, pinky promises last forever!”

 

Nag-eyeroll pa muna si Irene bago sumunod sa request ni Wendy.

 

Magkahawak na ang mga hinliliit nila at pinagtama rin ni Wendy ang kanilang mga mata bago manumpa:

 

“I promise you, Irene. Lagi kitang poprotektahan. Tawagin mo lang ang pangalan ko, o kaya sumigaw ka ng saklolo, and I’ll be there.”

 

Hindi naman nakasagot agad si Irene, at natameme na naman siya sa kaakit-akit na mukha ni Wendy. Malakas din ang pagkabog ng puso niya habang nagpipigil ng kilig pagkatapos marinig ang panata ng bumbero.

 

“In exchange, gusto ko lang din i-promise mo sa akin na lagi kang magiging alerto sa paligid mo at mag-iingat ng mabuti sa lahat ng pagkakataon.”

 

“I-I promise.” Mahinhin na batid ni Irene habang nalulunod sa titig ni Wendy.

 

Hindi alam ni Irene kung ilang minuto ang lumipas, pero narinig nalang niya bigla ang alert mula sa Waze app ng driver.

 

“Manong, salamat po at pasensiya na po uli sa nangyari kanina. Mag-ingat po kayo!” Masiglang bilin ni Wendy bago ito lumabas ng kotse at dali-daling pumunta sa kabilang gilid para pagbuksan siya ng pinto.

 

Inabot din ng bumbero ang kamay niya para alalayan siya paglabas, at inilapat pa nito ang kabilang braso sa taas ng pinto para siguruhing hindi siya ma-uuntog.

 

Tahimik silang naglakad hanggang sa entrance ng apartment. Nang nakarating na sila sa lobby, tumigil si Wendy sa paghakbang bago ito humarap sa kanya.

 

“I guess ito na yung oras kung saan magpapaalam na ako. Pero, may kailangan pa muna akong ipa-check sayo.”

 

“Ano iyon?” Nagtatakang tanong ni Irene.

 

“Pwedeng palabas ng cellphone mo?”

 

Kahit hindi alam ni Irene ang gagawin, sinunod nalang niya ang request ni Wendy.

 

“Check your emergency contacts.”

 

Binuksan ni Irene ang Phone menu at pinindot ang Favorites tab.

 

Dati, parents niya at ang mas bata niyang kapatid na si Yeri lang ang nakalagay sa listahan.

 

Ngayon, may bago nang nadagdag na contact:

 

“Guardian Wangel +xxxx02211994”

 

Hindi napigilan ni Irene na matawa sa ka-cornyhan ng bumbero.

 

Napangiti din si Wendy bago ito magreklamo.

 

“Nag pinky promise tayo kanina ah, tumutupad lang ako no kaya bawal mong tawanan ang guardian angel mo.”

 

“Okay, sorry na, hindi na kita tatawanan.” Pabirong sambit ni Irene bago ito lumapit kay Wendy para kunin ang mga gamit niya.

 

“Text or call me lang anytime.”

 

“I’ll do that. Good night, Wendy.”

 

“Good night, Irene.” Tugon ni Wendy bago kumaway at magsimulang lumabas ng lobby.

 

“Good night... my angel.” Pabulong na habol ni Irene habang nakatingin sa papalayong bumbero.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nicella
Hindi ko din alam saan to nanggaling, naisip ko lang bigla haha

Comments

You must be logged in to comment
ggprints
#1
Chapter 2: kinilig ako don beshy😭😭
juhyuneeeee
95 streak #2
Chapter 2: authornim wer are u? 😭
Wenrene_08 #3
Update po plssss
M_jeeh08
#4
Chapter 2: Hayop to sasabog puso ko sa kilig easyhan lang natin madam irene HAHAHA
LockLoyalist
#5
Chapter 2: Di ko kinaya Irene pero sige understandable hahaha kung si Wendy ba naman magligtas sayo eh XD
mklarisse_ #6
Chapter 2: ANG CUTE MAPAPA SANA ALL KA NALANG TLGA
Love03 #7
Chapter 2: Ang harot
baejoonism #8
Chapter 2: Ahh guardian angel naman pala
jvoreal #9
Chapter 2: seungwan sakalam
Paparapakyaw #10
Chapter 2: Iba talaga si boss song1 maski ako kinikilig HAHAHAHAHA