Kunwari; Sandali, Saglit

Kunwari; Sandali, Saglit

Recommended Pre-Reading Listen:

  1. Kahit Kunwari Man Lang, Agsunta & Moira dela Torre

 

 

Yes, I usually suggest 2-3 songs, but hey, it’s a commish. Oh, and for clarification purposes kasi feeling ko ang hilig ko mag-rap sa narrations: Uno is Seulgi, Dos is Jennie, and Tres is Karina.

 

Enjoy!

 

 

 

Kunwari; Sandali, Saglit

 

 

Sabi nila, "it takes a second to jump over the fence between what's normal and what is uncertain".

 

Pero hindi ko ugaling tumalon sa bakod—as always. Hindi ako kagaya ng mga kapatid ko, lalo si Dos. You see, Dos and our youngest, Tres, are both achievers. While Dos was the sharpest and the one with the most medals and certificates on our family wall, Tres took the most risks—the family athlete and the trophy-hogger. Habang ako, ang panganay, mas maraming laman ang backpack kesa nailalapag sa lamesa.

 

“Good job.”

 

Dalawang salita. Habang madalas marinig ng dalawang kapatid ko, pinaka-aasam ko naman matanggap mula kay Dad. Paano, mas marami akong natatanggap na salita mula sa kanya, and less of his smiles:

 

“Uno, this is fine, but you can do better.”

 

Siyam na salita. Mas mabigat sa dibdib.

 

Kung sana lang hayaan niya akong i-pursue ang arts, baka—baka lang—may maiuwi naman ako sa bahay naming mala-ginto.

 

Kaya naman sa biyahe ko palabas ng kamusmusan, natutunan kong maging maingat. ‘Pag maingat ka, mas kakaunti ang pagkakataong magkakamali ka; mas kakaunti ang pagkakataong mawawalan ka.

 

Sa ganitong paraan, you carry less scars.

 

Minsan lang, pakiramdam ko mas nakakabigat kesa nakakatulong. Minsan kasi—minsan lang—may mga punto sa buhay ko na gusto kong humakbang pero hindi ko magawa. At sa mga nalikom na mga minsang ‘yan—sa ‘mang-ilan ilang minsan na ‘yan—doon pa pinakamalakas ang batak ng pagsisisi ko.

 

Dahil sa pag-iingat ko, baliktad ang madalas na takbo ng bagyo ng mga damdamin ko—‘yong mata nasa labas, ‘yong hagupit naman at buntot nasa loob kung saan ako lang nakakaalam, ako lang nakakakita, ako lang nakakaramdam, at ako lang nagdadala.

 

Takot siguro ang tawag ng ibang tao dito; hindi pag-iingat. Sabi nga ni Joohyun, "it's 2020" at ano pa daw ba kinakatakot ko? Nakakatawa. Tikom bibig na lang ako—as always.

 

Napakaraming pwedeng mangyari eh. Napakaraming nasa likod ng "uncertain". I can't jump, and no, hindi dahil hindi ako marunong at generally lampa lang talaga ako; pero dahil maraming bagay ang hindi ako handang harapin, handang alamin, o handang bigyan ng mas malinaw na ukit.

 

I am completely fine in the safe zone. Dito, tahimik ang paligid ko. Dito, hindi ako nakikita ni Dad. Dito, nothing comes too close to my heart; dito, walang pwedeng manakit pa sa akin.

 

Simple lang naman ang code para hindi mabuwag ang ganyang arrangement: don’t let anyone in.

 

But maybe life has other plans.

 

Life likes ing around because it gave me my very own Trojan Horse—a safe little gift to my frustrating little life. At siempre, oo, little din siya. Pocket-sized and the only thing precious and keeping me afloat on the daily.

 

Funny. Horse. Ironically, sa track oval ko rin siya nakilala.

 

 

 

//

 

 

 

Thirteen years old.

 

Nililinis ko salamin ko habang sinusubukang tantiyahin ang mga manlalarong naka-posisyon na sa panimula ng oval. Naka-ilang siko na rin sa Mama sa akin para ayusin pag-kuha ko ng litrato kay Tres na eleven lang at the time.

 

“Karina, I love you!” malakas na sigaw ng isang lalaki na nakapwesto sa harap namin. Pinigilan ko naman agad ang tatay kong ibabato na sana ang iced tea niya sa lalaki.

 

“Dad, hayaan mo na,” medyo natatawa kong awat.

 

“Alam ba niyang bata pa si Tres?”

 

“Harmless fan naman yata, Dad,” sabat naman ni Mama.

 

“Harmless, harmless,” sagot ni Dad habang casual na binato ng isang pirasong french fry si kuya sa harapan na mukhang hindi naman na-bother, “tatlong babae mga anak ko, kaya doble ingat ko.”

 

My Dad. He’s okay. He can be great, too, sometimes.

 

“We are perfectly capable of taking care of ourselves, Dad,” sabi ni Dos, who was twelve at this time. Dahan-dahan na rin nitong inagaw kay Dad ang paper cup ng french fries.

 

“Jennie, this is a man’s world,” mabilis na sabat ni father-dear na siya namang dahilan ng pag-iling ko.

 

Basic lang siya minsan. The patriarchal kind. I am sure Dos thinks the same dahil nakita ko naman agad ang ismid niya.

 

Habang abala ang pamilya ko sa pagtanaw kay Tres, hindi naman labas sa pansin namin ang biglaang ingay sa kabilang banda ng bleachers. Malakas na hiyawan—kagaya lang nung mga hayop sa Lion King noong ipepresenta si Simba.

 

“Anong meron?” sarkastikong tanong ni Dos.

 

Joohyun ang ‘meron’.

 

Ito ang pinaka-unang beses ko siyang nakita.

 

Kasabay ng pag-announce ng eskwelahang kanyang nirerepresenta ang pagsigaw ng announcer ng pangalan niya. Lalong umingay ang ‘fans’ niya; nahihiya’t natatawa naman siyang kumaway sa kanila.

 

“ANG GANDA MO!” litaw namang sigaw ng isa sa mga ka-eskwela namin sa baba.

 

Sa gilid ng paningin ko, hindi ko na naawat ang tatay kong nagmumura dahil traydor daw si kuya. Hindi ako bulag, kaya agree naman ako kay kuya. ‘Bae Joohyun’, even then, was very beautiful.

 

Tumunog ang airhorn, hiyawan ang mga tao, ang mga mata ko naman dahan-dahang lumipat mula sa kapatid ko at papunta kay Bae Joohyun.

 

At gaya nga ng sabi ko, hindi ako nabangga ng sasakyan noong dumating siya sa buhay ko, ‘stylishly’ siyang pumasok; hindi biglaan—swabe at gaya ng pagtakbo niyang puno ng determinasyon.

 

Napalunok ako.

 

I wish I could be like that; tatakbo ng buo at walang takot papunta sa target niya—

 

Higit sa lahat, ganoon lang, ‘di ko na napansin ang pamilya kong nagkakagulo; ang buong atensyon ko naagaw na ni Joohyun.

 

 

 

//

 

 

 

Yakap ni Tres ang trophy niya. Si Dad nasa kaliwa niya, si Mama at Dos naman sa kanan. Hindi na ako sumali sa litrato. Nagpresenta na akong kumuha ng picture, dahil ako naman daw ang ‘maayos’ kumuha ng litrato sa amin.

 

Sa utak ko, iniisip ko: ang perfect tignan ng pamilya ko without me in the picture.

 

Maya-maya lang ay sinamahan na nila Mama si bunso magbihis, at ako naman inaliw ko na lang sarili ko sa pagkuha ng random pictures ng happy crowd. Nakakatuwang tignan ang energy ng mga tao.

 

At kakakuha ko ng litrato, napalayo ako sa mas maraming tao at napunta sa ilalim ng bleachers kung saan narinig ko ang maliliit na hikbi ng isang babae.

 

Lumingon muna ako sa dating pwesto ng pamilya ko at nang makita kong hindi pa nakakabalik sila Mama, ibinaling kong muli ang atensyon ko sa naririnig kong tunog. Sinundan ko pa ito hanggang matagpuan ko si Bae Joohyun na minamasahe ang kanang paa niya.

