Unang Pagsagip

Saklolo

- Madaling araw -

 

Mga ilang oras na ding natutulog si Irene pagkatapos ng nakakapagod niyang araw sa trabaho nang bigla siyang nagising sa maingay na fire alarm.

 

“False alarm na naman ba ‘to?,” marahang batid niya habang dahan-dahang bumangon sa kama.

 

Maingat naman si Irene, Girl Scout siya simula palang Kindergarten at ngayon ay isang inhinyero na namumuhay mag-isa sa siyudad, kaya alerto siya palagi sa mga posibleng emergencies. Pero madalas din kasing nagkakaroon ng false alarms sa apartment nila dahil sa mga pasaway na nagpiprito sa kani-kanilang units, o kaya naman sa mga pilyong bata na pinaglalaruan ang fire alarm button.

 

Dahil din sa antok, wala siyang urgency sa paghahanap ng cellphone at sandals para sumilip sa hallway.

 

Pero hindi niya inasahan na pagbukas palang ng pinto ay sasalubong na agad sa kanya ang nakakapasong init. Mabilis din ang pagpasok ng maitim at nakakalasong usok sa kanyang unit, kaya’t biglang bumalik ang ulirat ni Irene bago siya napatili ng malakas sa pagkakagulat.

 

Sinubukan niya isara uli ang pinto, pero mas napangunahan siya ng takot kaya napaupo na lamang siya sa sahig dahil nanghina na din ang mga tuhod niya.

 

Sa sobrang kaba, hindi din sinasadya ni Irene na makalanghap ng masamang usok kaya mas lalo siyang naghabol ng hininga habang umuubo ng malalim.

 

Ilang segundo lang ang nakalipas bago siya unti-unting naubusan ng lakas buhat sa init, usok at takot na bumalot sa katawan niya.

 

Bago siya nawalan ng malay, naisip pa ni Irene na paborito nga talaga siya siguro ng Diyos dahil nakita pa niya ang pagpasok ng isang bumbero sa kanyang unit.

 

“Saklolo...” Bulong ni Irene sa kanyang tagapagligtas bago siya tuluyang mahimatay.

 

 

- Makalipas ang ilang oras -

 

Dahan-dahang binuksan ni Irene ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang nakakasilaw na liwanag.

 

‘Nasa langit na ba ako?’ Pagtataka ni Irene, habang pakiramdam niya ay nakahiga siya sa isang napakalambot na ulap.

 

“Mabuti at gising ka na, miss.”

 

Lumingon agad si Irene sa direksyon ng nakakaakit na boses.

 

Natameme siya pagkakita palang sa babaeng nakaupo sa tabi ng kinahihigaan niya.

 

Nakasuot ito ng simpleng puting t-shirt kasama ng reflective pants na tipikal na suot ng bumbero.

 

Pero siyempre, mas naging abala si Irene sa mukha ng nagligtas sa kanya.

 

‘Salamat Lord at guardian angel talaga ang pinadala mo para sumundo sakin.’

 

Buhok na hanggang balikat, tsokolateng mga mata na kabigha-bighani, mga matambok na pisngi at mga labing nakangiti na parang mas maliwanag pa sa kung nasaan man sila ngayon.

 

Nagpigil ng tawa ang guardian angel niya bago nagsalita:

 

“Wala pa tayo sa langit, miss. Nasa ospital tayo ngayon. At pasensya na pero hindi ako ang guardian angel mo.”

 

Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Irene nang na-realize niya na binigkas niya pala ng malakas ang mga naisip niya.

 

‘Nakakahiya ka talaga, Irene!’ Nagiwas siya tumingin sa babae habang namumula ang mukha.

 

“Huwag kang mahiya sa akin, miss. Nandito ako para tulungan ka.” Natatawang sabi ng babae.

 

Lumingon siya uli at nakita ang ngiti nito sa kanya na puno ng sinseridad.

 

“Salamat- Uhm, ano pala ang pangalan mo?”

 

Para-paraan lang.

 

“Ako si Wendy. Sa’yo miss? Pwede ko din bang malaman?”

 

“Irene nalang ang itawag mo sa akin, Wendy.”

 

Pwedeng ‘babe’ or ‘honey’ na din. Hindi naman ako magrereklamo.

 

“Naalala ko na may sumagip sa’kin kanina mula sa sunog. Ikaw ba iyon, Wendy?”

 

“Oo, ako nga.” Sabay ngiti sa kanya kaya mas lalong na-distract si Irene.

 

“Mabuti din at naisipan mo ibulsa ang cellphone mo kasi natawagan ko din agad ang mga parents mo. At may emergency contact list ka din na nakahanda kaya malaking tulong din iyon. Mas pinadali mo ang trabaho ko, Irene. Kaya salamat din at handa ka sa mga ganitong pagkakataon.”

