001

AMONG US
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Seul, san ka na?" chat sa kanya ng nakababatang kaibigan na si Yeri. Magdamag na kasi itong ginugulo tungkol sa bagong labas na laro na 'Among Us.' Parang Mafia o Werewolf pero online.

Si Seulgi ay abalang nag-eedit ng pelikulang sa isang araw na ang deadline kaya wala itong panahon makipaglaro ngayon dahil may last minute changes na binigay ang producer ng pelikula. Masyado daw kasing madaming harot scenes, e anong ine-expect niya kung rom-com naman ang pelikula?

Bahala ka sa buhay mo, Yeri, bulong ni Seulgi bago lumagok ng pangatlong lata ng pepsi na pasalubong sa kanya ng kaibigang mula sa Thailand. Kumpleto pa ang set ng Blackpink, ang lata na lang na may mukha ni Jennie ang hindi pa nabubuksan.

"Pucha, buti sana kung kasing ganda mo yung bida," wika nito habang tinitignan ang latang ininuman. Si Jisoo ang model, malawak ang ngiti. "Kaso mukha namang paa na may alipunga."

Nagpatuloy na lang itong mag-edit at mukhang pa-morningan na naman ang lagay ng sitwasyon niya ngayon. Dahan-dahan niyang nilapat sa Premiere Pro timeline niya ang kasunod na scene habang sinusundan ang naka-highlight na script sa tabi ng keyboard niya. Ngunit nang sinubukan nitong i-save ang current na ginagawa, bigla namang naghang ang 2013 model na MacBook Pro na minana niya pa sa kuya niyang balasubas.

"Anak ng---" Napahilamos si Seulgi gamit ang mga kamay dahil sa banas. Ilang minuto pa ang kailangan nitong hintayin bago gumana uli. Gamit kasi ng mama niya ang PC na pang-edit ni Seulgi dahil kausap nito ang mga amiga niya sa Amerika at gusto malaki ang screen. Dinig pa niya ang halak-hakan ng mga tita sa labas ng kuwarto niya.

Mukhang naka speaker pa si mama, pota. Di ko need marinig -life ng mga amiga mo, ma!

Nagring ang telepono ni Seulgi, messenger call galing sa bubwit na si Yeri.

"Pota ka! G na tayo!"

Nilayo naman ni Seulgi ang telepono sa tenga. "Wala akong oras, peste. Ba't hindi si Joy o Wendy guluhin mo?"

"Kasama ko nga sila maglaro kaso boploks naman. Walang thrill."

"Si Irene?"

"Mas lalong boploks na imposter. Obvious na siya."

“Si Nayeon?”

“Kasali din kaso parating first kill.”

"Si Saeron?"

"Don't say bad words, gago!"

Napatawa na lang si Seulgi sa inasta ng kaibigan.

"Sila Moonbyul at Solar?"

"Potangina. G ka ba o hindi kasi kanina pa ko naghihintay sa partner in crime ko."

Tinignan muna ni Seulgi ang Macbook na hindi pa rin gumagalaw maliban sa pinwheel na patuloy ang ikot sa gitna ng screen.

"Pasalamat ka naghang laptop ko. Oo na. Pano ba yan?"

"Teka add kita sa discord. Send ko code dun."

Maya-maya ay may nag notif kay Seulgi, in-add na pala siya ng loko.

 

DISCORD CHAT:

Yeri_sakalam: "O, G na ha. Andito na si Seulgi. 9 tayo ha."

Wends_0930: "Huhu. OT9."

Joysa_bon: "Bakit 0930 yang name mo Wan?"

Mama_mo_Rene: "Pota Joy."

Papa_byul: "Bakit"

Papa_byul: "Mo"

Papa_byul: "Tinanong"

Papa_byul: "Gago"

Kuneho_na_yeon: "ayan na hahahaha"

Wends_0930: "KASI OT9 LANG SAKALAM HUHUHU UWI KA NA MAMA JENIPER"

Kang_inang_yan: "Ano ba? G na ba?"

Kang_inang_yan: "Sino pa yung dalawa?"

tzu_tzu_tren: "Present po! Hi Seul ;)"

Solar_Moon: "Samedt. Pero walang kindat hehe"

Yeri_sakalam: "G na ha. Private game."

Yeri_sakalam: "On niyo mics niyo pag meeting."

Yeri_sakalam: "PAG MEETING LANG HA"

Yeri_sakalam: "LOOKING AT YOU USER MAMA_MO_RENE"

Joysa_bon: "Payag ka non, Rene? Inuulol ka ata e."

Kuneho_na_yeon: "F erps Yerms"

Buwan_byul: “first kill ka erps obob"

Mama_mo_Rene: “:)”

 

 

Nang makapasok na sa lobby, may isang pangalang hindi pamilyar kay Seulgi ang lumabas, ngunit hindi na nito natanong sa mga kasama dahil biglang nagstart ang laro. Sa The Skeld ang mapang napili ni Yeri.

At kapag minamalas ka naman, imposter ang napunta sa kanya at sa hindi nito kilalang user. First game pa man din.