 

Wala akong naaalalang na-injure siya kanina.

 

If she was hurt, magaling siguro siya magtago ng nararamdaman.

 

Nag-alangan ako lumapit, pero sa bawat kapa niya sa paa niyang maga, pakiramdam ko kumikirot din puso ko.

 

“Excuse me?” panimula ko. “Hi. Gusto mo ng tulong?”

 

Nanlaking panandalian ang mga mata niya at nang masilayan niya ako, agad naman nitong pinunasan ang mga luha niya at pinilit ngumiti.

 

“Uh, hi!” bati niya habang agad niyang sinubukang binabalik ang sapatos niya.

 

“May jug ako dito ng tubig. Malamig ‘to,” mabilis kong awat sa kanya. Tinanggal ko agad ang jug mula sa pagkakasabit ng strap nito sa leeg ko. Inabot ko sa kanya pero tinignan niya lang ito.

 

Napakamot ako sa batok ko. Mga ilang sandali pa’t ‘di niya ito kinuha, lumuhod na ako sa harap niya’t tumingin sa kanya nang may bahagyan paghingi ng permiso.

 

Tumango siya.

 

May kaunting pag-aalangan, nilapat ko ang isang kamay ko sa paa niya’t inangat ito, habang ang kabilang kamay ko naman ang may hawak ng lunas sa sakit na nararamdaman niya.

 

Umaray siyang kaunti pero maya-maya lang ay tumawa na ito, “wala akong alipunga.”

 

Natawa na rin ako.

 

At ganoon lang—sa loob ng isang saglit—nabigyan ako ng pagkakaabalahan ko: buhat at lunas.

 

Pagbubuhat sa mga paa niya para umakyat siya. Pagiging lunas sa mga sakit na nararamdaman niya.

 

 

 

//

 

 

 

Sixteen years old.

 

Graduation ni Karina from Junior High bukas at marami siyang tatanggapin, kasama na athletics award. Dad wouldn’t shut up about it, kaya pagkatapos ng pag-tweet ko ng simpleng smile emoji kanina, nilunod ko sarili ko sa drawing. Ayaw ko marinig ang kasunod.

 

“Ano ‘yan?”

 

Nagulat ako. Biglang litaw naman si Joohyun sa may likuran ko. Sinara ko agad ang sketchbook ko.

 

“Paano ka nakapasok?”

 

“Pinapasok ako ni Tita. Alam mo namang malakas ako doon. Tinatanong niya nga ako kung gusto ko ng pares. Sabi ko hindi ako mag-oovernight pero pinilit niya ako. Tangkad na ni Karina. Ikaw na ata pinaka-maliit sa inyo.”

 

Napakadaldal.

 

“Ano nga ‘to?” mabilis naman niyang naagaw ang sketchbook. Nagmadali akong bawiin mula sa kanya, pero siguro nga mahirap manghuli ng maliit.

 

“Hyun!” banta ko. “Akin na please!”

 

At dahil nga lampa ako, ang ending naman namin ay nakita na muna niya lahat ng nasa sketchbook ko bago ko ito mabawi sa kanya.

 

“Ano kasi ‘yan? Bakit naman hindi alam ng mundo ‘yan?”

 

‘Di na ako sumagot sa inis ko. Bumalik na lang ako sa desk ko at padabog kong binuksan libro ko sa Math. Agad naman niyang napansin ang kakulangan ng bati mula sa akin.

 

“Uy,” naramdaman ko na siya sa may likuran ko’t yumakap na ito. “Sorry na, Seul. Ganda kasi ng drawing. ‘Di ko alam bakit hindi mo pinapakita sa mundo ‘yang talent mo na ‘yan.”

 

Naiinis pa din ako, kahit na medyo gumaan naman loob ko sa pagkakarinig ko ng palayaw niya sa akin. Ang mga kaibigan ko at pamilya, Uno talaga tawag sa akin. Pinili niya ang ‘Seul’, sabi niya wala raw pressure sa simpleng palayaw—walang associated thoughts and memories.

 

“Seul, huy.”

 

“Ano?” bahagyang inis ko na lang na itinanong.

 

“Sungit naman.”

 

Katahimikan.

 

“Ang galing mo palang mag-drawing, no?”

 

Padabog ko nang itinago ang sketchbook ko sa drawer ko.

 

“Huy! Grabe ‘to! Tinignan ko lang eh!”

 

“Bakit ka kasi andito?” tanong ko ng mariin at hinarap na rin siya.

 

Naka-pout na si gaga.

 

“Ito naman. Namiss lang kita eh.”

 

“Namiss lang kita eh,” sarkastiko at mapang-asar kong ulit sa sinabi niya. Hinampas naman ako agad nito, ako naman ang tumatawa ngayon.

 

Ganoon lang. Ganoon lang, ako na ang kailangang manuyo. Nabaon na sa limot ang atraso niya.

 

“Nakakaasar ka. Meron ka ba at ang sensitive mo ngayon?” naka-pamaywang na siya’t nakataas ang kabilang kilay.

 

“Walang matatakot sa ‘yo kung ganyan ka kaliit. Mukha ka nang rabbit na inagawan ng carrots,” biro ko naman sa kanya habang nagpipigil ng tawa.

 

“Funny ka?” sagot niya.

 

“Slight,” sagot ko na dahilan naman para umikot na siya’t aktong palabas na ng pintuan ng kwarto ko.

 

Agad ko siyang binatak sa may kamay niya’t kinulong sa yakap ko. Alam ko may problema ‘to. Hindi naman niya nilabanan ang paglambing ko.

 

“Tama na. Sorry na. Ikaw kasi eh,” bulong ko sa kanya habang inaamo siya. Natawa lang ako lalo nang bahagya kong iatras ulo ko’t makitang tinitignan niya ako ng masama. Hinampas niya ako sa likuran gamit ang braso niyang nakawala sa bisig ko. Bayolente kahit kailan.

 

Kanina lang ako ang lugmok dahil sa pamilya. Ilang saglit lang din mula kanina, ako ang may konting inis kay Joohyun. Pero nalimutan ko agad.

 

“May problema?” bulong ko nang maramdaman ko na siyang mag-relax.

 

Tumango lang siya.

 

Nakitulog siya nang gabing iyon. Kinwento niya sa akin ang kaba niya sa paparating na taon. Pinapakuha raw siya ng UPCAT ng magulang niya. Sandaling lumitaw sa isip ko ang DSLU-CET na kailangan ko rin  paghandaan, pero ‘di ko na binanggit sa kanya. Hinayaan ko siyang magkwento.

 

Pakiramdam ko kasi ang liit-liit niya’t nanliit pa sa yakap ko habang kinukwento niya ang lawak ng mga problema niya at mga bagay na inaalala niya.

 

Hinintay ko nang makatulog siya.

 

Kinabukasan, dalawang notification ang natanggap ko sa madalas naman ay tahimik kong phone—si Joohyun na gumawa ng art dump ko sa Instagram, at si Joohyun na nag-ayang mag-review:

 

Hyun: Love you, Seul. Higit pa sa higit ko. Ew.

 

Hyun: Arat, McDo. Turuan mo akong stats, please?

 

 

 

//

 

 

 

Sixteen and a half.

 

Sa McDo, Katips. Pwede namang sa Greenhills kami magkita na ilang minuto lang ang layo sa bahay, pero mas malapit sa bahay nila ang Katipunan.

 

“Usual, Hyun?” tanong ko sa babaeng nakabaon na ang mukha sa mga reviewer na nasa harapan niya.

 

Pilit niyang inangat ang ulo niya. Nagmarka na ang print ng isang statistical probability question sa pisngi niya. Tango naman siya’t may bahagyang pout, “sundae at fries, please?”

 

Natawa ako’t kumuha ng tissue. Pinunasan ko agad ang gilid ng mukha niya, at hinayaan niya ako.

 

Nanikip dibdib ko ng mag-tama ang mga mata namin.

 

“Pangit mo,” pag-asar ko sa kanya; pambaling ko na rin sa mabibigat na kamay na kumakatok sa puso ko, “may drawing na ng dice sa mukha mo.”

 

Tinulak niya kamay ko’t nanlisik ang tingin niya.