 

Ngumiti nalang si Irene sa papuri ng crush niya, at nagpasalamat din siya dahil nagbunga na din ang pagiging Girl Scout niya.

 

“Salamat Wendy, nasaan pala ang parents ko?”

 

Bago pa makasagot si Wendy ay biglang pumasok sa kwarto nila ang magulang ni Irene na may dala-dalang pagkain.

 

“Irene! Oh my baby, I’m so happy you’re awake!”

 

Biglang siyang niyakap ng kanyang mommy at pabalik din itong sinuklian ni Irene. Lumapit rin ang isa pa niyang nanay para halikan siya sa noo bago ito nagsalita.

 

“Masaya akong gising ka na, anak. Nakausap na din namin ang doktor, wala ka namang natamong sugat kanina kaya madi-discharge ka na din agad.”

 

Lumingon ang nanay niya kay Wendy na nakatayo na ngayon sa kabilang gilid ng kanyang kama.

 

“Maraming salamat, Wendy. Kung hindi dahil sa’yo, baka kung napa’no na ang anak namin.”

 

“Wala po iyon, Tita Taeyeon.”

 

Tita?! At first name basis na sila agad?!

 

“Wendy, if you need anything, sabihan mo lang kami ni Taeng. We’re more than happy to reward our daughter’s savior.” Habol pa ng kanyang mommy pagkatapos siyang yakapin.

 

“No need na po, Tita Tiffany. Ginawa ko lang po ang trabaho ko.”

 

Hindi man gusto aminin ni Irene pero medyo kumirot ang puso niya sa kanyang narinig.

 

Trabaho lang ba ako sa’yo, Wendy?

 

“Malaki ang utang na loob namin sa’yo kaya ituturing ka na din namin na mabuting family friend.”

 

At future daughter-in-law niyo din sana, Nay.

 

“Actually...” Biglang habol ni Tiffany. “Gusto kong malaman if single ka ba?”

 

Napalingon agad si Irene.

 

“Mommy! Bakit naman ganyan ang tanong mo?”

 

“Sakto kasi siya sa type mo, Irene. Hindi ba’t gusto mo yung mga cute pero matipuno na tulad niya? At single ka din naman so why not try and get to know each other?”

 

Natawa nalang ng malakas si Taeyeon habang natahimik ang dalawang dalaga na may mga namumulang mukha.

 

“Ganito talaga si Fany, Wendy. Masasanay ka rin sa kanya.”

 

“Sorry if I am too upfront, pero I would really love it if my daughter and you become good friends. Mabuti ring may kaibigang safety personnel ang anak ko habang nasa Manila siya. Just in case may emergencies uli sa future.”

 

“Don’t worry Tita. I’ll always be available po for Irene.”

 

Kinilig naman si Irene sa narinig niya, at mas lalo lang siyang nahulog kay Wendy nang nagtama ang mga mata nila.

 

“Great! Irene, ibigay mo na agad number mo. And Wendy, I would also love it if you attend my birthday next week as Irene’s partner.”

 

“My, please stop! Nay, patulong naman oh!” Hiyang-hiya na si Irene sa kapusukan ng nanay niya para sa sarili niyang lovelife.

 

“I’ll be glad to attend, Tita. It’ll be my pleasure na samahan si Irene.”

 

Diyos ko, bukod sa guardian angel, siya na din ba ang magiging asawa ko?

 

Totoo ngang pinagpala sa babaeng lahat si Irene.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nicella
Hindi ko din alam saan to nanggaling, naisip ko lang bigla haha

Comments

You must be logged in to comment
ggprints
#1
Chapter 2: kinilig ako don beshy😭😭
juhyuneeeee
95 streak #2
Chapter 2: authornim wer are u? 😭
Wenrene_08 #3
Update po plssss
M_jeeh08
#4
Chapter 2: Hayop to sasabog puso ko sa kilig easyhan lang natin madam irene HAHAHA
LockLoyalist
#5
Chapter 2: Di ko kinaya Irene pero sige understandable hahaha kung si Wendy ba naman magligtas sayo eh XD
mklarisse_ #6
Chapter 2: ANG CUTE MAPAPA SANA ALL KA NALANG TLGA
Love03 #7
Chapter 2: Ang harot
baejoonism #8
Chapter 2: Ahh guardian angel naman pala
jvoreal #9
Chapter 2: seungwan sakalam
Paparapakyaw #10
Chapter 2: Iba talaga si boss song1 maski ako kinikilig HAHAHAHAHA