002

AMONG US
Please Subscribe to read the full chapter

Kinabukasan ay agad muling nag-message sa discord si Yeri sa isang natutulog na Seulgi.

 

Yeri_sakalam: Erp.

Yeri_sakalam: Emergency Meeting

Yeri_sakalam: WAAAAAAAAAAH

 

Nagising naman si Seulgi pagkatapos ang pang-apat na message ni Yeri. “Walang respeto sa tulog amp.”

Binuksan naman nito ang link na sinend ng kaibigan sa kanya. Isang Youtube video ng Among Us gameplay ngunit pamilyar ang mukhang nasa thumbnail.

 

“Aga-aga naman nito,” sabi ni Seulgi sabay kamot sa ulo ngunit nagising ang diwan ang marinig ang pamilyar na boses.

 

“Hi, guys! Welcome back to my channel. This week, I’ll be joining a random public Among Us group as part of a dare given by my friend Amber. Go check out her channel while you’re at it.”

 

Prenteng nakaupo ang babaeng nakalaro nila kagabi na si Krystal habang tumitingin ng bakanteng room na masasalihan para sa laro. Tuwing sasali siya ay puno agad ang room kaya mag-eerror ang app niya.

 

“God. Why are there so daming players today?”

 

Finilter naman nito ang laro upang ang mapa lang ng The Skeld ang makita niya. Nakita nito agad ang isang lobby na nakapangalang JeniperOT9 kaya sinalihan niya ito agad. “If this doesn’t work, I swear.”

 

Nakapasok ito agad at nagsimula ang game.

 

“Wow, imposter agad. I hope my partner’s not a noob.”

 

At nagsimula na nga ang laro, agad naman nagrampage si Krystal na pinatay ang blue na si WanOT9 sa medbay habang abala itong nagsscan. “Never scan alone, kids.” Sabay tawa nang mahina.

 

Umikot naman ito sa cafeteria kung saan niya nakasalubong ang kapwa imposter na si black. “Hope you killed someone. I hate pabuhats.”

 

Nagpunta ito sa admin at nakitang nasa sulok si red at orange, parang naghihintayan na matapos ang task. “Have to get them separate, but how.”

 

Tumakbo ito pababa sa storage at sinabotage ang lights. Kitang-kita nito gamit ang imposter vision kung paano dali-daling tumakbo sina red at orange papuntang electrical. Nakita rin nito si black na papasok kung kaya’t pinatay nito dali-dali si red na nireport ni Orange.

 

“Why aren’t they using the discussion box?” Takang-tanong ni Krystal sa camera. “But, wow. I guess my partner isn’t a pabuhat as I thought. Hopefully, clean ang kills niya.”

 

Biglang may nag-prompt na message sa discussion box.

 

“They’re asking if I’m lost? Weird. The game was in a public server.” Tumingin ito sa camera. “If you guys would be watching this in the future, your host is probably a noob,” sabay tawa nito.

Pinause saglit ni Seulgi ang video at natawa sa sinabi nito. Totoo naman na si Yeri ang salarin ng kung anumang anomalya ang nangyari sa laro nila kaninang madaling araw.

 

“Just kidding. But seriously, di ko fault nan aka public kayo. Wait,” tinignan nito ang messages. “They’re inviting me to their discord group.”

 

Isa-isa naming nagsipasok ang mga chat sa stream ni Krystal ngunit sa sobrang bilis nito ay di na niya naintindihan ang mga nakasulat. “Thank you for the gift subs by the way guys. It really helps a lot,” sabay ngiti sa camera.

 

Pretty, unconscious na sabi ni Seulgi sa sarili.

 

“Guess there’s no harm in trying to talk to these strangers right? I’ll block them na lang if they turn out to be creepy dudes.” Ngunit nang pagpasok niya sa discord group ay agad namang nag-mute ito dahil back to the game na.

 

“Oh. They seem to be a group of friends based on their chats? Hope my user won’t make me lose sponsors though.”

 

Nagpatuloy ang laro ngunit ngayon, ay napatay ni Krystal ang kulay pink na avatar nang hindi napansin ang kasamang impostor sa gilid kung kaya’t wala itong nagawa kundi itapon sa ilalim ng figurative na bus ang kasama.