 

Napalakas ang kumakatok sa dibdib ko.

 

Ano ‘to?

 

Pinilit ko na lang tumawa para hindi niya mapansin ang taranta ko. Hindi naman siguro niya napansin? Tumayo na ako at agad kong naramdaman ang panlalamig ng mga paa ko.

 

Tumungo ako sa harap ng counter na parang may dalang bagyo sa utak ko—and no, hindi ang problems na ni-review ko. Sinarili ko na lang ang panginginig ng kamay ko. Nag-focus na lang ako sa dilaw ng limang daan sa kamay ko. Dilaw na tila warning light.

 

“Hello, po! Usual po?” ‘masayang’ bati ni ate sa counter na kilala na kami kaka-punta namin dito.

 

Nahugot ng sapilitan mula alapaap ang utak ko, at gaya ni ate, pilit rin ang ngiting ibinalik ko.

 

“Opo, ate.”

 

“Bale dalawang large fries, dalawang sundae, choco-fudge? Gusto niyo mag-try ng bagong combo? Caramel naman?”

 

Isang saglit ng konting tigil. Napalingon ako sandali kay Joohyun na nagbubuklat na ulit ng librong baliktad na ngayon. Sa sobrang pagod niya mukhang lutang na siya. Naantala naman agad ang damdamin kong kanina lang ay nakakaalarma ang pagka-yanig. Madalas kailangan niya talaga suporta ko.

 

Bumalik ang tingin ko kay ate sa harapan ko.

 

Umiling ako.

 

May mga bagay na hindi pwede baguhin.

 

Safe zone.

 

 “Hindi na, ate. Usual pa din.”

 

 

 

//

 

 

 

Seventeen years old.

 

Mahina siya sa Math na kahit paano naman ay nginunguya lang namin sa pamilya, kaya habang papalapit ang UPCAT, binuhos ko oras ko sa pag-gawa ng reviewer ni Joohyun kesa tutukan sarili kong entrance exam.

 

Pinagtiyagaan ko siyang tutukan kahit na minsan binabato na lang niya ako ng kung anong pwede niya ibato sa akin dahil kinakantiyawan ko na siya.

 

Nabato na ako ng gamit na straw, ng kahon ng fries, ng tray, at ice.

 

Gaya ng malamig na yelo na tumama sa ilong ko one time, malamig na pag-amin din sa sarili ang gumulantang sa akin.

 

Tuesday no’n. Tinatapos niya ang isa sa mga reviewer ko. Tumingin siya ng sandali sa akin at nahuli akong nakatingin lang. Ngumiti siyang marahan at nagpalit ng kulay ng ballpen mula sa itim na hawak niya kanina.

 

“Tapos na,” simple niyang sinabi, sabay kuha ng red na ballpen.

 

Alam kong tinutukoy niya ‘yong ginawa kong reviewer, pero, oo, I agree—tapos na.

 

Tapos na ako;

 

Katapusan ko na;

 

Dahil na-realize ko; inaamin ko: wala na akong iguguhit pang kahit ano kung hindi siya.

 

“Sana pumasa ako,” naramdaman ko ang bigat ng tatlong salitang lumabas sa bibig niya, at paulit-ulit kong inawat ang sarili ko gamit ang tatlong salitang akin naman: kailangan niya ako.

 

Napunta sa hawak niyang ballpen ang paningin ko. Pula—pula parang red light. At ganoon lang, nilunok ko lahat at nagsarili pang muli.

 

“Papasa ka,” sagot ko.

 

Sa gabing ‘yon, sa dami ng tumatakbo sa isip ko, hindi ko na na-checkan ang ginawa kong exercises para sa kanya.

 

 

 

//

 

 

 

“Ate! Pumasa ka!” masayang bati ni Tres pag-uwi ko isang araw, pero kahit na anong liwanag ng ngiti ng bunso namin, kita ko naman ang pag-aalala sa mukha ni Dos na katabi ni Dad at hawak ang papel na may katiting na bahid ng green.

 

Sharp ang kasunod kong kapatid; alam niyang hindi natutuwa si Dad sa results ng exam ko.

 

“Uno, this is fine, but you could have done better,” alam ko namang ‘yan ang lalabas sa bibig ng tatay ko.

 

But that doesn’t mean it doesn’t hurt.

 

Ngumiti lang akong bahagya nang yakapin ako ni Karina para takpan ang pait na nagbabadyang umakyat sa tanaw ng pamilya ko—as always.

 

Nagkulong ako sa kwarto buong gabi, pinuno ko ang sketchbook ko ng bukod tanging bagay na nakakapagpakalma sa akin: si Joohyun. At ang Instagram art dump ko, pinuno ko naman ng kuneho.

 

Kunehong tumatakbo. Kunehong may benda sa paa. Kunehong kumakain ng fries. Kunehong masungit. Kunehong nakasalamin at nagbabasa ng baliktad na libro.

 

Nakita ko naman ang sunod-sunod na notification na lumitaw sa lock screen ko. Mukhang ni-like lahat ni Joohyun ang bandang kuneho ko.

 

‘Di ko na napigilang umiyak. Wala namang nakakakita. Pinakawalan ko.

 

At maya-maya lang tumatawag na ang kuneho ko. Pinunasan ko agad ang mga luha ko at huminga ako ng malalim na malalim, hagod hanggang ibaba ng baga ko, bago ko sagutin:

 

“Uy, Hyun. Musta?”

 

“Seul?” puno ng tanong; hindi tago ang pag-aalala.

 

“O?” pag-ulit ko naman—puno ng pangungulila’t pangangailangan; tagong-tago naman. “May problema ba?”

 

Pagbaling ko.

 

Narinig ko ang malalim na paghinga niya, bago ito magsalita, “pumasa ako.”

 

“Uy! Sabi sa ‘yo eh!” ganoon lang. Ganoon lang, nawala ang bigat.

 

Para kong naririnig ang ngiti sa susunod na mga salita niya, “celebrate tayo, Seul?”

 

“Libre mo?” biro ko.

 

“Oo, libre ko. Arat, Greenhills naman tayo.”

 

Greenhills?

 

“Naks, change venue ah.”

 

“Ulol, hatid-sundo mo pa rin ako.”

 

Tumawa na lang ako—abot mata, abot kaluluwa.

 

Salamat, Hyun.

 

 

 

//

 

 

 

Bago matapos ang gabi. Isang kuneho pa ang nadagdag sa Instagram ko: kunehong natutulog sa gitna ng sako-sakong dolyar. Agad naman ako tinext ni Joohyun ng isang simpleng ‘gago’.

 

Natulog akong mas magaan ang loob at masaya sa sarili ko.

 

 

 

//

 

 

 

Eighteen years old.

 

Sumali si Joohyun sa UP Pep Squad, at sa bawat gabi na natatapos at umiiyak siya dahil sa training, chaperone ako. Hindi issue sa akin ang gas at ang layo ng Taft sa Diliman.

 

Sinusundo ko siya’t sinasalubong ng ‘light snacks’ dahil kuntrolado na pati pagkain niya. Siempre cross out na ang usual sundae at fries namin. ‘Di ko alam bakit, pero nakaramdam ako ng diin sa puso ko sa fact na ‘yon. Hinahatid ko na rin sa bahay nila.

 

“Seul?” tanong niya isang gabi nang marahan ko siyang ginising mula sa ‘di planadong pagkakahimbing niya sa passenger seat.

 

“Nandito na tayo,” halos pabulong kong sagot. Naubusan na rin siguro ako ng hangin sa dibdib sa ilang minutong pagtitig ko sa kanya kanina. Ilang taon na rin, siya pa rin pinaka-magandang bagay na nasilayan ng paningin ko.

 

Tumango lang siya pero bumalik din sa pagtulog.

 

Natawa ako.

 

Tinanggal ko jacket ko at ikinumot sa kanya. Hinintay ko nang siya ang kusang gumising, at pagka-gising niya, hindi ko na rin binawi jacket ko.

 

 

 

//

 

 

 

“Ano nga course mo, neng?” harmless namang tanong ni Dad kay Joohyun sa hapag-kainan namin sa bahay.