Hindi pa gamay ni Seulgi ang laro at pasikot-sikot dito kaya naman kinalikot niya ang screen para hanapin ang mapa. Nagpa ikot-ikot ito sa may navigation area kung saan tahimik na nagddownload ang kulay pink na character ni Yeri.

"Sorry, Yerms. Walang personalan." Nilapitan ito ni Seulgi at agad pinatay. "Ngayon, anong gagawin ko?"

Umilaw ang vent button niya, kung kaya nag-vent ito papunta sa weapons area sa bandang taas. Buti at walang tao. Agad naman itong pumunta sa kabilang dako ng mapa at nakasalubong ang kapwa impostor sa may cafeteria, tumatakbo paalis ng medbay.

“Lam na dis.”

Dere-derecho lang si Seulgi papunta sa reactor, sabi sa mapa, at lumapit sa kung ano man ang ginagawa ng kulay green na si Joy. Lumingon-lingon muna si Seulgi sa paligid at nang makitang walang tao, agad na pinatay si Joy, sabay vent papunta sa baba, lower engine ang sabi sa mapa, at kaswal na naglakad papunta sa kung saan man dalhin ng joystick niya.

May nag-notif naman na Fix lights sa kaliwa ng screen neto kung kaya't sinundan nito ang arrow papuntang electrical at inayos ang switch kasama sina red (Tzuyu) at orange (Nayeon), pati na rin ang isa pang impostor, at, wouldn't you know it, deado ang avatar ni Tzuyu. Agad naman nai-report to ni Nayeon.

 

 

DISCORD AUDIO:

Papa_byul: "Sabi na first kill si Yeri e hahahaha. Irene sus"

Kuneho_na_yeon: "Okay. Teka. Pota nag-aayos lang ng ilaw e. Oh . Dami na palang deadz."

Mama_mo_Rene: "Loko, Byul. Mama mo imposter. Sinong nakita mo Yeon? "

Kuneho_na_yeon: "Okay, kasama ko si Tzuyu diba, galing kami sa admin. Tas biglang namatay yung ilaw so punta kaming lights, kita ko si Seul. Tas inaayos ko yung switch pero may gagong nag-ooff"

Kang_inang_yan: "Ako nag-aayos nung switch, lul."

Kuneho_na_yeon: "Basta yun. Naayos NAMIN pero pota pag-on ng ilaw, deadz na si tzuyu."

Mama_mo_Rene: "Seulgi sus"

Kang_inang_yan: "AKO NAG-ON NG ILAW!"

Solar_Moon: "Walang mangyayari kung magtatalo kayo"

Kang_inang_yan: "Teka, diba 9 lang tayo?"

Papa_byul: "Oo erps"

Kang_inang_yan: "E bakit sampu yung players?"

Papa_byul: "Hala shet. Oo nga. Na-hack ba tayo"

Solar_Moon: "Baka naligaw lang. Chat niyo nga lol"

Kang_inang_yan: "Paano?"

Solar_Moon: "Dun sa discussion box!"

Kang_inang_yan: "Sensya na ma'am. Perst taym ko maglaro e."

 

 

Nagpunta si Seulgi sa discussion chat ng laro.

 

 

AMONG US DISCUSSION CHAT:

ksg: hello @white. are u lost?

ksg: this is a private game. lol.

 

 

DISCORD AUDIO:

Papa_byul: "Gago ka erp. Bakit english?"

Kang_inang_yan: "Baka foreigner e."

 

 

AMONG US DISCUSSION CHAT:

jungstal: "Really?

jungstal: "I joined the game on the public server."

jungstal: "I can leave if you want"

 

 

DISCORD AUDIO:

Kang_inang_yan: "pota ubos english ko erps. help naman"

 

 

AMONG US DISCUSSION CHAT:

ogbaesual: "it's fine. you can stay"

ogbaesual: "the more, the merrier right?"

ogbaesual: "sorry about my friend"

ogbaesual: "she can be dumb sometimes"

 

DISCORD AUDIO:

Kang_inang_yan: "Rene naman. Ginawa pa kong bobo"

Mama_mo_Rene: "Bakit? Hindi ba? Binasted mo nga ako? Ako na original visual tinanggihan ng isang katulad mo."

Papa_byul: "Ungkatan ng past!"

Solar_Moon: “Byul shut up ka jan”

tzu_tzu_tren: "Samedt ate Irene hahahaha"

Kang_inang_yan: "Diba bawal magsalita pag dead na?"

tzu_tzu_tren: "Kaya ba di mo na ko pinagsalita nung nakipag break ka sak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kjungswift13 #1
Chapter 2: Buti na lang si Yuri kasama.. kinabahan ako ron.. mga 20. 😭🤧🤧
kjungswift13 #2
Chapter 1: bakit naririnig ko pagkaconyo ni Krystal 🤣🤣
alpacadoo #3
Chapter 2: bakit ngayon ko lang nakita 'to 🥲
blckwllxx
#4
Chapter 2: I love itttt 😭💚 my lumot hearttt
nyanss #5
Chapter 2: thanks sa update
Vivian_Odal #6
Chapter 1: Nice
yujiverse
#7
Hmm
nyanss #8
Look interesting!
Cha-03 #9
another seulstal au 😍
THANK YOU AUTHOOR!!!