seven

tell me how good it feels to be needed
Please Subscribe to read the full chapter

Maingat na inilapag ni Irene ang kaniyang salamin sa nightstand. Inilibot niya muna ang kaniyang mata sa loob ng kaniyang kwarto bago bumuntong-hininga nang malakas. 


Nagising na naman siya sa malabo niyang panaginip. 


Para bang isang normal na parte ng routine ni Irene ang magising sa isang panaginip na hindi niya maintindihan. 


Hindi nga ba niya maintindihan o ayaw niya lang intindihin? 


Umupo ito mula sa pagkakahiga, pilit inaalala ang panaginip na matagal nang gumagambala sa kaniya noong matagpuan niya ang sarili sa hospital. Pumikit si Irene nang maramdaman niyang sumikip ang kaniyang dibdib. 


Alam ni Irene na ang babae sa panaginip niya ay may malaking parte sa sarili niyang pagkatao. Alam din nito na matagal na niyang kilala si Seulgi dahil napapansin niya ito sa mga kilos ni Yeri kapag magkakasama sila.


Naputol ang pag-iisip ni Irene nang mag-ring ang kaniyang cellphone.


“Hey,” bungad ni Lisa. “Kagigising mo lang o ‘di ka na naman natulog?”


Tumawa si Irene. “Baliw. Kagigising ko lang.”


“Same old dream?” 


Tumango si Irene kahit hindi siya nakikita ni Lisa. “Yeah.” 


Bumuntong-hininga si Lisa bago sumagot. “Free ako today. May gusto ka bang gawin o puntahan?” 


Parang kidlat na pumasok sa isip ni Irene ang ideya na matagal na niyang gustong gawin. 


“Sure. I’ll text you when I’m ready.” 


“Okay, babe. Love you.”


Ngumiti si Irene. “Love you more.”

 

 

 

 

 

“Pumunta ka mamaya, ha!” sigaw ni Yeri sa telepono. Kausap nito ang bagong gising na si Seulgi.


“Oo na, pota ka! Pwede mo naman i-text, ba’t tumawag ka pa?” inis na balik nito kay Yeri.


“Ang sama talaga ng ugali mo! Birthday na birthday ko, ganiyan ka sa‘kin!” 


Binabaan na ito ni Seulgi dahil naririndi ito sa boses ng kaibigan niya. Narinig niya ang pagbungisngis ni Joy sa kaniyang tabi kaya napalingon ito rito. 


Ang nakabusangot niyang mukha ay napalitan ng malaking ngiti bago yakapin si Joy habang nakahiga sila. 


“You didn’t tell me gano’n pala kayo ka-close ni Yeri,” bungad ni Joy. 


“Ngayon na lang ulit kami naging ganiyan. Ilang years din kaming nawalan ng communication sa isa’t-isa,” walang lakas na tugon ni Seulgi habang nakapikit. 


Hindi na umimik si Joy. Hinayaan niya ang utak niya na tumakbo nang walang patutunguhan. Pumasok sa isip niya si Irene.


“Eh, ‘yung ibang friends mo dati? Close pa rin kayo?”


“You mean Byulyi and Irene?” 


“I— I didn’t say anything about—”


“Alam mong sila lang mga nakakasama ko dati,” walang ganang sabi ni Seulgi. 


Tuluyan nang walang nasabi si Joy, takot na baka sa susunod na bumuka ang bibig niya’y umalis si Seulgi at piliing mapag-isa. Nanahimik siya nang ilang minuto. 


“Maligo ka na. Aalis tayo,” sabi ni Seulgi.


“Sa’n tayo?”


“Bibili ng regalo ko kay Yeri.”

 

 

 

 


Magkalayong naglalakad ang dalawa habang nagtitingin sa department store. Ang mga mata ni Seulgi ay naka-focus sa mga gamit, habang ang kay Joy naman ay nasa kabilang direksyon. 


Kahit hindi man sabihin ay alam niyang may tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nabanggit niya ang pangalan ni Irene, pero wala naman siyang masamang intensyon no’ng sinabi niya ito. Hindi pa kaya siya nakaka-move on? 


Masyadong imposible, isip ni Joy. Alam niyang mahal siya ng kaniyang girlfriend at hindi nabigo sa pagpaparamdam na mahal ito ni Seulgi. 


Walang kamalay-malay ang dalawa na halos magbangga na ang kanilang mga katawan habang naglalakad. Unti-unting inabot ni Seulgi ang pinky finger ni Joy gamit ang kaniyang sariling pinky finger. Hindi na maitago ni Joy ang kilig na nararamdaman niya. 


Whipped pa rin talaga. 


“May nagustuhan ka na ba?” tanong ni Joy. 


“Ikaw gusto ko,” palokong sagot ni Seulgi. 


Hinampas naman ito ni Joy sa braso at sabay sabing, “Ano nga? Wala ka pa ring nahahanap?”


“Maarte kasi ‘yun si Yeri, eh! Baka mamaya maasar pa ‘yun sa mabibili ko,” sabi ni Seulgi. 


“Paano sasaya ang birthday kung hindi maaasar ang birthday girl?” taas-kilay na sabi ni Joy, sinusuhulan si Seulgi na gaguhin si Yeri. 


Nagsimula silang maglakad papunta sa mga hilera ng t-shirts hanggang sa napadpad sila sa pakay nila. Malalaki ang ngiti sa mga labi ng dalawa dahil maaasar nila si Yeri.


“Ano pa magandang ibigay?” tanong ni Seulgi kay Joy. 


“Okay na ba ‘yan sa‘yo?” tanong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Varcenciel21
#1
Chapter 2: di ko yata kaya 🥲
akosizig #2
Chapter 3: nakakaexcite naman kung ano na magaganap between seulgi at irene (kung meron man) pero nakakaawa na so far si seulgi lang nakakaalala sa nangyari sa kanila >: also worried para kay joy dahil sa mga happenings AHHHHHH ( also yay nag update ka na ulit otor-nim! sana masarap ulam mo today <333 )
akosizig #3
Chapter 2: otor-niiim balik ka na poooo
svgktrn
#4
Chapter 1: Ramdam kong iuupdate mo to bukas
yujiverse
#5
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#6
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#7
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#8
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#9
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#10
Chapter 1: Continuation plz