 

Nakumbinse ko kasi si Mama na imbitahan si Joohyun sa amin sa sembreak at ipagluto ito ng paborito niyang pares.

 

“EL po.”

 

“European Languages?” nakangiting sagot ni Dad sabay bahagyang tutok ng baso niya, “mahusay. Anong major mo? Graduate din ako ng CAL, neng.”

 

“Isko po pala kayo,” mungkahi ni Joohyun. “French po.”

 

“Oo,” itinabi na ni Dad ang baso niya pagkatapos nito uminom, mukhang mahaba-habang tanungan ‘to. Nakaramdam na ako ng unease. “Hindi dalawa kinuha mo?”

 

Umiling si Joohyun, “nasa plan two po ako eh; bale comm-res po pangalawa ko.”

 

Energetic ang tango ni Dad. “Speaks French and is into research. Quite the catch for the boys, ah. Naka-bingo ang boyfriend mo.”

 

Tumawa na lang si Joohyun. “Wala po akong boyfriend eh.”

 

Nakangiti pa rin naman si Dad. Good sign naman ‘yon. “Studies first kind of girl?”

 

“Hindi naman po,” natatawa na naman si Hyun, buti sport ang best friend ko, “wala lang po  akong gusto sa mga manliligaw ko.”

 

“Ouch!” biro ni Dad at sabay hawak kunwari si dibdib niya, “poor boys.”

 

“Pati ata girl nakapila diyan kay Ate Joohyun. Nagkakagulo sila sa Twitter mentions niya,” mungkahi ni Tres. Natahimik si Dad. Ako naman ang uminom ng tubig.

 

“Ah, buti nang hindi niya sila pansinin kung pati sila pumipila sa kanya,” sagot ni Dad. Nakiusap ako kay Mama na ilapit ang pitsel ng tubig sa akin. Nangalahati na ito kakainom ko.

 

Hindi sumagot si Joohyun, pero nakita ko ang marahang pagtingin niya sa akin, na tila ba humihingi ng back-up. Hindi ako makapag-salita. Isa, dalawa, tatlong saglit pero pakiramdam ko isang nakakasakal na minuto ang itinagal.

 

Dad can be exhausting to talk to. I get her.

 

Nang ihatid ko siya pauwi, tahimik siya.

 

Hindi naman ako umimik—as always.

 

 

 

//

 

 

 

Nineteen years old.

 

At siempre, walang husgahan, pero sa unang CDC na sasayaw si Joohyun, mas malakas sigaw ko para sa UP Pep Squad kesa Animo Squad.

 

Game naman ang mga lasalistang katabi ko, pati si Dos na kapareho kong may bahid ng green at puting pintura sa mukha. Tinawanan lang nila ako. Ang babae naman sa may kanan ko, binati ako’t naaliw daw sa energy ko.

 

“ANG GANDA NO’NG ISANG FLYER! BEST FRIEND KO ‘YAN!” buong puso kong sinigaw ‘yan, pero siempre, kung pwede lang maglagay ng parenthesis sa dialogue in real life, nilagyan ko na ‘yong part na ‘best friend ko ‘yan’, but oh, well.

 

At dahil nga ako lang ang naka-green na nagtatatalon sa section namin noong performance ng UP Pep, natutukan ako ng camera.

 

Nakakahiya.

 

Sure akong trending na ako sa Twitter pagkatapos ng gabing to.

 

And true enough, ‘di pa man tapos ang gabi, trending na ako.  

 

#whippedforUPPep

 

Gago, nakakahiya talaga.

 

At siempre, dahil panalo na naman ang Adamson, diretso naman akong changing room ng Pep Squad para hanapin si Joohyun.

 

Kailangan niya ako. Sigurado ako.

 

As always, tama ako. Agad siyang tumakbo at nagpakulong sa yakap ko pagkakita niya sa akin.

 

“You did well,” pag-amo ko sa kanya. Naramdaman ko naman siyang tumango sa bisig ko. “Labas tayo?”

 

Humiwalay siyang bahagya sa akin para matignan ako, “lalabas daw kami eh. Celebrate daw kahit paano.”

 

Tumango ako. Wala namang problema.

 

Or so I thought.

 

“Hyunnie.”

 

Napatingin kami pareho sa pinanggalingan ng boses, and to my surprise, bumungad sa akin ang isa sa mga nakita kong flyer kanina. Humiwalay nang tuluyan si Joohyun, at naramdaman ko naman agad ang paglamig ng bituka ko.

 

Kumaway ang naka-uniporme rin ng UP Pep sa amin at nang tawagin siya ni Joohyun, nahihiya itong lumapit.

 

“Seul, si Jisoo pala,” pagpapakilala ni Joohyun sa kasama.

 

Tinugunan ko naman ang pag-abot niya ng kamay, “hi! Kang Seulgi.”

 

“Kim Jisoo,” sagot ng obheto ng nararamdaman kong nagbabadyang masasakit na pitik sa mga ugat ng puso ko.

 

Napatango na lang ako.

 

“Maya na lang?” tanong ko kay Joohyun.

 

“Papahinga na muna ako mamaya. Bukas?” casual lang niyang naisagot.

 

Nilunok ko ang umaakyat na paninikip sa leeg ko, “sure, sure.”

 

 

 

//

 

 

 

Kung saan man sila nag-inuman, hindi ko na inalam.

 

Nakailang text sila Mama, bakit ko raw pinauwi mag-isa si Dos. Gusto ko mag-reply na si Dos naman nag-presenta na siya na uuwi para makapag-liwaliw raw kami ni Joohyun.

 

Ang hindi nila alam wala na akong gana na mag-type ng kahit isang letra sa phone ko. Ang hindi nila alam mag-isa ako sa sasakyan kong paikot-ikot sa Katipunan.

 

At bandang 2:00 AM, napaatras ako sa plano kong kumain ng sundae at fries sa McDo bago umuwi—

 

Dahil natanaw ko si Joohyun na suot ang jacket kong hindi niya na naibalik, kasama si Jisoo, at sa ibabaw ng lamesa sa pagitan nila, paubos na ang dalawang pagkaing dapat oorderin ko.

 

Akala ko magpapahinga ka?

 

Isang sandali lang ay mabagal na tinanggal ni Joohyun ang jacket ko.

 

Mabagal gaya ng pagbagal ng tibok ng puso ko.

 

Mabagal o sadyang bumagal mundo ko?

 

 

 

//

 

 

 

Sa gabing ‘yon, napuno ko sketchbook ko—pinuno ko ng mukha ni Joohyun hanggang sumakit na’t di na makagalaw mga kamay ko.

 

Sa gabing ‘yon, gumuhit din ako ng isang kuneho—isa lang—na may pakpak. Nilagay ko sa Instagram ko.

 

Nakatulog akong walang nag-like.

 

Nagising akong wala pa ring nag-like.

 

 

 

//

 

 

 

Dumaan ang mga araw at linggo, paunti ng paunti ang messages ni Joohyun.

 

Hindi ako umimik—as always.

 

Nilunok ko ng paulit-ulit ang pait—as always.

 

 

 

//

 

 

 

Sa mga simpleng tweet na smiley emoji ‘pag masama ang araw ko, wala akong natanggap na tawag. Wala na ring dumaan na Joohyun sa bahay.

 

Hindi ako umimik sa nakakapanibagong setup—

 

as always.

 

 

 

//

 

 

 

“Your grades are very unflattering lately, Uno.”

 

Isang mapait na agahan. Tahimik ang pamilya. Wala akong tugon.

 

Pinadaan kong mabigat ang araw. Hindi ko hinanap si Joohyun kahit gusto ko.

 

Hindi na rin ako nag-tweet—wala ring mangyayari eh.

 

Naghanap ako ng mapag-guguhitan sa kwarto ko dahil puno na ang sketchbook ko. Nakalimutan ko pa bumili. Nakita ko ang makapal na lumang reviewer na ginawa ko para kay Joohyun. Sa bawat bakanteng likuran ako nag-drawing.

 

Nag-drawing ako hanggang nabutas na ang papel kakadaan ng lapis sa bawat espasyong napatakan na ng mga luha ko.

