Balik Tanaw.

PS: May Babalikan Pa Kaya?
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi naman sa hindi ko alam ang daan papunta sa paborito naming tambayan noong high school ako pero.. saan nga ba ulit yon? Kanina pa ata ako palakad lakad sa oval nato pero di ko parin mahanap yung inaakyatan naming puno ng mangga noon bago makarating sa hideout namin. Basta ang alam ko aakyat pa yun eh.

 

Dala naba to ng pag tanda, pag labo ng mata o saydang tanga lang talaga ako sa direksyon. Hay buhay nga naman nakaka loka.

 

May nakasalubong pa akong mga bata Grade 9 na siguro tong mga to, nagtatakbuhan kase papunta sa field mukhang PE ata nila, gagi naalala ko tuloy si Sir. Gebs...

 

GRADE 9 SECTION ONE - AQUINAS 

 

Yawa talaga tong si Sir. Gebs di ko na alam trip nito eh, paikutin ba naman kame sa oval hanggang matapos period nya.

Parusa daw kase dinuga namin yung assessemnt sa kanya last week eh ka dali dali ahoy sino ba namang di makaka perfect kung ang sagot lang naman sa mga tanong eh True or False tungkol sa pag takbo. 

 

Sumigaw na ulit si Sir. Gebs na oks na daw pwede ng kameng mag pahinga, halos sabay sabay pa ata kameng bumagsak sa damuhan.

Ramdam ko ang pag kiling ng isang tao sa balikat ko, nakapatong lang yung noo nya don halatang nag hahabol din ng hininga.

 

"Ice kapa?" tanong ko bago iayos ang upo nya sa tabi ko.

"Medj, hirap tumakbo ng sabog" sabi nya na may mahinang tawa.

 

Inabot ko na lang sa kanya yung tubigan ko para makainom sya, sabay ko na ring pinunasan yung mukha at likod nya. Di na rin naman sya nag reklamo't sanay na naman to.

 

"Ano balak mo mamayang uwian?" tanong nya sakin bago ulit sumandal sa balikat ko.

"Uuwi syempre" kurot naman yung inabot ko don na tinawanan ko lang

"Ayos kase sisipain na kita dyan kanina kapa namimilosopo sa English class ha" inis na inis na talaga sya kase kung cartoons to baka may nalabas na nausok sa ilong at tenga nito.

"Wala haha, baka kumain lang ng kwek kwek tas tambay sa hideout.. ikaw ba?" tanong ko sa kanya.

"Syempre sasama sayo ano paba hahaha" sagot nya sabay hila sakin patayo dahil ayaw nya ng natutuyuan ng pawis sa likod.

 

Nag pahatak na lang ako, wala na naman akong magagawa hulog na hulog na kaya ako dito noh.

 

 

Nasan na kaya yun si Sir nag tuturo pa kaya yun dito? Mahanap nga mamaya yun makahingi na rin ng tips sa pagtuturo for future purposes lol, asa.

 

Ay putek, may hinahanap nga pala ako. Ambilis ko parin ma side track sa mga bagay bagay eh. Nag lakad lakad na lang ako hanggang sa makaabot ako dun sa isang building na halos saksi sa mga katangahan namin noon, ayos ah. May budget na sila sa gate and everything.

 

Naisip kong dumaan na rin muna sa bawat room, maaga pa naman di pa ako ma le-late. Una kong pinuntahan yung room sa first floor, wala namang nabago bukod sa mga updated na design at mga bagong gamit.

 

Mapapailing ka na lang talaga, akala ko dahil may budget na sila eh may chance ng matanggal yung bubble gum sa kisame na hinagis ni Lisa dati. Nandun parin yung hayop na yon.

 

Buti pa yun nag tagal samantalang sila ni Jennie hindi. Awts.

 

GRADE 9 SECTION ONE - AQUINAS 

 

"Dali na kase erp samahan mo na ako! Akala mo naman talaga nakikinig ka kay Ma'am Lieste!" pag pilit sakin ni Lisa.

 

G na g na kase sya puntahan yung nililigawan nya sa first floor. Jennie Lieste. Oo anak ng Science teacher namen na binabalak naming takbuhan.

Ewan ko ba kay Lisa kesa mag pa good shot mas trip pang I ditch klase sa soon to be mom-in-law nya.

 

"Alam mo putek ka, kala ko papa good shot kana kay Ma'am ha? Saka akala mo ba papayagan ako nun?" nguso ko sa direksyon ng kanina pa masama ang tingin saming dalawa

"A-ah eh ikaw na bahala dyan sa jowa mo dali naaaa" hindi talaga natininag si gunggong, taena ang sama na ng tingin ng jowa ko eh.

"Oo na teka dyan ka lang, papaalam ako" sabi ko sabay dahan dahang nakipag palit ng upuan kay Jisoo na katabi ng jowa ko.

 

"Pst, lalabas ako saglit" sabi ko na hindi sya nililingon, nasa pangalawang row kase kame halata kung mag fface to face pa kame.

"Bahala ka" matipid nyang sagot.

 

Bahala na nga talaga. Dahil eto na kame ni Lisa sa harap ng room nila Jennie, parang inasinan na bulate si Lisa nung sinabi ni Jennie na sila na daw eme eme basta sila na.

 

Sa sobrang pasikat pa nitong ni Lisa hinagis nya yung bubble gum pataas na dapat eh sasaluhin nya ulit gamit yung bibig nya kaso napalakas kaya ayun, na stuck sa kisame. Ako na yung nahiya para sa kanya.

