Walang Jowa

Tutubi (Dragonfly)
Please log in to read the full chapter

 

“Uy tara let’s cut,” yaya ni Sakura sa katabi niya na si Chaeyeon. Tinignan lamang siya ni Chaeyeon ng masama at umismid. Hindi alam ni Sakura kung saan niya na-offend si Chaeyeon at hinintay niya nalang ito matapos magsulat.

 

“Luh, bakit ka galit?” Mahinang tanong ni Sakura habang nagsasara ng bag si Chaeyeon. Pero hindi pa rin siya pinapansin ni Chaeyeon kaya kinabahan na si Sakura. Tinapik niya ito sa braso ng malumanay at binalik niya lang ang kanyang kamay noong tumingin na nang nagtatanong si Chaeyeon.

 

“...Hindi bagay sa’yo magtampo, ‘lam mo yon?”

 

Inirapan nalang siya ni Chaeyeon, “Ang hirap talaga magpabebe sa pabebe!”

 

“Hoy!”

 

“Oh bakit pabebe ka naman talaga. Ikaw palagi sinusuyo!”

 

“Ewan ko sa’yo,” ani ni Sakura habang tumayo. “Tara let’s eat. My treat.”

 

“Hmm tempting,” sabi ni Chaeyeon. “Pero Saku-chan, I still have lots of activities to finish before natin ipapasa kay sir bukas. Hindi kasi lahat nabiyayaan ng big brains like you.”

 

“Eh bakit kasi Accountancy pinili mo?”

 

Nanahimik si Chaeyeon at may kutob si Sakura na na-offend niya na talaga nang tuluyan tong kaibigan niya. “Look-“

 

“Because it’s what my parents want for me...and I can’t disobey them.”

 

“...I’m sorry Chae...hindi ko-“

 

Pero hindi niya natapos ang kanyang apology dahil bigla nalang tumayo at nginitian siya ng kanyang Kaibigan at tumawa ng napakalakas. “Umay na ko kakabalanse beshie, saan mo ba ako ililibre? Hehe”

 

 

Natapos na at lahat lahat at nakabalik na rin si Sakura sa kanyang dorm. Hinay-hinay niyang binuksan ang pinto para hindi gambalain ang isa pang kamasa niya sa kwarto dahil late na rin siya naka-uwi. Ang dami pa kasing ginawang katarantaduhan ni Chaeyeon, nakipaglandian pa sa kabilang table kaya ayan hindi na nila natapos ang pagtuturo sakanya ni Sakura pero nagwagi naman siya at may nakuha siyang number.

 

Bahala siya kung wala siyang maipasa bukas sa kanilang prof.

 

Nakapasok na si Sakura sa kanyang kwarto na may marinig siyang umighim. Napalunok nalang siya at tinignan at nginitian ang kanyang senior high na roommate.

 

“Kaya ka hindi tumatangka

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Chapter 1: oh, i'm hooked, i'm hooked! :D