 

Nag-drawing ako hanggang ‘di ko na kayang igalaw pa kamay ko.

 

 

 

//

 

 

 

Hours to twenty years old.

 

Nakipagkita siya.

 

Finally, nakipagkita siya.

 

Nakipagkita siya at napaka-simple ng text: meet me.

 

Simple lang din ang setup. Ako na pumunta sa kanya para hindi na siya bumiyahe. Nakaupo kami sa may hagdan sa likuran ng Quezon Hall, talikuran ng statwa ng Oblation, pagitan ng alas cinco’t alas cuatro; nakatalikod sa lumulubog na araw.

 

Simple lang pero bakit nakatanga na lang ako’t hindi makasagot nang sabihin niya sa akin na six months siyang mawawala para sa isang program for majors. Six months siyang nasa France—sa Université PSL (Paris Sciences & Lettres). Mamayang madaling araw ang alis niya.

 

Bakit ngayon mo lang sinabi?

 

Bakit wala akong alam?

 

“Six months?” napaka-simple ng naisagot ko. Ingat na ingat akong hindi niya mapansin ang panginginig ng boses ko.

 

Narinig ko ang malalim niyang paghinga. Hindi ko siya matignan.

 

“Wala ka nang sasabihin?” kung hindi ako nagkakamali, may diin sa tanong niya.

 

Gusto ko sumagot. Pero sa ilang libong araw na nasanay akong walang iniimik, sa ilang taong hindi ko natutunang ipaalam ang nararamdaman ko, hindi ako makasagot kahit gusto ko.

 

Hindi ako makapag-salita, hindi dahil ayaw ko—hindi ko lang talaga alam paano sabihin.

 

Bumilis paghinga ko. Panahon na ba para umimik ako?

 

Panahon na ba para magsalita ako? May karapatan din naman siguro ako magsalita kung isang beses ko lang gagawin? What is a second’s worth of jumping the fence? What is a second’s worth of selfishness?

 

Tumayo siyang bigla at hinablot ang bag niya.

 

Nataranta ako.

 

“S-saan ka pupunta?”

 

“Home,” simpleng, simple niyang sagot. Alam ko, hindi siya okay.

 

Kailangan niya ako. Kailangan niya ako. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko sa loob ng ilang saglit na meron ako bago siya tuluyang makalayo. Sinubukan kong lunukin ang pait para sa dahilang nakasanayan ko, pero nang mahawakan ko kamay niya’t humarap siya sa akin, naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

 

Magsasalita na ba ako?

 

“H-Hatid na kita, Hyun,” nailabas ko naman sa bibig ko habang pinupunasan luha kong ayaw tumigil. Nakakainis. Wala akong lusot dahil lampa man ang kamay niya sa pagkakahawak ko, halos tunawin niya naman ako sa ilalim ng titig niyang hindi ko mawari.

 

“Kaya kong umuwi mag-isa. Umuwi ka na. Ma-traffic.”

 

Isang mabagal at masakit na tibok ng puso ko ang naramdaman ko. Bumangga ng malakas sa dibdib ko.

 

“Hindi, okay lang—sige na, kunin ko lang sasakyan—”

 

“—wala ka talagang sasabihin pa?” tumaas ang boses niya, isang marahan pang tibok ng puso ko ang bumangga pang muli sa bakod ng dibdib kong malapit nang gumuho.

 

‘Magsalita ka, Seulgi,’ pagpilit ko sa sarili ko.

 

Tangina, magsalita ka.

 

Sumikip hawak ko sa kamay niya. Hindi pa ako tumatayo; hindi ako makatayo, kaya sa pagka-desperado ko, sinandal ko na lang noo ko sa kamay niya na tila nagmamakaawang intindihin niya ako—na kaya niyang basahin ang hindi ko kaya iimik.

 

“Magsalita ka.”

 

Mas mariin pa.

 

Simple. Wala nang pagtaas ng boses, pero mas tagos na ang hiwa sa dibdib ko. Dalawang simpleng salita mula sa kanya pero naramdaman kong nabasag na ang pag-awat ko sa sarili kong salamin na lang ang nirupok.

 

“Hyun, please—” humigpit pa nang humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya at tila isang bumukas na saplad, binasag na ng puso kong ilang taon nang nagmamakaawang lumabas sa harang.

 

Walang pagpipigil na sumama ang boses kong nanaghoy sa sakit kasama ng bawat hikbi.

 

“’Wag mo ako iiwan, please—” idinampi ko ang labi ko sa kamay niyang hawak ko pa, “—please.”

 

“Bakit?” matigas man ang labas nang tanong, nasilayan ko naman ang pag-limita niya sa pagpikit ng mga mata niya dahil na rin sa mga luhang nagbabadyang pumatak, “tell me why I shouldn’t leave.”

 

Umiling ako. Kaya ko ba sabihin?

 

Napailing na lang ako.

 

“Bakit?” ulit niya pa.

 

“Mahal kita,” hirap kong nailabas kasama ang hagulhol ko, lumabas sa pagitan ng mga mabibigat na hingang masikip ang daan palabas ng dibdib ko. “Mahal na mahal kita.”

 

Nagpakawala siya ng mapanuyang hininga. Nanigas ang kamay na hawak ko, at gamit ang kabilang kamay niya, pinwersa niyang tanggaling ang bawat daliring kumukulong sa pulso niya—tila tinatanggal pa-isa isa ang karapatan kong mahalin siya.

 

“You don’t,” ang pinaka-simpleng nasabi niya bago niya ako iwang tuluyan.

 

 

 

//

 

 

 

Binati na ako ng buwan sa langit hindi pa rin ako umaalis sa hagdan kung saan niya ako iniwan.

 

At nang kumonti ang naririnig kong tunog ng sasakyan, ni hindi ko magawang i-angat ang paningin ko sa presensya ng taong lumapit sa akin.

 

“She sent me,” si Jisoo. Alam ko. “Can you drive?”

 

Umiling ako habang nakabaon pa din ang mukha sa mga braso ko.

 

“Halika na. Ako na magmamaneho. Hahatid na kita.”

 

I let her.

 

 

 

//

 

 

 

Twenty years old.

 

Sa bahay na pinatulog ni Mama si Jisoo, dahil nga ayaw niyang pauwiin pa’t gabi na. Kaya kinabukasan, siya man ang huling taong gusto ko makita, siya naman nag-alok ng kape sa akin.

 

Hindi naman ako galing inom.

 

Hindi alak ang hang-over ko.

 

“Siguro hindi ako ang gusto mong makita o makausap, but I guess I won’t be getting another chance like this one,” panimula nito. “She talks about you a lot you know.”

 

Umupo ako mula sa pagkakalugmok ko sa kama at tinanggap na ang pa-kape ni Jisoo. Kinuha niya itong hudyat na handa akong makinig.

 

“Like an awful lot. Minsan nakakairita na.”

 

Nanahimik lang ako. My feelings may be out in the open, but that’s just it—bukas ang dibdib ko; hiwang-hiwa at mahapdi.

 

“Nag-message siya kagabi, asking how you were and if you got home. I assured her you did. Even sent a picture.”

 

Tumango ako, bilang respeto na lang at para hindi isipin ni Jisoo na monologue lang ang ending niya.

 

“Do you want to know something interesting?”

 

Ikaw na sana sumagot. Wala na akong lakas pa para sa rhetorics.

 

“She’s pretty good at hiding her feelings. Crazy good.”

 

Gaya ng marahang pasok ni Joohyun sa puso ko, marahan rin ang pag-akyat ng realization sa isip ko. Sa araw na nakilala ko siya, sa sandaling nahanap ko siyang tahimik na umiiyak mag-isa, doon pa lang naisip ko nang magaling siya magtago ng nararamdaman dahil tinapos niya ang track kahit napaka-sakit na ng paa niya.

 

“Alam ko, nalimutan ko lang—” ang tanga, tanga ko. Nalimutan ko dahil nagpalunod ako sa sarili kong pagtatago.

 

“Daldal no’n ‘pag ikaw ang topic,” dagdag ni Jisoo, “sabi niya ‘di ka raw kumplikado. Kapag malungkot ka, distraction lang kailangan mo, umookay ka rin agad.”