 

“It wasn’t my fault nakatago siya sa comms. She should’ve known better,” wika ng streamer matapos irolyo ang mga mata. “But I guess I should contact her to apologize? Mukhang she’s the of the joke sa group nila.”

 

Habang hinihintay ang kill cooldown nito ay chinat niya ang kasamang imposter upang humingi ng tawad, but to her surprise good sport naman pala ang kasama. “See. Dapat you guys that are watching play like this. Don’t take everything personal.”

 

Ngunit mapapansin na tila pakunot-kunot ang noo ng streamer dahil sa palitan ng chat nila ng kasamang impostor. “So demanding, gosh. Kala mo naman she’s so smart.”

 

Natapos ang laro nang nanalo ang mga impostors dahil na din sa tulong nang pumanaw na impostor sa pang sabotages sa laro. “I’m about to do something stupid and ask a stranger to call me. Hope you guys enjoyed the stream and make sure to subscribe! Bye!” Ngumiti muna ang streamer bago lumitaw ang brand logo nito sa screen.

 

Bigla namang bumakas ang pinto ng kwarto ni Seulgi at niluwa ang nanay nitong naka-rollers pa ang buhok. Parang yung landlady sa Kung Fu Hustle, wala nga lang sigarilyo. “Mabuti naman at bumangon ka na anak. Baka gusto mon ang kumilos at tanghali na.”

 

Napabalikwas si Seulgi sa kama at tinignan agad ang oras sa kanyang cellphone. “Ma! Ba’t ngayon mo lang ako ginising!”

 

Tumayo ito agad upang tignan kung natapos magrender ang inedit na pelikula. May iilan ring notification sa kanyang email dahil hinahanap na siya ng kaniyang boss. More of hinahanap na ang final version ng pelikulang sa isang araw na ang release.

 

99% na ang status ng render ngunit nahihirapan itong matapos dahil na din sa tanda ng processor ng laptop na gamit niya.

 

“Bakit ba kasi mahal na mahal ko ‘tong trabahong ‘to!”

 

Pinanood lamang ng nanay niyang tumakbo paikot-ikot ng kwarto si Seulgi. Kumaripas sa cr, basa pa ang mukha at may toothpaste pa sa labi, natisod papunta sa cabinet at nagpatong lamang ng isang sweater na may butas sa balikat, sabay suot ng lumang converse at isinalaksak lahat ng gamit na kailangan para sa meeting nila ngayong araw.

 

“Nak,” tawag ng nanay ni Seulgi.

 

Napatigil naman ito sa paghugot ng charger ng laptop at tumingin sa nanay niya.

 

“Pantalon,” sabay nguso sa mga binti ni Seulgi na pambahay na short lang ang suot.

 

“Shet naman.”

 

Mabuti na lang at hindi kinuha ng kuya ni Seulgi ang motor na regalo sa kanilang magkapatid noong nakaraang pasko. Isang Rusi Classic 250, mukhang big bike pero di kasing mahal ng pangarap ni Seulgi na BMW R nineT Scrambler.

 

Dumating ito sa opisina nila nang walang galos, maswerte siya at walang traffic sa Makati Ave. kahit na 9:30 na. Isang hampas sa ulo ang natanggap nito pagpasok sa maliit na opisina nilang mga editors.

 

“Ang sabi ko, rush yung edit. Bakit may oras ka pang maglaro,” wika ng boss ni Seulgi habang nirorolyo uli ang pamalo.

 

“Boss naman e. Laggers yun laptop na gamit ko.”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kjungswift13 #1
Chapter 2: Buti na lang si Yuri kasama.. kinabahan ako ron.. mga 20. 😭🤧🤧
kjungswift13 #2
Chapter 1: bakit naririnig ko pagkaconyo ni Krystal 🤣🤣
alpacadoo #3
Chapter 2: bakit ngayon ko lang nakita 'to 🥲
blckwllxx
#4
Chapter 2: I love itttt 😭💚 my lumot hearttt
nyanss #5
Chapter 2: thanks sa update
Vivian_Odal #6
Chapter 1: Nice
yujiverse
#7
Hmm
nyanss #8
Look interesting!
Cha-03 #9
another seulstal au 😍
THANK YOU AUTHOOR!!!