six

tell me how good it feels to be needed
Please Subscribe to read the full chapter

Mabilis na inubos ni Seulgi ang kape niya at dali-daling pumunta kay Joy at humalik sa ulo nito.


“Alis na ‘ko, babe. Call me if you need anything, ha?” paalam ni Seulgi bago tumungo sa pinto. 


Nginitian lang ito ni Joy at pinanuod ang kaniyang girlfriend na lisanin ang kaniyang unit. 


Sinabi sa kaniya ni Seulgi na may meeting sila no’n client niya na interested sa paintings na ginagawa niya. Sinabi rin nito kay Joy ‘yung gusto ng client na gumawa muna ng portait no’ng client. 


Nakinig lang naman si Joy sa kwento ni Seulgi about sa new client niya, pero alam niyang may iniiwan siyang details na ayaw niyang ipaalam. 


Nagmamadaling bumaba sa condominium si Seulgi habang hawak ang cellphone. Sinusubukan niyang tawagan si Yeri dahil tanghali na ito nagising. Hindi niya na rin nagawa pang kainin ang almusal na hinanda ni Joy para sa kaniya at inubos na lang ang kape. 


Agad siyang sumakay sa kotse niya at nagsimulang tahakin ang daan papunta sa usual cafe na favorite nila puntahan dati ni Irene na ngayon ay meeting place na lang nila.


Hindi sumasagot si Yeri at hindi niya alam kung bakit. Ang alam niya ay palaging kasama ni Irene si Yeri kapag pupunta sa mga meeting nila. Hindi niya natanong ito kung sasamahan niya rin ba si Irene noong araw na iyon. 


Ang dating dalawampung minuto ay naging sampung minuto lang para kay Seulgi. Nag-park ito sa designated area para sa mga customer ng cafe at palakad-takbong pumunta sa entrance.


Hindi niya alam na simula pagkarating niya ay sinusundan na siya ng tingin ni Irene habang mag-isang naghihintay sa kaniya sa loob ng cafe. Pati si Irene ay walang kaide-ideya kung paano niya nalamang kotse iyon ni Seulgi. 


Parang may sariling buhay ang kaniyang labi na nagpakita ng maliit na ngiti nang makita niya ang pagkatisod ni Seulgi sa lubak. Umiling-iling si Irene at sinubukang pigilan ang pagngiti. 


Yeri’s right. She’s really stupid. 


Binuksan ni Seulgi ang pinto at naunang isilip ang ulo bago ipasok ang buong katawan sa shop. Hinanap muna ng kaniyang mata ang pamilyar na hulma ng katawan ni Yeri, pero ibang pamilyar na katawan ang kaniyang nakita. 


Kahit nakatalikod ito ay alam niya kung sino ang may-ari no’n. Sa sobrang pagkapamilyar niya sa katawan na ‘yun ay alam niya ang bawat sulok nito kahit nakapikit siya. 


‘Tang ina mo, Yeri. 


Sa mismong oras na ‘yun ay nag-vibrate ang kaniyang cellphone.

 

From: nano yeri


enjoy. i know you’ve been waiting for this. :D

 

‘Tang ina mo ulit pero true. 


Tumikhim si Seulgi at tahimik na humakbang papasok ng shop. Nginitian siya ng mga pamilyar na crew. Kita sa kanilang mukha na nang-aasar ito sa kanila ni Irene. 


Parang binuhusan ng tubig si Seulgi nang maalala niyang hindi na pala sila. Na hindi na siya naaalala ni Irene. 


Umupo siya sa harap nito at ngumiti pagkarating niya sa pwesto ni Irene. Ginantihan din siya ng ngiti ng babae. 


“So,” panimula ni Irene. “How’s the project? Okay ba?” 


“A–Ano kasi,” utal na sabi ni Seulgi. Tinaasan ito ni Irene ng kilay. “Wala akong makopyahan ng portait mo. Wala akong certain piece sa isip ko since isang beses pa lang naman kita nakita.”


Katumbas ng isang libong kutsilyo na nakasaksak sa kaniyang katawan ang sakit nang sabihin niya ang huling pangungusap. Nanuyo ang lalamunan ni Seulgi kaya peke siyang umubo sa harap ni Irene. 


“Oh,” sabi ni Irene nang ma-realise niya ang sinabi ni Seulgi. “I’m sorry, hindi ko naalala na wala pala akong nabigay sa’yo na guide. It’s okay, wala naman akong binigay na deadline.”


“No, it’s fine. Wala pa lang talaga akong maisip na theme ng portait.”


“You can just draw my face and that’s it.”


“I’m sorry, but I don’t do it that way, Ms. Bae,” sabi ni Seulgi.


Nanliliit ang mga mata ni Irene at tumitig kay Seulgi panandalian. 


“Should I airdrop my picture to you so you can have your guide?” suggest ni Irene. 


“Sure thing.”


Hinanap ni Irene ang kaniyang cellphone sa kaniyang maliit na bag pero wala itong nakita. Kinapa niya rin ang kaniyang mga bulsa pero wala pa rin itong makitang cellphone. 


“,” mura nito. 


Napatingin sa kaniya si Seulgi na parang may ideya kung ano ang nangyayari. Nanibago ito dahil bihira lang makaiwan si Irene ng gamit. Doon lang pumasok sa kaniyang isip ang lakas ng epekto ng aksidente sa kaniyang utak. 


“Is everything okay, Ms. Bae?” tanong ni Seulgi.


“I forgot to bring my phone,” sabi nito. 


“Oh...”


“Seulgi,” tawag nito. “Do you have a studio or something?”


Wow, first name basis na ba kami?


“I do have a studio. Why?”


“Let’s go there. Let’s do the portrait.”

 

 

 

 

 


Walang imik na pumasok ang dalawa sa loob ng studio ni Seulgi. Pagkasara ni Seulgi ng pinto ay napapikit si Irene ng mata at nilanghap ang pamilyar na amoy ng silid.


“Bakit parang,” sabi ni Irene. “Parang...”


Sinubukan niya ulit itong amuyin. Talagang magiging pamilyar ang amoy ng studio para sa kaniya dahil sa simula’t sapul, ang paborito niyang amoy ng kandila ang laging ginagamit ni Seulgi kahit noong mga panahong nasa hospital siya at nagpapagaling. 


Kahit ngayong hindi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Varcenciel21
#1
Chapter 2: di ko yata kaya 🥲
akosizig #2
Chapter 3: nakakaexcite naman kung ano na magaganap between seulgi at irene (kung meron man) pero nakakaawa na so far si seulgi lang nakakaalala sa nangyari sa kanila >: also worried para kay joy dahil sa mga happenings AHHHHHH ( also yay nag update ka na ulit otor-nim! sana masarap ulam mo today <333 )
akosizig #3
Chapter 2: otor-niiim balik ka na poooo
svgktrn
#4
Chapter 1: Ramdam kong iuupdate mo to bukas
yujiverse
#5
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#6
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#7
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#8
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#9
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#10
Chapter 1: Continuation plz