 

Gusto ko umiling at pumikit sa dami ng bumabalik na ala-ala: noong gabing umiiyak ako dahil sa exam results ko, ginamit niya pagka-pasa niya para hindi ako magmukmok, at lumabas pa kami no’n at siya nanlibre.

 

“’Yong jacket mo na La Salle? Pakiramdam ko ‘di niya na nalabhan ‘yon from the first time I saw her wearing it. Lagi niya pati suot. One night—I think CDC night ‘yon—sinita ko na siya kasi nangamoy na—”

 

That night sa McDo. Noong nakita ko silang magkasama ni Jisoo—

 

Nakapatay ang aircon pero nakaramdam ako ng panlalamig.

 

Ano ‘to? Ano lahat ‘to?

 

“—at sa totoo lang, I think that was the same night I gave her honest advice—” pagtuloy ni Jisoo, pagtuloy din naman ng panlalamig ko, “sabi ko sa kanya, it’s not worth jumping the fence for—someone who isn’t willing to jump with you—or at least catch you. I’m sorry, Seulgi.”

 

Ibinaba ni Jisoo ang tanaw niya sa mga kamay niya; ako naman ang nagtaas ng tingin sa pagka-gulantang.

 

“What?” mahinang lumabas sa bibig ko.

 

Napatingin si Jisoo sa akin na may pagtataka sa mukha, “ha? O bakit parang takang-taka ka?”

 

Napatawang bahagya at sarkastiko ang kausap ko bago niya ipagpatuloy ang pagtatanong, “didn’t you—like—low-key reject her?”

 

Reject?

 

Joohyun?

 

“What do you mean reject?” mariin kong tanong; umahon ang pinaghalong pagka-gulat, taranta at desperasyon sa boses ko.

 

“Seulgi—she confessed to you, and you ignored it—” habang mukhang nag-gugumahol na rin si Jisoo na maghanap ng maayos at concise na paliwanag, ‘di ko na rin mawari ang gusto kong unahin; ang alam ko lang gusto nang kumawala ng sakal na sakal kong puso.

 

Gusto ko sumigaw.

 

“I can never—for the life of me—reject Joohyun!”

 

“What do you mean? Seulgi, she wrote it down! A silly little note on the reviewer you made her, because she was sure you were bound to see it dahil nga—her words—pinagtitiyagaan mong i-check mga sagot niya—heck, akala mo K-Drama niyang ikwento ‘yang review sessions niyo. She said the day she was sure you felt the same way was at that same spot na lagi kayong nag-rereview?” nag-antay siya ng confirmation sa akin, at nang ‘di ako makasagot, dinagdagan niya pa, “Seulgi, she said you touched her face?”

 

Marahas na bumalik sa isip ko ang alaala ng isang sabaw na Joohyun na baliktad na ang librong hawak habang umoorder ako ng fries niya at sundae.

 

Kaya ba baliktad ‘yong libro? Because she was just as disoriented about feelings as I was?

 

Akala ko wala na akong pwedeng iiyak pa.

 

Nagmadali ako’t halos madapa nang tumayo ako at binuksan ang drawer ko. Nang matagpuan ko ang binder ng mga reviewer na ginawa kong sketchbook, marahas ko itong binuklat ng binuklat, and ironically, isang pahina ang pagitan mula sa huling drawing ko, natagpuan ko rin ang note—sulat kamay ni Joohyun—sa likuran ng papel;

 

In red ink:

 

I took a dive

for a hundred and a dime;

let her breathe in;

let her see silver boundlessly.

 

She gives me five

billions for tens of my lives;

lets me live sin

and good, only for being me.

 

-Wala, because today is special, dahil bukod sa ‘di na ako intimidated sa statistics, ikaw lang talaga ang dahilan para i-push ko sarili ko. Salamat sa pagtitiyaga mo, sa pagbibigay mo ng lahat-lahat mo, sa pagmamahal. I love you. Pangit mo, at masama ugali mo minsan, pero I love you. Higit pa sa higit ko. I’m bearing my heart to you and taking this dive, but know na wala akong hihinging kapalit kung wala kang gusto at hindi kumportable ibigay. Let me know soon?

 

Putangina.

 

Tangina, wala akong alam—

 

—hindi ko alam.

 

Sa pagkakatanda ko, hindi ko ginalaw ang reviewer niya noong gabing iyon dahil sa pagmumukmok ko sa desisyon kong hindi tumalon; dahil pinili kong nasa safe zone lang ako.

 

“Hindi ko alam,” kaluluwa ko na lang siguro ang umalis na sa katawan ko, dahil napakahina na ng boses ko nang lumabas ‘yan sa bibig ko.

 

Naramdaman ko ang kamay ni Jisoo na lumapat sa likuran ko.

 

“She thought—I thought—alam mo, and that you rejected her. She even casually texted you after drawing the million-dollar bunny to let you know na okay na sa kanya that you are unwilling to cross the line—”

 

Nalunod na rin siguro sa background at tuluyan ko nang nahayaan si Jisoo na mag-monologue na lang—nabibingi na rin ako eh;

 

Nabibingi ako ng bawat basag at biyak na unti-unting dumudurog sa puso ko. Kung nagsalita lang ako—kahit minsan—kahit minsan lang—things would have been different.

 

I left her out in the open.

 

I even let Dad jump on her noong dinner sa bahay that one time at wala akong ginawa—

 

All this time, all those years of keeping it in, akala ko ako ang selfless.

 

Diyos ko—hindi ako relihiyoso—pero, Diyos ko, please, please—

 

Tangina, take me back.

 

 

 

//

 

 

 

Kinagabihan ng pinakamabigat na araw ng buhay ko, wala akong na-drawing;

 

Kahit isang guhit;

 

Kahit isang tuldok.

 

Wala rin akong maidagdag sa Instagram ko na kahit na ano.

 

 

 

//

 

 

 

Sinubukan ko siya kausapin sa social media niya, pero naka-block na ako sa lahat—

 

—sa isip ko? Maybe I deserve it.

 

Dahil napaka-duwag ko. Napaka-makasarili ko.

 

At sa unang beses na pagkakataon sa buhay ko, buong-buo ang pagtanggap ko sa pananahimik ko. She deserves to heal from me.

 

 

 

//

 

 

 

“Uno, is something wrong at school?”

 

 

 

//

 

 

 

“Uno, anong nangyayari sa grades mo?”

 

 

 

//

 

 

 

Tangina ng grades. Tangina ng mundo.

 

 

 

//

 

 

 

“Uno, are you even listening—”

 

 

 

//

 

 

 

“Seulgi, anak, may gusto ka bang sabihin sa amin ng Daddy mo? May problema ba?”

 

“Wala, Ma.”

 

 

//

 

 

 

Bagong setup: pasok sa school, umandar na kunwari gusto ko ‘tong ginagawa ko, uwi, paminsang kain, tapos tulog.

 

Magaling naman ako tumanggap at magpaandar ng toxic na setup, bakit ‘di ko pa lubos-lubusin?

 

 

 

//

 

 

 

Siempre, hindi hahayaan ni Dad dahil pakialamero lang talaga siyang tunay.

 

Isang araw na umuwi ako, natagpuan ko siya sa kwarto kong hawak ang sketchbook ko, at ‘yong reviewer ni Joohyun nakabuklat sa table ko.

 

Tangina.

 

Binato ko ang bag ko sa kama ko, dahilan ng pagharap ni Dad sa akin, at sa sandaling nagulat siya sa presensya ko, inagaw ko ang sketchbook ko sa kanya.

 

“Alam ko pakialamero ka, but who gave you the right to invade my privacy?”

 

Sa tanang buhay naming mag-anak, ito na ang unang pagkakataong binuksan ko bibig ko, ito na rin ang unang pagkakataong nagpakita ako ng kahit anong uri ng galit kay Dad.

 

Nagulat siguro siya? Nabastusan? Ewan.

 

“And who gave you the right to talk back?”

 

Napakaingay ng buong gabi ko. Pumasok si Mama sa kwarto nang marinig niya si Dad na nagsisigaw, si Tres at Dos, dumating na rin para umawat.