 

Napa hampas pa tuloy ako sa pinto, shet, manunuyo pa nga pala ako mamaya.

 

 

Di parin ako maka get-over hanggang maka akyat ako sa second floor, hay the second hand embarrasment dama ko parin hanggang ngayon. Kamusta na kaya si Gunggong at yung bago nyang jowang hakdog.

 

Nag palinga linga naman ako sa paligid may nag kklase kase dito, ayoko namang maka istrorbo at pag pyestahan ng malupit. May biglang lumabas sa isang room kaya agad akong nag tago sa ilaim ng hagdan don sa malapit sa nakakasulasok na cr.

Nice di pa nga at ako aabot sa flight ko kung ito magiging rason bat ako ma dededs.

 

Ayokong magaya kay Byul nung Grade 10 kame...

 

GRADE 10 SECTION ONE - AQUINAS 

 

Napahawak na lang ako sa may gilid habang hinahabol yung hininga ko, chineck ko naman yung hila-hila ko baka kase mamaya naiwan na sya at kamay na lang pala nya hawak ko. Okay buo pa.

 

"Ays kapa?" tanong ko sa kanya bago punasan ang pawis sa noo nya

"Oum pagod, bat ba kase ako sumali sa hayop na laro nyo nila Byul?!" medyo pa sigaw nyang tanong bago tumawa.

"Aba eh sa taya-tayaan daw by partner alangan namang mang hila ako ng iba tapos sila jowa nila partner nila diba?" sabi ko bago sya hilahin patayo rinig ko na kase pag sigaw ni Joy at Yeri, sila yung taya, paakyat dito sa second floor.

 

Di na sya nakasalita nung bigla sumulpot si Yeri at tinaya kameng dalawa, wala na kameng choice kundi tumigil at saka tumakbo ulit para mag hanap ng iba. Di pa kame nakakalayo bigla nya akong hinila para tumigil.

 

"Dun sa Cr meron dyan sure ako" sabi nya habang tinatakpan ang ilong. 

 

Syempre masunurin ako kaya sinilip ko yung cr tapos yung hagdan, ay putakte!

 

"Taena Solar anyare dyan? Bat naka bulagta si Byul?!" tanong ko bago hilahin palabas ni Byul.

"Pota kase yan, napaka competitive ayaw lumipat, ayan nag collapse sa bango ng cr" inis pero natatawang sabi ng jowa ni Byul.

"Ikaw na mag hila dyan sa tropa mo papuntang clinic kita tayo don, tara na Sol hanapin muna natin yung iba" sabi ng jowa ko bago umalis kasama si Solar.

 

Hanep ka talaga Byul Trinidad, ubos sakin baon mo pag nagising ka.

 

 

Di ko na kaya, wala na rin naman ata yung lumabas na estudyante. Ambaho talaga don punyemas. Kinuha ko agad yung pabango ko at inispray sakin, yawa baka kumapit pa yung amoy sakin. 

 

Umakyat na ulit ako sa hagdanan, sumilip muna ako sa hallway dahil ayoko na ng round two sa ilalim ng hagdanan noh. Oks naman walang nag kaklase dito. 

 

Ah. Ito pala yung floor ng mga laboratory, weird talaga kapag napapadaan ako dito feeling ko may kung anong natingen at nasunod sakin. 

 

"Ay kalabaw ka!" sigaw ko sabay hawak sa dibdib ko, jusko san galing tong pusa na to. Bigla bigla na lang sumusulpot kung saan.

 

Naalala ko tuloy si d' cat na alaga namin dati...

 

GRADE 11 SECTION ONE - AQUINAS 

 

Nandito kame ngayon sa hideout, complete attendance from tops to bottoms, may emergency meeting daw sabi ni Nabongs.

 

"Mga bakla may ibbaby-sit tayo hanggang hindi ko alam san sya dadalhin" anunsyo ni Nabongs.

"Hoy gaga ka, nag nakaw na naman ng bata????!" sabi naman ni Wendy medyo oa kase nangyare na to before, tamang dagit yung 2yeon ng bata sa park tas sinama dito sa hideout.

"Tanga hindi, ayaw na pumayag ni Jeong nadala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
rywrites
And.. that's it! Ito na ang epilogue na hinihiling nyo! See u sa next story :D

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
37 streak #1
Chapter 3: What it special chap po? 🥺✊
its_aaarrriii
37 streak #2
Chapter 2: Sinong umiiyak kasi nireread? Syempre ako
kang_ddeul
#3
Chapter 3: waaaahhhh ang ganda po ng story, sobraaaa 😭✊ thank you po otor-niiim! 🥺✊
seulrenebears_
#4
Chapter 3: hnggggggg AAAAAAA HHHHHHHHHHHH
000014
#5
Chapter 3: ❤️
Enterusername_here
#6
Chapter 3: Ang lungkot ng 1st chap, pero oks lang SR pa din naman ang endgame at bumawi naman sa ibang chaps. Salamat otor!
000014
#7
Chapter 2: Seulrene endgame!!! Woot woot
Baechu29 #8
Chapter 2: Ayon na nga nagkita rin. Sana Seulrene din magka-baby.. charot unless.. 🤞🏼
ayedee
#9
Chapter 2: kinabahan ako dun akala ko totga na jusq
PineappleSeulgi
#10
Chapter 2: hehe special chapter hehe