BS Org

Tutubi (Dragonfly)
Please log in to read the full chapter

 

“Ha? Bakit ang dami mo namang sasalihan?” Tugon ng kasama ni Sakura ngayon sa kanilang silid aralan habang sila ay naka-tambay lamang dahil hindi pumasok ang kanilang prof.

 

Si Sakura, isang self-proclaimed gamer daw, tinaasan lamang ng isang kilay ang kanyang mabilis na naging close na kaibigan na si Chaeyeon. “Syempre kaylangan ko sumali sa Gamers League, pati na rin sa IZ*Otaku and sa Hakata Organization kasi taga doon ako bes.”

 

“Tsaka...malalagot ako kay Nako pag hindi ako sumali,” mahinang tugon pa nito sa sarili. “Baka matandyakan pa ako ni Sasshi, awit lang.”

 

“Wow, napapa BS Org ka na ngayon ha Saku-chan? Eh freshmen pa nga lang tayo aligaga ka na dyan. Sige ka, baka hindi ka makasali sa Dean’s List ng Accountancy.” pag-aalala ni Chaeyeon dahil sya rin ay kinakabahan at alam kasi niyang mga terror ang kanilang profs sa program na pinili nilang pasukan.

 

“Taena mo Chae, wag mo sabihin yan baka maudlot!” Hinampas ng mahina ni Sakura ang balikat ni Chaeyeon sabay tawa. Sinabayan naman ito ni Chaeyeon habang nagb-browse sya sa kanilang University Website para tignan muli ang listahan ng University-wide Organizations na pwede nilang salihan.

 

“Ay ito tignan mo babae,” muntikan nang isubsob ni Chaeyeon ang kanyang phone sa pagmumukha ni Sakura na ikinainis naman nung isa. “Tara sali tayo dito, Produce Org, nakita ko isa sila sa mga pinaka-kilalang organizations sa university and pag nakasali ka daw dito eh malaki ang impact daw nito sa CV natin...”

 

“Gaga ka ba Chae, ikaw na nga nagsabi na BS Org na ako tapos gusto mo pang sumali pa ako sa isa pa?”

 

“Eh ganun nga beshie dahil ang dami mo nang sinalihan I think there’s still some room for one more, right?” 

 

“You’re impossible.”

 

“Yie! Mahal mo naman ako, sige na!!”

 

“Ew wag ka nga magpa cute, di kita type.”

 

“Ay oo nga, type mo yung mga Visual types eh yung mga dyosa ang kagandahan yung kagaya ni Irene Bae diba?”

 

Doon lamang natanggal ang atensyon ni Sakura sa kanyang paglalaro ng Wild Rift at tinignan ang kanyang kaibigan with matching wide eyes and a disbelief expression. “Kilala mo si Irene!??”

 

“Tanga ka ba bhie, ayan ang bungad mo sakin nung una tayo nagkakilala. Sabi mo pa sa’kin, ‘may crush ka ba dito? Crush ko si Irene from Political Science walang aagaw ah akin yun!’ Oh ano Saku-chan naalala mo na? And FYI kaya ko nabanggit bebeloves mo kasi EB sya ng Produce Org.”

 

Biglang kinabahan si Sakura at dali-daling kinuha ang phone ni Chaeyeon sa kamay nito para siya na daw magbabasa. “Hoy akin na yan!”

 

“Gago potaena,” mahinang pagkabigkas ni Sakura nung nakita niya ang picture ni Irene sa page ng Produce Org. Bigla itong napabuntong hininga at tinignan lamang niya si Chaeyeon ng seryoso.

 

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Chapter 1: oh, i'm hooked, i'm hooked! :D