 

Minsan niyo na lang marinig boses ko, akala mo hinagupit ng ipo-ipo ang bahay.

 

I walked out of everything, and drove the around—

 

 

 

//

 

 

 

Dinala ako ng kung anumang natira sa puso ko sa Katipunan.

 

“The usual po?” tanong ni ate sa akin sa McDo.

 

Tumango ako.

 

Nang ilapag niya order ko sa harap ko, caramel fudge sundae ang nakita ko.

 

“Ako na po bahala, ‘wag niyo na bayaran, baka lang gusto mo ng change.”

 

Change daw?

 

Sinimulan ko ang change sa hindi ko pag-upo sa usual spot namin ni Joohyun.

 

 

 

//

 

 

 

Gusto ko nga ng change.

 

Gusto ko na huminga.

 

Kaya naman isang araw, dumiretso ako sa kwarto ko like usual, ang pinakaiba lang: una, wala akong binating kahit isang kaluluwa sa salas kahit lahat sila nakatingin sa akin; perfect naman sila na wala ako, pangalawa, may bitbit akong canvas.

 

Kung wala akong maiguhit, baka may maipinta naman ako.

 

 

 

//

 

 

 

Mali ako.

 

Dahil lumubog na lang ang araw at binati ako ng mapanuyang buwan pero wala akong kahit isang maayos na painting na natapos.

 

Ano bang alam ko sa kulay?

 

Wala akong alam sa kulay.

 

Padabog kong binato ang paintbrush ko, kaya naman tumama ito sa isang bote ng pintura at kumalat ito sa table ko.

 

Baka tama lang si Dad na hindi niya ako pinag-pursue ng arts.

 

Narinig ko na’t naramdaman ang mabilis na paghinga ko. Kahit siguro sistema ko napapagod na rin at umay na sa akin. Baka nga hindi ko na nasarhan pa ulit ang nauka kong dibdib.

 

Next thing I know, marahas kong tinanggal sa easel ang attempt kong mag-pinta at binato ito sa bintana ko. Sa bagong butas sa salamin nito, pinasunod ko na rin lahat ng binili kong bote at lata ng pintura.

 

Siguro sa ingay na rin, hindi ko na napansin ang pintuan ng kwarto kong nagbukas, at ang pagpasok ng pamilya kong inawat ako.

 

Kinulong ako ni Mama sa yakap niya na tinakpan pang muli ng init ni Dos at Tres. Sa unang pagkakataon, hinayaan kong manghina ako sa proteksyon nila.

 

At si Dad?

 

Sunod kong naramdaman ang kamay niyang dahan-dahang nilagay ang pamilyar na bagay sa palad ko. Gamit ang isa niyang kamay, isa-isa niyang isinara ang mga daliri ko para hawakan ito ng maige. Dinilat ko ang mga mata ko—paint brush.

 

Si Dad na ang naglagay ng paint brush sa kamay ko, at sa unang pagkakataon, hinayaan kong makita ng pamilya ko ang basag sa kaluluwa ko.

 

 

 

//

 

 

 

“Ate? Bakit puro kuneho pinipinta mo?”

 

Tinignan ko na lang ng masama si Tres.

 

Walang basagan ng trip.

 

 

 

//

 

 

“Uno, may art contest next month ah. Gusto mo sumali?”

 

Tatay ko talaga, kahit kailan—napaka-competitive.

 

“Anong theme?” tanong ko naman, mas madali namang magsalita nitong mga nakaraang linggo.

 

“Eh, Pebrero, anak. Baka love.”

 

Yaks. Kadiri—

 

“Kahit pa rainbow i-pinta mo kung mananalo naman—”

 

Hm. Sapaw pa sa character development ‘tong si Dad. Naunahan pa ako.

 

 

 

//

 

 

 

No, hindi bahaghari ang ipininta ko pero malapit-lapit na—ang taong nagbigay ng kulay sa bawat araw ko, ang dahilan kung bakit ‘di ko iniwan ang pag-guhit, ang dahilan kung bakit naitulak ko na ang sarili kong magbukas.

 

Hindi rin kuneho, kundi siya—siyang thirteen years old na natakbo papuntang finish line; siya na may benda na sa paa, tumakbo pa din.

 

Love is bravery, too.

 

Love is determination, too.

 

Kaya naman nang manalo ako, kumpleto na kami ng pamilya sa picture. Binigay ni Dad ang camera (na dati ako lagi ang may hawak) sa isang random na lalaki. Sinita-sita pa niya ito na ayusin ang shot dahil first picture ko raw ito sa wall of achievements namin.

 

“Brad, konting taas ng kamay.”

 

“Brad, ‘yong focus—baka naka-defocus ‘yan ah.”

 

“Brad, tignan mo kung naka-auto focus. Iniiwan kasi ‘yan ng anak ko sa manual. Creative kasi ‘to.”

 

Pagkatapos ng halos isang milyong shots siguro ni Kuya Random, simple lang ang sinabi niya kay Dad, “matuto na po siguro kayong mag-selfie—”

 

Dinagdagan pa niya ito ng:

 

“By the way, I am judge number three.”

 

Siya lang naman nagbigay ng pinakamataas na score sa akin, apparently.

 

Hay naku, Dad.

 

 

 

//

 

 

 

Siguro sa isang punto naalala ko ulit magbilang ng araw, kasama ng bawat ngiti na bukas ko nang inaalok sa pamilya ko sa agahan, tanghalian at hapunan.

 

Kaya naman natigilan ako ng mapansin ko ang mapulang ekis sa nag-iisang kalendaryo sa refrigerator namin.

 

Ngayon ang uwi ni Joohyun.

 

“Ano? Hatid kita sa kanila?” tanong ni Dos na lumitaw na lang sa tabi ko. Napaikot ako’t lumingon. Nakaabang naman si Mama, Dad at Tres sa may pintuan ng kusina.

 

Nakakahiya naman kung full support kayo’t chumuwariwap pa sa likod ko ‘pag nagpakita ako sa kanya ngayon.

 

But yes, hahakbang na ako. Kahit isang libo pa kung papunta naman sa kanya.

 

 

 

//

 

 

 

Sabi naman ni Jisoo sa akin willing tumanggap ng bisita si Joohyun, at hinatid nga ako ng buong pamilya kong naka-abang ngayon sa sasakyan. Mga ulol. Nakakahiya. Kahit anong pag-bugaw ko sa kanila, ayaw naman nila umalis.

 

Para akong baby ngayon na inaalalayan nila sa bawat hakbang.

 

Lumingon akong isa pang beses sa kanila, tila humihingi ng lakas ng loob. Sabay sabay naman silang nagbigay ng gesture of motivation—si Dad at Mama, thumbs up, si Dos naman at Tres, finger hearts.

 

Yaks.

 

Pero pwede na.

 

Huminga ako ng malalim, hagod hanggang kaluluwa, at ginamit ang kamay kong walang hawak na bouquet ng puting mga rosas at malaking flat at kwadradong regalo para patunugin ang doorbell ng mga Bae.

 

Sino po sila?

 

Boses ni Yerim ang bumulagta sa speaker ng buzzer sa gate nila.

 

“Uh, Yerim,” todo pigil kong hindi magkamot na lang ng batok at umatras na lang, “andiyan ate mo?”

 

Ate Seulgi? May bahid ng gulat sa boses niya. Oo, naandito.

 

“Ah, eh, may i-aabot lang ako.”

 

Saglit, ‘Te.

 

Tumunog ulit ang buzzer, at maya-maya lang, lumuwag ang pinto ng gate nang mapakawalan ito ng automated na lock.

 

Hindi ako makahinga, pero mariin kong ibinaon ang mga paa ko sa kongkretong lupa.

 

May narinig akong mga hakbang sa kabilang banda ng bakod.

 

Sabi nila, "it takes a second to jump over the fence between what's normal and what is uncertain". Habang pinagpapawisan ako sa kada papalapit na tunog ng mga hakbang ni Joohyun, dalawang malinaw na bagay ang pilit kong itinanim sa isip ko:

 

Una, hindi ordinaryong bakod ang meron kami ni Joohyun. Gaya ng bakod ng bahay nila, matibay ‘to—pinatibay na ng ilang taong pagkakaibigan. Pangalawa, automated ‘to, isang pindutan lang ang magbubukas ng lahat para sa aming pareho—at siya ‘yon. Nasakanya na kung pababalikin niya pa ako sa buhay niya.

 

Isang hakbang lang din ang kailangan ko ‘pag binuksan niya ito at inimbitahan ako pumasok.

 

Pero sa pagka-dismaya ko—

 

Hindi niya ako pinapasok.

 

Mukha siyang jetlag pa, walang gaanong ayos—nakapusod ang buhok niya’t nasa ibabaw ng ulo niya ang bun, at medyo malalim pa eyebags niya, pero mas maganda pa siya sa huling pagkakataong naaalala ko siya. Kahit anong imahe niya sa utak ko, kahit pa bahagya lang ang kita ko sa kanya dahil bahagya lang ang bukas niya ng gate, napakaganda niya pa rin.

 

“Pwede ba tayo mag-usap?”

 

Nakita ko ang pag-aalanganin sa mukha niya.

 

Please, buksan mo.

 

Halos isang minuto rin ang dumaan bago siya mag-desisyon, pero siya ang lumabas ng gate. Hindi ko alam anong pwedeng ibig sabihin no’n, pero sapat nang pinagbigyan niya ako.

 

Naka-hoodie lang siya na grey at pajamas, ‘di ko na napigilan ang biglang pagtaba ng puso ko. Kahit siguro trash bag ang sinuot niya, siya pa rin ang pinaka-magandang nilalang na nasilayan ko. Lalo lang akong ninerbyos.

 

“Hi,” panimula ko.

 

“Hi.”

 

Ayun lang. Hindi ko pinlano ‘to. Nakikita ko na si Dad na naka-facepalm.

 

Taranta kong inabot ang bouquet rosas sa kanya, “para sa ‘yo pala.”

 

Kahit kaunti, nakakita naman ako ng ngiti sa labi niya, “corny mo, ah. Puti?”

 

Nabawasan kaba ko.

 

“Choosy ka pa? Wala na silang pangkulay ng pekeng pulang rosas, kaya puti na lang nabigay nila sa akin.”

 

Tinignan niya ako ng masama, dapat siguro matakot ako pero hindi. Ako lang siguro ang taong iirapan niya pero magdidiwang pa ako. Naluha na ako ng kaunti, pero huminga ako ng malalim at pinigilan ko.

 

Inabot ko na rin sa kanya ang nakabalot na regalo ko, tutal tinitignan na rin naman niya.

 

“Ano ‘to?” tanong niya habang maingat itong tinanggap.

 

“Buksan mo.”

 

Puno ng pagdududa niya akong tinignan kahit gumalaw na ang mga kamay niya para simulang buksan ang munting regalo ko, “’pag ito ikakagulat ko, Seul, ah. Tangina lang.”

 

Natawa ako at hinintay na lubos niyang matanggal ang puting papel na balot. Nakatalikod sa kanya ang painting na kanina lang ay nakatago sa pisikal na anyo ng pag-aalangan ko, kaya naman inikot niya ito at hinarap sa kanya para kilatisin.

 

Hindi ko mabasa ang laman ng mga mata niya.

 

“Seulgi—”

 

“—Hyun,” napalunok ako, “alam ko nasaktan kita. Hindi excuse na hindi ko alam. Hindi excuse na tatanga-tanga ako, dahil kahit anong baliktad ko sa nangyari, duwag pa rin ako at ‘yon ang dahilan kaya nasaktan kita—”

 

Tinantiya ko siya—siya na hindi pa rin ako tinitignan, siya na ang mga mata patuloy na naglakbay sa ipininta kong anyo niyang thirteen year-old runner; ang inspirasyon ko sa lahat.

 

Nang wala akong marinig ko makitang bago sa kanya, dinagdagan ko.

 

“Mahal kita, dapat naging sapat ‘yon para magsalita ako. I was selfish; sarili ko lang inisip ko. Hindi ako humakbang kasi natakot ako na ‘pag nawala ka sa akin, wala nang pwede pang makapagpasaya pa sa akin. Ginawa kong excuse na kailangan mo ako—”

 

Finally, tumingin na siya sa akin, at sa takot ko lang, nakakita ako ng lungkot sa mga mata niya.

 

“—Seul,” biglang antala niya sa monologue ko, lalo lang bumaon sa sikmura ko ang puso ko, “what if I told you I have someone?”

 

Natigilan ako.

 

Hinayaan ko munang malunok o ng maayos ang pagsisisi at sakit.

 

Tumango na lang ako. “I guess, I should have asked first, huh? It’s okay—you can keep the painting, Joohyun.”

 

Nakita ko siyang gumalaw nang patalikod na ako, ‘di ko na inalam kung para saan dahil hindi ko kaya magtagal sa harap niya—

 

—pero bago pa ako tuluyang makahakbang palayo sa kanya, nakaramdam ako ng bagay na matigas na tumama sa likod ng ulo ko, at nakita ko rin sa may sasakyan ang gulat sa mukha ng pamilya ko.

 

Mabilis akong lumingon pabalik kay Joohyun. Nadaanan ng mata ko ang isang pares ng tsinelas niyang pink na binato niya pala sa ulo ko.

 

“Aray, bakit?” tumaas boses ko. Umurong luha ko sa gulat ko.

 

Tinapatan naman niya habang binababa painting ko, “tanga! Sabi ko lang ‘what if’, hindi ko sinabing meron! Napaka-tanga mo! Tini-testing ko kung totoo na ‘yang bravery kinemer mo o kung speech lang ‘yan!’

 

“Test? Ano ‘to? Entrance exam?” galit na rin talaga akong naningil ng sagot.

 

“Oo, at bagsak ka! Nag-inarte lang ako ng kaunti atras ka naman kaagad!”

 

“Wow! Eh, kung maayos mo akong kinakausap?”

 

“Maayos! Maayos? Paano kita kakausapin ng maayos kung nauuna self-pity mo at ‘yang defeatist attitude mo? Tapos magpapakita ka pa kung kailan wala akong kaayos-ayos! Walang tulog! Sana naman pinagpa-bukas mo para kahit paano nakapagpaganda akong kaun—”

 

Oh, for the love of everything—

 

Hinablot ko siya sa batok niya’t hinalikan na lang.

 

Ang daldal. Manahimik ka na.

 

Nagulat siya, pero unti-unti, naramdaman ko siyang nag-relax at nilagay ang parehong kamay niya sa magkabilang balikat ko. At nang maghiwalay kami, sinita niya ako, “papaalam ka bago mo ako halikan next time.”

 

Tumango ako habang magkadikit pa ang mga noo namin, “pwede isa pa?”

 

Napangiti siya, bahagya pa lang ang naramdaman ko sa itatango sana niya nang may marinig kami sa gawing likuran ko:

 

“Good job, anak!”

 

Dad, alam kong pinakaaasam kong marinig sa ‘yo ‘yan, pero bakit naman ngayon pa?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
electricindigo #1
Chapter 1: napakacute !
iana013
#2
Chapter 1: bakit ngayon ko lang nkita tong story n to, this is gold! rollercoaster of emotion umiyak ako at tumawa legit 👍👍👍 love it... babalik balikan
iana013
#3
Chapter 1: ung tatay mo di marunong ng read the room kineme 😂😂
_m3owrene
#4
Nakakamiss ung story na to hehe
rilakchaerin91
#5
Chapter 1: Feeling ko isa sa mga dahilan kaya naging matapang na si Seulgi ay dahil sa wakas na pag tanggap at pag suporta sakanya ng kanyang dad, it's good to read na pati Dad ni Seulgi dito ay may character development din.
alexis_keithh
#6
Chapter 1: kakiligggg 🤧
ZERO2_ZERO
#7
The best talaga to 👍🏼👍🏼👍🏼👍🏼
taexx_ss
#8
Chapter 1: iyak muna bago tumawa parang tanga hayyy
RVSone0105
894 streak #9
Chapter 1: Reread this dahil gusto kong mag lunch ng fluff 😌😌
its_aaarrriii
43 streak #10
Chapter 1: AAAAAAHHHHHHH THE BEST TALAGAAAA